Matapos kung makasiguradong nakasakay na si kuya ay agaran na rin akong pumara ng jeep. Agaran namang may huminto. Umupo na rin ako at nagsalpak ng headset sa aking taenga. Kailangan kong mag-relax, dahil hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa araw na ito.
“Bastos! Huwag mo ngang nakawin ang headset ko!” Napaharap ako sa lalaking aking katabi nang biglaan niyang kunin ang isang pares ng headset at inilagay sa kanyang taenga.
“Mas bastos ka. Ninakaw mo nga ang puso ko e.” Tiningnan ko siya ng diretso. Huli na ng malaman kong si Kael pala ang katabi ko.
“Lumayo ka nga sa akin.” Kinuha ko ang headset sa kanya.
“Usog! May sasakay!” sigaw ng driver. Napapa-usog siya sa akin. Hindi ko siya tinitingna at patuloy lang din ako kaka-usog sa kanang bahagi ko. Kaunting dipa na lang at maglalapat na ang aming mga bewang. “Usog pa!”
“Paano naman ako lalayo kung may mga taong magtutulak sa akin upang lumapit sa iyo?” Napaharap ako sa kanya buhat sa pabulong niyang litanya sa aking taenga. Naamoy ko ang bango ng kanyang bibig at pati ang pabango ng kanyang damit at tila ba nagbibigay kalasingan sa akin.
“Kung kanina ka pa kasi lumipat doon, baka hindi ka na nakalapit pa sa akin,” naiinis ko siyang inirapan.
“Mommy, magdyowa ba sila?” Nalipat ang aking tingin sa kaharap kong bata na nagsalita. Iba na talaga ang henerasyon ngayon, pati mga bata, alam na ang salitang dyowa? Hays!
“Huminahon ka!” Hinawakan ng ina ng bata ang bibig ng kanyang anak.
“Magdyowa raw ba tayo?” turan ni Kael na naging sanhi upang lingunin ko siya. Ngunit, isang pagkakamali ang nagawa ko dahil biglaan ding prumino ang jeep.
“Magdyowa nga sila, anak!” Narinig ko na lamang na bigkas ng ina ng bata, nang tuluyan ng maglapat ang mga labi naming dalawa ni Kael. Wala akong nagawa kundi kumuha ng barya at pinahinto ang jeep. Hindi ko alam kong saan na kami banda pero kailangan ko ng makaalis sa jeep na ito.
“Iyong sukli mo!” sigaw ng driver habang naglalakad na akong iniwan ang sukli. Naiinis ako. Bakit ba palagi na lang kaming nagkakahalikan nitong si Kael? Mariin ko na lamang na binubura ang kanyang bibig mula sa aking bibig.
“Keep the change!”
“Manong Driver, matampuhin kasi ang girlfriend ko. Iyong sukli niya po, iyon na po ang bayad ko!” Umandar na ang jeep at nakababa na si Kael. Ang bilis makagawa ng estorya a? Baka bihasa na sa mga ganito. Kunsabagay, once a playboy always a playboy.
“Hoy! Saan ka ba pupunta?” untag ni Kael. Sumusunod lamang siya sa akin. Ayaw ko siyang titigan, alam kong lalo ko lang itong ikakainis sa kanya.
“Bakit mo ba kasi ako sinusundan?” untag ko sa kanya. Hindi pa rin ako humihinto sa kakalakad. Kung saan saan na ako dalhin ng paa ko, umalis lang siya sa tabi ko.
“Baka mapahamak ka sa lugar na ito.”
“Wala kang pakialam kong ikapapahamak ko ang paghinto sa lugar na ito. Buhay ko ito!”
“Sige na. Sorry na. Hindi na ako lalapit sa iyo. Sumakay na tayo ng jeep. Promise! Hindi na ako tatabi para hindi mo na ako mahalikan.” Napahinto ako dahil sa kanyang tinuran.
“Ako pa ang humalik sa iyo? Disgrasya iyon! Hindi sinasadya! Kusang nangyari! As if naman hahanap hanapin ko iyang halik mo!”
“Disgraya? Pinagsisihan mo bang hindi iyon sinasadya? Sadyain natin.”
“Bastos ka talaga! Ikaw pa lang ang kakilala kong presidente ng campus pero ang bastos!” Naiinis ko siyang pinagtuturo.
“Ang unfair mo naman kasi.” Bigla akong nanibago sa tuno ng kanyang pananalita. “Ang sabi mo ay wala kang pinipipili sa aming tatlo. Ang sabi mo, lumayo na kaming tatlo. Tapos, mabalitaan ko. Buong araw kang hinahanap ng pamilya mo kasama si Chalmer? Mabalitaan ko, magkasama kayong nakasakay sa iisang sasakyan ni JM. Sana sinabi mo na lang sa akin na, ayaw mo sa akin. Hindi iyong akala ko, ayaw mo pa talagang pumili sa amin.”
“Kael, patawad. Patawad kong sa paningin mo ay nagiging unfair ako sa inyong tatlo. May mga bagay lang talaga na kahit iwasan natin ay nangyayari pa rin,” mahinahon kong saad sa kanya.
“Ang galing mo ring magsalita ng ganyan ano?” sinamaan ko siya ng tingin. “Akala ko kasi hindi ka makakapagsalita ng mga ganyang pahayag kasi kung makapagsalita ka sa akin ng masama ay para bagang sinasadya ko na ang lahat ng mga nangyari.”
“Hindi naman sa ganoon.”
“Kokontrahin mo na naman ako? Lahat na lang ng sasabihin ko, mali para sa iyo.” Hays! Biglaan ko na lamang naalala. Kailangan ko pa lang sabihin sa kanilang tatlo ang panaginip ko. Hindi pwedeng magkagalit kami nitong si Kael, baka ikapahamak niya pa ang lahat dahil lamang sa mga nagagawa ko.
“”Pasensya na. Hayaan mo at magiging mabait na ako sa iyo.”
“Hindi nga?” Hinuhuli niya ang aking mga matang umiiwas sa kanya.
“Hindi na rin ako magiging unfair sa inyo!” Lumalapit siya sa akin.
“We?” Pumapahakbang talaga siya.
“Pareho ko kayong papapasukin sa buhay ko.”
“Bago ako maniwala. Titigan mo muna ako sa mata at sabihin uli iyon!” Hinawakan niya ang aking kamay at nakangiting hinahabol ang aking mukhang kung saan saan ko tinitingin.
“Ito na!” Hinarap ko siya, mata sa mata, ilong sa ilong, mukha sa mukha. “Magiging mabait na ako sa iyo. Hindi na ako magiging unfair sa inyong tatlo. Pareho ko na rin kayong papapasukin sa buhay ko.” Habang binibigkas ko ito sa harap niya ay para bagang nauubusan ako ng hininga. Ang bilis ko talagang maapektuhan kapag may malapit na lalaki sa akin. Siguro, pagkakamali ang mga sinasabi ko ngayon, pero kailangan ko itong gawin. Kailangan ko itong gawin para walang masayang na buhay dahil lamang sa mga nagiging disisyon ko.
“Promise mo iyan?!” Tumango na lamang ako. “Pwedeng payakap. Kahit yakap lang.” Gusto kong humindi pero siya na mismo ang yumakap e. Sa pagyakap niya ay kitang kita kong nakaharap sa akin ang isa na naman sa tatlong lalaking nagmamahal sa akin.
“JM!” sigaw ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Kael. Tumatakbo si JM kaya hinabol ko siya. Hindi pwedeng mangyari ito. Baka sa pagtakbo niya ay mabundol siya sa mga rumaragasang sasakyan.
“JM!” Itinulak ko siya buhat sa rumaragasang sasakyan. Mabuti na lamang talaga at binilisan ko ang pagtakbo, kung hindi ay masasagasaan na siya.
“Ayos ka lang ba?” Pinapatayo ko siya. “May masakit ba sa iyo?” untag ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kanina habang nakikita ang malakas takbo ng sasakyan. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang pagsipa ng aking puso.
“Ito o.” Turo niya sa kanyang puso. “Ang sakit lang kasi e. Hindi ko mapigilan.”
“Tinatawag kita e. Hindi mo ba ako narinig? Magpapakamatay ka ba?” untag ko.
“Matagal na akong patay. Patay na patay sa iyo.”
“JM! Seryoso ako. Ayos ka lang ba?” tanong ko habang nakaharap sa kanya.
“Naging seryoso naman ako sa iyo e. Palagi naman na akong ayos basta ikaw ang usapan e.” Nakikita ko ang maliliit na luha sa kanyang mga mata habang tumatawa. Nararamdaman ko ang sakit. Siguro nga ay nagseselos siya sa kanyang nadatnan kanina. Hindi ko naman alam na nandito siya e.
“Dahil ba ito sa nakita mo? Nagseselos ka ba?” Kailangan kong maniguradong tungkol lang to sa kanina. Baka may iniinda rin siyang problema sa kanilang bahay?
“Oo. Nagseselos ako!” Tumayo siya at itinulak ako. Hindi naman ako natumba sa ginawa niya. Hinawakan ko na lamang ng mahigpit ang kamay na ginamit niya pagtulak sa akin at hinila siya papalapit sa akin.
“JM. Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin. Gusto kong malaman mo na nagpapasalamat ako sa Diyos na dumating ka.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Para ito sa lahat ng bagay na palihim niyang ginawa para sa akin.
—-------