Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

KABANATA 18: WHEN UGLY NERDY TABATCHOY FALL IN LOVE WITH THE FAMOUS BEAUTIFUL TOP STUDENT

Naka-upo kami sa bench na malapit sa emergency room. Sabay kaming umupo at nagdasal para sa maayos na operation ni Bro Mike. Matapos naming magdasal ay bigla na lamang siyang humarap sa akin at nagtanong, “Ikuwento mo na kasi sa akin, habang hinihintay natin ang paglabas ni Kael.”

“Ano naman ang ikuwekuwento ko sa iyo?”

“Iyong When Ugly Nerdy Tabatchoy Fall In Love with the famous beautiful top student.” Nahihiya siyang litanya sa mahaba-habang pamagat.

“Teka nga. Gusto mo bang marinig ang kwento nating dalawa?” untag ko. Tumango siya kaya agaran akong humarap sa kanya. Nakaupo kami sa upuan na magkaharap.

“May isang lalaking ubod ng pangit, palaging nakasalamin sa mata at tambok. Unang araw iyon ng school nang pinagtatawanan siya ng mga lalaking nasa gate.”

“Paawa naman ang bidang lalaki. Sino naman iyong mga nagtatawanan? Teka nga, bakit hindi pa dumarating si Famous Beautiful Top Student?”

“Excited ka naman masyado. Alam mo ba kung sino iyong isa sa lalaking nagtatawanan?”

“SIno?”

“Si Mike.”

“Si Mike Kael Jam talaga?” Tumango ako.

“So, ayon nga. Bigla siyang itinulak ng dalawang lalaki, kasama roon si Mike. Naging dahilan iyon kaya nadapa siya.”

“Ay. Iba ka. Sinisiraan mo lang yata si Mike e.”

“Totoo nga. Doon. Nakakahiyang umiyak siya sa labas ng gate. Habang pinagtatawanan noong mga lalaki sa gilid nito. Naiisip na niyang umuwi na lamang. Nahihiya na siyang mag-aral pa. Siguro tama ang suhisyon ng pamilya niya na magbabayad na lang sila ng Tutor para sa kanya.” Bumabalik na ako sa nakaraan habang ikwenikwento ko kay Jam ang lahat. Sakto naman at tahimik lang siya kaya patuloy lamang ako sa kakasalita,

—----

“Umayos kayong lahat. Kayong mga bully kayo. Irereport ko kayo sa Daddy kong Guidance Councilor!” Hindi ako makapaniwalang may magtatangol sa akin sa mga sandaling iyon. Namalayan ko na lamang na may isang kamay na handa akong ibangon mula sa pagkalugmok ko sa lupa. Marahan kong inangat ang aking mga mata at napatulala ako sa binibining kay tamis ang mga ngiti. Nangungusap ang kanyang mga mata at mapupula ang kanyang mga labi. I am Introvert that time, I really don’t know how to face people that time. Kasi nag-aral ako sa private school, walang gaanong estudyante. Apat lang yata kami sa silid palagi e. Pang-apat pa ang guro.

“Ayos ka lang ba?” Nahihiya akong hawakan ang kanyang kamay dahil sa putik mula sa aking mga kamay. Hindi pa rin ako makapagsalita, patuloy ko lamang siyang tinitingnan.

“Huwag ka ng mahiya. Ibalik mo iyan sa akin kapag kaya mo nang lumaban. Teka lang. aalis na muna ako tinatawag na ako ni Daddy e. Kunin mo na ito!” Ibinigay niya sa akin ang isang panyo na may hulma ng kanyang pangalan. Jam. Ang cute lang tingnan. Dahan-dahan kong ipinahid ang aking kamay sa panyo, na hindi madumihan pati ang nakahulmang pangalan,

___

“Ano ito?” Ibinigay ko sa kanya ang panyong matagal ko ng iniingat ingatan.

“Ikaw pala iyon? Matagal ko nang hinahanap ang panyong ito. Ngunit, bakit ngayon mo lang isasauli? Matagal tayong nagsama noong 1st year.”

“Kasi, kaya ko nang lumaban.” Nakangiti kong saad sa kanya.

“Proud of you. So, ano pa ang nangyari?” Nagpatuloy ako sa pagkwekwento sa kanya.

—-

Umabsent talaga ako sa mga oras na iyon. Bumalik ako kinabukasan, na hinahanap ang binibining nagpabihag sa aking puso. Hindi na kasi siya nabura bura sa aking isipin. Nasa isip ko, na kailangan ko siyang makita upang mawala na siya sa aking isip. Nagulat ako noong malaman kong kaklase ko pala siya. Manghang mangha ako sa tuwing nakikita ko siyang tumtaas ng kamay at sumasagot sa tanong ng guro. Minsan sinubukan kong lumapit pero iniwasan niya ako. Iba siya sa una naming pagkikita.

Maayos naman ang Unang Markahan namin. SIya ang Top On Class. Habang ako naman ay pumapangalawa sa kanya. Kapag nakikita ko kasi siyang sumasagot ay ginaganahan din akong mag-aral. Hindi ko nga akalain na magiging pangalawa ako niya e.

Nagbago ang lahat ng sunod sunod akong nagkakaroon ng perfect score sa aming exam. May mga panahon kasi na 95 lamang ang score niya tapos 98 naman ang akin.

“Pangit!” Nagulat ako isang araw na ito na ang tinatawag niya sa akin. Lumalapit naman ako sa kanya kapag tinatawag niya ako sa pangalan na iyon. Para sa iba ay ang sama niya kapag tinatawag niya ako ng ganoon pero para sa akin ay hindi. Parang isang magandang musika sa aking taenga sa tuwing tinatawag niya ako sa ganoon.

“Nerd, Tulungan mo nga ako sa project ko!” Minsan tinawag na naman niya ako sa ibang salita. Ayos lang sa akin, kung anu-ano ang itatawag niya sa akin. Nasisiyahan akong binibigyan niya ako ng panahon. Kahit sa maliliit na bagay ay nabibigyan niya ako ng kahalagahan. Minsan kasi ay nagkaroon kami ng project. Nagulat siya noong makita niyang minarkahan ni Sir ang grado ko ng 100 habang 98 kamang ang sa kanya. Kaya nang sumunod na may activity kami, ay humihingi siya ng tulong sa akin. Alam ko naman na ginagamit niya lang ako, pero ayos lang sa akin. Kasi mahal ko siya e. Ganoon nga talaga siguro kapag nagmahal ka na, kahit magmumukha ka ng tangga. Ayos lang sa iyo.

“Tabatchoy. Ibili mo nga ako ng juice at cup cake sa may canteen!” May paparating na exam sa oras na iyon, pero inutusan niya akong bumili. Sinunod ko pa rin siya kahit alam kong maaaring hindi ako makapag-exam dahil malayo ang bilihan sa silid namin. Nakabalik ako noon na wala na si Ma’am. Ayos lang sa akin kasi nakita kong sarap na sarap ka habang kinakain ang binili ko. Okey lamang sa akin na mapagod, kasi worth it lang naman ang lahat kapag nakikita ko siyang masaya.

Pero alam mo ba kung ano pinakamasakit na nagawa niya sa akin. Ang pag-akusa niya sa aking cheater ako. Kung alam niya lang ang mga lahat ng nangyari. Nakita ko siya noon e. Nakita ko siyang inilagay sa aking bag ang test paper. Pagkaalis niya ay lalapit sana ako sa bag ko upang kunin ang papel. Subalit, dumating sina Maricel at Mirasol, nakita kong inilipat nila ang test paper sa bag mo. Madalian akong kinuha iyon sa bag mo at itinapon kung saan saan dahil biglaan na lamang dumating si Ma’am.

May tumawag kay Ma’am kaya lumabas siya saglit. Nang mga sandaling iyon, lumapit ka sa aking bag. Naramdaman ko ang pagtunog ng bag ko. Siguro, nakokonsensiya ka na sa mga sandaling iyon kaya binabalak mong kuhanin na lamang ang papel. Ngunit, hindi mo iyon nahablot.

Bumalik si Ma’am. Doon na inilatag ang test paper. Biglaan na lamang akong inubo kaya kinuha ko ang aking panyo. Laking gulat ko na lamang ng kasabay ng panyo ay nahulog ang test paper.

Isang eskandalo ang nangyari sa akin. Pinapatunayan ko na hindi ako nag-cheat. Sa totoo lang napatunayan ko naman na hindi ako nag-cheat e. Tinanong lang nila ako ng harapan at nasagot ko naman lahat. Hindi ko na rin sinabi sa guro ang mga nalaman ko.

Pumasok pa ako noon e. Pero, nakalatag na ang mga mapanghusgang mata ng mga estudyante sa akin. Maging ikaw ay nakikita ko na ring sumisigaw sa mga masasamang salitang kanilang binibitawan.

Ipinatawag ako noon ng guro natin. Sinabihan niya ako na ako ang bagong 1st honor. Kaso, pinagdisisyonan kong umalis na lamang sa paaralan para makuha mo ang inaasam mo. Sabi mo nga sa akin na gusto mo, ikaw lang. Ikaw lang ang TOP at wala ng iba.

Mula noon ipinangako ko sa sarili kong magbabago na ako. Hindi na ako magpapakatanga sa pagmamahal. Magiging pogi na ako, magiging hotie na ako, at magiging matalino na ako. Para wala na silang ibang maipintas pa sa akin.

—--

“So, pinagsisihan mo palang minahal mo ako?” untag niya sa akin

“Hindi naman. Kasi, noong bumalik ka. Putangina! Bumalik lahat iyong pagmamahal ko sa iyo!”

“I’m sorry. I’m sorry sa lahat ng nagawa ko.”

“Wala ka namang naging kasalanan e.” Niyakap niya ako ng kay higpit.

“Kuya Pogi, Kumusta na si Kuya?” Lumayo kami sa pagyayakapan matapos marinig na nagsalita si Chariss, ang kapatid ni Chalmer. Kuya Pogi ang tawag niya sa akin, kasi raw ang pogi ko.

“Hello, Ate Ganda. May picture ka sa room ni Kuya.”

“Kuya?” tanong niya.

“Kuya ko. Nagkita na tayo sa canteen. Noong tumtakbo kang Presidente. Ibinoto kita alam mo ba iyon?”

“Bakit naman e, tumatakbo ang kuya mo?” untag ko.

“Ililibre raw kasi niya ako sa Jollibee kapag nanalo ka. Kaya, ikaw ang ibinoto ko. Kaso, natalo ka kaya, walang Jollibee.”

“Kayo po ba ang kamag-anak ni Mike Kael Jam Briones?” Agaran kaming tumayo mula sa upuan ng marinig ang doktor na lumabas mula sa Operating Room.

“Gusto ko lang sabihin sa inyo na stable na ang pasyente. Isang himala ang nangyari dahil biglaan na lamang nawala ang cancer na inaasahang dadapo sa buo niyang katawan.”

========

Chương trướcChương sau