CHAPTER 4: Pagdududa
“Mama mo, date!” pasigaw nitong sabi sabay takbo papunta sa loob ng bahay nila. Mahina akong natawa sa naging reaksiyon nito. Nang makitang nakabukas na ang ilaw sa taas ng bahay nila ay inistart ko na ang kotse at nagsimula nang magdrive.
Can't believe that I'm a fool againAnd I who thought you were my friendHow was I to know?You never told me
Habang nasa malayo palang ay tanaw ko ang isang babae sa harap ng gate namin na may kinakawayan.
Baby, you should've called meWhen you were lonelyWhen you needed me to be there
Nang malapit na ako don ay tsaka ko pa naaninag na si Dos pala ito, bumusina ako at nakita ko naman na kumaway ito sa akin.
Sadly, you never gave meToo many chances to show youHow much I careOoh, should have seen it coming
“Dos, bakit nasa labas kapa?” tanong ko agad pagkalabas ko sa kotse, “hinihintay ka syempre” sagot nito at ngumiti ulit, “ipasok mo na ‘yang kotse kuya” pagpatuloy nito at nauna na sa pagpasok. Pumasok naman na ako sa kotse, maya-maya pa ay bumukas na ng malaki ang gate namin.
Pagkapasok ko sa kotse ay lumabas na ako, “ako na ang magsasarado ng gate, pumasok kana” saad ko sa kanya ng makitang natatagalan ito sa pagsasara ng gate namin, “ako na kuya” sagot nito. Tinignan ko lang siya kung paano niya tarantang sinara ang gate namin, tinulungan ko nalang rin ito ng makitang natatagalan talaga ito.
“Ako na nga” saad ko at sinara na ang gate, isasara ko na sana ang gate ng may naaninag akong tao malapit sa light post, ilang bahay rin mula sa amin. Napatigil ako saglit dahil sa naaninag, “kuya? Tara na” napabaling ako kay Dos na nakangiti sa akin ngayon. “Ikaw, wag kang laging nakatambay sa labas lalo na sa gabi, marami pa namang masasamang loob” saad ko sa kapatid ko at inakbayan ito, “opo, manong” sagot nito at tumawa. Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko para magpahinga. Pagkatapos maligo ay humiga naman ako habang hawak ang phone ko at nanonood ng shorts sa youtube. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinaumagahan ay agad akong nagising at naghanda para sa pagpasok. Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ko na ang kwarto ni Dos at kinatok, “Kuya, wag mo na ako hintayin” sagot nito na halatang kagigising palang. “Mag-ingat papunta doon Dos” saad ko at nagmadaling bumaba sa hagdan.
“Basta ang alam ko lang, maganda gising nitong si Uno” napalingon ako kay Alloy ng sabihin niya ito, “kanina pa ngiti ng ngiti eh” pagpatuloy nito. Tumawa lang ako ng mahina.
Nasa isang upuan kami ngayon sa harap ng School gate. Sa skwelahan kasi namin, may mga upuan at lamesa na pwede pagtambayan sa harap ng gate namin, doon kami laging nakatambay magkakaibigan.
“Si Atasha oh” napatingin ako sa itinuro ni Bank at doon ay nakita ko si Atasha, tumayo naman ako at naglakad papunta kay Atasha. Nang nasa harap na niya ako ay ngumiti ako ng malaki sabay sabing “Good morning”, ngumiti naman ito sa akin at mas lumapit pa.
Napaatras naman ako sa ginawa niya, “mukha mo, good morning” pagpatuloy nito at nag-umpisa ng maglakad palayo. Sinundan ko naman ito “grabi ka sakin Atasha” saad ko sa isang malungkot na boses, “di mo ako love?” pagpatuloy ko pa.
“Hoy, ano yan? Bakit may narinig akong love?” napalingon ako sa nagsalita at nakitang nakalapit na pala ang apat sa akin, “kaibigan niyo, nauulol” sagot lang ni Atasha kay Bank at naglakad ulit. “Gago ‘bay, nauulol ka daw?” natatawang sabi ni Bank sa akin at inakbayan si Alloy, “pag ako sinabihan ng ganyan, magagalit ako” pagpatuloy niya pa.
Natawa naman ako sa sinabi niya, kapag iba nagsabi non magagalit talaga ako. Naiiling nalang ako sa sarili kong naiisip.
“Excuse me miss, pwede po bang lumabas? Naiihi na po kasi ako” pagpapaalam ko sa guro namin sa kalagitnaan ng pagtuturo nito, “20 minutes, is that enough Mr. Odelle?” tanong nito sakin, agad naman akong tumayo at yumuko para magpaalam.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng classroom hanggang sa tumakbo na ako ng makarating sa may hagdanan. Tinitignan ko ang hawak ko habang tumatakbo, napatigil ako sa pagtakbo ng makita na may makakasalubong akong guro.
“Good morning ma’am” bati ko dito at yumuko, “Odelle, saan ka?” tanong nito “c-cr po ma’am” sagot ko dito ng may ngiti sa labi. “Cr ba kamo Odelle? Ang layo naman yata ng cr mo” saad nito habang nakataas ang kilay, “dadalawin lang si Dos ma’am” sagot ko sa kanya at napayuko ng kaunti. Napatingin naman ito sa akin bago tumingin sa building na nasa harap namin, “puntahan mo na, baka magsimula na klase nila” saad nito at nilagpasan ako.
Napatingin ako sa building na nasa harap namin, at nakita ko ang mga estudyante na nasa labas, pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko don. “Si Atasha Ramirez?” tanong ko sa isang estudyante na nasa labas ng classroom nila Atasha, tinignan ako nito bago pumasok sa classroom nila. “Hoy, Atasha. May dalaw ka” sigaw nito.
Sumilip ako sa loob ng classroom nila para hanapin si Atasha, nang hindi makita ay sumandal nalang muna ako sa pader at hinintay ko nalang ito.
“Sino?” napatayo ako ng tuwid ng marinig ang boses niya, “Atasha” tawag ko dito at kumaway pa. Kita ko ang gulat at pagtataka sa mukha niya pero nagpatuloy naman siya sa paglapit sa akin.
“Alis!” pagtataboy nito sa mga kaklase na nakaharang sa pintuan nila, nag-uunahan naman sa pag-alis ang mga nakaharang. “Ano?” mataray na tanong nito ng makalabas sa classroom nila. Ngumiti ako at pinakita sa kanya ang ID niya na hawak ko, “sasauli ko lang” sagot ko sa kanya.
“Atasha, tumatanggap ka palang bisita” napalingon ako sa mga estudyante na kakalabas lang rin sa kabilang pinto, napalingon rin naman si Atasha dito “Pakialam mo?” masungit na sagot nito na ikinatawa naman ng mga kasamahan nito.
“Matagal na ‘tong nawawala sakin, wag mong sabihing nasa iyo lang ‘to?” tanong nito sa akin, napakamot naman ako sa batok ko at yumuko “lagi kong nakakalimutan eh” sagot ko sa kanya. Kinuha naman niya ito at isinabit sa leeg niya, “salamat” sabi nito, agad namang naghiyawan yung mga estudyante na nasa kabilang pinto.
Napalingon naman ako sa kabilang pinto, hindi pa pala umaalis ang mga iyan?
Kumuha naman si Atasha ng maliit na bato sa gilid niya at ibinato ito doon sa kabilang pinto, agad naman sila nagtakbuhan papasok ng classroom nila, “sadista ng demonyo, nagt-thank you naman” natatawang sabi ng isa sa kanila.
“Ge, alis na” napalingon ako kay Atasha ng marinig ko yun.
Iyon lang? Magsasalamat lang tapos papaalisin ako? Wala man lang “ingat ka” or something?
“oh, mukha mo?” napalingon ako kay Kio sa naging tanong niya “nakangiti bago umalis tapos busangot ng makabalik” pagpatuloy nito. Inismiran ko lang siya at pinagpatuloy ang pagkain ko “oo nga pala, saan pumunta si Acer?” tanong ko sa kanila ng maalala ang biglaan pag-alis ni Acer kanina.
Magkasabay kasi kaming lima papunta dito, tapos itong si Acer bumili ng pagkain na pandalawahan tapos umalis ng hindi nagpapaalam.
“Saan paba, edi doon sa nililigawan” sagot ni Alloy na ikinatigil ko “nililigawan? Bakit diko alam iyan?” tanong ko sa kanya, napaubo naman bigla si Bank at inabotan naman ni Kio ng tubig. “Ano?” tanong ko ng makitang abala na sila kay Bank, “hindi ko nga rin kilala, basta ‘yun sabi niya” sagot ni Alloy.
Bago ‘yun ah, palagi kasing nagsasabi si Acer sa amin, kahit walang kwentang panyayari sa buhay niya, sinasabi niya sa amin.
Magtatanong pa sana ako ng inunahan ako ni Kio “hindi ko pa nakikita si Atasha dito ah”, napatingin naman ako sa paligid “bilhan mo pagkain ‘bay tas dalhin mo sa lungga nila” pagpatuloy nito at tumango-tango pa.
Napaubo naman ulit si Bank sa sinabi ni Kio “ano Bank, bibili naba akong Antenna niyan?” tanong ko sa kanya at inabot ang bote ng tubig ko. “Kanina ka pa ubo ng ubo ah” pagpatuloy ko, umiling naman ito habang hinahaplos ni Alloy ang likod niya.
“Saan ka?” tanong ni Alloy ng makitang tumayo ako. Ngumiti lang ako sa kanila at naglakad papalapit sa counter ng canteen.
“Hahatid ko lang ito kina Dos” sabi ko sa mga kaibigan ko pagkatapos makakuha ng pagkain na pandalawahan. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at agad na naglakad papaalis, narinig ko pa ang tawag ni Alloy at ang pagmumura ni Bank kay Kio pero patuloy lang ako sa paglalakad.
“Nandiyan ba si Dos?” tanong ko sa isang kaklase nila Dos ng makarating sa classroom nila, “wala, umalis para kumain kasama si Atasha” sagot naman nito na ipinagtaka ko. Wala naman akong nakasalubong na Dos at Atasha pagpunta ko dito eh. Pinagsawalang-bahala ko nalang iyon at naglakad na pabalik sa canteen.
Habang naglalakad ay nakita ko si Dos, Acer at Atasha na naglalakad. Nauuna sa paglalakad si Atasha habang si Dos at Acer naman ay nagtutulakan at nagtatawanan, agad akong naglakad papunta sa direksyon nila “Dos” pagtawag ko sa kanila.
Napatigil ang pagtutulakan at pagtatawanan ng dalawa habang bakas naman ang gulat sa mukha ni Atasha, “Kuya, saan ka?” tanong agad ni Dos sa akin at lumapit “kumain kana?” tanong ko at ipinakita sa kanya ang dala kong pagkain. Napalingon naman ito kay Acer at binuka ang bibig na parang may sasabihin pero agad naman niya itong tinikom.
“Ako, Uno. Hindi pa ako kumakain” sabat ni Atasha at kinuha ang dala ko, napangiti naman ako sa naging asal niya. “Rooftop tayo?” tanong nito at humawak sa braso ko. Nagpahila naman ako sa kanya pero bago makalayo ay nilingon ko ulit si Dos at Acer, kumaway lang si Dos sakin kaya kumaway nalang rin ako.
Napatingin naman ako sa humihila sa akin at huminto “ano?” tanong nito at nilingon ako. Napapaisip kasi ako, alam ko na napaka impossible na mangyari ang iniisip ko pero hindi ko talaga mapigilan na magduda.
“Lagi bang magkasama si Dos at si Acer?”