Everythings happens for a reason. May mga nangyayari sa buhay natin na hindi natin inaaakalang mangyari. Mga bagay na biglaan na lamang dumadating na ikakagulat natin. Mga bagay na akala natin ay hindi natin malalampasan. Ngunit, isang umaga magigising na lang tayong nakangiting tumatawa habang nahihibang na mapapasabing, “Thanks, Lord, I made it.”
Nagulat sina mommy at daddy matapos nila akong makitang basang basa buhat sa buhos ng ulan. Hindi ko pa rin lubos maisip na kinaya kong harapin silang tatlo at sabihin ang lahat ng ibig kong sabihin. Maaaring magalit sila, mainis, o magkaroon ng tampo pero ang gusto ko lang ay walang mangyaring masama sa kanila.
“Ano bang nangyari kanina, anak? Wala lang ako sa paaralan ay marami rawng gulo ang naganap.” Sumigop siya ng mainit na sabaw. “May tumalon daw sa rooftop?”
“Oo, Daddy. Si Bernie iyong kaklase nina Chalmer at Kael.” tumikhim muna ako bago magsalita.
“Si Bernie Saluhayan?” Tumango ako. “Palagi iyong pumupunta sa Guidance Councilor kapag may problema siya. Nagkakausap kami noon. Mula sa problema sa pamilya, pag-ibig hanggang sa pera. Diyos ko! Baka hindi na niya kinakaya ang pang-aabuso sa kanya ng kanyang tiyuhin. SIguro, kung walang importanteng bagay akong nilakad ay baka hindi siya nagkaganoon.”
“Daddy! Huwag mong sisihin ang sarili mo.” Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy.
“Hindi. Siguro, bago siya pumunta sa rooftop ay dumaan muna iyon sa Guidance Councilors Office kaso hindi niya ako nakita.” Naawa ako sa tuno ng pananalita ni Daddy. “Wala siyang mapagsumbungan sa kanyang prinoproblema kaya nakapagdesisyon siyang tumalon sa rooftop.”
“Daddy! Siguro iyon na talaga ang oras niya rito sa mundo. Kung oras na niya, oras na niya iyon. Hindi na natin iyon mapipigilan. Ang sa atin na lang ay ipagsa-Diyos ang kanyang kaluluwa.” Matapos ang eksenang iyon sa mesa ay dumiritso na ako sa aking silid. Hindi ko na tinawagan si Kuya, bagkos ay pinadalahan ko na lamang siya ng text.
Hawak ko ngayon ang aking selpon. Sa mga oras na ito iisa lang ang naiisip ko. Siguro ito na rin ang tamang panahon upang muli kong buksan ang aking social media account. Pagkakataon, upang tuluyan ko ng harapin ang mga pambabatikos na kumakalat sa social media. Hindi ko na ito aatrasan upang sa ganoon ay mahinto na sila sa kakakapaniwala sa fake news.
Isinulat ko na ang aking account name. Maging ang password ay naitipa ko na rin. Marahan akong napapikit at gumulantang sa akin ang halos umabot limang daang abiso at isang daan na mensahe sa kung kani-kaninong tao. Sobrang tagal na ba talaga buhat ng hindi ko ito nabubuksan? Matapos ko kasing malamang kumakalat na ang iba’t iba kong mukha sa social media ay hindi ko na ito binubuksan. Wala akong oras makipagsagutan at maidepensa ang aking sarili. Ngayon, ito na ako. Malakas ang loob na haharapin ang mga patutsada ng iba’t ibang tao.
Una kong binuksan ang mga mensahe. Tumambad sa akin ang iba’t ibang pangalan. Mas marami ang hindi ko kilala kaysa sa kilala talaga ako.
Binuksan ko na ang mensahe mula kay Jeany. Sobrang dami na niya pa lang mensahe para sa akin. Hindi niya pala sinasadyang mainis na lang sa akin ng biglaan matapos niyang malamang nagbago na si Kael. Noong araw ng eleksyon, hindi raw niya ninais na siraan ako sa aking mga kaklase. Kusa na lang siyang nagising na ayaw niyang matanggap na hindi siya naging parte ng pagbabago ni Kael. Bunga ng pagkainis ay ako ang kanyang ginawang sisihin. Gusto niyang lumapit sa akin upang humingi ng patawad dahil sinisisi niya ako pero lalong nag-udyok sa kanya ang galit sa akin matapos niyang makita ang larawan namin ni Kael na naghalikan. Umiiyak siya sa may rooftop noon ng biglang may nagbigay sa kanya ng panyo, si Bernie. Nakagaanan na niya ng loob si Bernie, pero sa tuwing nakikita niya ako ay muling kumukulo ang kanyang dugo. Pinagmumura na niya ako sa kanyang mga mensahe. Pinagsisihan niya na naging magkaibigan kami. Subalit, umugong ang balitang magkasintahan pala kami ni Chalmer. Inaakala niyang kami na ni Kael. Alam din niyang may gusto si JM sa akin. Nasasaktan siya ng sobra kaya dinadaan na lang niya sa pag-iinis sa akin. Sa tuwing nagkakasagutan pala kami ay palihim siyang umiiyak kasama si Bernie. Habang unti-unti silang nagkakamabutihan ni Bernie ay unti unti ring nawawala ang kanyang pagkainis sa akin. Iyong galit ay naghihilom dahil sa presensya at mungkahi ng isang tao. Napukaw siya sa katotohanang hindi na naman siya dapat mainis sa akin dahil lang kay Kael. Kaya, noong nagkaroon ng pagkakataon ay nakipagbati din siya. Marami siyang natutunan buhat ng nawala ako, at dahil iyon kay Bernie. Sasagutin na niya sana si Bernie subalit nakita niya itong may kahalikang babae. Kaya, hinarap niya ito at sinabihan na huwag na itong umasa sa kanya. May iba na siyang mahal. Ang mga katagang iyon ang huling tagpo nilang magkasama, hanggang sa nangyari na nga ang hindi inaasahan.
“Bestie! Magpakatatag ka ha! Sorry kung may mga naging kasalanan ako sa iyo. Sana huwag mong kakalimutan na nandito lang kaming mga taong nagmamahal sa iyo. Hayaan mo, ipagdadasal natin sa DIyos ang kaluluwa ni Bernie. Huwag ka ng umiyak at magpakapagod. Kumain ka ha! Alagaan mo ang sarili mo.” Nag-iwan ako ng mensahe.
Lumipat ako sa ibang mensahe. Binuksan ko ang mensahe ni JM. Humihingi siya ng patawad kasi nalasing siya. Patawad kasi saka lang niya nasabi ang naramdaman niya noong malasing siya. Totoong mahal na mahal niya ako. Nagseselos siya ng sobra kay Kael at pinagsisihan niyang ipinatakbo niya akong SSG President. Siguro kung hindi niya ako tinulak na tumakbo ay baka kami pa ring dalawa ang magkakasama. Siguro, hindi ko nakilala ang isang Kael sa buhay ko. Lalo pang nagsiusukan sa selos ang kanyang nararamdaman ng makita niyang may boyfriend na ako. Ang mga kumakalat na larawan sa social media ay minemensahe niya na rin sa akin. Nanghihina siya na hindi siya niya nasabi ang kanyang nararamdaman. Ibinuyag niya na rin na siya nga si Mr. Doraemon. Nahihirapan siyang tapusin ang kwento naming dalawa, lalo pa ngayong dalawang tao na ang karibal niya. Matagal bago niya naisip ang katagang sa tamang panahon. Doon niya tinapos ang kwento. Hanggang sa tuluyan na nga itong na-ipublished. Umaasa siya na sana, sana siya na nga ang piliin ko.
“Mahal kita. Mahal kita bilang kaibigan. Nasabi ko na ang lahat sa iyo. Nawa ay walang magbago sa ating dalawa. Magkaibigan pa rin tayo. Malay natin sa tamang panahon.” Ipinakawala ko ang mga katagang iyan gamit ang pagtipa at mensahe sa kanya.
Nalipat ang aking tingin sa mensahe ni Kael. Hindi niya sinasadyang kalabanin ako sa eleksyon. Pinagtritripan lang daw siya ng mga kaklase niya kaso dahil nailagay na sa listahan ng tumatakbo ang pangalan niya ay kailangan na niyang panindigan. Humihingi siya ng patawad dahil sa masasamang salita na lumalabas sa kanyang bibig. Ibinunyag niya rin na matagal na niya akong gusto. Love at first sight daw. Kaso, hindi siya makalapit kasi nga masungit ako. Ibinoto niya ako sa pagkapangulo. Akala niya ay ikakamatay na niya kaya puno ng bumabahang confession niya ang sumunod na mga salita. Kung mamamatay na raw siya ay hindi niya pagsisisihan dahil nasabi niyang mahal niya ako. Hanggang sa nagkaroon ng himala at nawala ang kanyang iniindang sakit. Malaking pasalamat niya at pwede niya pa akong makasama. Kaso, nahihirapan siya lalo na at dalawa ang kaagaw niya mula sa akin. Naiinis siya sa tuwing nakikita niya akong kasama si JM o si Kael man. Naiisip niyang sana pala natuluyan na lang siya kaysa makita akong may kasamang iba. Hanggang sa gusto na niya akong ipaglaban. Hangga’t wala pa akong pinipili ay wala pa siyang rason para sumuko. Umaasa din siya na sana, sana siya na lang ang piliin ko. Hangga’t nabubuhay siya ako lang ang tukayong mamahalin niya.
“Kael. Nasabi ko na sa iyo, kanina. Sana huwag mong ikulong ang sarili mo sa pagnanais sa akin. Matuto kang kumilala ng ibang tao. Malay naman natin at makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa iyo. Kung darating man ang tamang panahon at wala talaga. Magkikita tayo at doon magwawakas ang hinihiling mo. Sa tamang panahon.”
“Anak! Matulog ka na! May exam pa kayo, bukas!” Naimensahe ko lang kay Kael ang ibig kong sabihin. Dumating si Mommy at pinapatulog na ako.