“Salamat naman at nakauwi ka na!” Nag-aalalang nilapitan ako ni Kuya. “Ano ang ginawa mo at pinalabas ka sa mall na iyon?” Hinagkan ko nalang siya at hindi na nagsalita. “Bunsoy? Huwag mong sabihing ibenenta mo ang sarili mo para lang makabayad? Sa bagay, kahit ang tanda na ng taong iyon, hindi mapagkakailang ang pogi niya.”
“Kuya?” sinapak ko siya at lumayo. “Maghunos dili ka nga!”
“Bunsoy, patawarin mo ako kung wala akong nagawa a. Nagpasikot sikot na ako, pero wala akong nahanap e. Kalokang buhay naman to! Ano nga ang ginawa mo? Magpa-part time job ka ba sa kanila? Maglilinis ng banyo? Magyayaya? Gusto mo tulungan na kita?” natatarantang sambit niya sa aking harapan.
“Wala!”
“Impossible namang wala. Galit na galit nga iyong may-ari ng mall kanina e. Kulang na lang bumuga siya ng apoy dahil sa galit!”
“Pinaalis niya ako dahil sa anak niya. Hindi ko pa alam kung sino ang anak niya. Nag-aaral sa pinapasukan kong paaralan ang anak niya. Kailangan ko pang malaman kung sino ang anak niya. Kailangan ko pang malaman kung sino ang anak ni Mr. Alano Oyao!” Alam kong marami pa siyang itatanong kaya agaran ko ng ibinigkas sa kanya ang lahat lahat. Madalian akong tumakbo sa bahay at pumasok sa aking silid. Kailangan kong i-charge ang selpon kong kanina ko pa gustong buksan, kaso naubusan na ng baterya. Kailangan kong ma-search kung sino si Alano Oyao at lalong lalo na, kung sino ang anak niya.
Magdidilim na rin kasi kaya lumabas ako ng kwarto at tumulong kay Mommy na magluto. Wala namang salita si Mommy kaya hindi na ako makakapag kwento sa mga nangyari kanina lamang.
“Kamusta ang bonding ninyong dalawa? Nag-enjoy ba kayo?” Kumukuha ng kanin si Mommy habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa ni Kuya. Nagbibingibingihan naman ako at ninanamnam ang sinabawang gulay na kinakain namin. Kailangan healthy ang arig ating katawan parati. Kaya, kumain ng gulay para maging masagana ang buhay.
“Mommy ang ganda pala ng mall malapit sa may spring resort. Maraming tao kanina. Ang tagal ng pila. Haggard tuloy ang beauty ko,” natatawa ako sa naging tugon ni Kuya. Mukhang nag-aaral na rin siya ng beki language a. Pero, sayang talaga si Kuya e, Sa totoo lang ang gwapo niya kaya para maging bakla. Pero, kung saan siya masaya at wala naman siyang naagrabyado, ayos lang.
“Talaga ba anak. Gusto kong pumunta sa lugar na iyon. Hindi pa kasi ako nakadaan dahil sa sobrang busy ng schedule ko, mula sa mga paper works sa school hanggang sa mga gawain dito sa bahay.” Nakatingin siya kay Kuya habang nagdadagdag ng ulam sa kanyang plato. “Alvertuh, gala naman tayo roon. Date tayo.” Humarap siyang may dalang excitement sa mga mata sa kay Daddy.
“Hindi!’ Hindi namin maintindihan kung bakit humihindi si Daddy kaya pareho kaming napatingin ni Kuya sa kanya. “Para ano? Ipagmayabang mo sa akin kung gaano na kayaman iyong ex mo? Bakit nagsisisi ka bang ako ang pinili mo at hindi iyong Arlano na iyon?!” Biglang luminaw ang aking pandinig ng marinig ko ang pangalan ng may-ari ng mall. Ex ni MOmmy ang Mr. Alano Oyao na iyon? Ibig sabihin maaaring may alam siya kung sino ang mga anak nito?
“Bakit naman nasama si Arlano sa usapan?” nagtatakang tanong ni Mommy. Hindi siguro alam ni Mommy na si Arlano ang may ari ng mall. Si Daddy naman kasi galit na agad.
“Mommy, kilala ninyo si Mr Arlano Oyao? Iyong may ari ng mall na iyon?” sumali na ako sa usapan. Siguro, kailangan ko nang magsalita para hindi sila mag-away dahil lamang sa maliit na bagay.
“Alvertuh! Hindi ko alam na si Arlano pala ang may ari ng mall na iyon. Bakit ka ba magagalit e, ikaw nga ang pinili ko? Kahit kailan hinding hindi ko pinagsisihan na pinili kita!” Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy. Mula sa galit na mukha ay parang namumula ang mukha ni Daddy. Kinikilig ba siya?
“Ang sweet ninyo, Daddy. Sana makahanap na rin ako ng taong hinding hindi ko pagsisisihan.” Humigop ng malamig na tubig si Kuya habang kinikilig na tinitingnan sina Mommy.
“Maghanap ka na kasi ng babaeng pakakasalan mo!” Mapang-asar ang mukhang pinapakita ni Daddy. Humalakhak naman sa tawa si Mommy. Habang ako ay nakikinuod lamang sa kanila. Siguro, kailangan kong tanungin si Mommy, mamaya. Baka may alam siya.
“Ay! Pagsisisihan ko talaga kapag babae iyan, Daddy!” Saka na ako sumali sa tawanan nilang tatlo.
Natapos na kaming kumain. SI Daddy ay nasa kwarto na nila ni Mommy at nakaharap na sa laptop upang gumawa ng test paper para sa paparating na FInal Periodical Examination. Kaunting mga araw na lang din kasi ang nalalabi ng klase.
“Mommy? Gaano mo kakilala ang ex mong si Mr. Arlano Oyao?” untag ko na lamang ng biglaan kaming nagkatinginan ni Mommy. Lumapit naman si Mommy sa akin at pinaupo ako sa may malapit na upuan.
“Ex ko lang siya, anak. Naging magkasintahan kami tapos nagkamalabuan kaya naghiwalay. Dumating ‘yung Daddy mo at nanligaw sa akin, ngunit sa mga sandaling iyon ay nakipagbalikan sa akin si Alano. Nahihirapan akong mamili nang mga sandaling iyon hanggang sa pinili ko ang Daddy mo.” Umupo din si Mommy katabi ng inupuan ko. “Ang sabi nga nila anak. Kapag dumating sa puntong pinapapili ka sa dalawa, doon ka sa pangalawa. Kasi, bakit ka pa nakahanap ng pangalawa, kung sapat na iyong isa?” Nalito ako sa mahaba-habang litanya ni Mommy. Nakaupo naman si Kuya sa likuran namin na tumitingin sa selpon niya. Sa huli, nakuha ko rin ang ibig niyang ipahiwatig. Magkaiba kami ni Mommy, kasi kung si Mommy ay may dalawang pinagpipilian, ako ay may tatlo? Pero, sino naman kaya sa kanila ang pangatlo?
“Sa bagay. Mommy, kilala mo ba ang mga anak ni Mr. Oyao?” Ito na nga. Tinatanong ko na siya tungkol sa anak. Sana naman may alam siya. Siya na lang ang huli kong bala.
“Hindi e. Ang balita ko ay nakahanap siya ng mapapangasawa sa ibang bansa. May inanakan nga raw siyang taga rito sa atin e. Iyon lang ang huli kong balita.” Mabuti naman at hindi iyon ang pinili ni Mommy. Kung hindi baka hindi ako ipinanganak na maganda at matalino. “Bakit ka ba naging interesado sa lalaking iyon?”
“May anak daw kasi siyang nag-aaral sa…”
“Bunsoy Tingnan mo, may bagong upload ang pamilya ni Mr. Arlano Oyao. Ang daming papables!” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin sa biglang bigkas ni Kuya. Kailangan ko na munang dahan dahanin sa pagtawag sa kanyang SIssy para hindi ako malito. Hahayaan na lang na dahan dahan siyang magpakita ng kung sino siya sa lahat ng tao.
“Teka lang!” Zinoom ko ang larawang ipinakita niya dahil sa isang lalaking pamilyar sa akin. Hindi maaaring siya, pero hindi ako pwedeng magkamali, siya nga ito. Si Chalmer? Si Chalmer nga kaya ang anak ni Mr. Arlano Oyao? Paanong nangyari e, iba ang apelyido niya. Chalmer Matuya ang apelyido niya. Hindi kaya, siya ang anak na sinasabi ni Mommy anak sa labas?
“Bunsoy, hindi ba ito iyong lalaking ka-couple shirt mo?” Tumango lamang ako. “Ang gwapo talaga niya no. Mukhang ang bango pang tingnan. Mayaman pal! Ayos!” Kailangan kong puntahan si Chalmer at magpasalamat sa kanya sa pagligtas sa akin mula sa kanyang ama. Babayaran ko rin siya ng dahan dahan.
“Siya si Chalmer, anak?” tanong ni Mommy na agaran ko ring tinanguan. “Ang pogi naman na talaga ng batang iyan! Ibang-iba noong una ko siyang makita.” Minsan ko na kasi siyang ipinakilala noong 1st year ako. “Anak siya ni Susana mula kay Arlano. Baka, nang makauwi na si Arlano mula sa ibang bansa. Kinuha na rin siya.”
May kasagutan na ang lahat. Marahil kaya iba ang apelyidong gamit ni Chalmer kasi dala dala niya ang apelyido ng ina niya. Kaya pala ang laki ng pinagbago ni Chalmer, ang yaman pala ng kanyang kapamilya.
“Ibig sabihin ba nito, Sissy Bunsoy. Ikaw at si Chalmer ang magpapatuloy sa naudlot na pag-ibig ni Mommy at Arlano?” Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa aking mga nalaman. Maaari kayang si Chalmer ang itinadhana para sa akin? Pero, paano naman sina JM at Kael? Tadhana naman o! Umayos ka naman. Huwag mo naman sana akong baliwin sa mga ganitong bagay. Kutang-kuta na sa pagtibok itong aking puso e.
==========