Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

KABANATA 19: ANOTHER CONFESSION

“Utol, tingnan mo iyong nasa loob ng magarang kotse na iyon. Hindi ba si Chalmer ng Section D iyon, tapos si…”

“Si Bie! Si Bie mo!” Binabalewala lamang ni James Martin ang kanyang mga utol na nagtatawanan. Magkasama silang apat na naglalakad papauwi buhat sa klase pero ang kanyang utak ay lumilipad kung saan saan. Naaalibadbaran kasi siya dahil hindi niya alam kung bakit sobrang tahimik ni Jam Bie, kanina. Palagi naman niya itong kaharap, pero parang nakakaramdam siya ng pagkailang dahil sa hindi niya malamang dahilan. Nagsasalita siya rito, tapos bigla na lamang nananahimik ang kanyang kinakausap. Hindi tulad ng dati, na kapag nagsasalita na siya ay magaling na tagapakinig ang kanyang kasama. Tila isang malakas na bomba ang sumabog at agarang umigting ang pandinig niya sa sabayang bigkas ng kanyang mga utol. Sinabayan pa nila ng sayawan na mas lalong nagpangnga sa kanya.

“Nasaan?’ Itinuro ng tatlo ang magarang sasakyan at labis na pinagsisihan ni James Martin ang kanyang nakita. Ang taong kaniyang iniisip ay nasa loob ng sasakyan at nakangiting nakaharap sa nagmamanehong si Chalmer. Gusto niyang pumikit at isiping panaginip lamang ang kaniyang nasisilayan. Subalit, hindi. Limang beses na niyang paulit ulit na binubuka’t pikit ang mata , subalit totoo na ang kanyang mga nasisilayan. Puso niya ay nawasak sa hindi malamang dahilan at hindi niya maintindihan ang sakit na kanyang nararamdaman.

“Utol, walang hiya iyang babae mo a. Suot pa niya ang jacket mo habang may kaharutang iba! Pigilan mo ako. Babatukan ko iyan!” mabagsak na pagsasalita ni Jordan, ang utol niyang basagulero. Bigla na lamang umandar ang sinasakyan nina Chalmer at Jam Bie kaya wala na lamang nagawa si James Martin, kundi ang dahan dahang pagmasdan ang unti-unting paglayo ng sasakyan.

“Utol. ayos ka lang ba? Iinom na lang natin iyan!” Nilapitan siya Jerson at pinagtatapik ang kanyang balikat. SI Jerson ang lassengero niyang utol. Walang ginawa kundi yayain siyang uminom, pero palagi niyang tinatangihan.

“Huwag nga kayong ganyan! Ayos lang ako. Ilang beses ko bang sabihin sa inyo na hindi kami magsyota ng babaeng iyon!” Walang patid na iniwan ni James Martin ang kanyang mga utol, na napanganga matapos marinig ang mga ipinakawalang salita ng kanilang utol, Nagulat silang tatlo sa naging reaksyon nito. Kahit kailan ay hindi pa sila nasigawan ng utol nilang iyon. Ngayon lang ang una.

“James Martin!” sigaw nina Jerson at Jordan.

“Hayaan na ninyo. Kayo naman kasi e. KIta ninyong nasasaktan na iyong tao, tapos pagkakaisahan pa ninyo? Bahala nga kayo diyaan!” bigkas ni Jaymart, ang pinakamatino sa kanilang apat.

Walang patid na tinakbo ni James Martin ang kanilang bahay. HInihingal siya habang humahagulgol na sinasabayan ang hampas ng hanging dumadapo sa kanyang mga balat. Nasapo niya ang kaniyang mukhang puno na ng pawis pagkarating na pagkarating niya sa labas ng kanilang bahay. Habang pinapahiran niya ang kanyang luha ay bumabalik siya sa unang pagtatagpo nila ni Jam Bie. Ang tagpong nagbigay sa kanya ng dahilan upang bumangon sa pagkakalugmok.

__

“Kayang-kaya mong manalo, anak! Tumakbo ka lang ng tumakbo tapos isipin mo iyong mga taong nakapaligid sa iyo, ay pangalan mo ang isinisigaw!” Narinig niyang pagpapakumbinsi sa kanya ng tatay niya upang manalo.

Nagsimula ng pumutok ang baril kaya agaran na niyang ipinakawala ang kanyang malakas na pagtakbo. Isang Milo Marathon ang kanyang sinalihan, dala dala niya ang pangalan ng kanilang paaralan.

“Girl from Bantuanon Elementary School. Number 25. Leading! Ang layo na ng agwat! Boys, Run!”

Babae ang nangunguna? Nakakahiyang isipin kung matatalo lamang siya ng isang babae. Marami na siyang nakalaban at hindi babae lang ang magpapatiklop sa kanya. Napangiwi siyang tumakbo ng malakas.

“May humahabol. Mula sa Rank 7. Nasa 2nd placer na. Boy from Valbueco Elementary School. Number 14. Go! Go! Go!” Pangalawang ikot na at malapit na niyang maabot ang babaeng nasa Rank 1.

“Babe!” sigaw niya. Isa itong competisyon kaya dapat hindi lang galing ang meroon ka, dapat ginagamit mo rin ang utak mo. Naging maganda ang resulta ng pagtawag niya sa babae, dahil napahinto ito at napatingin sa kanya. Kinindatan niya ito at natatawang dumiritso na siya sa pagtakbo. Sumenyas siya, “I’m sorry, Babe!”

“Maganda na ang naging labanan. It’s a battle between Number 14 and Number 25. Humahataw na si Number 14 at tuluyan na niyang naungusan si Number 25!”

Masayang nilalanghap ni James Martin ang tagumpay, Kampante na siyang mananalo siya dahil nasa huling ikot na lamang sila.

“Bansot!” Natatawa siyang tumatakbo habang naririnig sa likuran niya ang babae.

“Nagawa ko na iyan, Babe!” mapang asar niyang saad.

Nagpatuloy lamang siya sa pagtakbo ng biglaan siyang nakarinig ng pagkatumba sa likuran niya.

“Natumba si Number 14!” Bigla siyang naawa ng makitang hindi gumagalaw ang babae. Gusto niyang manalo at batid niyang malayo pa ang tatakbuhin ng kanyang mga kalaban. Kaya, naisipan niyang puntahan ang babae.

“Babe! Sorry na.” Pinatayo niya ito. Hindi siya makapagsalita, nang tuluyan niyang masilayan ang natatanging ganda ng binibining kahawak kamay na niya. Para siyang nakalutang sa langit sa ganda ng binibini. Napapangiti siya. Ito na ba ang sinasabi nilang love at first sight? Ngunit, ang bata bata pa niya para rito. Grade 6 pa lamang siya.

“Bye. Loser!” Hindi na lamang niya namalayang iniwan na siya ng babae at tinakbo na nito ang finish line. Tumakbon naman siya pero huli na ang lahat.

“What a good fight!? We have a winner. Ms. Jam Bie Villarico of Bantuanon Elementary School. Number 25. Followed by Mr. James Martin Ampao of Valbueco Elementary School…” Ito ang unang beses na natalo siya. Natalo siya dahil sa love at first sight?

—

“Anak, bakit ka umiiyak?” Bigla siyang bumalik sa kasalukuyan nang lapitan siya ng kanyang tatay.

“Wala ito, Dad. Pawis lang ito. Iyong mga utol ko kasi, habulan daw. Wala namang panama!”

“Syempre! Champion yata ang kinakalaban nila. Noong wala pa iyong babaeng …”

“Dad!” Hindi na naipagpatuloy pa nang tatay ni James Martin ang sasabihin dahil biglaan na lang siyang pinahinto nito. Dumiritso na sa banyo si James Martin upang maligo. Natatablan na siya ng pagkainis niya sa kanyang sarili. Marahang umaagos ang tubig sa buo niyang katawan. Lumuluha pa rin ang kanyang mga mata at hindi niya napipigilan.

Matapos niyang magbihis ay agaran siyang lumabas ng kanilang bahay at hindi man lamang nagpaalam sa kaniyang kapamilya. Ang tanging bitbit lang niya ay ang cellphone niya at ang pitaka. Hindi niya mawari kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa. Hanggang sa mapahinto siya sa isang lugar na matagal na niyang hindi napapasukan.

“Mr. Nice Guy. Long time no see! Balita ko, nag-aaral ka sa presteryosong paaralan ah. Ang yayaman siguro ng mga nakakasalamuha mo roon.” Hindi niya lubos akalaing makikita niya pa rin sa lugar na iyon ang kanyang matalik na kababata. Tumango lang siya bilang tugon dito.

“Hulaan ko. Iyong babae na naman na tumalo sa iyo ang problema mo? Iyang mukhang iyan. Ganyan ang mukha mo noong biglaan ka na lang natalo sa Championship Game!” Bigla siyang nanlumo sa narinig. Doon sa lugar na iyon din kasi siya umiiyak noon nang matalo siya ni Jam Bie.

“Ano ba ang gusto mo? Ice cream pa rin ba o gusto mo alak? Malaki ka na oy! Hindi na ito bawal sa iyo!” Tumatawang saad ng babae, Napapangiti na lamang siya ng hindi oras.

“Iyan. Ngumiti ka rin. Akala ko naman nakalimutan mo na ako!” pagtatampo nitong bigkas sa binata.

“Sino ka nga ulit?” pagtatanong niya. Alam naman niya e, gusto niya lang marinig.

“Cathy Gayunan. 18. Philippines. Naniniwala ako sa kasabihang, “What is knowledge if your face is damage?!” Rumampa pa ito sa harapan niya na parang sumasali sa Beauty Pagent.

Napahalakhak siya sa tawa.

“Alam mo? Iyang tawa mo, mapang asar. Nakalimutan mo bang MIss Little Valbueco ako?” Iwinawagayway ni Cathy ang hawak niyang sigarilyo habang ginagalaw ang bibig dahil sa bubblegum na kanyang kinakain.

“Oo na. Hindi ka pa rin nagbabago no?” saad niya.

“Hindi talaga. Maganda pa rin ako no,” bigkas nito habang kinuha ang selpon ni James Martin na nakalagay sa mesa. Muli siyang nagsalita habang humaharap sa camera ng selpon, “Selfie tayo. Ngumiti ka naman. Ipo-post ko ito sa social media account na may captiong, Reunion #MissLittleValbuecoMeetsMrValedictorian”

“Ay! Sino ito? Girlfriend mo?” Napahinto si Cathy sa isang larawan. Hinablot naman agad ni James Martin ang selpon.

“Huwag mo nga iyang pakialaman!” Inilagay niya ito sa mesa.

“Aba e, sorry naman.” Nataranta si Cathy kaya agaran niya itong iniwan. Nakakatakot ang padabog na pagkakasabi nito kaya hindi na niya alam kung paano pa ito, pakisamahan.

Biglang tumunog ang kanyang selpon kaya agaran niya itong hinawakan. Labis niyang ikinagulat ang bumalandra sa screen ng kanyang selpon. Biglaang nawasak muli ang kanyang puso ng masilayan ang iba’t ibang larawan nina Chalmer at Jam Bie na magkasama. Hindi na lamang niya namamalayan na sa bawat paglipat niya ng larawan ay napapainom na siya ng tiratirang alak na nasa kanyang harapan.

Unang larawan. Naka-uniporme sina Chalmer at Jam Bie na magkayakap sa labas ng ospital.

Pangalawang larawan. Magkasama ang dalawa na nakasakay sa sasakyan ni Chalmer.

Pangatlong larawan. Magkatabi silang dalawa na suot ang kanilang Couple Shirt.

Pang-apat na larawan. Nagyayakapan sila sa ospital na magkayakap suot ang Couple Shirt.

Panlimang larawan. Magkalapit ang kanilang mga mukha na nakatitigan.

Hindi na napigilan ni James Martin ang nararamdaman ng masilayan ang huling larawan. Nilagok niya ang bawat alak na kanyang nakikita. Sigaw lang siya ng sigaw upang bigyan siya ng alak. Naiisip niya na siguro tama ang sinasabi nilang nakakawala ng problema ang pag-inom ng alak. Lagok lang siya ng lagok. Hanggang sa pinagsisigaw na niya ang pangalan ng babaeng kanyang lihim na minamahal. Nalalasing na siya. Nagsisisigaw na siya, “Walang hiya ka, Bie. Ang sabi mo, aral muna bago dyowa!”

“Hello! Kilala niyo po ba ang may ari ng selpon na ito? Lasing na lasing po siya. Narito po kami sa tabi ng Tigbe Spring Resort.” Naisipan ng may ari ng painuman na tumawag ng nasa contact ng lalaki.

—-

+==========

Chương trướcChương sau