“Kailangan mong bayaran ang lahat ng nabasag mo! Umabot 21, 650 ang danyos ng mga nabasag mo. HIndi pa kasama diyan ang perwisyong ginawa mo, na naging dahilan kaya nagkakagulong nililinis ng mga trabahador ko ang 3rd floor.” Nanlumo akong hindi makatingin sa may ari ng mall dahil sa aking mga narinig. Hindi ko lubos akalain na ganoon kalaking pera ang aking nawasak. Paano ko naman ito mababayaran?
“Sir, wala po kaming pera,” nanghihina ko itong isinambit sa may ari ng mall
“May valid ID ka bang dala?” Nagdadalawang isip kong kinuha ang aking Student ID. Nanginginig ko itong binigay ko sa kanya. Napaharap ako sa kanyang mukha. It was a strong handsome face, framed by thick, steel grey hair, and dominated by dark brown eyes. Matanda na siya, pero halatang ang gwapo niya noong kabataan niya. Hindi maipagkakaila. Nakakatakot nga lang kasi, mukhang kaya niyang gawin ang lahat, dahil sa kayamanan niya. Nanlumo na lamang ako bigla. Hays!
“Estudyante ka pa lang pala! Jam Bie Villarico? Parang pamilyar ang pangalan mo.” Patay na? Baka kilala niya si Daddy, baka tawagan niya bigla. Lord, sana naman tulungan ninyo ako. Tumayo siya sa kanyang mesa at hinahawakan ang aking ID.
“HIndi kita papauwiin hanggat hindi mo nababayaran ang mga nasira mo!” Nanginginig kong tinapunan ng tingin si Kuya. Dahan-dahan na ring may namumuong luha sa aking mga mata.
“Ikaw? Kaanu-ano ka naman ng babaeng ito?” Humarap ang may ari ng mall kay kuya. Patay na! Baka pati si kuya ay pag-interesan ng maimpluwensyang taon ito. Graduating pa naman si Kuya. Baka hindi siya makapagtapos dahil dito. Sa sobrang ganda at mamahaling ibinebenta sa mall na ito, hindi ako magugulat kung kaya niya itong gawin.
“Sir…” mahinang sabi ni kuya. “Patawarin po ninyo kami ng kapatid ko.”
“Patawad?” Tinaasan niya ng kilay si kuya. “Maibabalik ba ang danyos nang nabasag ng babaeng ito kapag pinalampas ko ito? Boy! Malulugi kami sa patawad na iyan!”
“Hindi po namin iyon sinasadya!” Bakit namin? Ako lang naman ang bumangga. Ang tanga ko kasi. Hays!
“Pwede ka ng umalis. Sabihan mo ang pamilya ng babaeng ito na may perwisyo siyang ginawa sa mall ko!” Hindi na makapagsalita pa ang aking kuya dahil sa nakakatakot na tono ng pananalita ng may ari ng mall. Pinagmasdan ko si Kuya at maging ako ay nahihiya sa mga ginawa ko, hindi ko lubos maiisip na makakadamay ako ng ibang tao. Kuya, I’m sorry.
“Bunsoy, Huwag kang mag-aalala. Gagawa ako ng paraan!” Hindi na ako makapagsalita pa dahil sa tinuran ni Kuya. Lumapit lamang siya ng bahagya at saka umalis din palabas ng silid ng may-ari ng mall.
Sa pag-alis ni kuya ay nagsilabasan na rin ang mga security guard ng may ari ng mall. Tanging kaming dalawa na lamang ang nasa loob. Nananahimik na lamang ako. Nakakatakot ng magsalita at baka lalo ko pang ikapahamak.
“Ms. Villarico? What is your relationship with Alvertuh Villarico?” Akmang pumipindot siya ng kanyang selpon kaya agaran akong nataranta. Huwag niyang sasabihing pinipindot na niya ang numero ng daddy ko. Patay na! Lamunin mo na ako, lupa!
“Sir! Pwede bang dahan dahan ko na lang na bayaran? Kahit ano po, gagawin ko para mabayaran lang po kayo! Huwag lang po ninyong sabihin sa Daddy ko. Mapapatay niya ako.” Nanginginig kong litanya sa kanya. “Kahit ano po ay gagawin ko. Utusan po ninyo ako, susundin ko!” Desperada na ako. Lahat ay gagawin ko upang hindi ito makarating kay daddy. Lahat ay gagawin ko makaalis lang sa aksidenteng pangyayaring ito. Jam Bie naman kasi, ang tanga tanga mo!
“Kahit ano?” natatakot ako sa tono ng pananalita niya. Para bagang may gagawin siyang masama. “Talaga ba?” Lumalapit siya sa akin kaya nanikip ang aking dibdib. Naluluha kong pinakiramdaman ang buong paligid, nakakapanghina. “Kahit ano?” Kami lamang dalawa ng may-ari ng mall sa loob ng silid na halos ang lamig ng buong paligid dahil sa electric fan. Napapaatras ako sa tuwing papalapit siya.
“Sir! Huwag po!” Napapapikit akong lumalayo sa kanya. Mukhang babastusin niya pa ako.
Lumayo siya sa akin at hinablot ang selpon niya. Hinawakan din niya ang ID ko at pinaglalaruan.
“Hello!” Nakaharap siya sa Student ID kaya sigurado akong tinawagan na niya si Daddy.
“Sir! Please, huwag po ninyong tatawagan ang Daddy ko!” Nanginginig akong lumuhod sa harapan niya.
“Oo!” Nasapo ko ang aking pagmumukha. Hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ni daddy sa akin sa mga oras na magkita kami.
“Sir! Please!” Hinawakan ko ang kamay ng may ari ng mall. Tinapik niya naman ito at umikot siya pabalik ng kanyang upuan.
“Anak. Oo.” Biglang nagbago ang aking reaksyon sa muli niyang pagsasalita mula sa kausap niya sa selpon. Salamat naman at hindi pala si Daddy ang tinawagan niya. Dahan-dahan akong bumalik sa aking inupuan kanina.
“Malaki-laki!” Pinagmasdan ko ang may ari ng mall na may kinakausap sa selpon. “Anak, hindi maaari? Malulugi tayo kapag nagkataon!” Galit itong tumayo. Ano kaya ang problema nila ng anak niya? “Sige na nga. Kung hindi lang talaga kita, anak!” Baka may hiniling na bagay ang anak niya? Malaking danyos ng pera? “Sige na. Umuwi ka na rin sa bahay. Bawal ka ng gumamit ng sasakyan mo!” humahalakhak pa nitong bigkas. Nagkabati na siguro, kapalit ang sasakyan niya? Ang sarap sigurong maging anak ng may ari ng isang mall. “Goodbye. Mag-iingat ka palagi!”
Mr. Arlano Oyao? Saka ko lang napansin ang nakasulat na pangalan ng may-ari ng mall. Parang pamilyar ang kanyang pangalan? Siguro nabasa ko lang din sa mga magazine. Pero, hindi e.
“Miss Jam Bie Villarico. Pwede ka ng lumabas!” Nawalan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ito sa kay Mr. Arlano. Nilapitan ko siya at tinanong, “Bakit?”
“Magpasalamat ka sa anak ko!” litanya niya pagkatapos ay naglakad at binuksan ang pintuan ng kanyang opisina para palabasin na ako. Agaran namang may pumasok ang tatlong guard. Lumapit ang mga guard na ito sa akin.
“Sir, sino po ang anak mo?” sigaw ko. Ngunit, hindi na ako pinapansin ni Sir Arlano. Hinahawakan na ako ng guard upang palabasin kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila.
“Sir, sino po ba ang anak ninyo?” untag ko ulit. Subalit, sinara na niya ang pintuan ng kanyang opisina.
“Guard! Sino po ang anak ni Mr. Arlano?’ untag ko sa guard. Ngunit, walang sumasagot sa kanila.
“Wala kaming karapatang manghimasok sa buhay ng boss namin. Patawad!” Wala na akong nagawa kundi umalis na lamang. Naglakad palabas ng mall at patuloy na iniisip kung sino nga ba ang anak ni Mr Arlano Oyao? Kailangan kong mapasalamatan ang anak ng may-ari. Kung kaklase ko siya, dapat kilala ko na siya, dahil sa apelyido ng tatay niya o pwede kayang anak lang siya sa labas?
Anak ng may-ari ng bagong mall. Anak ni Mr. Arlano Oyao. Madali lang sana ito kung hindi lowbat ang selpon ko. Hays!
======