“Good Morning, Jam!” Napapangiti na lamang ako habang binabaktas ang daan papunta sa aming silid. Nakakapanibago. Parang unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat. Wala na akong nakikitang mga matang mapanghusga. Mga estudyanteng bigla na lang nagtatawanan kapag ako ang dumadaan. Mga estudyanteng masasamang salita ukol sa akin ang binibitawan at mga estudyanteng nagpapakalap ng maling information.
“Good Morning, Jam!” pagbati sa akin ni JM. Ang akala ko talaga kanina y bumabati lang ang mga estudyante ng magandang umaga sa akin kasi kasama ko si Daddy. MUkhang bumalki na nga sila sa kanilang pagrespeto sa akin. Salamat naman kung ganoon nga.
“Good Morning, JM!” nakangiti kong saad. “Nasaan pala si Bestie?” untag ko. Kanina pa ako palingon lingon pero hindi ko talaga siya mahagilap. Marahil ay umabsent na naman iyon.
“H-hindi ko a… lam.” Umubo siya. Hays! Mukhang sinisipon din yata siya dahil sa nangyari, kahapon. Ibinigay ko sa kanya ang aking panyo at nagwika, “Sorry ha! Nagka ubo at sipon ka pa yata dahil sa nangyari kahapon.”
“A-ayos lang!” Pinahiran niya ang sipon niya. “Malayo ito sa bituka.” Umubo din siya ng bahagya.
“Sana hindi ka na muna pumasok.” Hinawakan ko ang kanyang ulo at mukhang may lagnat din siya. “Hali ka, ipapaalam kita kay Ma’am.” Inalalayan ko siyang tumayo. Pupunta na sana kami kay Ma’am ngunit kausap niya si Jeany. Ano na naman kayang pinag-uusapan nila?
“Okey, Class! Listen! Our test paper are not done yet. So, we have to reschedule our Periodical Examination. Some of our teachers are printing. Maybe, tommorow. So, don’t forget to study.” Lumabas si Teacher buhat sa kanyang mesa at nagsalita sa harap naming lahat. “Today, In behalf of our respective school we will go to Bernie Saluhayan house. Our deepest condolences,” dagdag pa niya. Mas mabuti na rin iyon. Kaya pala magkausap sila kanina ni Jeany. Marahil ay nirequest niya ito kay Ma’am.
“K-Kaibigan ko pa naman iyon dati sa elementary si Bernie,” bigkas ni JM. “Hali ka na! Kailangan din nating makiramay.” Marahan siyang tumayo at hinila ako. Malakas ang kanyang pagkakahila kaya napaupo kami sa upuan na nasa aming tabi.
“Hindi! Kailangan mong magpagaling. May exam pa tayo, bukas!” Nagsisilabasan na ang aking mga kaklase. “Ihahatid na kita sa inyo at didiretso na rin ako sa bahay nina Benie. Hindi ka pwedeng pumunta dahil sa nararamdaman mo.” Hindi naman talaga pwede. Sabi nila kapag may iniinda kang sakit ay huwag kang pupunta sa mga lamay at baka lalong lumala.
“Pero…”
“Huwag ka ng pasaway!” Dumiritso na nga kami sa kanilang bahay. Bago kami makarating ay binilhan ko na rin siya ng gamot sa may malapit na botika. Kailangan ko siyang alagaan. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganyan.
“Tito, Aalis na po ako. Nasa may malapit lang ako kung may kailangan kayo.” Tinuro ko ang lugar na pinangyarihan ng lamay ni Bernie. Nagpupumilit siyang tawagin ko siyang tito kahit hindi naman kami ng anak niya. Una ay ayaw ko pa, subalit namimilit siya kaya sinusunod ko na lamang. Lumabas ako ng bahay nila at bumungad sa akin si Chalmer.
“Why did you go to his house?” untag niya. Umiwas ako at naglakad.
“Englishero ka na ulit?” sinamaan ko siya ng tingin. NAg-pout siya. Ang cute niyang tingnan. “Ano ka ba? May sakit ang tao dahil sa nangyari kahapon. Makapag-selos ka naman.”
“Ako rin naman ay may masakit. Alagaan mo rin naman ako. Here!” Itinuro niya ang puso niya.
“Umayos ka nga!” marahan ko siyang sinapak sa tagiliran. “Diyan ka lang ha? Pupuntahan ko muna si Bestie.” Dumiritso na ako paglakad sa loob ng tahanan nina Bernie. Umiiyak ang pamilya niya. Napupuno ng hiyawan at iyakan sa loob kaya hindi ko makayanan ang bawat hagulgol. Biglang bumabalik sa akin noong minsan nagkaroon ng lamay sa aming bahay.
Grade 5 ako noon nang bigla na lang namatay si Ate JCka. Hays! Tumayo ako bigla at lumabas ng tuluyan mula sa loob ng kanilang bahay. Pinapahiran ko ang mga luha sa aking mga mata.
Biglang may mabait na panyong bumungad sa aking harapan. Kinuha ko ito.
“Tukayo. May problema ba?” Napatingin ako sa may ari ng panyo. Si Kael pala. “Bakit ka naman kasi pumupunta sa ganito kung madali ka lang pa lang madala sa iyak?” wika niya.
“Nakikiramay lang ako,” pagsisimula ko. “Sinamahan ko na rin ang kaibigan kong si Jeany para may kasama siya.”
“Alam mo ba? Ang bait mo.” Nakangiti niyang litanya kaya napatingin ako sa kanya. “Kaya mahal kita e.” Sinamaan ko siya ng tingin. Bigla siyang tumawa at pinahiran ang luha sa aking mga mata, saka nagwika, “Alam ko naman na. Study first.”
“Kailangan ko na rin palang umuwi. Kailangan ko pang mag-aral para sa Periodical Exam, bukas.” Nagmamadali kong hinanap si Bestie upang makapagpaalam na rin. “Ikaw ha! Mag-aral ka rin. Kapag hindi ka makapasa, automatic akong magiging Presidente sa susunod na taon. Tandaan mo iyan!” Tinuro ko siya at naglakad na rin papunta kay Jeany.
“Kukuhanin ko pa ang honor para sa iyo!” natatawa niyang saad. Hinayaan ko na lamang siya. Nagpaalam na ako kay Bestie at maging sa pamilya ni Bernie.
“Jam! Hatid na kita!” wika ng may ari ng bumusinang sasakyan na si Chalmer. Ibang sasakyan na naman ito a. “Bro, halika. Ihatid na natin si Jam.” Napatingin ako sa taong kanyang tinawag, si Kael pala.
“Halika na! Minsan lang akong maka-libre ng sakay.” Hinila ako ni Kael papasok sa likurang bahagi ng upuan ng sasakyan ni Chalmer. Wala na akong nagawa kundi sumakay.
“Manong Driver, Dalhin niyo po kaming dalawa kahit saan,” mapang-asar na saad ni Kael. Kinurot ko ang kanyang kamay. “Palakasin mo rin ang hangin. Ang init e.”
“Opo, Boss,” nangigigil na wika ni Chalmer. “Lumabas ka na lang kaya, Bro. Ang hangin mo e!”
“Nagbibiro lang. Minsan lang naman kasi ako makasakay sa mga sasakyan mo. Ikaw kasi e, puro na lang mga chicks mo ang pinapasakay mo.,” mapagbirong sambit ni Kael. “Teka naman.” Biglang prumino si Chalmer at huminto kaya nataranta kaming dalawa ni Kael.
“Umayos ka nga. Baka maniwala si Jam sa iyo!”
“Akala ko naman papalabasin mo na ako. Tinakot mo ako, bro.” Napapahawak si Kael sa hawakan ng pintuan ng sasakyan. “Next time, magsabi ka naman bago prumino. Baka mabanga tayo.” Tumingin sa akin si Kael at nagtanong, “Ayos ka lang ba, Tukayo?”
“Ayos lang!” Tiningnan ko siya at lumipat ng tingin kay Chalmer. “Mabuti at pinapamaneho ka pa rin ng Daddy mo ng sasakyan, matapos ang nangyari kahapon?” Nagsimula ng magmaneho si Chalmer.
“Sinabi ko na aksidente lang iyon. Tsaka, hindi naman ako ang nagmaneho.”
“Ay! Iba ka, bro. Iba talaga kapag mayaman!” Napapangiti na lamang ako habang nakikita silang nagtatawanan at asaran. Hindi ko lubos maisip na magkakabati ulit sila gayong parang aso at pusa na silang nag-aaway dahil lang sa akin.
“Paano ba iyan narito na ako sa bahay?” Binuksan ko ang pintuan at lumabas sa sinasakyang sasakyan ni Chalmer. “Ingat kayong dalawa ha. Mag-aral kayong mabuti. Dapat next year, magka-klase na tayong lahat!” Nagsitanguan na lamang sila.
“Goodnight!” Magkasabay silang tumawa matapos nilang magkasabay na sinambit ito sa akin. Ngumiti na lamang ako. Pumasok na ako ng bahay at nag-text kay JM.
“Pagaling ka. Bukas, may exam pa tayo!”