Chapter 11: Isla

CELYN'S POV:

--

NANGGAGALAITING umuwi ako sa bahay ng mag-isa dahil sa eksenang nangyari sa elevator kanina. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy na hindi ko naipasa ang audition sa malaking project na yun.

That would be my scaping goat for this nonsense modelling career in my life but they all ruined because of that guy - Calvin De Chavez!

"Arrrgh!" impit na sigaw ko nang makapasok ako sa sariling kwarto at pabalibag na tinapon ang shoulder bag na dala ko.

Naiinis talaga ako dahil unang-una, he stole my first kiss, he rejected my auditioned and now I don't know what to do anymore.

Cancelled lahat ng appointments ko dahil sure ako na makukuha ko ang role but because of that guy everything went washed away.

Pabagsak na dumapa ako sa kama at napatili ng sobrang lakas sa ibabaw ng unan ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy ang resulta ng audition nang hindi man lang ako nakapag-perform sa script na binigay nila sa akin.

Hindi yata talaga para sa akin ang pag-aartista. Masyado na akong napapagod sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko.

Napabuntong-hininga ako bago muling bumangon sa kama ko at nagdesisyong pumunta sa parke. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.

Makalipas ang ilang minuto, narating ko ang parke na malapit sa subdivision namin at umupo ako sa isang swing. Papalubog na ang araw at unti-unti nang sumisindi ang ilaw sa bawat street lights dito sa lugar.

I heave a deep sigh as I slowly swaying the swing.

"Ang lalim naman po nun."

Naiangat ko ang aking paningin at tumambad sa akin ang bulto ng isang batang babae at may yakap itong teddy bear habang naka tingin sa akin.

"Huh?" wala sa sariling tanong ko sa bata.

"Sabi ko po ang ganda ninyo." balik na sagot naman nito.

Napangiti ako sa tinuran ng bata bago ko itinigil ang pag swing at ginulo ko ang buhok nito.

"Wala ka bang kasama? Na saan ang parents mo?"

Nagkibit-balikat ang bata bago ito lumapit sa swing na nasa tabi ko at naupo doon.

"Busy po sila pareho." aniya.

"Hindi ka ba hahanapin sa bahay ninyo?"

"May mga bagay po na may mas inuuna ang matatanda kaysa sa kapakanan ng sarili nilang anak."

Napakunot ang noo ko sa matalinghagang kataga na binitawan ng batang babae.

"My name is Isla. I have a COPD. Almost a year na po akong nakatira sa ospital to cure myself. All I want is to play with my friends until my heart content but this illness won't allow me."

Nagulat ako sa sinabi ng bata nang mapansin ko ang mabibigat na paghinga nito. She looks healthy outside but her eyes tells me everything... she's running out of time.

Chronic obstructive pulmonary disease (COPD) is a long-term, progressive lung disease that make trusted source breathing difficult. Chronic bronchitis and emphysema are types of COPD.

"Then why are you here alone?"

Tumingin sa kawalan ang bata at mahigpit na niyakap ang teddy bear.

"Doctor says they don't have time to cure me since my parents already gave up on me. They already got divorced while I am still in the ospital fighting my own life."

"Why are you saying this to me?"

"Kasi po I know your pain. Yung tipong gusto niyo pong kumawala sa isang bagay pero ang tadhana mismo ang ayaw. I want to grow up like an adult and do whatever I want but this illness won't allow me. Also I don't have any friends to talk to. Tumakas lang po ako sa ospital."

Ramdam ko ang hinanakit sa boses ni Isla. I think she's 8 or 9 years old but she already knows what is kind of the world around her.

Nagbuntong-hininga lang ako mukhang makakakuha pa ako ng babantayang bata.

Napakamot ako sa batok ko at hinarap si Isla.

"Isla delikado ang ginagawa mo. Gusto mo bang samahan kita pabalik ng ospital?"

Napayuko si Isla at mariin itong umiling. "Ayaw ko na pong bumalik sa ospital since I don't have any friends po. All of them are telling me to drink those different kind of medicine which I don't understand why should I take them if my life span is too short."

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Lahat ng bagay may solusyon. Those people in the hospital are helping you to get you better."

"Dito na lang po ako. My Dad's men will find me anyway."

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Isla at ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga ng hawakan ko ito sa balikat niya.

"Ganito na lang Isla ha? You can tell me whatever you want, sasamahan kita. By the way my name is Celyn Alarie, you can call me Ate Celyn."

"I know your name po. You are an artist and a model po diba? I saw one of your picture in a magazine when one of the nurses took care of me brought them inside my room."

Napangiwi ako.

Bata ba talaga tu o mukhang bata lang?

I clear my throat and smiled.

"Those magazine are not meant for the kids like you."

"I am already 12 years old po and you are my idol."

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Isla.

"A.. anyway, mahilig ka ba talagang lumapit sa mga taong hindi mo kilala?" nauutal na tanong ko rito.

Isla shook her head. "Hindi po. Nagkataon lang po na nakita po kita dito sa park kaya nilapitan po kita and hindi naman po ako nagkamali na ikaw po yung model na nakita ko sa magazine."

"Paano kung masamang tao pala ako?"

"Base po sa pagbuntong-hininga ninyo, mukhang pasan niyo po ang mundo and I know you are a good person po."

Napapailing na lamang ako sa tinuran ni Isla. "Halika na bago ka pa maubusan ng hininga, ibabalik na kita sa ospital."

Sa kabutihang palad sumang-ayon si Isla na ibalik ko siya sa ospital. Ngayon ko lang napagtanto na hindi gaanong kabigat ang pinagdadaanan ko kaysa sa buhay ni Isla na pilit niyang ipinaglalaban.

Pagkarating namin sa mismong kwarto ni Isla ay agad itong sumampa sa kama at tumingin sa akin.

"Ate Celyn pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"

Kumunot ang noo ko. "Ano yun?"

"Pwede po bang samahan niyo ako bukas para sa medication ko? If you're not busy po pero kung may gagawin ka po okay lang naman. I can do it alone po."

Nahabag ako ng lumukob ang lungkot sa mga mata ni Isla.

I pat Isla's head and smiled at her. "Oo naman. Sasamahan kita hanggang sa gumaling ka kung yun ang gusto mo."

"Talaga po?" bakas sa mukha ni Isla ang tuwa sa sinabi ko.

"Oo naman. Iiwan ko ang contact number ko sa nurse na nag-aalaga sayo to keep me updated. Okay lang ba?"

Nakangiting nilisan ko ang ospital matapos naming mag-usap ni Isla at yung nurse na nag-aalaga sa kanya na si Ate Mylene.

Pagkarating ko sa bahay nagulat ako ng makita ko si Mommy na nakaabang sa pintuan ng bahay namin.

Napangiwi ako.

"Hi, Ma." kabadong bati kay Mommy bago humalik sa pisngi nito.

"Saan ka ba nanggaling? Bakit mo ako iniwan sa CDC?" seryosong wika nito nang hindi man lang nag-abala na papasukin ako sa loob ng bahay.

Napakamot ako sa batok ko. "K.. kasi Mommy hindi naman po ako natanggap eh." matapang na sagot ko kahit na gabutil na ang pawis sa noo ko.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina dahil sa kahihiyan na natamasa ko mula sa mga kamay ni Calvin De Chavez.

"What?" nanlilisik ang mga ni Mommy habang nakatingin ito sa akin.

"Hindi talaga para sa akin ang magkaroon ng agency Ma, huwag na nating ipilit." nag-crack ang boses ko sa pagpipigil ng iyak.

Sobrang pagod na ako from physical to mental at hindi ako handa na harapin ang hagupit na galit ni Mommy.

"Paanong hindi ka matatanggap kung ipinadala dito kanina ang script para sa main lead ng movie?"

Laglag ang panga ko ng tumambad sa mukha ko ang makapal na papel kung saan naroon nakasulat ang eksena ng movie at nakaukit dito ang titulong 'Sky Fall'.

Dahan-dahan kong inabot ang script na hawak ni Mommy at tinignan yun. Legit nga na script ng Sky Fall ang laman ng papel na hawak ko.

Tumingin ako kay Mommy and this time she's smiling at me. She's really happy that finally I got the main role where all the legends artists are in it.

"Mommy." niyakap ko si Mommy at umiyak sa balikat nito.

"I told you I won't give up until we get what we want, right?"

Tumango na lang ako bilang tugon sa sinabi ni Mommy. I can't believe na makukuha ko pa rin ang main role kahit na pinahiya ako ni Calvin kanina.

Nakahinga ako ng maluwag sa balitang hinatid ni Mommy. Both of us have a wonderful dinner inside our house. I set aside all my worries and enjoy our dinner as we spent the night together.

Kinabukasan ay agad akong pumunta sa L. A Hospital kung saan naka-admit si Isla. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang tinatahak ko ang pasilyo patungo sa kwartong inuukopa ni Isla.

May mga pasyente rin akong nakakasalubong at iba sa kanila ay nagtataka kung sino ako pero hindi ko sila pinansin.

Room 403 Isla De Guzman

Ang maliit na plate kung saan nakaukit ang pangalan ni Isla ang siyang bumungad sa akin sa pintuan kaya naman kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto.

Bumulaga sa akin ang bulto ni Isla na nasa kama habang nilalaro ang teddy bear nito nang mapansin ako matapos kong maisara ang pinto.

"Ate Celyn!" impit na sigaw nito bago nagmamadaling bumaba sa kama nito at sinalubong ako ng yakap.

"Isla hinay hinay naman." saway ng nurse ni Isla. Hindi siya yung nurse na nag-aalaga mismo kay Isla.

"Okay lang po." sabi ko bago tumingin kay Isla at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Alam kong masaya ka na makita ako pero huwag mong gagawin yun at baka kung anong mangyari sayo."

"Sorry po, Ate. Masaya lang po ako kasi hindi niyo po ako binigo." sagot naman ni Isla.

"Pwede ba naman yun? Promise or not I will make time for you 'cause we are friends, right?"

Muli akong dinamba ni Isla ng yakap at natawa naman ako sa reaksyon niya. Matapos ang nakabagbag damdaming tagpo naming dalawa ay iginiya ko na si Isla pabalik sa kama nito.

Mamaya ay sasabak ulit siya sa tangke ng oxygen for her stable breathing. Siguro naexpose siya masyado sa tobacco or something na may kinalaman sa yosi.

Her case is not curable pero pilit siyang lumalaban sa kanyang sakit.

"Siya nga pala Isla, may ibabalita ako sayo. Natanggap kasi ako na main role ng isang movie na pangarap kong ganapan so maybe tomorrow or the next other days hindi kita madadalaw."

"Talaga po? Congrats po!"

"Oh. Kalma at baka mapalayas ako ng nurse mo kapag naexcite ka masiyado." kinakabahan ako sa batang tu sa tuwing humuhugot siya ng malalim na hininga. Meron naman siyang oxygen, yun nga lang mild lang yun for her daily needs to breath.

"Anyway okay lang ba sayo na hindi kita madalaw ng ilang months? Tatawagan naman kita after ng shooting ko. This is my extra phone, at number ko lang ang nandyan. Naka-plan na din yan for internet use. You know how to use telegram?" inabot ko kay Isla ang luma kong iphone 7 na di ko na ginagamit. Bakas naman sa mukha nito ang pagkamangha at saya nang mahawakan nito ang cellphone na binigay ko.

"Wow! First time ko po makahawak ng ganito. Actually po hindi po ako nakatuntong ng elementary at puro home school po ako kaya wala akong masyadong kilala. Thank you po Ate."

"Aww. You're welcome, Isla. Basta kapag nalulungkot ka or gusto mo ng kausap don't hesitate to call me, okay?"

"Opo, Ate."

Ilang oras pa ang pinalipas ko sa kwarto ni Isla hanggang sa dumating ang doktor at nurse na tumitingin sa kanya kaya naman nagpaalam na ako rito na aalis na dahil kailangan kong pumunta ng CDC for a short briefing of our shooting.

Bago ko pa maisara ang pinto ng kwarto ni Isla, nakatingin ito sa akin and her eyes telling me that everything will be fine and she still wants to live.

Naiiyak ako sa kalagayan ni Isla pero hindi ko yun ipinakita sa kanya hanggang sa makaalis ako ng kwarto niya.

Tahimik na tinahak ko ang pasilyo palabas ng ospital at sumakay sa kotse ko.

"I know Isla will survive."

Huling kataga na binitawan ko bago ko paandarin ang kotse palayo sa parking lot ng ospital.