CHAPTER 5: Pagkakaibigan o Pagkaka-ibigan

“Lagi bang magkasama si Dos at si Acer?”

Tanong ko kay Atasha na ikinatigil nito. “Kasi diba magkaibigan kayo, kaya alam kong alam mo kung lagi ba silang magkasama” pagpatuloy ko. Humarap naman sa akin si Atasha at tumawa “hindi ko naman kaibigan ‘yang kapatid mo, kasama ko oo, pero hindi ko kaibigan” saad nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Napailing naman ako at sinundan na lamang siya. Nang makarating sa rooftop ay agad siyang lumapit sa lames na may upuan sa gitna nito. “Wow, tagal na mula nong huli kong akyat dito” saad ko at lumapit sa railings ng rooftop.

“Ganda no?” tanong naman ni Atasha ng makalapit sakin. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti, kung ganito lang ang makikita ko tuwing umaga, palagi sigurong maganda ang gising ko. “Oo, maganda nga” sagot ko habang nakatingin parin sa kanya, napalingon naman siya sakin at ngumiti “bolero” saad nito at pinitik ang labi ko.

Naglakad naman siya papunta sa lamesa na nasa gitna at isa-isan nilapag ang mga pagkain na laman ng paper bag na dala ko. Napangiti ako sa nakita, “halika na” tawag nito sakin pagkatapos niyang mailapag ang mga iyon.

“Oh, lakad na” agad nawala ang ngiti ko ng marinig ko iyon galing kay Atasha. Nasa harap na kami ng classroom nila, hinatid ko na nga siya dahil ang mali naman tignan na magkasabay kaming kumain tapos hindi ko man lang siya maihatid sa classroom nila.

“Ha?” nagtatakang tanong ko at nilingon siya, bumuntong hinga naman siya at tumingin sa classroom niya. “Naihatid mo na naman ako, alis na” saad nito na ikinagulat ko, may nagawa ba akong hindi maganda sa kaniya? Bakit bigla siyang bumalik sa dati? “Ang cold, parang di ko napapangiti kanina eh” saad ko at ngumiti, pinagsawalang bahala ang nasa isip.

Yumuko naman siya at marahas na bumuntong hininga “ano ba dapat? Nasa classroom naman na tayo kaya alis na” saad nito na parang nangigigil pa.

“Hoy Atasha, nagdadalaga kana? May pa hatid-hatid pa oh” agad akong napalingon sa kabilang pinto ng marinig iyon, inismiran lang sila ni Atasha bago tumingin sakin at pumasok sa classroom nila ng wala man lang sinasabi.

Habang naglalakad ay napapatingin ako sa building na pinagmulan ko. “Gago, may nagawa ba akong mali?” tanong ko sa sarili ko at sinipa ang maliit na batong nasa dinaraanan ko, “Okay naman kami kanina ah, nag-iba lang ng nakababa na” pagpatuloy ko pa at sinipa ulit ang isa pang maliit na bato na nadaanan. Napa-iling ako ng maalala ang nakasimangot niyang mukha ng makarating sa classroom nila kanina, ano ba nagawa ko? Wala naman ah.

Nang makarating sa classroom ay agad akong umupo sa upuan ko at ibinagsak ang ulo sa desk ng armchair. Rinig na rinig ko kung paano magsigawan at magtawanan, ang iba naman ay narinig ko na naghahanda para sa magiging quiz namin.

Habang nakayuko at inaalala ang maaari kong nagawa kanina na hindi nagustuhan ni Atasha. “Taena, nakangiti pa siya kanina habang kumakain eh” saad ko sa sarili, napalingon naman ang isa sa kaklase ko na may hawak ng libro. Tumaas ang kilay niya na parang nagtataka kung sino ang kausap ko kaya tinaasan ko rin siya ng kilay na para ring nagtataka kung bakit ang epal niya.

Nakita ko naman ang pagdating nila Acer at Alloy na naghaharutan, ngumiti naman si Alloy sa akin, yung ngiti na parang may inaasar. “Unew Nathaniel Odelle, my friend” saad niya ng makalapit at tinapik balikat ko “bakit ka nakatunganga? Gwapo ko ba?” tanong nito at nagpogi sign pa.

Hindi ko naman siya pinansin at dinukdok ko nalang ulit ang ulo sa desk, “ano ginagawa mo? Ganyan kaba kapag kinikilig?” pagpatuloy nito na ikinalingon ko sa kanya “may iniisip ako” saad ko. Napatingin naman ako kay Acer na nakayuko lang sa tabi ni Alloy, “kasama mo kanina tapos iniisip mo ngayon? Aba ‘bay, malala kana” saad ni Alloy at tumawa ng malakas, pati si Acer ay tumawa rin sa sinabi ni Alloy.

Napaisip naman ako agad at napatawa, “oo, malala na nga ako” saad ko na ikinatigil nila sa pagtawa, nagtinginan naman sila bago ako hinarap. “Gago ‘bay, akala ko ba galit ka?” tanong ni Acer sa akin, akala ko rin eh.

“Ewan” tanging saad ko at ibinagsak ulit ang ulo sa desk, ipinikit ko naman ang mga mata ko at pinakinggan kung gaano kaingay ang klase namin.

Habang nakadukdok ang ulo sa lamesa ay napansin ko naman ang pagkatahimik ng mga kaklase ko, narinig ko rin na humagikhik si Alloy.

“Hoy” kalabit ni Alloy sa akin, tinabig ko lang ang mga kamay niya ng hindi siya nililingon. “Hoy Uno” pagpatuloy nito “lubayan mo akong demonyo ka, may iniisip ako” sagot ko sa kanya. “Ay gago ka ‘bay” narinig kong saad ni Acer, napadilat naman ako ng may pumitik sa batok ko.

Narinig ko ang pagtawa ng mga kaklase ko kaya napalingon ako, ready ko na sanang sigawan si Alloy kaso hindi si Alloy ang nakita ko, kung hindi si Atasha. Nakabusangot si Atasha habang nakatingin sa akin “sorry, sorry” paghihingi ko ng tawad sa di malamang dahilan. “Ay, bakit magsosorry?” napalingon ako sa isa kong kaklase, tinaasan ko lang siya ng kilay bago bumaling ulit kay Atasha.

“Sinong demonyo ha?” taas kilay na tanong ni Atasha, “akala ko kasi si Alloy, sorry” sagot ko naman sa kanya. Tinignan lang naman niya ako sa mata, maya-maya pa ay umiling ito sabay tayo, “mauuna na ako” saad nito na ikinatayo ko rin. Nag-umpisa na siya sa paglalakad kaya agad ko naman siyang sinundan.

Nang makarating sa labas ng classroom ay naabutan ko siya, hinatak ko siya papunta sa akin. “Ano muna pinunta mo don?” tanong ko dito, “wala” sagot nito ng hindi ako tinitignan. “Ano nga?” pagpupumilit ko sabay hawak sa baba niya at itinaas ito. Napangiti naman ako ng makita siyang nakanguso at nakatingin sa gilid ko, tinignan ko lang siya hanggan sa bumunton hininga siya at tumingin sa akin.

“Look, Uno ang pinakaayaw ko sa lahat ay ‘yong may malilink sakin na lalaki eh” saad nito habang nakatingin sa akin. “Ayaw ko rin ng tinutukso ako sa isang lalaki” pagpatuloy niya pa, huminga naman siya ng malalim bago ulit nagsalita “kaya sabi ko, ayoko sayo” nawala ang ngiti ko sa narinig.

Tumango naman ako sa sinabi niya at ibinaba ang kamay na may hawak sa baba niya, bumuka ang bibig ko at may sasabihin sana ng bigla siyang umiling at kinuha ang mga kamay ko “pero, gusto kita kasama” saad nito sa maliit na boses.

“Ha?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya, “ano?” tanong ko pa na parang hindi narinig ang sinabi niya. “Gusto kita kasama” saad nito habang nakayuko na. Napangiti naman ako sa narinig at napatawa ng mahina “oo, ako na gusto mo” saad ko habang tumatawa ng mahiina.

Wala na, hindi na ako galit.

“Gago, sabi ko gusto kita kasama hindi gusto kita” pagtatama niya sa sinabi ko at umirap pa. Binawi ko naman ang kamay ko na hinahawakan niya at iginaya sa harap niya, parang nangungumusta.

Napalingon naman siya sakin na parang nagtataka sa ginawa ko, “friends?” tanong ko sa kanya. Napatawa naman siya ng mahina at kinuha ang mga kamay ko.

“Friends” sagot nito sa akin.