“HINDI!” Naimulat ko na naman muli ang aking mga mata buhat sa isang paulit ulit na bumabalik na panaginip. Tatlong araw na ang nagdaan matapos ang pagsisimula ng panaginip kong ito. Hindi ko alam kung ano ang ibig ipahiwatig nito, pero kailangan ko ng mamili sa kanilang tatlo. Kailangan ko ng ipagsama kaming tatlo upang tuluyang sabihin sa kanila ang aking panaginip. Habol hininga kong kinukusot ang aking mga mata matapos ang maiinit na galing mula sa araw. Nasisinagan na pala ako ng araw. Anong oras na kaya? Inilibot ko ang buong paligid hanggang sa mahagip ko ang orasan. 7:35 na pala. Kailangan ko ng maghilamos upang makauwi na kami ni Chalmer. Teka nga, nasaan na kaya iyon?
Lumabas ako matapos kong marinig ang kumakanta sa labas. Sino naman kaya ito? Dinungaw ko ang bintana. Ang paborito kong cartoon character, Si Doraemon, ang pink dog na superhero ng mga naaapi.
♬
“Naririto na naman ako,
Naghihintay na makasama mo,
Umaasang mapansin mo,
Ang binubulong nitong puso.”
Sa pagbukas ko ng pintuan ay iniluwa nito ang taong nakasuot ng Doraemon Outfit, na may dalang guitara habang kumakanta sa kantang orihinal niyang ginawa. Bakit kakaibang boses ang aking naririnig. Hindi ito ang boses ni Chalmer habang kumakanta kaming dalawa. Baka, epekto lang din dahil sa sinuot niya.
♫
“Ikaw na nga ang hinihintay,
Ang hinihiling sa may kapal,
Umaasang iyong makita,
Ang binubulong nitong puso!”
Hindi ito si Chalmer. Parang nabasa ko na ang mga linyahang ito mula sa aking nakaraan. Maaari kayang.
♪
‘Pwede bang magkaibigan at hindi na lang sa pagkakaibigan.
Pagkat ang nararamdamn sa iyo higit pa sa kaibigan.
Kaya hiling sa May kapal na sana marinig
Ang binubulong nitong puso”
Hindi ko mapigilang maiyak sa kanyang binuong kanta. Saksi ako sa kung paano niya dahan dahang nilalapat ang mga kataga at pinagbuklod buklod. Kilala ko na siya. Hindi ito si Chalmer, siya si JM. Siguro, para sa akin ang ginagawang kanta niya na ito. Ang kinakanta niyang sinasabi niyang hindi niya matapos tapos dahil nakukulangan pa siya ng inspirasyon.
Subalit, bakit nandito si James Martin? Nasaan kaya si Chalmer? Baka nagalit siya dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon? Pero, bakit nandito si James Martin?
Lumapit siya sa akin at ibinigay ang bulaklak. Nakakapanghina ang lamig ng kanyang boses. Para akong lumilipad sa alapaap sa hatid nitong kaginhawaan sa puso.
♩
“Ang binubulong nitong puso…
Walang iba kundi ikaw!”
Tahimik ko siyang hinagkan. Habang ibinibigay niya sa akin ang paborito kong pink na rose. Ang sarap maging kaibigan ang isang tulad niya. Ramdam ko ang pagiging sinsero. Alam kong mahal niya ako pero tanging pagkakaibigan lamang talaga ang kaya kong maibigay sa kanya.
“Nagustuhan mo ba?” untag niya sa akin. Lumayo naman siya ng bahagya sa akin habang inaalis ang suot niyang costume. Sa pag-alis niya ay lalo kong nakumpirma na siya nga ito. “Marunong din akong kumanta,” nakangiti siyang lumapit muli sa akin.
“Oo na! Bakit ka pala narito?” Nakangiti kong iniaalis ang mga natirang dumi buhat sa sinuot niyang costume. “Nasaan si Chalmer?” untag ko na labis niyang ikinalungkot. Bakit ba naman kasi hindi ko naisip ang pakiramdam niya. Siya na nga ang narito pero iba naman ang hinahanap ko? Hays!
“Alam mo iyong masakit, tanggap ko naman na maaaring hindi mo ako piliin e, pero sana kahit man lang kapag magkasama tayo. Huwag mo namang hanapin iyong ibang tao,” seryoso siyang nagsalita sa akin. “Bie, alam mo bang ang saya saya ko kapag ikwenikwento mo sa akin kung gaano ka kasaya kapag nakaka-chat mo si Mr. Doraemon? Ang saya ko, kasi ako iyon e.”
“JM!” mahina kong saad.
“Bie, Gusto kong magalit sa iyo, kasi ang sabi mo lumayo na kami ni Chalmer sa iyo?” nagsimula na naman siya. “Tapois, biglang tatawag sa akin si Chalmer para sabihing magkasama kayo?’” Umupo na kami sa may malapit na upuan.”Bie, Mahal kita! Hindi na ako lasing. Baka, maniwala ka na sa totoo kong nararamdaman sa iyo.”
“Alam ko!”
“Alam mo naman pala, bakit mo ako sinasaktan?” Hinarap ko siya at tinitigan sa mukha. Ang tangos talaga ng ilong niya. Sa mata mo talaga nakikitang totoo ang isang tao. Nangungusap ang kanyang mga mata na ngayon ay nasisilayan kong may umaagos na mga luha.
“JM, gusto kong malaman mo na pinapahalagan kita!” tinitigan ko siya sa mga mata. Pinahiran na rin ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Pero, hindi mo pa rin ako mahal!” Umiiwas siya habang ang mga kamay ko ay abala sa pagpahid ng luha sa kanyang mata.
“JM,” muli kong sambit.
“Bie, Gusto kong sabihin sa iyo na natapos ko na ang sinasabi kong libro. Ibibigay ko ito sa iyo. Gusto kong basahin mo siya.” Hinawakan ko ang ibinibigay niya sa aking libro. Ang sabi niya sa akin, ginagawa raw niya ang lovestory ng kaniyang minamahal. Siguro ang hirap maging writer kung ang isinusulat mo ay ang totoong pangyayari ng inyong buhay.
“Sana maging masaya ka sa buong buhay mo. Kahit sino sa amin ang pipiliin mo, hayaan mong nandito pa rin ako sa tabi. Kahit bilang kaibigan na lamang!’ Napatingin ako sa pamagat ng kanyang libro na pinamagatang. Fall In Love With My Bestfriend!
“JM, I’m sorry.”
“Nagso-sorry ka ba dahil mahal kita o nagsosorry ka kasi wala na akong pag-asa?” Hindi ako makapagsalita sa kanyang tinuran. Nananatli pa rin akong nakatingin sa kanya. “Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pipiliting mahalin ako.”
“Alam mo, may pizza ako diyan. Paborito mo iyon hindi ba? Itinabi ko iyon para sa iyo,” pag-aaya ko sa kanya habang hinihila siya paloob.
“Huwag na! Sabay na lang natin iyang kainin sa sasakyan!” Tinulungan niya akong kunin ang aking mga gamit at isinakay sa sasakyan. Ang gara naman ng sasakyang ito.
“Kaninong sasakayan naman itong nahiram mo?” untag ko.
“Doon sa boyfriend mo!”
“Wala nga akong boyfriend!’
“So, pwede nang maging tayo?” Hinihintay niya akong magsalita dahil sa biglaan kong pananahimik. Sinamaan ko siya ng tingin. “Biro lang. Kina Chalmer ito, sabi niya kasi sa tawag niya sa akin, ayaw ka na niyang makita pa. Kung may gusto man siyang piliin mo, gusto niya, ako!”
Biglaan akong nainis sa ginawa ni Chalmer? So ano ako ngayon, bola, na kapag umayaw na ay ipapasa na lamang sa iba?
“Gusto kong sabihin mo sa kanya na hindi ako bola ha! Hindi ako laruan na pwede mo na lamang ibigay sa iba. May mga disisyon din ako. Kaya kung magdisisyon para sa sarili ko!” sigaw ko kay JM.
“Sorry na!”
“Ikaw, kapag sinabi ko ba sa iyong ayaw ko sa iyo, tatawagan mo na rin ba si Kael? Sasabihin mo rin bang, sunduin mo na siya. Ikaw na lang ang magmahal sa kanya!” Natahimik siya sa aking tinuran. Ang mahirap kasi sa mga tao ngayon, mapang-abuso sa mga nararamdaman ng iba. Bakit niya ako hinayaang ibigay sa iba? Nakakapanghina. Sobrang hirap magdisisyon sa mga bagay bagay. So help me, Lord.
=======