“Hindi!” Muli ko na namang naimulat ang aking mga mata mula sa isang nakakatakot na panaginip. Sa pagkakataong ito ay hinahabol ko ang aking paghinga. Namamasa na rin ang aking buong katawan dahil sa pawis. Nanghihina kong pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Nasaspo ko ang aking ulo. Hindi ko na gusto ang mga nangyayari. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Ang tanging alam ko lamang ay ito na ang huling araw ng aking pagdidisisyon kung hindi ay baka may mangyaring hindi maganda sa kanilang tatlo. Limang araw ngayon buhat ng pagsisimula ng panaginip ko sa kanilang tatlo.
Iginala ko ang aking mga mata sa buong paligid ng aking silid. Hanggang sa napahinto ako sa orasan. Mag-aalas tres na rin pala. Gusto kong matulog muli ngunit hindi ko magawa. Sa tuwing ipipikit ko ng ilang sandali ang aking mga mata ay muli kong nakikita ang aking napapanaginipan. Kinapa ko ang aking selpon sa mesa, ngunit kasabay ng pagkuha ko ng selpon ay ang pagkahulog ng librong isinulat ni JM.
Mukhang ayaw na naman akong dalawin ng antok ay marahan ko itong pinulot at hinawakan. Siguro, basahin ko na lamang ang libro habang hinihintay ang pagsikat ng araw. Naglakad muna ako papunta sa kusina. Nagtimpla ng mainit na kape at kumuha ng biskwit sa aking tagong lagayan.
Habang binubuklat ko ang bawat pahina ay nasasapo ko ang ulo ko. Bakit kaya ang manhid manhid ko? Ilang beses na niya palang pinaramdam sa akin na mahal niya ako pero ang manhid manhid ko pala. Maraming beses na niya palang pinaubaya sa akin ang pagiging 1st honor. Noong minsan pala na may pagkakataon na siya na maungusan ako ay hindi niya tinutuloy kasi nasisiyahan siya kapag nakikita niya akong masaya. Kahit pala siya sana ang pinipili ng aming guro na magrerepresenta sa ibang rehiyon na competition ay hindi niya tinatanggap kasi gusto niya ako ang ma-apreciate ng lahat. Noong minsan nawala ang notebook ko ay siya pala ang humingi sa aming guro sa science na bigyan ako ng pagkakataon na makapagsumite at magsulat muli. Kung hindi niya iyon ginawa ay marahil babagsak ako. Labis din akong nagulat kasi akala ko ay sobrang talino ko sa isang subject, na kahit hindi na ako magpasa ng mga proyekto ay pumapasa ako at umaabot pa ng 94 ang aking grado. Iyon pala habang hindi ako nagpapasa ng proyekto ay ginagawan niya pala ako, at tahimik na ipapasa sa aming guro. Nakakapanghina na sobrang dami na rin pala ng sakripisyo na ginawa niya para sa akin ay hindi ko man lamang siya nagawang pasalamatan. Gusto ko siyang makita ngayon at yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na nagpapasalamat ako sa lahat ng mga bagay na ginawa niya para lamang sa akin.
Pinagpatuloy ko ang pagbukas ng bawat pahina. Maraming rebelasyon aking nalaman na maging ako ay hindi ko inaasahang mga nangyari sa kalagitnaan ng pagsasama naming dalawa. Habang tinuturing ko siyang matalik na kaibigan ay siya naman itong minamahal ako ng palihim. Kakaiba ang ginawa niyang katapusan sa kuwento namin. Sa katapusan ng kuwento niya, doon ko napag-isip isip ang lahat. Malaking epekto ang katapusan ng kanyang kwento sa magiging desisyon ko sa kanilang tatlo. Alam ko na ang magiging desisyon ko at sa pagkakataong ito alam ko na kung ano ang pipiliiin ko.
“Bunsoy, ang aga mo naman yatang gumising.” Lumapit siya sa akin. “Ano ba iyang librong binabasa mo?” Hinablot niya ito mula sa aking mga kamay. “Fall In Love With My Bestfriend? Bakit ka nagbabasa ng ganito? Huwag mong sabihing kaya hindi mo gusto iyong mayamang anak ng may-ari ng mall at iyong poging si Kael, kasi bet mo ang bestfriend mo?”
Andiyan na naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin at naghahanap ng kasagutan. Umiwas ako ng tingin.
“Hindi.” Tumayo ako.
“Kung hindi e, bakit nga? May tinatago ka ba sa akin?” Hinawakan ni Kuya ang aking kamay upang ibalik ako sa pagkakaupo. “Pwede mo namang sabihin sa akin lahat bunsoy. Ako nga, sinabi ko na ang lahat sa iyo e. Ang unfair mo naman!” Bintiwan niya ang aking kamay, tumayo at palakad paalis ng aking kwarto. Tila nagdadabog at nagtatampo.
“Sige na.” Napahinto siya at nakangising tumingin sa akin. “Ang librong iyan ay isinulat ni JM. Kuwento raw naming dalawa.”
“What the? Ginawa niya talagang libro ang kwento ng buhay niyang kasama ka? Ang husay. Very sweet.” Lumapit siya sa akin at kinurot ang mukha ko. “Kinilig ka naman ba habang binabasa iyan?” untag niya. “Akin na muna ito. Aalis na ako ngayon. Babasahin ko kung anong klaseng estudyante ka?” Wala na akong nagawa kundi tingnan siyang sinarado ang pinto at tinatakbo hawak ang libro.
“Kuya! Isusumbong kita kina Daddy at Mommy!” Tumakbo rin ako at hinahabol siya kaya siya napahinto. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatingin siya sa akin na nag-aalala. Imbis na dumiretso sa kanyang kwarto ay binalikan niya ako at hinila pabalik ng aking silid.
“Bunsoy, hayaan mong ako ang magsabi sa kanila. Ngayong araw na ito pupunta na ako sa campus. Salamat sa mga advise mo, kagabi. Alam ko na kung ano ang gagawin ko. Sa pagkakataong ito, paninindigan ko ang tama.” Hindi na ako makapagsalita dahil sa seryoso niyang turan. Hinayaan ko na lamang siyang lumalabas sa aking silid na dala pa rin ang libro.
Pinagmasdan ko ang buong paligid at nasilayan kong dumudungaw na ang araw, kaya agaran akong pumunta sa banyo, maligo at magbihis. Mahalaga ang bawat oras sa araw na ito, dahil sa araw na ito, ang desisyon ko ay maririnig na nilang tatlo.
“Mommy, Daddy… Babalik na pala ako sa campus. Marami kaming gagawin. May sorpresa rin ako sa pagbabalik ko,” turan ni Kuya habang kumakain kami. Ako ang natatakot kay kuya. Paano niya haharapin ang katotohanang bakla nga siya pero magkaka-anak na siya? Pero, pwede namang bisexual si kuya. Malay natin at magiging lalaki din siya dahil sa anak niya.
“Grabeng sorpresa naman iyan, anak. Bukod sa bakla ka.” Tinapik ni daddy ang likuran ni kuya. “Alam ko na iyan!” Nakangiting nagkatinginan sina mommy at daddy. Pareho sila ng iniisip. At, parang alam ko rin kung ano ang nasa isip nila.
“Alam na ninyo?” Nakita ko sa mukha ni Kuya ang pagkagulat. Nalulungkot siyang tiningnan ang nakangising sina mommy at daddy na tumatango.
“Bun…”
“Buntis ka, Kuya?” Humalakhak akong pinahinto siya sa pagsasalita. Nasilayan ko kasi sina mommy at daddy na nakaabang sa sasabihin ni kuya. “Imposible naman iyon.” Kinindatan ko si Kuya upang tumawa rin at ginawa naman niya. Mukhang naguluhan siya sa ginagawa ko.
“Sweetie. Sana hinayaan mo na lang siyang magsalita. Ang seryoso na niya kanina e,” litanya ni mommy.
“Bunsoy, mommy at daddy. Isa ako sa magna cumlaude!” Tumayo si daddy at nilapitan si Kuya. Si daddy na mismo ang nagsalita sa iniisip niyang kadugtong sa sasabihin sana ni kuya. “We are so proud of you, anak!” Sabi ko na nga ba e, ang pagiging magna cum laude ang iniisip nina mommy at daddy. Kung alam lang sana nila ang katotohanan, pero hindi `pa ito ang tamang oras. Hahayaan ko na lamang si kuya na magsabi.
“Sasamahan ko muna si Kuya. Magje-jeep na lang ako papunta sa paaralan.” Tumango naman sina mommy at daddy. Magkasabay kaming naglakad ni kuya papunta sa sakayan ng bus na dadaan sa campus ni kuya. Malayo layo rin ang byahe niya kaya sana maayos lang siyang makarating sa kaniyang patutunguhan.
“Bunsoy, alam kong kaya hindi ka na makatulog kagabi dahil ngayon na ang huling araw para pumili ka sa kanilang tatlo. Narinig ko noong minsang nag-uusap kayo ni mommy. Kahit ano pa man ang magiging disesyon mo. Nandito ako palagi ha!” Hinawakan niya ang kamay ko habang huminto na ang bus na sasakyan niya. “Beep me kung may problema ka. Salamat!”
“Ikaw din, Kuya. Ingat!” Kinakaway ko na ang aking mga kamay sa bus na sinakyan niya. Huli ko na kasing napansin na nakapasok na siya sa bus.
—------