Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

KABANATA 33: Singing Couple Of The Night

“Hays! Umabot na rin tayo, Babe!” Ibinababa na ako ni Chalmer, buhat sa pagsakay ko sa kanyang likuranl. Alam kung nahihirapan siya pero pinipilit niya pa rin akong iangkas. Ilang beses ko nang sinabing kaya ko nang maglakad pero, ipinagpipilitan niya pa rin. Kung hindi lang ako nagkasugat ay wala siyang magiging dahilan para iangkas ako sa likuran niya.

Ayos lang din naman, kasi nagkakaroon ako ng oras para magpahinga sa kanyang balikat. Nakatulog din kasi ako. Ilang beses kaming humingi ng tulong sa mga minsanang dumadaan, pero mailap ang mga tao sa amin. Hindi man lang kami pinaghihintuan. Hays!

“H-Hindi ko alam na mabigat ka pala.” Hinapak ko siya sa balikat. “Kahit ganyan ka nagkasya ka pa rin sa puso ko!” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya palapit sa kanya. Malapit akong matumba kaya nahulog ako sa kanyang mga bisig. Ang bango talaga ng amoy niya.

“Parang may ilaw doon.” Umiwas ako sa kanya at tinuro ang lugar na may maingay at nagkakasiyahang mga tao. “Halika na samahan mo ako!” Naglakad ako ng papalapit sa nagkakasiyahan. Tumutunog na ang sikmura ko, nagugutom na rin kasi ako. Sana may libreng pakain dito.

“Wala tayong kakilala rito. Huwag kang masyadong lumayo sa akin!” Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad. Kakaiba ang nararamdaman ko habang hawak ang kaniyang kamay. Pakiramdam ko ay panatag ako kapag siya ang kasama ko.

“Marunong ka bang maghugas ng plato?” bulong ko sa kanya matapos kong marinig ang pagtawag ng tiyan niya. Alam ko ang pakiramdam niya, siguro katulad ko ay gutom na gutom na siya.

“Marunong naman!”

“Tara! Kumain na tayo!” Hinila ko siya papunta sa loob ng isang restaurant. Isang restaurant pala ang may maingay, mararamdaman sa loob nito mayroon silang ipinagdidiwang.

“Unang annibersaryo na ng ating Cafe sa Bukirin!” Nagsisipalakpakan ang bawat taong nasa loob habang umuupo kami sa aming mesa. May inilagay ang isang mangangawa ng nasabing restaurant kaya agaan kong kinuha at tiningnan.

“Ang mura pala ng mga bilihin dito!”Agaran ko siyang sinamaan ng tingin. Masyadong hambog. Hays. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagsalitaan, “May dala kang pera?” Natahimik na lamang siya.

“Isang Spaghetti.” Tumingin siya sa akin kaya bigla ko siyang naalala. “Ay! Mali pala. Dalawang Spaghetti, apat na kanin, tatlong fried chicken, dalawang sinabawang baboy, tapos isang litro ng coke!” Agarang umalis ang mangangawa at nakinig na lamang kami sa mga musikang ipinapatugtog sa maliit na entablado.

“Ma’am! Sir! May programa kasi kaming magsisimula kaso nagkulang ng representante dahil sa pagback out ng isang participants. Baka balak ninyong sumali! May cash prize worth 12, 000 pesos, Couple Shirt, Couple Mug, one whole pizza from our best selling pizza plus Huggable DoraemonTeddy Bear!” Diyos ko! Ito na yata ang mga sinyales upang makauwi na kami. Tiningan ko ang entablado at nakita ko ang isang kulay pink na rabbit na kilala bilang Doraemon. Gusto ko iyon. Matagal ko ng gustong magkaroon ng ganoong klaseng huggable teddy bear.

“Oo!” Magkasabay kaming nagsalita. Mabuti naman at pareho kami ng disisyon.

“Ano ba ang programa?” untag ko.

“Singing Couple of The Night!”

“Hindi! Ayaw ko!” Nasipa ko ang kanyang paa.

“Bakit ba ayaw mo? Kita mo nang may pag-asa na tayong makauwi? Bakit? Hindi ka ba marunong kumanta?” tanong ko.

“Ayaw ko ng mga ganiyan. Akala ko simpleng question and answer lang e.”

“Babe! Please!” Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagmakaawa. Kailangan na naming makauwi. Sigurado akong nag-aalala na sina Mommy at Daddy sa akin ngayon. Baka pumunta na sila ng pulis para hanapin kami. Kung memoryado ko lang ang selpon number ni Mommy at Daddy baka tinawagan ko na si;a, kaso hindi e. Sa lahat ba naman ng hindi ko mamemorya, number pa nina Mommy at Daddy.

“Approved na ba kayo? Sir?” Humarap sa kay Chalmer ang babaeng mangagawa. Kinikilig pa itong nakatingin sa kanya. May pangiti-ngiti pa ang bruha saka bumaling sa akin, “Ma’am?”

“Yes! We will join the contest!” Masaya akong hinarap siya. Ngumiti naman siya sa akin. Wala akong nagawa kundi ngitian din siya pabalik. Lalaban kami. Kaya namin ito!

“Bakit nagbago ang isip mo? Siguro, dahil sa roon sa sexy at magandang babaeng iyon no? Type mo?” pang-aasar ko sa kanya. Humarap ako sa entablado at nagsalita na ang babaeng humarap sa aming dalawa kanina lamang.

“Mas type kita!”

“Pero, type mo pa rin siya?” Nagsasalita pa rin ako pero nakaharap sa entablado. Ang ganda ng emcee nila, ang emcee na humarap sa amin kanina lamang. Mahusay siyang magsalita. Nakakagaan sa pandinig ang kanyang boses.

“Selos ka naman!”

“Ano? Anong selos ang pinagsasabi mo? Umayos ka nga!” Binalingan ko siya ng tinggin at masamang tiningnan.

“Huwag kang mag-aalala, Babe. Kahit maraming sexing babae pa ang nasa harapan ko, ikaw at ikaw pa rin ang hahanap hanapin ko!” Kinurot niya ang aking mukha habang magkalapit kaming nagtitigan. Nahihirapan talaga akong makaiwas muli kapag naglalapat ang aming mga labi. Kumakabog na naman ang dibdib ko. HIndi ito pagmamahal? Hindi totoo ang sinasabi sa mga pelikula na pagmamahal ito. Pahiwatig lamang ito na buhay ako.

“Our last contender! Mr.?” Tumingin sa aming dalawa ang Emcee. Patay hindi pa pala namin napapakilala ang aming sarili sa Emcee. “Basta, silang dalawa.” Itinuro kami ng Emcee. “Please! Come here on stage!”

“Hi! I’m Chalmer Jerg B. Oyao at kasama ko ang girlfriend kong si Jam Bie Villarico.” Nagpapakilala na pala ang mga bawat contenders. Dinala naman kami ulit sa aming upuan para maghintay sa oras na sasalang na kami upang kumanta. Nag-uusap pa si Chalmer at ang Emcee kaya naisipan ko na munang magbanyo. Mga bagay lang naman na tungkol sa aming dalawa ang itinatanong. Bahala na siya!

“Taray naman! Oyao na pala ang apelyido mo? Nag-evolve?” untag ko sa kanya.

“Ganito kasi ang nangyari. Noong first year tayo, noong umalis na kami ng mama ko papunta sa karatig bayan para roon na ako mag-aaral.” Tumatanngo naman akong nakaharap sa kanya, “Nakabangaan ko ang isang lalaking ubod ng yaman. Iba ang pakiramdam ko sa una palang naming pagkikita. Iyon, pala, lukso ng dugo ang mga nangyayari noong mga sandaling iyon.” Nakikinig lamang ako ng maayos sa kanyang mga sinabi. “Nagkasalitaan kami at nasabi ko sa kanyang may sakit si mommy. Binigyan niya ako ng pera na pambili ng gamot. Subalit, huli na ang lahat ng pag-uwi ko ng bahay dahil unti-unti ng namamatay si mama.” Nakakalungkot pa rin ang pagkamatay ni Tita. Tinatawag ko siyang tita rati kapag napapagala siya sa paaralan e. “Nang sumunod na mga araw. Bigla na lang siyang nagpakita at nagpakilala sa akin. Humingi siya ng tawad. Mahirap siyang patawarin, pero sa bawat araw na nakikita ko siyang nahihirapan na humihingi ng kapatawaran sa pag-alis niya, unti-unti ko na siyang napapatawad.” Tinapik ko ang balikat niya. “Hindi naman sa binabalewala ko si mama, pero gusto ko ring maramdaman ang alagaan ng isang ama. Mali ba ang disisyon ko?”

“Walang mali sa disisyon mo. Siguro, masaya na si Tita sa kung nasaan ka man ngayon,” litanya ko. Humagulgol siya. Patay na, baka masira ang boses niya dahil sa pagiyak niya. Lalo kaming matatalo nito.

“Tahan na!” I’m proud of him. Hindi siya natatakot umiyak sa harap ko. Maraming lalaki ngayon na kapag umiiyak ay nagtatago sa isang maliit na kwarto upang walang makasaksi sa sakit na kanilang pinagdadaanan. Niyakap ko siya. Napapayugyog ako sa bawat galaw ng kanyang katawan buhat sa iyak na galing sa puso.

“Ang drama ko ba? Lalo ka tuloy, nadi-dissappoint sa akin niyan.” Lumayo siya sa pagyakap sa akin at pinahiran ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa entablado at nakangiting patuloy na pinapahiran ang kanyang luha. Hindi na ako nag-atubiling magsalita pa. Pangatlong representate na pala ang kumakanta. Kasunod na kami ng kasunod ng kumakanta.

“Babe!” bigkas ko na lamang.

“Ikaw ha! Sinasanay mo ang sarili mong tawagin akong babe, Huwag ka ngang ganyan, baka masanay ako!”

“Seryoso ako, kailangan na nating mag-ensayon ng ating kakantahin. Pasalamat nga tayo at tayo ang huling kakanta e.” Sinapak ko siya sa balikat. “Siguro naman pamilyar ka sa kantang Gayuma?”

“Hindi. Iyong ‘Nakita Kang Muli’ ang kakantahin natin!” Natulala ako sa kanyang suhisyon. Kunsabagay, alam ko rin naman ang kantang ito. Kaya ayos na rin.

=======

Chương trướcChương sau