FREDERIK’S POV
“HEY!” bati ko agad sa mga kaibigan ko. I gathered all of them, lahat ng kaibigan ko na nakakaalam ng talagang nangyari nong kasal ko, 8 years ago.
“What's up, bro?” bati rin sa akin ni Art, ang abogadong kaibigan ko na may-ari ng bar, kung saan kami ngayon nagkita-kita.
Umupo na ako, mabuti na lang at nasa 2nd floor kami which is medyo kaunti lang ang mga tao, pribado kasi, mga kilala at mayayaman lang ang pwedeng magpa-reserve rito, at dahil kaibigan namin ang may-ari kaya andirito kami lagi pumepwesto. Kumbaga special spot na ‘to for us –yung kinalalagyan kasi namin ay tanaw talaga ang lahat ng tao sa unang palapag kung saan maraming nagsasayaw sa dance floor at mga nag-iinum o chill sa bar counter o sa mga lamesang nakapwesto roon, at nakikita rin namin ang mga pumapasok sa loob.
I looked at them, nasa apat kami ngayon ang nandirito. Pero ang totoo ay lima talaga kami sa barkada.
Atty. Arthuro Dela Vega, may sariling law firm at isang primyadong abogado ng mga sikat at mayayamang personalidad at angkan. At may-ari ng mga exclusive bar sa Pilipinas.
Cong. David Falcon, CEO ng isang malaking TelCo. dito sa bansa, at isang politiko –Congressman to be exact.
Franco Ocampo, CEO ng isang malaking TV at Radio Network, siya rin ang tumulong sa akin para mawala ang pagkalat ng scandal namin ni Leysa, 6 years ago.
At ang wala rito ay si Ar. Edward Custodio, ang best friend ko at isang kilala, highest paid at magaling na architect na nakabase sa Spain. At kaibigan din ni Leysa, dahil nong sinubukan kong hanapin ang babaeng iyon noon ay nalaman ko ring kasa-kasama pala ito ni Edward, at kaya tinigil ko na rin ang pagsubaybay sa kaniya –atleast medyo nakaramdam ako ng ginhawa dahil may umaalalay kay Leysa na halos tinalikuran ng lahat, at tinalikuran ko rin. Kaya hinayaan ko na sila, hindi ko nga lang sigurado kung nagkaroon sila ng higit pa sa pagkakaibigan na relasyon. Ayoko man sanang isipin ngunit hindi mawala sa isipan ko ang posibilidad na iyon.
“Hey Fred, alam ba ng asa-asawa mo na andito ka. Nako, baka masugod na naman kami nun ha,” sambit naman ni Franco sabay pagak na tumawa. Oo nga pala, nong mga time kasi na taong bar ako nang umalis si Leysa. Lagi raw akong hinahanap ni Diana sa mga kaibigan ko, na halos pagbantaan na niya ang mga ito.
“Damn, hindi ‘yun. Nasa out of town siya at may tatlong araw na conference raw,” tugon ko naman sa mga ito. Kaya ngayon din ang tamang panahon para makipagkita ako samga kaibigan ko dahil umalis si Diana at nasa mga Frank ang anak namin pansamantala.
“Mabuti naman. Ngunit bakit mo ba kami nais makita, brad? May problema ba?” tanong naman ni David, kaya I gave them a serious look.
“I need to fix my real status...” biglang sagot ko. Yes, I want to make it right. Bahala na.
Basta kanina nagising na lang ako at buo na ang desisyon ko, aayusin ko na ang lahat ng ito. Ang maling pangyayari, 8 years ago.
“Bakit? Handa ka nang totohanin ang kasal n’yo ni Diana? Andito pa ang marriage cert. n’yo sa akin na hindi pa napaparehistro legally.” Nakangising litanya naman ni Art.
And yes, muntik ko nang makalimutan ang void marriage namin ni Diana. Void, as in invalid, unlawful marriage, hindi talaga nage-exist legally. Sa madaling salita, hindi talaga kami kasal ni Diana, and she doesn't know it. Now you all know, kung gaano ako kagago na nagawa kong lokohin si Diana. But damn, I have no choice, ginigipit na ako ni Lolo, kung gusto ko ang kompanya niya, I need a marriage contract and a child. Pero di ko naunawaan ‘yun noon, ginawa niya pala iyon dahil may nakatakda siyang ipakasal sa akin but shit, ‘di ko naman kasi akalaing si Leysa ang babaeng nakatadhanang pakasalan ko. Pero wala, andami nang nangyari, kaya dapat ko na itong ayusin.
“No. Aayusin ko na, as in gusto kong malaman ni Diana na hindi talaga kami kasal, na hindi niya ako pag-aari simula't sapol palang,” sagot ko na ikinabuntong-hininga lang ng tatlo.
“Gago pare, paano ang anak n’yo? Gago ka rin kasi eh. Ba’t mo binuntis agad. May ganito ka palang plano. I mean may plano ka palang hindi na gawing legal ang kasal n’yo at iwanan siya," biglang tugon naman ni David sabay pag-iling. Naisip ko na rin na makakaapekto ito kay Daniel pero wala eh, ‘di ko naman pababayaan ang bata, he can still have my name dahil anak ko naman siya.
“Di ko naman pababayaan si Daniel, anak ko iyon...” tanging nasambit ko lang.
“Bumalik na ba siya?” out of nowhere na tanong ni Franco at dahil sa tinuran niya ay napatingin din ang dalawa sa kaniya.
“Sino? Si Leysa Frank? Kaya naman pala, Fred! Sige. Anong plano ba? Ayusin mo lang ang mga plano! Diana is a psychotic freak. Damn it! Nakaka-badtrip siya, naaalala ko na naman kung paano niya kinagat ang tainga ko. Pakshet ang asawa mo. Pasalamat siya at asawa mo siya sa pagkakaalam niya kaya ‘di ko siya kinasuhan.” Mahabang pahayag naman ni Art kaya natawa na lang kami. Pero ang totoo talaga, mahirap ka deal si Diana.
Hindi pwede sa kaniya ang planong sasabihin lang na, "Oy babe, sa totoo lang ‘di talaga tayo kasal. Hindi nakarehistro ang kasal natin, let's break up."
Lalo na at mahal na mahal ako nun. She's obsessed with me kaya nga napapayag ko siyang magpakasal kaagad sa akin noon eh. At ipaglalaban nun ang karapatan ng anak namin.
“Actually, wala pa akong plano. Hindi ko alam ang gagawing approach sa kaniya. Maghe-hysterical iyon, ang mahalaga lang muna sa ngayon ay hindi talaga kami kasal and yes, Leysa is back. Damn, pero bilang Leysa Guevara --CEO of GUEST.,” mahabang litanya ko na ikinagulat nila. Sino bang hindi? Guevara Clan was one of the famous and well-known family around the Globe, lalo na sa England kung saan ang main branch ng Guevara Estate, the biggest known Real Estate company.
“SERIOUSLY? How come? Paanong nangyari? She is really something, Fred. So anong plano mo ngayong bumalik na siya?” gulat na pahayag ni Franco na tinanguan ko lang din.
“Hindi ko pa alam kung paanong Guevara pala siya. But soon I will know it and no, wala pa akong plano. Ni hindi ko nga alam kung may sariling pamilya na siya ngayon eh.” Nasuntok naman ako ni Art sa balikat ko.
“Gago ka talaga, Fred. Anong ginagawa ng pera at mga koneksyon mo... hindi mo alam pwes alamin mo. But wait! Sigurado ka na talagang ideklarang ‘di naman talaga kayo kasal ni Diana? Paano ang kompanya mo? Nakasaad sa usapan n’yo ng Lolo mo hangga't buhay siya, "No marriage contract and a child. No position for you in his company", kaya nga tumagal ka sa kasal-kasalan n’yo ‘di ba.” Oh shit! Oo nga pala. Pero buo na ang desisyon ko, I'll give up everything para maisaayos ang lahat –for her and for my real happiness.
“Andyan naman kayo, mag-apply na lang akong sekretarya mo sa Law firm mo, o ‘di kaya sa kompanya ni David, o pwede ring mag-artista na lang ako sa Tv station ni Franco. Bahala na. Damn! It’s now or never,” tanging nasabi ko lang na ikinatawa nila.
“Kung noon palang, brad. Ganyan ka na mag-isip. Masaya ka na sana ngayon at wala pang mga komplikasyon. Hayok ka rin kasi sa kompanya ng Lolo mo eh. Takot ka masyado, na sa totoo lang naman talaga sayo lang din ipapamana iyon, dahil ikaw lang ang nag-iisang apo niya.” May pontong litanya ni David.
“Eh wala eh. Ginipit niya ako noon. At sobrang wala pa sa pag-iisip ko ang mga bagay-bagay ng panahon na iyon. At sa sobrang takot ni Dad na mapunta lang sa ibang kamay ang pamamalakad ng WilCo. na pinaghirapang itayo ng angkan namin --kaya wala, sobrang na pressure ako. So it leaves me no choice that time. Pero okay lang, wala naman akong pagsisisi. Ang akin lang maisaayos ang lahat at makuha siya ulit,” litanya ko na tanging tango lang ang naging tugon nila.
Tahimik lang kaming umiinom nang biglang magsalita si Franco na nakatingin sa first floor ng bar.
“Speaking of Leysa Frank. I mean Guevara, whatever. Ayon siya oh.”
Napatingin naman ako sa tinuro ni Franco. Damn. Oo nga, and she's wearing a super fit backless red party dress, sobrang hapit sa katawan niya kaya pormang-porma ang perpektong kurba nito. Dagdagan pa na visible ang maputing likuran niya and shit, bigla akong napahawak ng mahigpit sa kopitang may lamang alak na tutunggain ko sana kanina. Cause she's now the center of attention sa dance floor. She is dancing in the rhythm of the sexy song played by the DJ, gracefully.
Wala sana akong planong puntahan siya, but damn! Many good for nothing jerks are trying to get a hold of her. Kaya tumayo ako. Mabilis pa sa alas-kwatro akong lumapit sa kinaroroonan niya. At binuhat ito na parang sako ng bigas pero sinigurado kong hindi siya makikitaan.
Walang lingon-lingong lumabas ako ng bar ni Art. They are watching from the 2nd floor kaya alam na nila ‘yun.
“Hey! Lemme go, you dumbass! Who are you to do this to me. Fuck you!” Pagbubunganga nito habang buhat-buhat ko siya papuntang parking lot. Maraming napapatingin but who cares.
“Yeah, your wish is my command. I will fuck you... hard, baby...” sambit ko nang maipwesto ko siya sa passenger's seat ng kotse ko at napatahimik naman ito nang mapagtanto niya kung sino ako.
“Frederik,” tanging nasambit niya habang ako ay mabilis namang pumasok sa driver's seat.
She is now staring at me like she is under a spell. Tipsy na ito, halata naman sa mapupungay niyang mga mata na nakatingin lang sa akin. Bago ko pa man mairebulusyon ang sasakyan ay inabot niya ang aking mukha and she is slowly massaging my face.
“Oh yeah... the famous Frederik Wilford,” marahang pagsambit nito ng pangalan ko and it feels like a lullaby to me... her voice, her sweet soft voice that only saying my name –what a dream, I don't want to wake up to this beautiful dream I have.
Napapapikit na ako nang unti-unting maramdaman ko ang pagkakaalis ng kamay niya sa pisngi ko kaya napamulat na lang ako.
At sa pagmulat ko, nakita ko ang nakapikit na nitong mga mata, she is already asleep. Siguro madami na itong nainum, knowing that nag-attend pa siya ng meeting namin kanina. She is really tired, nakikita naman sa mukha nito pero visible rin sa kaniyang natutulog na mukha ang natural na kagandahang taglay niya.
She is an epitome of beauty. No doubt.