LEYSA’S POV
NAKAKAINIS ang Lolo ko at si Don Rafael. They are pushing something na imposible na ngang mangyari.
Hindi ako lumilingon o sinusulyapan man lang si Frederik Wilford. Ayoko siyang tignan, ayoko siyang makita actually, but damn.
Siya na pala ang may hawak ng WilCo., akala ko kasi ay si Don Rafael Wilford pa rin, who is matalik na kaibigan pala ng Lolo ko. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam, kasi bumase lang ako sa mga documents na ibinibigay ng magaling kong Lolo.
It feels like it's all manipulated by them, by the both of them, Don Rafael and Don Leonardo. It’s look like they are already into it, simula palang –parang una palang, they are already planting something to grow and be used in the future.
Para kasing alam na alam na nila ang lahat. Alam n’yo iyon, may mga sikreto silang alam pero hindi namin alam, kaya nga sikreto eh. Nababaliw na talaga ako, kasi after sinabi ni Lolo ang about sa annulment and such, tawa na lang sila nang tawa ni Don Rafael.
As if just by looking at each other, may mga pag-uusap nang nangyayari between them, gano’n sila ka psychotic!
“Ano na Lo, andito ba tayo for the business o sa mga walang kwentang bagay na iyan?” Hindi na ako nakatiis, kaya nagsalita na talaga ako na nagpaayos naman ng postura nila. They are now acting like a scary, and manipulative businessmen.
Hindi ko pa rin tinitignan si Frederik, pero alam ko kanina pa siya tumitingin sa akin. Hindi lang siya nagsasalita, akala ko magiging seryoso na ang dalawang matanda. Pero hindi, parang mga bata silang hindi ko alam kung kinulang sa mga aruga, o sadyang tumatandang paurong ang mga ito.
“Fine. How about let’s talk somewhere else, kumpadre?” sambit at paanyaya ni Don Rafael kay Lolo, na tinanguan naman nito.
“Sige. Hayaan na nating mag-usap ang mga bata tungkol sa negosyo. Tutal ay sila naman na ang may hawak ng mga kompanya natin,”tugon naman ng Lolo ko, kaya napasinghap ako.
“So, alam mo na ang gagawin, Frederik. Nasabi ko na sa’yo ang gusto kong mangyari. I-discuss mo na lang together with this beautiful ex-fiancée of yours,” sambit ng matandang Wilford sa kaniyang apo sabay halakhak. What the? Seriously, hindi ko rin alam ang mga sinasabi nilang arrangement. Pero syempre hindi ako boba para hindi iyon ma-gets, ngunit nagtataka lang ako at hindi binabanggit ni Don Rafael, ang pagiging kabit ko ng apo niya noon. But then, mabuti na rin iyon, para may pag-move on ang lahat.
“Psh. Dami mong alam, Lo...” tanging tugon lang ng batang Wilford, na tinawanan naman ulit ng matanda.
“Madami talaga akong alam na hindi mo alam na alam ko. Bilisan mo lang gumalaw, at baka mapag-iwanan ka.”Makahulugang bitaw ng pahayag naman nito ulit, at tumalikod na kasama si Lolo. Pero bago pa man tuluyang makalabas si Lolo, hinawakan niya ako sa balikat, he tapped it like saying something, nako, kausapin ko na lang siya mamaya, after ng meeting na ito. I have so many questions na kailangan niyang mabigyan ng kasagutan.
Nang kami na lang ang naiwan sa may kalakihang opisina niyang ito ay bigla naman akong nangamba, para kasing may mangyayari na namang hindi dapat mangyari.
Walang nagsasalita, pero tumayo ito at lumipat ng upuan. Kaharap ko na siya ngayon, kaya wala akong ibang magawa kundi tignan din siya.
Damn! Bakit gano’n, mukha pa siyang gumwapo sa paglipas ng panahon. Pero bakas sa mukha niya ang pagod, dagdagan pa na hindi man lang ito ngumingiti.
“So, may mga bagay akong gustong itanong, pero alam ko ang limitasyon ko. I have no rights to question you. Kaya let’s proceed sa business deal na dapat kanina pa natin pinag-uusapan kung hindi lang dahil sa kagaguhan ng mga matatanda, sorry for the term.” Paunang litanya niya. Tumango lang din ako bilang pagsang-ayon.
Buti naman, kasi wala akong ganang mag-share sa kaniya nang naging buhay ko. At paano ako naging apo ng isang mayaman at kilalang negosyante. Alam ko kanina niya pa iyan gustong itanong.
“Yeah. I agree with you sa term na kagaguhan. May pinagmanahan ka rin pala talaga,” bigla kong nasambit. Goodness! Anong pinagsasabi ko, damn you, Leysa!
Napatingin naman ito ng matalim sa akin... at ngumisi.
“Gusto mo bang malaman kung gaano ako kagago, Leysa... Guevara?” sambit niya at tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at humakbang papalapit sa akin... hanggang nakatayo na nga siya sa aking harapan. Tiningala ko lang siya at hindi ako nagpapatalo sa tinginan naming dalawa.
“No thanks. Alam ko naman na, kaya hindi na kailangang ulit-uliting ipaalala pa sa akin kung gaano ka kagago. So can we proceed to the main deal now, Mr. Wilford?” tugon ko ng may pormalidad at ngumisi naman ito at bumalik sa kaniyang kinauupuan.
Buong umaga lang kaming nag-discuss about the project na gagawin ng WilCo. at GUEST., most of the time nagtatalo kami... lalo na kung may nasasabi akong patungkol sa past namin. Gosh. Sorry I can’t help it, napapahugot ako. Hindi ko lang kasi inaasahan na mangyayari itong paghaharap na ito agad-agad.
Alam ko, may chance kaming magkita, pero masyado naman yatang napaaga, at sa hindi ko pa inaasahang lugar at pagkakataon. Patapos na kami sa meeting namin nang may sambitin ito, “Why so formal to me, Ms. Guevara? You can call me kuya if you want, tutal hipag naman kita.”
Napatigil ako sa pagsasalansan ng mga dokumento dahil sa tinuran nito. I looked at him. Seriously?
“Hindi mo na ako hipag. So I can call you different names that I want, like –ahhh. Ugh. Baby.” Tukso ko sa kaniya lalo na ang mga huling salita ko ay may pagpikit pa, feeling the sensation while saying those words. Kaya hindi ko mapigilang matawa –what... we are done talking about the business. So I can tease him now.
Hindi naman nakalampas sa paningin ko ang pagpiga niya ng kanyang kamao. What? He is mad at me now? Kasi sinasagot-sagot ko na siya, whatever!
Tumayo na ako dahil wala akong planong magtagal pa rito, at makasama siya sa iisang lugar. Nasu-suffocate ako. I need air, fresh air to be exact. Kaya tumalikod na ako at naglakad palabas, pero bago pa man ako makalabas ng opisina niya ay nahagip pa nito ang aking kaliwang braso kaya nagawa niya akong maisandal sa malapit na pader.
He pinned me, sinigurado niyang hindi ako basta-basta makakaalis sa pagkaka-corner niya. Walang takot ko naman siyang tinignan, kung saan nakatitig din pala siya sa akin.
“What happened, Leysa?” He suddenly asked, habang inililibot ang tingin niya sa buong mukha ko. Like examining it, kung may nagbago ba, o kung ano ba ang mga nagbago sa akin.
“Why do you care?” tugon ko naman at inismiran siya, at itinulak ko siya ng mahina, na buti naman at hindi niya nilabanan ng lakas kaya nakaalis kaagad ako sa pagkakahawak niya. At ginawa ko iyong chance para makalabas ng opisina niya at makauwi na.
Marami pa akong gustong itanong sa magaling kong Lolo, na alam ko na nasa bahay na. Dahil miss na nun ang mga apo sa tuhod niya.
********
Pagkauwi ko ay napansin ko kaagad ang dalawang sasakyan sa garahe namin. Alam ko ang SUV na silver ay kay Lolo, ang isang kulay itim ay hindi ko lang sigurado kung kanino iyon. Pero mukhang—
Ipinarada ko na kaagad ang sasakyan ko, at pumasok sa bahay. At nabitawan ko ang dala kong suitcase, na nagpatingin sa dalawang matanda sa direksyon ko. Mabilis ko itong pinulot at lumapit sa kanila. Nakangiti ang dalawang matanda sa akin habang nakikipaglaro sila sa mga bata.
“Mama. Look who is here!” Napatingin ako kay Freda, nang magsalita ito at tinuro si Don Rafael. Oo, ang matandang Wilford ay andirito ngayon sa bahay namin. Nakakainis si Lolo, ayoko namang madama ng mga bata ang pagkakailang ko sa sitwasyon kaya ngumiti na lang ako kay Freda at binuhat ito. Hindi ko pa kinakausap ang dalawang matanda.
“Mama, you never told us that we have another great grandpa here. It’s so amazing!” masayang turan ng anak ko habang makikita ang pagsilay ng inosenteng mga ngiti nito.
I saw Leyson’s questioning stares at me, hindi iyon nakalampas sa paningin ko. Pero ngumiti lang ako sa kaniya.
********
Staring at these two manipulative oldies now, makes me want to boil in madness, lalo na sa Lolo ko. Pinaakyat ko muna ang mga bata sa playroom kasama ang tagapag-alaga nila. Para masinsinan kong makausap ang dalawang ito, na ngayon ay nakangiti sa harapan ko. Para silang mga batang gumawa ng kasalanan sa nanay nila.
Grabe, I can't believe this!
“Ano ito, Lolo? Bakit andito kayong dalawa. Lalong-lalo na si Don Rafael.” Pauna ko sabay tingin kay Lolo at kay Don Rafael, nakangiti ang matandang Wilford sa akin.
“Syempre, gusto ng kumpadre ko na makita ang mga apo namin, natural... ipagkakait ko ba ‘yun sa matalik kong kaibigan?” Paawa namang tugon ng magaling kong Lolo, kaya napasinghap na lamang ako. So, wala na... wala na yung mga plano kong sisiguraduhing hindi makikilala at makikita ni Fred ang mga anak ko. Wala na, napayuko ako at napasabunot sa aking buhok. Gosh, hindi ko na alam ang sasabihin ko.
“Don’t worry, iha. Sisiguraduhin kong hindi ito kaagad malalaman ng apo ko, hangga't hindi niya napagtanto ang mga katangahan niya sa buhay. He is now acting like a miserable man, which is kagagawan naman niya.” Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa isinambit ni Don Rafael.
“Thankyou po. I owe you big time because of that, which is alam ko ring iniisip n’yong unfair sa mga anak ko ito. It’s just that ayoko lang makagulo pa at maging magulo rin ang buhay ko. Tama na ang isang pagkakamali ko noon, pero gusto ko ring ipaalam sa inyo na ‘di ko pinagsisihan ang mga ginawa ko noon," litanya ko.
“Mabuti naman iha. Because you have beautiful kids, now. Freda Ysabel and Frederik Leyson are both smart and good kids. Maganda ang pagpapalaki mo sa kanila kahit ikaw lang,” sambit pa niya na ikinangiti ko kasi alam ko may isang Wilford na tanggap ang mga anak ko kahit anong mangyari.
Pero nagtataka ako, why is he acting like this? Alam ko namang magkaibigan sila ni Lolo pero hindi ko alam na ganito sila ka-close. Nabasa naman yata nila sa aking mukha ang mga namumuong tanong sa isipan ko, and they started the story with,
“Once upon a time...” de joke lang.
Si lolo ang unang nagkwento, nakikinig lang ako.
“Magkaibigan kaming matalik nitong si Rafael. Parehas kaming nag-iisang anak ng Wiflord at Guevara. Ang mga magulang namin ay magkakaibigan sa loob at labas ng negosyo. Kaya nong ‘di pa kami naipapanganak ay may kasunduan na ang mga magulang namin na ipakasal ang mga anak nila sa takdang panahon but then... alam mo na, hindi pwede dahil parehas kaming lalaki.” Napahagikhik naman sila at ako rin. So, matagal na pala talagang magkaibigan ang mga pamilya namin. How ironic.
“Kaya naging matalik na magkaibigan na lang kami. Pero hindi roon nagtatapos ang kwento ng arrangement na hindi naisakatuparan ng aming mga magulang, kaya we decided na ipagpatuloy iyon.” Dugtong pa nito.
“Nagkaanak kayo ng lalaking Wilford at babaeng Guevara, ngunit hindi rin nangyari ang arrangement dahil nagtanan si Mommy at Daddy.” Ako na ang nagdugtong na tinanguan ni Lolo.
“Oo. Kaya galit na galit ako noon sa tatay mo. I hate his guts na nakawin ang anak ko sa akin. Pero wala akong nagawa. Love wins eh. Kaya hinayaan ko na sila, ang nakakainis lang kasi sa kalabang angkan ko pa siya napunta. Kaya itinakwil ko siya sa salita at hinayaang mamuhay kasama ang mga Frank. Kaya ipinasa namin ang arrangement sa mga apo namin. Nang ipanganak ang panganay na apo ng mga Wilford, who is, si Frederik.” Tuloy ni Lolo, grabe mababaliw ako sa kwento nila. Nakakaloka!
“Ang apo kong gago sa lahat ng gago. Hindi nakapaghintay na ipakilala ko siya sa totoong tagapagmana. Pero nang malaman ko namang isang Frank ang napangasawa nito ay medyo na at ease ako dahil mukhang mangyayari na ang matagal na, na kasunduan ng mga Wilford at Guevara. Ngunit huli ko na nalamang ampon lang pala si Diana Frank. At sobrang nagalit itong si Leonardo sa akin dahil bakit hinayaan kong mangyari ang hindi dapat mangyari. Pero dahil sa pag-aakalang mahal at totoo ang nararamdaman ng apo ko ay hahayaan ko na sana. Ngunit dahil sa kompanya ko na gustong-gusto ni Frederik ay nagawa niya akong lokohin. Kaya pala ‘di ako mapakali noon. May mali. That’s why I conducted an investigation, at doon ko nalaman ang void marriage niya. Grabe ang galit ko noon sa kaniya. Gusto ko siyang bitayin patiwarik dahil hindi maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng magaling kong anak, nag-iisa na nga lang na tagapagmana, wala pa sa tamang pag-iisip. Pero hinayaan ko siyang mas matuto sa buhay sa pamamagitan ng mga maling ginawa at desisyon niya.”
Doon ako nagulat, sa pagpapatuloy ng kwento ni Don Rafael. So? –hindi pala talaga kasal si Ate Diana at Fred? Seriously? Is this true? Pero imposible, andoon ako.
“Wait po, paanong void? Andoon ako. Witness ako nang magpirmahan sila ng marriage contract. Andoon din ang mga kaibigan nila.” Naguguluhan kong sambit.
“Gago nga talaga ang apo ko. Hindi alam ng asawa-asawa niya ngayon na hindi nai-process ang kasal nila. Money talks, iha at mga galing din sa kilalang angkan ang mga kaibigan ni Fred kaya natulungan siya ng mga ito nang kinailangan niya ng kontrata ng kasal dahil sa mga kondisyong ipinahayag ko sa kaniya noon.”
So? Mababaliw na talaga ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kong ikakatuwa ko ito o mas ikakagulo pa, ang impormasyong ito ng mga buhay namin. Pero kung gano’n bakit hindi ito isiniwalat kaagad ni Don Rafael at hinayaan niya pang tumagal ang pagsasama ni Ate Diana at Fred.
“Eh bakit hinayaan n’yong tumagal ito. At ibinigay n’yo pa rin ang kompanya kay Fred.” Ngumiti naman si Don Rafael at sumagot.
“Oh well, ipapamana ko naman sa kaniya talaga ang WilCo., as if I have other choices... siya lang ang apo ko. Sadyang hindi lang siya makapaghintay. Kaya ayan. Hayaan mo siyang mapagtanto ang mga bagay-bagay na dapat niyang ma-realize. At saka nang oras na iyon na dapat ipu-push na namin ang kasunduan ay hindi pa rin nagkakaayos ang Lolo mo at Mommy mo... kaya ‘di niya kayang pakialaman ang nangyayari sa buhay ng mga Frank. But then, siguro nga ay...” pabiting kwento nito na dinugtungan naman ng Lolo ko.
“Love wins nga talaga.”