Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

KABANATA 23 : KNIGHT AND SHINING ARMOUR

“Ano bang kasalanan ko?” Hindi na nakapagtimpi pa si Jam Bie, matapos siyang tapunan ng juice ni Jeany. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa tarangkahan ng kanilang paaralan ay naririnig na niya ang mga mapaklang bulung bulungan ng mga estudyanteng kung hindi man nakatingin sa kanya ay doon naman nakadungaw sa hawak nilang selpon. Gusto niyang magsalita ukol dito pero pinayuhan lamang siya ng kanyang ama na huwag na munang gumawa ng eskandalo at gagawa ito ng paraan upang matigil ang pagpapakalat ng mga litrato. Pinayuhan din siya na huwag na munang lumapit sa tatlong lalaking parte ng mga eskandalo. Lalo pa at nadagdagan na naman ang kumakalat na mga larawan. Mula sa larawan nila ni Chalmer hanggang sa larawan nila ni James Martin noong lasing ito at panghuli ay ang kumalat na larawan nila ni…

“Kasalanan?” Nagugulumihanang tiningnan niya ito. “Kasi malandi kang bruha ka! Sinasabi mo pang hiwalayan ko na si Mike kasi makakasama lamang siya sa akin. Tapos, ngayon, naghahalikan na pala kayo. Kalat na kalat ang larawan ninyo,” hindi siya makapagsalita dahil sa tinuran ng kaibigan. “Hindi ka pa nahiya. Lantaran pang dito sa school! Ang galing no?”

“Bestie! HIndi naman…”

“Magpapalusot ka pa? Kaya pala ayaw mong mapunta siya sa akin kasi gustong gusto mo na siya! Kasi kating kati kang agawin siya! Mang-aagaw ka!” Isang malakas na sampal ang ipinakawala ni Jeany sa mukha ni Jam Bie. Napahawak na lamang si Jam Bie sa mukha niyang namumula.

“Bestie. Aksidente…”

“Wow ha! Aksidente talaga? Sige nga. Total, naturingang Top Student ka naman. Matalino ka naman. Ang galing galing mo ngang sumagot e. Try to elavorite, paano naging aksidente ang halikang iyon? Biglaang tumuka iyong labi mo sa labi niya tapos?”

“Bestie!’ mahina itong nagsalita.

“Bestie! Bestie! Wala akong bestie na mang-aagaw, makati, ahas, feeling anghel, demonyita naman!” Muli na naman sanang lalapat ang mga palad ni Jeany sa mukha ni Jam Bie, ngunit napigilan ito, sa madaliang pagdating ni James Martin.

“Wow! Superman! Knight and shining armour?” Pumagitna na si James Martin sa kanilang dalawa. Hindi mapigilan ni Jeany ang magsalita. “Alam mo, James Martin, huwag kang masyadong umasa na magugustuhan ka ng babaeng iyan. Ginagamit ka lang niya para mapaganda ang mga output ng mga project niya. Once na hindi ka na niya kailangan, iiwan ka rin iyan! Mark my words!”

“Okey ka lang ba?” tanong agad ni James Martin pagkaharap niya kay Jam Bie. Nakatingin lamang si Jam Bie sa kanyang mga paa. Nahihiya siya dahil sa dami ng estudyanteng nakatingin sa kanya. Naisip niyang malalagot na naman siya sa kanyang ama, kapag nalaman niya ang mga pangyayaring ito.

“Jam!” Nasa pintuan pa lamang ng canteen si Chalmer ay rinig na rinig na ang kanyang pagtawag dito. Madalian nitong hinubad ang suot na jacket matapos masilayan ang basang damit ni Jam Bie. Naiinis namang minasdan ni James Martin si Chalmer na sinusuot ito. Wala siyang magawa, hindi kasi siya nakapagdala ng jacket ng mga sandaling iyon.

“Dumating na pala ang boyfriend mo. Ang galing galing mo rin no?” Nakahulmang susuntok si James Martin dahil sa pagkainis nito sa nagsasalitang si Jeany. “Iba na nga ang boyfriend mo. Iba pa ang kahalikan mo. Iba pa ang knight and shining armour mo! Ang husay mo talaga, Jam Bie. Mabuti talaga at hindi ka nanalo sa pagka-presidente ng Supreme Student Government.” Pinigilan ni Chalmer si James Martin na sumuntok. “Jam Bie. Try mong tumakbo sa pagka-presidente ng malalandi. Sure ako, mananalo ka!”

“Jeany! Stop this!” hindi na mapigilan ni Chalmer na magsalita.

“Wow! Ang kapal din ng pagmumukha mo. Hindi ba rati ikaw iyong cheater na palaging iniinsulto ni Jam Bie kasi sobrang pangit mo na nga, ang taba mo pa, nakakatawa pa ang malaki mong antipara. Nagka-amnesia ka ba at bigla mo iyang pinatulan?” Huhulmang susuntok na si Chalmer sa babaeng ito. “Sige. Isuntok mo. Para mapaalis ka na naman sa paaralang ito.”

“Aral muna bago jowa raw? Huwag kayong magpapaniwala sa babaeng iyan!” Umalis si Jeany kasama ang kanyang mga bagong mga kaibigan. Nabalot din ng bulong bulongan ang buong canteen. May iba na umalis na, matapos umalis ni Jeany at may iba na nananatili pa ring nakaabang sa mga susunod na mangyayari.

“Babe. May extra shirt pa ako sa bag. Kuhanin ko muna a.” Tumango naman si Jam Bie rito. “James? Bantayan mo muna siya ha! Mabilis lang ito!” Tinanaw niya muna sa James Martin, saka tuluyang tumakbo papunta sa kanilang silid.

“Dalhin na lang muna kita sa Daddy mo,” suhisyon ni James Martin na lalong nagpakaba sa kay Jam Bie. Hinawakan lamang ni Jam Bie ng mahigpit si James Martin bilang pahiwatig dito na, huwag na. Agaran naman itong naintindihan ni James Martin, kaya bumili na lang muna ito ng maligamgam na tubig. Inilabas din niya ang kanyang panyo at ipinahid sa mukha ng kanyang iniibig.

“Thank you!” mahinang litanya ni Jam Bie.

“Ano?” Inilapit ni James Martin ang kanyang taenga sa bibig ni Jam Bie.

“Thank you!!”

“I love you, too!” Sinamaan ng tingin ni Jam Bie ang kasama. “Akala ko kasi ang sabi mo, I love you e.”

“Babe!” Bigla silang napaharap kay Chalmer sa pagdating nito. Lumapit siya at isinawalang bahala ang narinig mula sa dalawa. Pero, sa isip nito ay gusto ng sumabog dahil sa selos.

“Chalmer!” Nakangiting humarap si Chalmer. “Ihinto na natin ang pagtatawagan natin ng babe. Ang dami ng nagyayari, dahil dito e. Gusto kong tawagin mo na ako ng kahit ano, huwag lang ang babe na iyan.”

“Bie? Pwede naman sigurong Bie na lang. Short for Jam Bie,” Nanlaki ang mata ni James Martin buhat sa narinig, agaran siyang lumapit sa dalawa at nagsalita, “Hindi! Hindi mo siya pwedeng tawaging Bie. Kasi, ako lang. Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoon.”

“Bakit magkasintahan ba kayo? Wala kang pakialam kong tawagin ko siyang Bie!” Kwenelyuhan ni Chalmer si James Martin. Bigla na lang kasing nanumbalik sa kanyang isipan ang eksena nilang dalawa, kanina lamang.

“Tama na iyan! Tigilan na ninyo akong dalawa!” natigil silang dalawa nang magsalita si Jam Bie. “Chalmer, Walang tayo. Hindi naging tayo. Kaya, lumayo layo ka muna sa buhay ko!” Humarap siya kay Chalmer. “James Martin. Alam kong mahirap, pero please layuan mo na muna ako.”

“Ibig sabihin si Mike Kael ang pinipili mo?” litanya ni James Martin na labis na ikinagulat ni Jam Bie. Nakaabang naman si Chalmer sa magiging pahayag ng kanyang iniibig.

“Hindi!’ Napangisi silang dalawa mula sa narinig sa kanilang minamahal.

“May pag-asa pa ako?”sabayang tanong ng dalawa. Hindi na nagsalita pa si Jam Bie at tuluyan na silang iniwan dalawa.

“HUwag na huwag na muna kayong lalapit sa akin. Pwede ba? Ayaw ko na munang makita ang pagmumukha ninyo. Tigilan na ninyo ako!” Umalis si Jeany at tuluyan ng magbihis sa banyo. Naging maayos naman ang buong araw at napansin na ni Jam Bie, na lumalayo na sa kanya si James Martin. Hindi na sila magkatabi ng upuan dahil lumipat na ito ng upuan sa likuran. Naisip niyang maganda at sumusunod naman pala ito, pero nakakamiss din na may nakakasama siyang tumatawa. Minsan ding nagkasalubong sila ni Chalmer, pero maski ito ay hindi na rin siya pinansin. Nakakapanghina sa kanyang pakiramdam pero ito ang sa tingin niya ay tamang desisyon. Ilang ulit din siyang pinaparinggan ni Jeany pero binabalewala na niya lamang ito.

========

Chương trướcChương sau