Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

KABANATA 22; FAMILY CONFRONTATION

“Halika na! Magluto na tayo. Baka, magising na ang Daddy mo!” Bigla ko na namang naalala si Daddy. Paano ko kaya ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Galit na galit pa naman siyang dumating kagabi sa bahay ni JM upang kunin ako. Wala siyang salita na nagmamaneho. Hindi na rin ako nag-atubiling magsalita pa dahil baka may magawa siyang hindi maganda para sa akin. Lumalakas ang kanyang pagmaeho at ilang beses siyang nagpatunog ng pepep. Pagdating namin sa bahay ay akala ko, papagalitan na niya ako. Bigla na lamang siyang pumunta sa kwarto nila ni Mommy at sinabi sa aking magtutuos pa kami.

“Daddy! Nakahanda na ang kape mo!” Hindi niya ako pinapansin. Umupo lang siya na para bang wala ako sa tabi niya.

“Daddy. Niluto ko pala ang paborito mong adobong baboy. Ang Adobong Baboy ni JB!” Inilatag ko sa harap niya ang paborito niyang adobong baboy. Ngunit, hindi pa rin siya gumagalaw.

“Wala akong ganang kumain. Maliligo na ako. Doon na lang ako sa school kakain!” Tumayo si Daddy at namumugto na ang aking mga luha ng masilayan siyang kakaiba ang mga galaw. Nagiging cold na siya sa akin.

“Alvertuh! Kung may problema ka, sabihin mo! Pamilya tayo rito! Kaya kung may problema, dapat solusyunan natin!” sumigaw si Mommy kaya biglang napahinto si Daddy.

“Wala namang problema kung sumusunod lang ang mga anak mo sa mga payo ko. Kung ayaw naman pala niyang makinig sa mga sasabihin ko, e di, bahala na siya sa buhay niya!” Nanlumo ako bigla sa aking narinig.

“Ano ba ang problema mo sa anak mo? Naisipan mo ba siyang tanungin kung ano ang nangyari? Kung ayos lang ba siya? Kung bakit ganito ganyan na ang mga nangyari? Hinayaan mo ba siyang magpaliwanag?”

“Magpaliwanag? Alam mo ba kung ano ang huling pinayo ko sa babaeng iyan? Sinabi ko sa kanya, na huwag siyang sumama roon sa ka-couple shirt niya. Sinabi ko sa kanya, na huwag siyang sumama roon sa may ari ng jacket na suot niya!” nagsisigawan na sina Daddy at Mommy. Gusto kong sumigaw bigla. Ito ang unang beses na makita ko silang mag-away dahil lamang sa akin. Nanghihina akong umupo sa upuan at dahan dahang umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Pinagtuturo na ako ni Daddy.

“Pagkatapos, nalaman kong hindi pa siya nakauwi kasi nasa ospital siya at kayakap ang lalaking ka-couple shirt niya. Hindi lang iyon. May pasabog pa, pumunta pa siya sa bahay ni Mr Ampao kahit lasing na lasing ito. Ulirang anak!” Nanggigigil si Daddy na pinagtuturo ang utak ko.

“Para magising ka!” Isang malakas na sampal ang nagawa ni Mommy kay Daddy ang biglaan kong ikinabahala. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi makapagsalita si Daddy na nakaharap na kay Mommy.

“Sige! Kung galit ka sa anak mo. Suntukin mo ako! Ako iyong pahirapan mo! Ako iyong nag-utos sa kanya na maging mabuting tao e.” Umaagos na ang mga luha sa mata ni Mommy.

“Alvertuh, nanaginip ang anak mo na mamamatay si Kael. Alam mo namang noong bata pa siya, nanaginip siyang mamamatay si Mama. Pinagalitan mo pa nga siya hindi ba? Pinalo mo pa siya ng walis para lang hindi ito sabihin kay Mama. Ano nga ulit ang nangyari? Tatlong araw lang, namatay na si Mama. Namatay siya dahil hindi mo iyon ipinasabi kay Jam Bie!” Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ni Mommy. Basta ang alam ko lang Grade 3 ako noong mawala ang Mama ni Daddy, na lola ko. Hindi ko na maalala ang mga nangyayari noong mga sandaling iyon. Siguro nga dahil bata pa ako.

“Tinulungan lang siya ni Chalmer upang masabi niya ito kay Kael. Alam mo ba kung ano ang good news? Matapos niyang masabi iyon. Nagkaroon ng himala. Naglahong parang bula ang cancer ni Kael. Nailigtas niya ang buhay ni Kael. Uuwi na nga raw iyon ngayon e.” Napaharap sa akin si Daddy at naguguluhan. Tumango ako sa harap niya.

“Si JM?” hindi na natapos ni Mommy ang kanyang sasabihin nang biglaan na lamang lumapit si Daddy sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Makakauwi na naman sana ako, Daddy e. Kaso, biglang may tumawag sa akin. Lasing na lasing daw si JM. Hindi ba nga ang sabi mo, kapag may humingi ng tulong natin, tutulungan natin. Kaya ayon, pinuntahan ko …”

“Anak, I’m sorry. I’m sorry kung hindi kita hinayaang magpaliwanag. I’m sorry kung hindi ako nagtiwala sa iyo.” Hinahaplos niya ang aking ulo habang umiiyak. HIndi ko lubos maisip na iiyak si Daddy na nakayakap sa akin. Nararamdaman ko na ang pamamasa ng aking damit. Maging ako man ay hindi maiwasang umiyak,

“Group Hug!” Lumapit si Mommy sa amin upang makisali sa yakapan.

“Sweetie! Namamasa na ang damit namin ng Daddy mo. Bilhan mo rin kami ng damit ha! Iyong couple shirt na blue!” tumango naman ako sa mga tinuran ni Mommy.

“Gusto niyo ba? Samahan ko pa ng Couple Short, Couple Cup, Couple Mug at kung anu-anong couple pa?” Nagsitawanan kaming bumalik sa mesa.

“Kumain na nga tayo. Ayaw kong palampasin ang paborito kong adobong baboy ni JB.”

“Akala ko ba, Daddy. Ayaw mo?’

“Aayawan ko ba ang paborito ko?” Takam na takam na kinain ni Daddy ang paborito niyang adobo. Muli siyang tumingin sa akin saka nagsalita, “Anak, kapag napanaginipan mong mamamatay na ako. Sabihin mo sa akin ha? Ayaw ko pang mamatay!”

Natahimik kami ni Mommy sa sinabi ni Daddy. Nagtama ang aming mga mata ni Mommy at binigyan niya ako ng pampalakas loob na ngiti. Mahina rin niyang binigkas ang mga katagang, “Kaya mo iyan!”

“Wala ba akong pa-welcome?” Napaharap kami sa biglaang nagsalita mula sa pintuan.

“Kuya!” Agaran akong tumakbo at yakapin siya. Nakakamiss talaga si Kuya. Kaso, kailangan niyang mag-aral sa malayo e, kaya titiisin ko na lang. Para sa pangarap niyang malapit ng matupad.

“Huwag mo akong yakapin. Inunahan mo pa akong magka dyowa!” Diretsahan niyang sagot kaya agad akong napalayo. Tiningnan ko siya sa mukha, pero sobrang seryoso niya. Hinila niya ang aking isang kamay papunta sa kanya at saka niyakap. “Hindi kaya kita kayang tiisin. Miss na miss na kita, Maganda kong Bunso!”

“Mabuti at nakauwi ka anak. Halika na rito at niluto namin ang paborito mong adobong baboy ni JB.” Nakangiting inanyayahan ni Mommy si Kuya.

“Hindi naman ‘yan para sa akin e. Para iyan kay Daddy.”

“Huwag kang kumain!” Lumayo ako sa kanya at umupo na sa mesa.

‘Joke lang. Paborito ko kaya iyan.”

Masarap talagang mabuhay kong mayroon kang pamilyang handang makinig at umunawa sa iyo. Iyong kapag may problema ay kayang kang pakinggan. May mga tampuhang magaganap pero sa huli… Magkakabati rin dahil sa pag-ibig nila sa isa’t isa.

===========

Chương trướcChương sau