Chapter 7: Inlove

“Friends?”

“Oo nga” sagot ko sa tanong ni Bank, “at akala ko ba galit ka don dahil sinapak mo?” saad naman ni Alloy habang ngumunguya ng chewing gum. “Nagsorry naman na siya sa akin eh” sagot ko sa sabay tapon sa balot ng candy na dala ko.

Narinig ko naman ang tawa ng mga kaibigan ko kaya nilingon ko sila, “anong nakakatawa?” tanong ko at tumigil sa paglalakad. Hinarap naman ako ni Alloy at hiinawakan ang balikat “nasaad si Uno? Ibalik mo siya sa amin” madramang saad nito at iniyugyog pa ako.

Marahas ko namang itinakwil ang mga kamay niya sa balikat ko “gago, gusto mong mabalian ng kamay?” tanong ko at hinawakan ng mahigpit ang mga braso nito “ay, si Uno nga” saad nito ng nakatingi sa mga kasamahan naman. Tumango-tumango naman siya habang tumatawa ang iba pa naming kasamahan.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad “Si Acer, apakabusy na tao” saad ni Kio kaya napalingon ako sa kanila, tsaka ko pa lang napansin na kami lang pala apat ang naririto. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa dinadaanan at nagtanong “nasan ba siya ngayon?”.

Magtatanong na ulit ako sa kanila nang biglang nagsalita si Bank at may itinuro “ayon oh”, napatingin kami sa tinuturo niya at doon nakita namin si Acer na papalapit sa amin.

Nang makalapit ay nakipag-apir naman ito sa amin “may gagawin kayo bukas?” tanong nito sa amin. Agad naman kaming nag-ilingan bilang sagot “sakto, may naghahamon kasi ng~” naputol naman ang sinasabi ni Acer ng biglang magsalita si Alloy “suntukan ba? In ako.”

“Eh, kung ikaw kaya suntukin ko?” saad naman ni Bank kay Alloy at inambahan ng suntok. “basketball kasi, ano g?” pagpatuloy ni Acer sa sinasabi niya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Nagtanong pa kami kay Acer sa ibang detalye bago nagpatuloy sa paglalakad pauwi.

Pagkarating ko sa bahay namin ay nadatnan ko si Dos na nagwawalis sa salas, “hi kuya” pagbati nito sa akin “hey, naka-uwi kana pala?” tanong ko sa kanya at nilapitan para kunin ang trash bag na nasa gilid niya. Lumabas naman ako para ilagay ang trashbag sa labas ng gate namin pagkatapos ay pumasok na.

“Yup” sagot niya ng makabalik ako, “sino naghatid sa’yo?” tanong ko sa kanya,. Napatingin naman siya sa akin “si Atasha kuya” sagot niya at ngumiti. Nagthumbs-up lang ako at umakyat na sa kwarto ko.

Gabi na ng makauwi sila nanay galing sa shop niya, agad naman kaming naghapunan ng makapagbihis na sila.

“How’s your day mga anak?” tanong ni nanay sa amin sa kalagitnaan ng pagkain, “as usual nanay” sagot ni Dos, napatawa naman si tatay sa narinig. “How about you Uno? Is everything okay?” tanong ni nanay sa akin, tumango naman ako at ngumiti sa kanila. Assuring them that everything is okay. Napangiti naman ako ng biglang maalala ang mukha ni Atasha kanina. “Yup, everything is doing fine” sagot ko sa kanila.

Maaga akong nagising kinabukasan para magpaalam kina nanay at tatay sa gagawin namin mamaya. They said yes, so I prepare everything.

“Kuya, saan ka?” tanong ni Dos sa akin habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. “Maglalaro kami basketball, manonood ka?” tanong ko sa kanya habang tinitignan, lumapit naman siya sa akin at umupo sa kama ko bago umiling.

Tinignan ko lang siya at pinagpatuloy ang paghahanap sa medyas ko. Habang naghahanda sa susuotin ko ay napansin ko ang paninitig ni Dos sa akin, kaya hinarap ko siya at nilapitan “what’s wrong baby?” tanong ko sa kanya.

Mas lumapit naman siya sa akin at niyakap ako, tatanungin ko sana siya kung anong meron pero pinabayaan ko nalang siya na yakapin ako. “Kuya, may I ask you something?” tanong nito sa akin at inangat ang ulo para makita ako, “hmmm?” tangin saad ko at umupo ng maayos sa harap niya.

“It’s my friend problem kasi kuya” pauna niyang sabi, tumango naman ako sa kanya at nagsalita, “go on, i’m all ears”. She sat properly in front of me and sighs. “Ganito kasi kuya, she has a huge crush with this man, mula pa noon crush na niya ito. She gets excited everytime he saw him. She do things para mapansin siya ng boy” saad niya habang kinukulikot ang mga kuko niya.

I sigh and smile at her. I know it’s not a ‘friends’ story, wala naman iyang ibang kaibigan bukod kay Atasha eh. At isa pa, habit niya ang magkulikot sa kuko niya everytime she’s nervous.

Tumango lang ako sa kanya at sinabihan siyang ipagpatuloy ang sinasabi niya. “But lately, there’s this guy. He was her nightmare, I mean hindi sila nagkakasundo. Lagi silang nag-aaway and everytime they are together, its chaos” tumigil siya ng saglit at yumuko, “but my friend, may nararamdaman siyang kakaiba lately. Everytime she’s with that guy, she feels nervous. She sometimes, sometime hears her own heart beat na malakas. Tapos naiinis siya palagi sa guy” she paused. “So she’s inlove?” i ask and laughed a little.

Bigla niya namang hinampas ang balikat ko “she is not” saad niya, tumango lang ako habang natatawa. She glared at me because I keep on laughing, “ayaw ko na magkwento” saad niya at tumayo.

Agad naman akong tumayo at hinawakan ang kamay niya, “your friend is inlove” turan ko na may ngiti sa labi. You’re inlove, my baby is inlove.

Tumawa siya ng malakas at hinampas ang balikat ko gamit ang isa niyang kamay, “no, she is not kuya. Impossible, i mean she hates him, he hates her” saad niya, niyakap ko naman ang kapatid ko bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Yeah, whatever” saad ko habang yakap siya, naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik.

“I am so lucky to have you kuya” saad nito na ikinangiti ko, “so am i baby” sagot ko sa kanya.

Hindi ko aakalain na aabot sa punto na magmamahal siya, I was born to carry her everywhere, to protect her, to guide her and to cherish her. And now I just realized, oo nga pala at magmamahal rin ang kapatid ko. Magmamahal at bubukod balang araw. At sana sa araw na iyon, ang taong mamahalin niya ay ang lalaking mamahalin rin siya na higit pa sa buhay niya.