True.
True.
False.
False.
True.
False.
True.
False.
Mahirap daw ang exam. Iyon ang sabi nila. Hindi naman. Kapag nag-aral ka talagang masasagutan mo ang mga katanungan. Dinadahilan lang naman nila na mahirap ang exam pero ang totoo niyan ay hindi sila nag-aral. SInasagutan ko ngayon ang aming Final Examination. Napapangiti na lamang ako kasi mabilis kong nasasagutan ang lahat. Ginabi ba naman ako matulog para lang ditol. Kaya, dapat lang na makabisado ko na.
Nagpakawala ako ng hininga matapos kong tapusin ang aking unang exam. DInungaw ko si Jeany at nakangiti niya akong tinanguan. Mabuti at mukhang ayos na siya. Akala ko ay hindi siya papasok, pero kunsabagay kaya naman na niyang sagutin ito. Hindi naman siya talaga bobo e. May angking talino din siya pero minsan nawawalan lang siya ng lakas ng loob.
“Ang bilis mo?” mahinang saad ni JM. Kaninang umaga, nang masilayan ko siya ay agad ko siyang hinawakan. Maayos naman na siya. Mukhang epektibo talaga ang mga gamot na binili ko sa kanya, kahapon. Naalala ko pa kanina lamang…
-
“Bakit ka ba pumasok? Ang dapat sa iyo ay magpahinga. Paano kung mabinat ka? Magpa-special exam ka na lang. Pagbibigyan ka naman na siguro ng ating mga guro.” Hindi ko maabot ang kanyang ulo dahil hinaharangan niya ng kanyang mga kamay. Baka nilalagnat pa siya, sobrang init pa naman niya kahapon.
“Wala na akong sakit. Huwag ka ngang mag-alala sa akin. Kaya ko ito.” Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit sa kanyang ulo. Mukhang tama nga siya, magaling na siya. “Syempre, magaling iyong doktor ko e.”
_
“Nag-aral kaya ako. Kita naman sa eyebags ko.” Turo ko sa aking mga mata.
“Kahit may eyebags ka. Maganda ka pa rin.” Mambobola talaga. Iniwan ko na lang siya. Matapos kong sagutan ang exam ay umalis na ako sa silid namin. Ganoon naman kasi sa amin e, kapag tapos kana pwede ka ng gumala at bumalik ulit kapag may ibang subject na. Naglakad ako papunta sa canteen namin. Wala pang gaanong tao. Siguro, iilan pa lang ang nakasagot na sa kanilang mga test paper.
“Ang bilis mo yata.” Nagulat ako ng makita si Kael na naglalakad na rin. “Siguro, kung anu-ano na lang ang isinagot mo kasi gutom na gutom ka na no?” pang-aasar niya habang magkasabay kaming lumalakad papunta sa may benebentang pagkain.
“Hindi no. Sinagutan ko kaya lahat. Baka, ikaw.” Tinuro ko ang paborito kong cake habang nakatingin sa tindera. Nasaan na kaya iyong lalaking tindera rito? Mukhang sumuko na kakakulit sa akin. Kaya hindi na bumalik.
“Ako na po ang magbabayad noong mga pinili niya.” Kinikilig na kinuha ng tindera ang perang inaabot ni Kael. “Nag-aral yata to nang maayos, kagabi.” Bumaling muli siya sa akin at pinagmalaki ang sarili.
“Talaga lang.” Nakangiwi kong kinuha ang aking mga pinili habang siya ay nagtuturo pa. “Chalmer, tapos ka na rin?” untag ko.
“Magkasabay kaming…” Napahinto siya. “Una akong natapos sa kanya, kaso dumaan muna ako sa banyo.” Hindi na nakapagtataka, matalino siya kaya talagang madali niyang ring masasagutan ang lahat.
“Sige na. Pumili ka na roon at magbayad. Sumama ka na rin sa amin sa mesa,” saad ko. Ilang minuto naming hinintay si Chalmer na pumili ng makakain. Pagkarating na pagkarating niya sa mesa na dala ang kanyang napili, kakain na sana kami ngunit dumating din si JM.
“Hindi ba ninyo ako mahihintay?” untag niya. Dahilan upang muli naming maibalik ang aming kakainin sa mesa. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa may tindera at pumili.
Sa harap ng aming mga pagkain sa iisang mesa ay magkasama kaming apat. Nagdasal muna kami ng kaunti upang gabayan sa aming mga exam at kumain.
“Mabuti at hindi ka natatakot na baka may issues na namang lalabas dahil kasama mo na naman kaming tatlo,” biglaan na lamang bigkas ni Kael. “Hindi ka ba natatakot na baka muli ka na namang masira sa mga mata ng mga estudyante rito, dahil lamang sa kasama mo na naman kaming tatlo?”
“Oo nga, Jam.” Napalipat ako ng tanaw kay Chalmer. “Baka mamroblema ka na naman dahil lang sa amin. Ano kaya ang idadahilan mo?”
“Tama sila. Gusto mo bang kuyugin ka naman ng mga estudyante sa social media?” untag naman ni JM.
“Magrelax nga kayong tatlo. Wala naman akong ginagawang masama. Kung sakali mang bumalik ang mga haters ko, bahala sila. Basta, ako. Alam ko sa sarili ko na tama ako. Sasabihin ko lang ang totoo.”
“Ganyan! Ang tapang mo a. Kaya…”
“Kaya mag-aral mabuti. Kapag isa sa inyo bumagsak. Who you kayo sa akin!” Hindi ko na hinayaang tapusin ni Kael ang kanyang sasabihin. Inisa-isa ko silang pinagtuturo.
“Oo naman. Bumagsak na nga kami sa iyo, pati ba naman ang exam, ibabagsak pa namin. No way!” Umirap si Chalmer at kinagat ang kanyang burger.
Tumunog ang kampana kaya muli na naman kaming nagkakahiwahiwalay. Maayos ko namang nasagutan ang bawat katanungan na nakapaloob sa bawat pahina ng exam. Kampante ako sa sarili ko na kaya kong makakuha ng malaking score.
-
“Kamusta ang exam, anak?” untag ni Mommy sa akin habang kumakain kami. Gabi na rin kasi. Hindi pa rin pala umaalis sina Kuya at Ate Cristel. Mabuti at hindi na masyadong naiilang si Cristel sa amin. Nakiki-ride na siya sa tuwing may tawanan na nagaganap sa amin.
“Ayos naman, Mommy.” Humigop ako ng sinabawang manok. “Kinakaya ko naman.”
“That’s my girl!” masayang sambit niya sa akin. “Cristel! Nakausap mo na ba ang pamilya mo?” untag ni Daddy na nakaharap na kay Cristel.
“Daddy!” Hinawakan ni Kuya ang kamay ni Cristel at humarap kay Daddy. “Wala na siyang pamilya. Ginagamit niya ang utak niya upang makapag-aral. She is a scholar sa aming pinapasukang paaralan. Sampung taon pa lamang siya ng magkahiwalay ang kanyang mga pamilya. Buhat doon, hindi na niya alam kung nasaan na sila.”
“Sorry.” Pagpapaumanhin ni Daddy. “Hayaan mo at aalagaan ka namin. Siguro, dapat na nating pag-usapan ang tungkol sa inyo.”
“Bakit po, Daddy?” untag ni Cristel.
“Buntis ka. Kapag may nakaalam na buntis ka ay may posibilidad na hindi ka makakasamang dumalo sa graduation ninyo,” pagsisimula ni Daddy. “Kaya payo ko. Maliit pa naman ang tiyan mo, ililihim mo muna na buntis ka. Upang sa ganoon ay makakasama ka sa graduation ninyo.”
“Huwag kang mag-aalala. Ako ang sasama sa iyo sa graduation at si Alvertuh naman ang sasama sa anak namin,” masayang wika ni Mommy.
“Maraming salamat, Mommy,” mangiyak ngiyak na tugon ni Cristel.
“Wait! Tiningnan ni Daddy ang kalendaryo. “Hindi pala ako makakapunta sa Graduation.” Nagulat ako at napatingin kay Daddy. “Walang kasama si Jam Bie. Iyong araw na graduation ninyo ay araw din ng graduation nina Jam Bie.” Talaga ba? Bakit hindi ko pa ito alam? Marahil ay pinag-usapan na ng mga guro ang tungkol dito pero hindi pa nila naipapalabas. Kung ganoon nga ay mukhang…
“Daddy, ayos lang ako. Huwag kang mag-alala,” nakangiti kong bigkas.
“Hindi. Titingnan na lang natin ang oras. Siguro, mauuna muna kami ng Daddy mo sa kuya mo. Matapos namin silang ihatid ay hahabol ako sa iyo,” nakangiting saad ni Daddy sa akin.
“Promise?”
“Promise!” Akala ko pa naman wala ng magsasabit sa akin ng medalya. Kapag nangyari iyon ay baka unang beses na wala akong kasama habang kinukuha ang aking parangal. Pero, siguro naman ay ayos na ang lahat. May kasama pa rin pala ako.
“Napag-usapan na natin ang lahat. Dahil diyan, bibili ako ng coke sa may tindahan.” Tumayo si Kuya. “Let’s Celebrate!”
“Hoy! Umayos ka nga. May kasama tayong dalawang buntis.” Turo ni Daddy kina Mommy at Cristel.
“Ay! Nagpapatawa lang ako.” Naglakad siya papunta sa refrigerator. “Tubig. Magtutubig tayo!”