“Ang ating huling magtatanghal. Mula raw sila sa karating probinsya at malayo ang kanilang nilakad para lamang pumunta rito. Nagsimula ang estorya ng pag-iibigan nila noong 1st year pa lamang sila. Itong si Chalmer ay tinatawag na Tabatchoy Nerdy at Pangit nitong si Jam BIe. Ginawa itong inspirasyon ng lalaki upang maging kakaiba at karapat dapat sa babaeng kanyang iniibig.” Hindi ko alam na may introduction palang ganito. Hays.”Nakita naman ninyo, mula sa pagiging tabatchoy ay sobrang hot na niyang tingnan. Mula sa pagiging pangit at nerdy, para na siyang isang heathrob celebrity. DIto natin nakikita ang tunay na hiwagang dala ng pag-ibig. Para sa pagmamahal nakakaya nating gawin ang mga bagay na inaakala natin, hindi natin kaya. Love is like a rosary, full of mystery.” Sana nga ganoon na lamang kadali ang kwento namin kaso hindi e, marami pang ibang kwento hindi lang naka-focus sa aming dalawa, na makakaapekto sa lahat ng magiging disisyon.
“Let’s clap our hands for Mr. Chalmer Oyao and his lucky girl Ms. Jam Bie Villarico!’ Tumayo kaming dalawa ni Chalmer at magkahawak kamay na tinahak ang entablado. Kailangan kong galingan sa pagkanta. Hindi ko alam kung marunong bang kumanta itong si Chalmer o puro pa-cute lamang ang kayang gawin nito?
♬
“Heto na naman ako!
Nakangiti! Nakatulala sa isang tabi.
Hindi mapakali. Biglang napapangiwi.
Minimithing makita kang muli.” SInimulan ko na ang pagkanta. Ibinibigay ko na ang lahat lahat sa akin, mailabas lang ang pinakamagandang alegro ng pagkanta. Kailangan kong ipamalas ang aking itinatagong talento. Malayo ako sa kay Chalmer habang ikinakanta ito. Hindi akong mapakaling patingin-tingin kong saan. Dapat maging maganda ang kalalabasan ng performance namin. Kailangan mmaganda ang ekspresyon ng mukha upang makuha namin ang atensyon ng madla at lalong lalo na ang mga hurado. Natatakot ako na baka pumiyok itong si Chalmer. Kahit kailan hindi ko pa naman siya naririnig na kumakanta sa aming paaralan. Kung hindi man siya marunong kumanta ay bawing bawi naman sa akin. Makasabay lang sa mga kalaban.
♫
‘Saan ka ba nagpupunta,
Ako ngayon ay nag-iiisa.
Hinihiling sa mga bituin.
Makita kang muli.” Nagsisimula na rin siyang kumanta para sa ikalawang bahagi ng kanta. Napapakit ako sa ganda ng boses niya. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ka angas pakinggan ang kanyang tinig kapag kumakanta. Lalo tuloy akong nananabik sa mga sandaling magkakatinginan na kaming dalawa at sabay na kakantahin ang,
♪
“Salamat naman sa mga bituin,
Nakita kang muli.” Sa bandang ito, tuluyan ng nagkabunguan kaming dalawa. Ang mga mata namin ay nangungusap sa isa’t isa. Hindi ko maipaliwanag ang ligayang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Na para bang para kaming isang sikat na artistang magkatambal at gumagawa ng mall show. Naghihiyawan na ang mga tao, kakaiba ang pakiramdam na ito. Sana ay hindi na matapos pa.
♩
“Sa harap ng mga bituin,
Tayo’y nakatingin.
Humihiling na sana’y.. hindi na paghihiwalayin.” Magkayakap kaming dalawa habang kinakanta ang mga huling letra ng kanta. Napuno ng hiyawan ang buong restaurant. Hindi magkamayaw ang taong siguro ay nadala sa aming magandang boses. Ang sarap sa pakiramdam.
“Babe!” Nagulat ako nang biglaan na lang niya akong hinarap sa mukha habang kayakap. “I won’t last a day without you! I know someday, magkakahiwalay din ang ating mga landas pero sana katulad ng kanta, muli tayong magkikita at hindi na paghihiwalayin!” Tumibok na naman ang puso ko.
Naghihiyawan na ang mga tao habang sumisigaw ng salitang, “Kiss! Kiss! Kiss!” Ilang ulit at paulit ulit, nakakabingi. Hindi ko na lamang namalayang tuluyan na ngang naglapat ang aming mga labi. Hindi ako agarang nagkapagsalita at namalayan ko na lamang na dinadala na niya ako sa aming mesa.
“Bakit mo ako hinalikan?” Sinapak ko ang kanyang balikat. Nakahanda naman ang kanyang kamay para rito, kaya nahawakan niya ako.
“Bakit first kiss mo ba? Huwag kang mag-alala. First kiss ko rin iyon!” mapang-asar ang mukhang ipinapakita niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at pinagsabihan, “Bastos ka talaga!”
“Babe!” Sinundan niya ako at niyakap patalikod. “Ginawa ko lang iyon para manalo tayo!” Hindi ko alam kung maiinis ako o hindi pero parang nanghina ako dahil sa mga sinabi niya. Mali talaga ito. Nanakaw na naman ang pangatlong kiss ko. Sobra-sibra na itong mga nangyayari sa akin.
“Bakit? Pakiramdam mo, mananalo tayo?!” Hinarap ko siya na naiinis.
“Ang panalo sa ating ginanap na Singing Couple of The Night! Walang iba kundi ang magkasintahang sina Mr. Chalmer Jerg Oyao at Jam Bie Villarico.” Hindi ako makapaniwalang nanalo kami? Totoo talaga? Nanalo kami. Makakauwi na kami.
“Kita muna!” Hinila niya ako papunta sa entablado. “Sabi ko naman sa iyo e, dahil iyon sa halik.” Idiniin ko ang paghawak sa kanyang mga kamay kaya nasaktan siya ng bahagya. “Mabuti pa iyong halik ko sa iyo, nagpanalo sa atin. Sana manalo na rin ako sa puso mo!” pagpaparinig niya na hindi ko na lamang binigyan pansin.
“Ms. Villarico! What are you feeling right now? Do you expect to win?” bigkas ng Emcee. Tumingin muna ako sa mga taong nagsisigawan at sumuporta sa amin.
“Sa totoo lang, hindi e. Pumunta lang kami rito kasi na-hold up kami. Tinangay iyong selpon namin, bags, wallet pati nga alahas naubos ng magnanakaw. Walang wala na kaming pera pang uwi.” Namalayan ko na lamang ang mga kamay ni Chalmer na nakaakbay sa aking balikat. “Malaking bagay ang napanalunan naming ito upang tuluyan na kaming magkauwi sa bayan namin.” Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan sila. “Salamat sa lahat.”
“Nakakalungkot naman pala ang pinagdaanan ng magkasintahang ito. Mabuti nga kayo, nanakawan lang ng mga bagay bagay e, e, ako, ninakawan ng dyowa!” Napunon ng hiyawan ang mga manunuod sa reaksyon ng Emcee.
“Love is in the air!” Hinablot ni Chalmer ang mga katagang ito at muling naghiyawan ang mga nanunuod. Kinuha ko rin ang mikropono at muli naming kinanta ang aming ipinanalong kanta.
“Saan kaya may sasakyan pauwi sa bayan namin?” untag ko sa may ari ng Cafe sa Bukirin.
“Sa ngayon ay walang sasakyan. Siguro, bukas. Kung wala kayong matuluyan ngayon, pwede kayo sa rito sa aming restaurant muna matulog!” Diyos ko! Salamat sa mga anghel na hinulog mo para sa amin. Hindi na kami mahihirapan pang umuwi.
Sa pagkapanalo namin ay yakap yakap ko ang huggable teddy bear. Hindi na rin kami nakapaghugas ng pinggan dahil sa kami ang nanalo, binawasan na lamang ang pinanalunan namin.
“Babe! Hali ka na! Matulog na tayo!” marupok niyang pagkakasaad. “Ito na ang first honeymoon natin!” Sinamaan ko siya ng tingin at itinapon sa kanya ang yakap yakap kong teddy bear.
“Pinapatawa lang kita. Nakakapanselos kasi itong teddy bear e. Hindi mo man lang binibitawan!” Niyakap niya ang teddy bear. “Sana ako na lang ang teddy bear, iyong takot kang mahawakan ng iba!”
“Iyong mga hirit mo talaga! Ang cheap!” Humalakhak na lamang ako.
“Alam mo, iyang mga ngiti mo!” Napaharap ako sa kanya. Masyado siyang seryoso. “Iyan ang ngiting gusto kong makita bago ako matulog at gusto kong makita maging sa pagising ko!”
“Enough na! Tinupad ko na ang maging jowa mo for the day. Siguro naman, nakabawi na ako sa atraso ko sa iyo. Bukas na bukas, kailimutan mo na ang lahat ng mga nangyari sa atin. Expired na ang pagiging jowa ko sa iyo. Tantanan mo na ako!”
=========