FREDERIK’S POV
“LET’S buy it now, Mom.” Rinig kong suyo ni Daniel. Andito kasi kami ngayon sa supermarket ng Mall, at hindi pa kami tapos mamili nang gusto na ng anak namin bumili ng bago niyang helicopter toy. Tinignan ko naman ang list ng mga bibilhin namin, at kaunti na lang naman ang hahanapin kaya pinauna ko na sina Diana at Daniel sa department store kung saan may toy kingdom, para bilhin ang gustong laruan ng anak namin.
“Sige na, babe, mauna na kayo roon and buy the toy he wants. Ako na bahala rito sa mga groceries.” I commanded.
“Are you sure, babe?” may pag-aalinlangan na tanong naman ni Diana. Tumango lang ako bilang pagtugon at umalis na sila. Tamang ikot lang ako rito nang may natanaw akong batang may inaabot na chocolate drink, I think. Matangkad ang bata ngunit mataas lang ang kinalalagyan ng product kaya lumapit ako.
I reached for it at inabot sa batang lalaki. Pero bigla akong nabato sa aking kinatatayuan. Tumingala ang bata sa akin. I stared at him, examining every point of his face. Gano’n din siya sa akin. Pero bago pa man ako makapagsalita, kinuha niya na ang inabot kong chocolate drink sa kaniya.
“Thanks, Mister!” sambit lang nito ng walang kangiti-ngiti kaya tumango lang ako at tumalikod naman na ang batang... kamukhang-kamukha ko. Shit!
Bigla tuloy akong napatanong, “May nabuntis ba akong hindi ko alam?” Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko pero tanaw na tanaw ko pa rin ang bata. Hanggang may in-approach itong nakatalikod na babae na may buhat-buhat na batang babae. Maikli ang buhok nito at maganda ang pagkakahubog ng katawan na visible dahil sa fitted white shirt at pants na suot niya.
Sayang. I can’t see her face pero bigla akong kinabahan. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Nasa ganoong pag-iisip lang ako hanggang ‘di ko na matanaw ang bulto ng tatlong taong iyon.
LEYSA’S POV
Narinig kong nagri-ring ang aking cellphone kaya dinampot ko ito at sinagot.
“Hello. Yes Lo? Uhuh. Okay. Tomorrow –I'll meet him. Yeah, yeah don't worry. Sure thing po.” And I ended the call. Tinignan ko naman ang mga anak ko kung nakapwesto na at naka-seatbelt ng maayos sa backseat. Nang masigurado ko ay pinaandar ko na ang sasakyan ko. Kakatapos lang kasi naming mag-grocery at pauwi na. At naabutan na nga kami ng traffic sa Edsa... nako Pilipinas feels na talaga.
And yes, nasa Pilipinas na kami ng mga anak ko. We just arrived yesterday night. Kaya ngayon lang kami nakapamili ng mga needs namin.
“Mama.” At dahil naka-stop pa naman kami sa traffic ay nilingon ko si Leyson, my son.
“Hmm?” tugon ko.
“I met a man in the supermarket, who really looks like me...” tuloy-tuloy na litanya ng anak ko. Bigla naman akong naistatwa, mabuti na lang at stock pa rin kami sa traffic dahil kung hindi panigurado, mapapapreno ako ng wala sa oras which is not good lalo na at kasama ko ang mga anak ko. I don’t know what to say, hindi ko alam ang isasagot.
Baka... baka kasi, pero bakit sa lahat ng oras na madadayo siya sa supermarket ay kung saan andoon din kami. Ano ito? I don't want to think about it. At mas lalong ayaw kong isiping it’s what they call destiny or something like that. But damn! I am already thinking that its already is.
Ngumiti lang ako kay Leyson, “Really, baby? Ah. That's –that's great, isn't it?” parang tanga kong naging tugon lang sabay tawa ng alanganin.
Ano ang sasabihin ko, na may posibilidad na ang tatay nila iyon, which is totoo naman. Sino pa ba ang magiging kamukha ng mga anak ko, maliban sa akin. Tumango lang si Leyson sa tinuran ko bilang pagsang-ayon at pagtatapos ng usapan namin tungkol doon.
Matalinong bata ang mga anak ko, at hindi ko maitatangging may posibilidad na may ideya na si Leyson kung sino ang taong ‘yun –which is hindi pa ako handang sagutin at kompirmahin sa kaniya.
Mabuti na lang at umusad na ang trapiko kaya nakarating na rin kami agad sa mansion na regalo sa akin ni Lolo. Inihanda talaga ito ni lolo for my comeback here in the Philippines, located ito sa isang pribadong subdivision dito sa Greenhills kung saan mga sikat at primanenteng mga tao lang ang may kakayahang bumili ng lupa, kaya safe at hindi crowded.
Andito ako ngayon sa kwarto ng mga anak ko, nasa iisang kwarto lang muna sila na may dalawang separated na kama, dahil hindi pa sila pwedeng magkaroon ng separate na mga kwarto dahil mga babies pa sila at mahirap para sa aking bantayan sila sa kanilang pagtulog. Ang kwarto namang ito ay may pintuang nakakonekta sa master's bedroom, which is my room.
Pero mas pinili kong manatili muna ngayon dito sa kwarto ng mga anak ko. Nakaupo lang ako sa pagitan ng kanilang mga higaan. At matamang tinitignan ang mga mukha nila.
“Paano na lang kung malaman ni Frederik Wilford ang tungkol sa inyo?” tanong ko sa aking sarili.
Paano nga ba?
Kikilalanin kaya niya kayo, o itatanggi dahil may sarili at masayang pamilya na siya ngayon.
Naku life!–ang komplikado mo talaga. Nasa gano’n akong pag-iisip nang unti-unting napapapikit na ang aking mga mata. I’m so tired. Pero isa lang ang sigurado, I will protect my children against him at kung sino mang manghahamak sa kanila.
I will make sure na hindi niya malalaman ang tungkol sa kanila. I will make sure of it.
FREDERIK’S POV
“Hmm? Yeah yeah. Who? Leysa... what? Guevara? Are you sure? Leysa Guevara? Ah... nothing. I thought. It’s someone I know. Alright then,” tugon ko sa taong kausap ko sa telepono. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba at excitement nang marinig ko ang pangalan ng CEO ng Guevara Estate na makikipag-negotiate sa kompanya namin for their expansion here in the Philippines. Pero bigla namang nawaglit iyon nang marinig ko ang apelyido nito. Siguro kapangalan niya lang.
Damn, Fred. Move on. Panigurado, may sarili ng buhay ngayon si Leysa at nakalimutan ka na niya. Inayos ko na ang mga nakakalat kong papeles at humiga sa sofa bed rito sa opisina ko sa bahay. Ayokong matulog ngayon sa kwarto namin ni Diana, at baka kausapin niya ako nang kausapin at hindi ko siya masagot ng maayos. Dahil lubog pa rin ako sa pag-iisip tungkol sa batang lalaki na naka-encounter ko kanina.
Habang nakahiga, hawak-hawak ko ang album na kung saan kinalalagyan ng puro litrato ko noong bata pa ako. Kamukha ko talaga siya. May nakita pa nga akong isang litrato ko kung saan akala ko ay litrato ng batang iyon.
Is it possible? May nabuntis akong hindi ko alam kung sino? Damn, sumasakit ang ulo ko kakaisip. Madami na nga akong iniisip tungkol sa kompanya at sa bagong kasusyo ng WILCO., dadagdag pa itong bagay na ito.
*******
“Good morning, Sir.” Pagbati sa akin ng mga nakakasalubong na mga empleyado ko rito sa WILCO. Tinatanguan ko lang sila bilang pagtugon sa mga pagbati nila.
Pasakay na ako sa private elevator ko patungong top floor (36th floor), which is kinaroroonan ng opisina ko na dati ay okupado ni Lolo na ngayon ay akin na. Ang dati ko namang opisina nung General Manager palang ako rito, ay nerenovate na bilang conference room.
Kasama ko sa loob ng elevator ang sekretarya ko, lalaki siya. Dahil ayaw ni Lolo na magkaroon na naman ng eskandalo katulad noon, kaya iwas na sila. At isa rin kasi sa mga scholar ni Lolo noon ang sekretarya kong ito kaya maaasahan at mapagkakatiwalaan din sa kahit na anong bagay.
Pero as far as I can remember, hindi nangialam si Lolo sa naging issue ko noon with Leysa. Which is ikinagulat ko dahil isang nakakatakot pero family-oriented na tao si Lolo, and he hates infidelity –pangangaliwa, na mabuti na lang ay hindi naikaso sa amin ni Leysa dahil takot lang din ng mga Frank masira ang pangalan nila ng todo. At wala naman talagang dapat ikaso, kaya napagkasunduang presscon na lang ang gawin at ibunton ang lahat ng pagkakamali kay Leysa. Kung saan ikinasakit din ng aking damdamin pero wala na akong magagawa, dahil nangyari na ang mga nangyari. At lesson learned na lang talaga ang makukuha naming lahat doon.
Mga kalahating oras ang lumipas nang marating namin ang opisina ko. At bago ako makapasok ng tuluyan ay natatanaw ko na ang mga taong nasa loob nito.
My grandfather, Don Rafael Wilford and his very good friend and best buddy, Don Leonardo Guevara, at siguro ang apo ni Mr. Guevara –Leysa Guevara.
Nakatalikod kasi ito pero mukhang pamilyar ang bulto ng babae sa akin. Parang siya ang nakita kong babae sa supermarket kahapon. Pumasok na lamang ako upang makilala at makaharap ko na ang mga ito.
“Good morning.” I greeted them, na ikinangiti naman ng dalawang matanda habang nanatiling nakatalikod ang babae.
Ano ito? may attitude na kaagad? Hindi man lang marunong lumingon at bumati pabalik sa akin. At dahil mukhang walang balak itong babaeng ito, nagpatuloy na akong maglakad at tumabi sa kaniya. As if I have other choices, hindi ko rin siya tinignan. And I fixed my gaze sa folder na kinasusulatan ng lahat ng dapat kong malaman tungkol sa Guevara Estate. Pero napatigil ako sa pagbabasa nang marinig ko ang sinabi ni Don Leonardo Guevara sa aking Lolo.
“Sayang, kung hindi lang sana itong si Frederik, nagpakasal kaagad. Sila na sana ng aking nag-iisang apo, ang nagkatuluyan!” biglang litanya nito at sabay pa silang natawa ng Lolo ko. Damn it, seriously? Ano ito?
“Oo nga kumpadre. Wala eh, ito kasing gago kong apo... hayok na hayok panghawakan ang kompanya ko. Kaya wala sa pag-iisip na pumasakal kaagad,” tugon naman ng magaling kong Lolo at sabay nagtawanan silang dalawa.
Seriously talaga? They are talking about it, like we are not existing in front of them.
“Stop it, Lo. Mr. Wilford was already married. Let's not push the lost arrangement you have with Don Rafael.”
Napaigtad naman ako nang after 6 long years. I heard it again, her soft, sweet voice... ang boses na lagi kong naririnig sa aking panaginip at sa aking isipan.
Gusto ko siyang tignan, but I am afraid kasi baka imahinasyon ko lang ito. Baka gawa-gawa lang ng isipan ko dahil pumapasok na naman siya sa sistema ko, nitong mga nakaraang araw.
“Pero pwede naman ang annulment ‘di ba, or baka naman hindi legal itong pagpapakasal ng apo mo, kumpadre. Just kidding.” Nabato naman ako sa aking kinauupuan dahil sa tinuran ni Don Leonardo.
“Shit! Oo nga pala.”