LEYSA’S POV
“UGH.” Napahawak ako sa ulo ko... ang sakit. Shit, ayoko na –hangover is real. But wait, minulat ko ang aking mga mata.
“Wait. Where am I?” sambit ng aking isipan.
Hindi ito ang aking kwarto, mas lalong hindi kwarto ng mga bata. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto nang mapadako ako sa katabi kong mahigpit na nakayakap ang kanyang kaliwang kamay sa akin.
Wait! What? Inaanalisa ko kung sino itong punsyo pilato na katabi ko. Nakadapa kasi ito habang nakadagan ang kaliwang kamay sa akin na flex na flex ang muscles dahil wala itong pang-itaas. At nakaharap ang kaniyang natutulog na mukha sa direksyon ko.
Shit! It's Frederik Wilford. Damn!
Napaupo ako bigla kaya nagalaw ang nakayakap na kamay nito sa akin. Mabuti na lang at hindi ito nagising, and yes... may damit naman akong suot.
Pero hindi ito ang damit na suot-suot ko kagabi, it’s a man's t-shirt, f*ck!
May nangyari ba sa amin? Think Leysa... ang boba mo, nagpakalasing ka, tapos ngayon ‘di mo alam kung may nangyari ba o wala. Gaga ka talaga. Ipapahamak ka ng karupukan mo. Pero kahit anong sabunot ko sa aking buhok, wala akong maalala pero ang mahalaga makaalis na ako sa lugar na ito. Ayokong maabutan niya pa ako pagkagising niya. Kaya tumayo na ako at marahang hinahanap ang aking damit. Shit talaga, asan na ba ‘yun. Pero hindi ko mahanap. Wala rin ang purse ko. Wala pa naman akong suot-suot na bra at wala ring ka-pera pera. Alangang uuwi ako ng nakaganito lang. But I have no choice, cause any time soon magigising na siya at ayokong maabutan niya pa ako rito. Kasi naman, paano ako napunta rito at hindi ito ang bahay nila, it’s a penthouse.
Wala na akong choice... naghanap na lang ako ng short sa cabinet niya, boxer short lang ang meron, ano ba ito. Bahala na! Sinuot ko ‘yun at kumuha ng coat niya. And I’m off to go nang palabas na ako ng kwarto niya, I looked back in his direction kung saan mahimbing pa rin itong natutulog. And I felt it again, ang pagtibok ng aking puso. Kaya dali-dali akong lumabas ng unit niya.
I shouldn't feel this way. Hindi pwede.
Ayoko... na!
**********
“Hey. Are you listening to me, Ms. Guevara?”
Tawag-pansin sa akin ni Frederik.
Nasa isang meeting ako ngayon with him, syempre saan pa kundi sa opisina niya pa rin and I’m so preoccupied –ofcourse by him din.
Paano ba naman, kaninang umaga nagising ako sa isang kwarto kung saan kasama ko siya, katabi to be exact. And then, tatawag ang lolo ko at sasabihing may meeting daw ulit kami with the WilCo., ni hindi ko pa nga naaalala kung paano ako napunta sa piling niya kagabi... tapos ugh! Makikita ko siya ulit ngayon. Gano’n na ba ako kamalas.
Napasinghap naman ako nang bigla itong lumapit sa kinauupuan ko kaya napatingin ako sa kaniya.
“How come, I slept with you last night?” Walang prenong tanong ko sa kaniya na ikinangisi lang din nito.
“So are you still thinking about it, Ms. Guevara. After you left me there. Do you think I will answer you? Na-uhh. Mas gusto ko kasi yan. Yung naspi-space out ka, knowing that you are thinking of me.”
Litanya nito at ngumisi pa ang gago. Nakaka-badtrip siya. Kaya sininghalan ko lang siya. And I didn’t bother to ask him again. Damn him. Mabuti na lang at tumawag ang bar na pinuntahan ko kagabi... andoon daw ang purse ko at kotse ko. Pero ‘di ko pa kinukuha, at ‘yung damit ko lang ang hindi ko alam kung nasaan napunta. Bahala na, tatapusin ko na lang ang meeting na ito, para madaanan ko ang sasakyan ko sa bar.
“Fine. What are you saying again, we need to go to the site in Pampanga? I can go there alone. You don’t need to accompany me, Mr. Wilford...” sagot ko lang, nasa Pampanga kasi ang site na gagawin ng GUEST., dahil doon lang ang wala pa masyadong kabahayan at may airport which is Clark, kaya magandang lugar for our project to expand Guevara Estate. Napansin ko naman ang pag-disagree nito. Umiling lang siya.
“No. Don Leonardo said, 'go to the site together with my granddaughter, Frederik,” sambit niya na ginaya pa ang pagkakasabi sa kaniya ni Lolo.
“And who is Frederik? It’s me, honey. It’s me.” Asar pa niya sa akin sabay ngisi. Kaya napasimangot lang ako. As if may choice pa ako kaya hindi ko na siya maitataboy, hays.
“Fine. Fine. Fine. Whatever. You talkshit,” sagot ko na pabulong lang ang last part pero narinig niya iyon dahil napasimangot ito.
“May sinasabi ka? Oh well, hatid na kita. Wala kang sasakyan ‘di ba?” Yaya nito, kala niya. So, alam niya na naiwan ko ‘yun sa bar. Napataas kilay ako.
“You abducted me, last night huh. May nangyari ba?” Walang prenong tanong ko na baka naman ay sagutin niya na this time. Pero ayan na naman ang ngisi niya.
“So, you are really curious. Hmm. I have no plans on doing it with you last night but then you kissed me. Yes, yes. You started kissing me, you even licked me... down, down, and down.” Napalaki ang mata ko sa tinuran nito. Impossible!
“Are you teasing me? Porket wala akong maalala. You are playing tricks with me, Mr. Wilford.” Mahinahon lang ako, ayaw kong mag-overreact dahil masa-satisfy lang ang ugok na ito.
“What tricks? I am not playing with you, Ms. Guevara. It’s really what happened, you are so wild and hungry for me, you even reached to my... (tumingin siya sa kaniyang ilalim na parte), but then... you puked. Shit, sinukahan mo ang pagkalalaki ko and do you think, natutuwa ako sa ginawa mo. Hindi!” seryosong sambit niya na nagpatawa lang sa akin.
“Seryoso?” Tawang-tawa ako sobra.
Imagine it?
Nasa punto na siya ng katigasan ng ano niya, waiting me to eat him and then... what? I puked. I can’t stop laughing. Damn!
“Stop it! It’s not funny...” iritang sambit niya sabay lapit sa akin and he is now in front of me. Nakaupo ako habang nakatayo siya sa harapan ko. He slowly bends towards me, sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.
Maling galaw ko lang, paniguradong magdadampi ang mga labi namin kaya as much as possible, hindi ako gumagalaw. Pero hindi rin ako bumibitaw sa paligsahan nang tinginan namin.
“Alam mo bang sa buong buhay ko, ikaw lang ang inalagaan ko dahil sa sobrang kalasingan. I even bathed you, dahil naliligo ka na sa suka mo and then pagtatawanan mo lang ako. Alam mo ba kung gaano kahirap iyon na habang naliligo tayo, you are poking my buddy there, (sabay tingin sa umbok niya) shit Leysa! I just want to kiss you, right now...” litanya niya pa sabay sunggab sa akin. And i can’t help it –I responded, same wildness, intensity, and pressure. Gusto ko siyang itulak, at itigil ang kamaliang ito. But damn. I am loving it. It feels so good.
And if this is a sin then I am willing to be a sinner... just to taste his lips --to taste him, once again.
“Hmm...” I softly moaned in disagreement when I felt him break the kiss.
I heard him chuckle, because of how I reacted. Shit! Nakakahiya, I open my eyes... just to see him staring at me, full of happiness... and love. Huh?
Napatayo ako at napaayos ng wala sa oras. Nakakahiya talaga, gusto ko na lang mag-disappear sa sobrang kahihiyan.
“Ang rupok mo, Leysa...” suway ko sa sarili ko.
“You are so cute. You still want me, baby. Like the way I badly wanted you, now...” he said and smirked.
“Jerk. Asa ka naman, gosh! I hate you,” sabi ko na lang at nagmadaling lumabas ng opisina niya and I can still hear his laughter. Gosh! Pinagtatawanan niya talaga ako.
Napatingin naman ako sa paligid sa labas ng opisina niya. Mabuti na lang at walang tao. Ayoko kasing ma-issue na naman kami.
FREDERIK’S POV
“Sir, are you alright?” Napatingin naman ako sa nagsalita, ‘yung sekretarya ko pala. Tinignan ko lang ito at tinaasan ng kilay. Di ko siya gets.
“Kasi kanina ka pa po nakangiti. At hindi nagre-react about sa report, tango lang po kayo nang tango.” Dugtong pa nito.
And there. I get it. Kasi iniisip ko si Leysa at ang halik na pinagsaluhan namin kanina. Hindi ko naman napapansing naspi-space out na pala ako. Kaya ngumiti na lang ako sa sekretarya ko. Ilang sandali pa ay may natanggap akong mensahe galing kay Diana. Sunduin ko na raw sila sa mansion ng mga Frank.
“Kaya mo na iyan, Jack. Alis muna ako. Call me, if something important will come up. I just need to go somewhere else,” sambit ko at lumabas na ng opisina ko.
**********
Andito na ako ngayon sa harap ng mansion ng mga Frank. And when I was about to enter the house, I heard voices, seriously talking... no, they are arguing.
“Kailan mo pa kami nilolokong lahat Diana? Having an affair with our daughter's ex-fiancé? Seriously? All this time, we thought that Leysa was the wrong one... and then here you are, nakikipagkalantari ka na pala sa nobyo ng kapatid mo.”
Nagulat ako sa mga narinig ko... hindi ako makagalaw.
And there I saw how Mr. Frank, slapped her dearest daughter, Diana. Ramdam ko ang hinanakit ng isang ama sa pagsampal na iyon.
“I even chose you, 6 years ago... than believing and protecting my own daughter that day. Pinalayas ko pa ang sarili kong anak, itinakwil dahil sa akala ko ay siya ang nagkamali. Pero mali --mali pala kami.”
Hagulgol na sambit ni Mrs. Frank. I can't catched up to their conversation. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang intindihin ang mga nangyayari.
Hindi nagsasalita si Diana. Hindi niya ipinagtatanggol ang kaniyang sarili sa mga paratang ng kaniyang magulang. Nakayuko lang ito at umiiyak. And to understand all of this shit, lumapit na ako... paunti-unting paghakbang hanggang marating ko ang kinaroroonan nila.
Napansin naman ni Mr. Frank ang presensya ko. May itinuro ito na nasa balita, na ngayon ko lang din napansin.
A breaking news about Diana Frank-Wilford having an affair with some other guy.
Pero hindi lang ito some other guy, it’s Daniel Apolonio, owner of the biggest furniture factory in the country and Leysa's ex-fiancé.
“What. the. F*ck?” tanging naibulalas ko lang na ikinatingin ni Diana sa direksyon ko. Nang mapagtanto niya kung sino ako, nagmadali itong lumapit sa akin. She hugged me and murmuring words, na mas lalong nagpainit ng dugo ko.
“It’s not true, babe... it's not true. Hindi ‘yan totoo. Please... believe me.” Paulit-ulit niyang sambit but I have enough, I pushed her, palayo sa pagkakayakap sa akin.
“Anong hindi totoo? Look Diana! (Itinuro ko ang nagpi-play na video sa balita na ikinatingin naman niya.) Ano ang hindi totoo diyan ha, Diana? You even have a s*x scandal at seryoso?, sa kagubatan n’yo pa talaga ginawa? Kailan ‘yan, Diana? KAILAN?!” Galit na tugon ko sa kaniya. Gusto ko siyang saktan, pero pinipigilan ko lang, dahil sa totoo lang, pareho na kaming nagkakasala sa relasyong ito. Pero hindi ko lang inasahan na matagal niya na pala akong tinataehan sa ulo. Dahil rinig... rinig na rinig namin o ng lahat ng nakakapanood nito ngayon kung paano sila nag-uusap ni Daniel ng mga plano nila sa pag-angkin ng kayamanan ng mga Frank sa pamamagitan nang pagpapakasal nito kay Leysa, and Diana also talked about having rights to own my riches.
“No...” tanging nasambit niya lang at humagulgol ito sa pag-iyak.
Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Yes, it’s actually good for me, dahil makakaalis ako kaagad sa pagsasamang ito, to think na hindi naman legal ang kasal namin. But damn. Hindi ko inasahan ang eskandalong ito.
Nakita ko naman si Daniel, shit. I mean my son, nasa ikalawang palapag lang ito at nakamasid sa amin. Walang kaemo-emosyon. Nakatulala lang. And there it hits me. Mabilis akong umakyat at tumungo sa anak namin.
I hugged him, tight. Dahil malaki ang epekto nito sa kaniya, seeing us in that position and situation, and knowing that his mom is having an affair. Hindi ito nagsasalita, hindi rin ako nito inaakap pabalik. Damn! Kaya binuhat ko siya.
I saw how Diana looked at me while I am holding our child. I don't know kung nalulungkot ba siya o natutuwa. She is really crazy!
Nagpaalam lang ako sa mga Frank at iniwan ko roon si Diana habang hawak-hawak ko naman ang anak namin. Hindi ko alam kung paano, paano pa kami nakauwi. Basta andito ako ngayon, holding my son's hand while watching him sleeping soundly. Poor kid.
Now, it's just the two of us. Nasira lahat ng plano ko. Before I only decided to leave Diana, tell her that we are actually not married and just support our child.
And have a good life with the only person I love and then this issue came up, that makes me decide to be a responsible father from now on. Dahil sa mga nangyayari, hindi ko na kayang harapin pa si Leysa. I have no courage to choose her over my child in this situation.
I love her... but I need to be responsible enough to my own flesh and blood, to be a good father to my one and only child.