Lumabas na si Jam Bie mula sa sasakyan ni Chalmer. Nang malaman kasi nilang maayos na si Mike Kael Jam ay naisipan na rin nilang umuwi. Hindi na nila ito hinintay na makalipat ng silid dahil sa oras. Nag-aalala rin kasi sila sa kay Jam Bie.
“Jam, Sigurado akong papagalitan ka ng Daddy mo. Gusto mo, ako na ang humingi ng pasensya para sa iyo?” bigkas ni Chalmer ng masilayang natataranta ang kanyang kasama. Gusto niya rin sanang masilayang ligtas at walang mangyayari sa taong kaniyang iniibig.
“Huwag na!” Nagkatitigan silang dalawa hanggang sa ngumiti si Jam Bie. “Ako na lang!” Bumaba na siya mula sa sasakyan at kumaway rito. Isang segundo muna siyang tumayo at maglalakad na sana papunta sa gate ng kanilang bahay ng biglaang tumunog ang kanyang selpon.
““Hello! Kilala niyo po ba ang may ari ng selpon na ito? Lasing na lasing po siya. Narito po kami sa tabi ng Tigbe Spring Resort.” Hindi na niya nagawa pang pumasok sa kanilang bahay dahil pumara na siya agad ng taxi. Nagulat siya sa kanyang narinig mula sa numero ni James Martin. Kahit na ganoon iyon ay itinuturing niya itong matalik na kaibigan.
“JM!” Hindi pa man nakakapreno ang taxi ay agaran na niyang binuksan ang pinto, at tumakbo sa sinasabing lugar.
“Jam Bie Villarico! Paasa ka!” Nasa pintuan pa lang siya ng establisimentong kanyang papasukan ay naririnig na niya ang sigaw ni James Martin. Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Agaran niya itong nilapitan. Naamoy niya ang alak. Napapangiwi siya. Hindi niya lubos akalaing umiinom pala ang kanyang kaibigan.
JM! Halika na. Umuwi na tayo!” saad niya rito.
“Bie? Ikaw ba talaga iyan? Bie? Paano tayo uuwi e, walang tayo!” Kakaibang JM ang kanyang nasisilayan. Hindi na ito ang JM na palagi niyang nakakasalamuha sa paaralan. Nakakapanibago sa kanya ang trato ng lalaki. Marahil dahil sa alak. Sumisinok pa ito habang hawak ang bote ng alak.
“Tulungan po ninyong isakay siya sa taxi. Please!” Agarang gumalaw ang mga tauhan na nagtratrabaho sa establisimintong iyon. Mabuti na lamang talaga at mababait ang mga tauhan ng establisimentong iyon, kung hindi, mahihirapan si Jam Bie na buhatin ang kaibigan.
“Alam mo, Bie, Ang daya daya mo!” Naririnig niya ang sinasabi ng lalaki habang kinakarga ito papasok ng taxi. Hinahayaan niya lamang itong magsalita. Nagsisisigaw ito at kung anu-ano na lamang ang sinasabi,
“Bakit ka ba nag-iinom?” tanong niya rito. Nasira ang mukha niya ng maamoy niya ang baho ng alak na nainom nito.
“K-Kasi m-mahal kita!” Hindi makapagsalita si Jam Bie buhat sa narinig. Hindi niya alam ang kanyang mararamdaman. Patuloy lamang umaandar ang taxi papunta sa lugar na sinabi ni Jam Bie.
“Ang sweet naman ninyo sa kasintahan mo. Ikaw pa ang sumusundo sa kanya kahit lasing!” nagsalita ang driver ng taxi, pero hindi na ito nagawa pang pansinin ni Jam Bie. Ang tanging nasa isip niya ay ang kasama niyang lasing na lasing.
“A-Alam m-mo, Bie. Ang daya-daya mo." Suminok siya at nagtaas ng kamay. "A-Ang sabi mo sa akin, pag-aaral muna bago dyowa. Kaya nga... kaya nga hindi kita niligawan e. Ta-Tapos, malalaman ko na D-dyowa mo na pala iyong isang talunang cheater na nasa kabilang section!" Muli siyang suminok. "A-Ang husay mo talaga, Bie. Ang husay-husay mo. Alam mo? Kung gusto mo na pa lang magka-dyowa, sana sinabi mo sa akin. Sana... sana sinabi mo sa akin, para ligawan kita!" Walang nagawa si Jam Bie kung hindi ay hinahaplos lang ang likuran ni Jame Martin.
“N-Number 25. Babe.” Nagbibilang sa kamay si James Marty. “G-Grade six pa lang. Noong unang pagkikita pa lang natin noong Championship, nahulog na ako sa iyo. Pinili ko ngang balikan ka, kasi mas gusto kong manalo sa puso mo kaysa manalo sa premyo e.” Ngayon niya lamang naalala si Number 14. Ang tumawag sa kanyang Babe kaya siya nataranta at muntikan ng matalo. Hindi siya makapaniwala sa mga nailalabas sa bibig ni James Martin. Animo’y sumisinghot pa ito.
“N-Noong 2nd year, a-araw araw akong nagpapa-kyut sa iyo, kaso hindi mo man lang ako napapansin.” Pinagtuturo na siya ni James Martin. “P-Puro ka, aral ng aral. Wala ka ng oras sa sarili mo. Hindi mo na nga nasusuklay ang buhok mo e. Kaya, naaalala mo noong pasko?” Suminok ulit ito. “Ako… A-Ako iyong sekretong nagbigay sa iyo ng suklay. Akala ko nga itatapon mo iyon e, pero nagulat na lamang ako. Masaya kang nakatingin sa salamin ng silid natin at nagsusuklay. Minsan, naisip ko. Sana ako na lang ang suklay. Para, kahit ano mang oras pwede mo akong hawakan.” Ginagalaw pa ni James Marang kanyang mga kamay na animo ay sumusuklay. Hindi makapaniwala si Jam Bie sa kanyang mga naririnig. Naalala niya ang suklay na iyon. Naging paborito niya iyong gamitin dahil sa nakaukit doon ang mukha ng paborito niyang cartoon character, si Doraemon.
“K-Kilala mo si Mister Doreamon?” Nag-pogi sign pa siya sa kanyang mukha. ”I-Iyong nagcha-chat sa iyo sa social media account mo? Iyong.. Iyong palagi mong chinachat kapag may problema ka. Iyong kapag sinabi mong malungkot ka, bigla na lang hihirit ng nakakatawang banat. Kahit sa chat lang iyon parang naririnig ko ang halakhak mo. O-oo. Ako nga iyon. A-Alter Ego ko iyon!” Napahinto siya buhat sa kanyang narinig kay James Martin. Bigla na lamang siyang nalungkot sa mga sinabi nito. Namumuo na rin ang mga luha sa kanyang mga mata.
“B-Bie. Kung alam mo lang, puno ng mga larawan mo ang kwarto ko.” Suminok muli ito at pinagtuturo ang bawat pader ng taxing kanilang sinasakyan. “H-Halos pagalitan na nga ako ni Tatay kasi hindi ko pa raw nadadala sa bahay ang jowa ko? Ngu-ngumingiti na lang ako. Napapabulong na lamang sa hangin na, sana nga. Sana nga, jowa ko na siya. Kaso hindi e.”
“Nandito na tayo!” Nakarating din sila sa bahay ni James Martin. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan ng taxi ay narinig niya ang huling katagang ibinigkas ni James Martin, “Bie, sana ako na lang!”
“Jam! Mabuti at bumisita ka rin sa amin. Alam mo bang matagal ko ng sinasabi sa anak kong iyan na dalhin ka rito!” Ang tatay na ni James Martin ang bumukas ng pintuan ng taxi. Ngiti lang ang tanging tugon niya rito.
Inangkas na si James Martin ng tatay niya sa likuran nito. Nakatayo pa rin si Jam Bie kahit na nakaalis na ang taxi.
“Pumasok ka! Huwag kang mahihiya sa akin. Soon, Daddy mo na rin ako.” Wala siyang nagawa kundi pumasok. Sinundan niya pa ito hanggang sa kwarto ni James Martin.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan ang iba’t ibang larawan niya sa kwarto ni James Martin.
“Bakit ba naglasing iyan? First time niya ito.”
“Hindi ko rin po alam. May tumawag lang sa akin. Tapos, biglang sinabing lasing siya.”
“Tumutunog ang selpon mo. Sagutin mo muna!” saad ng tatay ni James Martin. Saka bumaling sa anak.
“Daddy! Papauwi pa lang ako…”
“Mr. Villarico. Ako po si CJ, ang tatay ni James Martin. Pagpaumanhin po ninyo at hindi nakauwi ang anak ninyo. Lasing kasi ang anak ko kaya sinamahan niya. Huwag kang mag-aalala, walang mangyayaring masama sa anak ninyo.” Hinablot ng tatay ni James Martin ang selpon ni Jam Bie.
—-------
========