Check.
Check.
Check.
Wrong.
Wrong.
Check.
Wrong.
Lunes. Wala ng gaanong estudyanteng pumapasok. Ang iilan ay nagbabakasyunan na kung saan saan, habang ang iilan ay nagpakasaya dahil tapos na naman sila sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral. Wala na silang pakialam kung ano ang magiging score sa kanilang huling exam. Ang mahalaga ay alam nila sa kanilang sarili na pasado na sila.
“Plus 20 points ang lahat ng nandito, ngayon!” Ito ang isa sabagay na gusto kong marinig kapag checking of examination e. Iyong biglaan na lang magdadagdag ng score ang guro kasi raw ang babait naming estudyante. Kapag ganitong mga sandali lalong lumalakas ang loob ko. Lalong nadadagdagan ang grado ko. Lalo kong nararamdamang makakalamang ako. And, I deserve it.
“Mabuti na lang talaga at may 20 points na dagdag kung hindi, pasang awa na naman ang score ko,” litanya ni Jeany habang kumakain kami sa canteen. Mabuti na lang talaga at may tao pa ring nagtitinda sa canteen namin. Kahit kaunti na lang ang estudyante ay nandito pa rin sila at nag-aabang. Kaso nga lang, puro na lang chichirya ang tinitinda nila. Wala ng gaanong tinda na kanilang niluluto mismo.
“Sinabihan naman na kasi kita na magpa-special exam ka na lang dahil hindi ka nakapag-aral ng maayos dahil sa kakabantay doon sa…”
“Oo na! Ang mahalaga papasa pa rin naman ako.” Inirapan ni Jeany si JM at patakbong hinablot ang test paper result ni JM. “Wow! Kaya naman pala ang lakas ng loob magyabang. 64 over 50 pala. Ikaw na ang magaling.”
“Umayos nga kayong dalawa. Kapag kayo hindi tumigil, baka kayo ang magkatuluyan niyan. Aye!” Kinikilig ko silang tingnan dalawa. Napahinto naman sila at nakatingin sa akin at ilang iglap lang ay nagkatinginan.
“Hindi ako papatol diyan no. Never!” sigaw ni Jeany at itinapon kay JM ang hawak na test paper. “Ayos lang sana kung si Mike, pero iyan? Mas pipiliin ko pang maging single forever.”
“Maski naman ako. Ikaw pa ba?” tinuro ni JM si Jeany. “Kahit tayong dalawa na lang ang tao sa mundo mas pipiliin ko pang mamatay kaysa makasama ka!”
“Tama na!” Pumagitna ako sa kanilang dalawa. “Masyado naman kayong defensive sa isa’t isa. Ang sinasabi ko lang naman ay manahimik muna kayo at kumain. Marami pa tayong iche-check na mga test paper.”
“Wow! Isang mistake lang ah. 69 over 50.” Hindi ko napansin na hinablot na rin ni Jeany ang aking testpaper. “Alam kong mabait kayong dalawa. Baka naman pwedeng ibigay na lang ninyo sa akin ang sobra sa scores ninyo. Please!” nag-pout si Jeany na palipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni JM.
“As long as we want to.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Pero, impossible ang hinihiling mo.”
“Ay! Madaya.” Palingu-lingo ang kanyang ulo habang siya ay naglalakad. Nang biglaan siyang mabungo sa taong papasok. Nabitawan niya ang hawak niyang ice cream na dumiritso sa damit ng lalaking kanyang nakabangaan.
“Mike!” mahinang saad ni Jeany habang naiilang na pinagmamasdan si Kael. Lalo pa noong masilayan niya ang damit nito na nadudumihan. “I’m sorry.” Aligaga siyang kinuha ang panyo mula sa kanyang bulsa at pinahid sa damit ni Kael. Natatawa na lamang akong pinagmamasdan siya.
“Ayos lang ako.” Hinawakan ni Kael ang dalawang kamay ni Jeany at pinagmasdan mata sa mata. “Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo. Alam kong matagal na noong naging tayo. Patawad kong noong gusto mo nang makipagbalikan ay ayaw ko na. Sobra iyong pagtataboy na ginawa ko sa iyo. Patawad kong nasaktan kita. Sana maging magkaibigan tayo.”
“Ah!” Hindi makapagsalita si Jeany nang maayos. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Kinikilig e. “Okey.” Iwinagayway niya ang kanyang kamay buhat sa paghawak nito kay Kael.
“Okey?” kumikindat na nagugulumihang wika ni Kael.
“Wala. Huwag ka ngang pa-cute. Ikaw na nga itong humihiling na maging magkaibigan tayo, tapos hinaharot mo na agad ako.” Umiiwas-iwas tingin siya kay Kael. “Alam mo bang mahirap ma-inloved sa bestfriend. Mapapasulat ka na lang ng nobela nang hindi inaasahan. Hindi ba JM?” Naiilang kong tiningnan si JM na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
“Ahm…” Bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin at bumalik kay Jeany, paharap. “Baka.” Kitang-kita ko ang maiilang na pagngitin niya kay Jeany.
“Bestie.” Naglakad na lamang kaming apat na magkasabay. Nang biglaan na lamang magsalita si Jeany. “Naalala ko pala, nasaan na pala iyong librong sinasabi mong ipapahiram mo sa akin.”
“Meroon ba? Wala naman akong sinasabing may ipapahiram akong libro.” Nagmamaangmaangan ako. Hindi ko pa pala natatanong si Kuya kung nasaan na ang librong ibinigay sa akin ni JM? Baka nakalimutan niyang dalhin.
“Iyong ibinigay ko sa iyong libro!” Patay na! Biglang nagsalita si JM. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko ba ang katotohanan na naroon kay Kuya o alam ko na…
“Nasa bahay. Nakalimutan kong dalhin e. Sa susunod na lang,” litanya ko habang naglalakad. Hindi ko na sila hinarap kasi alam kong mahuhuli nila ako. Mahihirapan na naman akong gumawa ng palusot.
“Bukas ha! Dalhin mo at ipapabasa ko sa bago kong friend.” Napahinto ako ng magkatinginan sina Kael at Jeany. “Mahilig ka bang magbasa ng story, Mike?” untag niya.
“Hindi naman masyado,” limitadong bigkas ni Kael.
“Gusto kong mabasa mo ang story nina Jeany at James Martin. Ang indemand book ng taon. Numero unong pinipilahan sa mga bookstore. I Fell In Love With My Bestfriend. Nilikha ng nag-iisang Mr. Doraemon a. k. a James Martin,” intrada niya at masayang pinapalakpakan si JM.
“Alam mo?” untag ko.
“Ako pa ba? Ako kaya ang third wheel ninyong dalawa.” Nakangiti niya pinitik ang kanyang kamay sa aking harapan. “dahil diyan. Manlilibre si James Martin sa atin!”
“Hoy! Kakatapos lang nating kumain ng snack,” bulyaw ni JM.
“Ay! Kuripot na siya. Ayaw na niyang manlibre. Palibhasa, papasikat na.” Nagtatampong lumapit siya kay Kael. “Ikaw na lang manlibre sa akin, bestfriend.” Paglalambing nito kay Kael.
“Bestfriend agad?” natatawang wika ni Kael. Alam kong naiilang siya kasi minsan napapansin kong napapatingin na lang siya bigla sa akin. Umiiwas naman ako kapag dumadating ang mga ganoong pagkakataon.
“Syempre, pasasaan pa at doon din naman tayo tutungo,” masayang saad ni Jeany. “Bakit ayaw mo bang maging bestfriend ako?” naglulungkot lungkutan niyang wika. “Ah! Gusto mong maging magkasintahan ulit tayo? Ikaw ha! Dumadamoves ka sa akin ng palihim.” Natatawa ako habang nakikitang masaya si Jeany. Nakakabaliw siyang panuorin kaya napapangiti na lamang ako ng hindi oras.
“Hindi.” Minsan lang nagiging ganito si Jeany. Buhat kahapon ng iburol si Bernie ay hindi ko pa siya gaanong nakikitang masaya. Ngayon lang talaga. Nagpapasalamat ako at matapos ng maraming nangyari ay nagagawa niya pa ring ngumiti. “Bahala ka nga.” Umalis na lang bigla si Kael na hindi nagpapaalam. Siguro, dahil tinawag na rin siya ng mga kasamahan niya sa kanilang section. Hindi ko pala nakita ngayong araw si Chalmer. Siguro, hindi na bumalik kasi tapos na naman ang exam. Siguro, lumipad na iyon papunta sa ibang bansa para magbakasyon, katulad noong mga mayayaman kong mga kaklase.
“Ikaw kasi e. Nagtampo tuloy ang tao.” Tiningnan ko na lamang si Kael na lumalakad papunta sa kanyang mga kasamahan.
“Gaga! Huwag kang ano. Babalik din iyon. Bukas na bukas, papansinin din tayo ng lalaking iyon. Ikaw pa ba, matitiis noon? Hindi no.” Umupo siya sa katabi kong upuan. Wala ng gaanong estudyante kaya dikit dikit kaming lahat habang nagtsi-check ng exam. “Nga pala, magpo-fourth year na tayo. Hindi mo pa rin nae-experience magkaroon ng kasintahan. Pagsisisihan mo talaga iyong mga ginagawa mo. Tatlong naggwagwapuhan ng lalaki ang nag-aagawan sa iyo o!” Hindi ko na lamang siya pinansin.
Nagpatuloy na lang ako kaka-check ng mga test paper. Napapa-isip ako. Paano kaya kung pumili ako? No! Hindi pwede. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Kailangan kong sundin ang pinagbabawal ng daddy ko. Ito ang nararapat.