“Jam Bie Villarico. Alam mo ba na ikaw ang inspirasyon ko kaya nagpupursigi na akong mag-aral. Naalala mo iyong mga sinabi mo sa akin noong inaway mo ako dahil kay Jean? Iyon ang unang araw na nabighani ako sa iyo. Naniniwala ako sa love at first sight dahil sa iyo. Siguro kung mamamatay man ako ngayon. Gusto kong sabihin sa iyo na mahal kita! Minahal kita. Matagal na kitang minamahal!” I was about to open the door when I heard his voice. I got angry about what is he talking about. Hindi ko na nakayanan pa ang sarili ko kaya agad kong kinuha ang kamay ni Jam mula sa napakahigpit na kapit ni Mike sa kanya,
“Babe, Hali ka na!” Pwerasahan ko siyang hinila palabas ng kwarto. Hindi ko maatim titigan silang dalawa na seryosong magkahawak kamay habang magkalapit ang mukha sa isa’t isa. I don’t want them to get closer to each other. I can’t help myself.
“Nasasaktan ako!” mahina niyang impit. It’s hard for me to do this thing. I love her that much.
“Masasaktan ka talaga kung maniniwala ka sa lalaking iyon! Isa siyang playboy, adik, basagulero at tarantado!” Naisapo ko ang aking mga kamay sa malapit na pader. I don’t know what to feel right now. I’m confuse on what to say and what is not to say.
“Cha, bakit ka ba nagkakaganyan?” She maybe don’t know what i feel. Nakikita ko sa kanyang mukha na naguguluhan siya sa aking mga nagawa. Ganito talaga kapag nagagagalit ako. Napapa-english ako nang wala sa oras, Manhid ba siya?
“Then, sabihin mo? Bakit nga ba ako nagkakaganito?” I shouted. I feel like my tears are falling into pieces. Hindi ko na alam. My heart is broken. Kusa na lamang na namamasa ang aking mukha buhat sa likidong pumapatak sa aking mga mata.
“Huwag mong sabihin sa aking nagseselos ka?” she mouthered the bomb. Lumalapit siya sa akin habang hinuhuling tingnan ang aking mga mata. Maybe, this is the right time.
“As your ‘He’s Mine’, Do I have to feel jealous? May karapatan ba ako sa iyo?” parang tinutusok ang aking dibdib sa mga binibitawan kong salita. Malakas kong sinuntok ang pader. Ang sakit sakit. Gusto kong maglumpasay sa ulan upang walang makakitang tumutulo na ang aking mga luha.
“Cha. Ikaw ang nagsimula nitong pagpapanggap na ito!” Tama naman siya e. Pero, bakit sobrang hirap? “Akala ko ba alam mo ang limitasyon natin.” May namumuong mga luha na sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, pero hindi ko magawa. “Itigil mo na ito, nasasaktan ako sa mga ginagawa mo sa sarili mo.” Ayaw kong saktan siya pero ayaw kong mawala siya sa akin. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang mga kamay.
“Kung lahat ng iyon sa iyo ay pagpapangap. Pwes! Sa akin, hindi! Mahal kita. I love you. Gusto kita. Agkabayaan ko ikaw. Putang ina. Sarangheyo!” Oo, sobrang tagal na. Sa sobrang tagal, inanay na ng mahabang panahon. Ilang beses ko na siyang pinilit kalimutan. Pero, hindi e. Tumatagos pa rin siya sa puso ko. Pati ang utak ko hinahanap hanap siya. Maging sa panaginip ko nga nakikita ko siya e. Kung pagmamahal nga ang ibig sabihin noon. Then, I surrender. I love her that much.
“Pero…”
“Jam? Mali bang umasa na mahalin mo rin ako?” Marahan akong lumalakad palapit sa kanya. “Sino bang hindi mahuhulog sa pagiging sweet mo? Binigyan mo pa ako ng couple shirt natin hindi ba? Sana sabihin mo naman sa akin kung kailan totoo.” Magkaharap na kami. “At kung kailan laru laro lang sa iyo ang lahat? Kasi ako, asang asa na ako e!”
“Cha!” Wala siyang ibang masabi kundi ang pangalan ko.
“Bakit ba hindi mo ako pwedeng mahalin?” Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Dahil ba pangit ako? Babe, ito na ako o, nagpapogi na ako. Dahil ba nerd ako? Gago naman o, inalis ko na nga ang salamin ko, nerd pa rin ba ang pananaw mo sa akin? Dahil ba tabatchoy ako? Shuta ka! Ang mahal kaya ng bayad sa gym. Babe, I’ve change a lot. I’ve change a lot for you!” Binitawan ko siya. Nakakapanghina na ang dami kong binago sa sarili ko dahil sa kanya. Ang dami kong binago na kahit ako hindi ko na alam kung sino ako?
“Bro!” Hindi ko napansing nakalabas na pala mula sa kwarto si Mike at biglaan na lamang bumulagta sa harapan namin. Agarang lumapit si Jam sa nakahilatay na katawan ni Mike.
“Tulong!” sigaw ni Jam. Agaran akong tumakbo sa may mesa upang humingi ng tulong,
“Nurse. Dok. Patient 143 po. Tulungan po ninyo kami!” sigaw ko. Bawat doktor at nurse na nakakasalamuha ko ay pinagsasabihan ko. Hindi naman porket kalaban ko sa puso ni Jam si Mike ay hahayaan ko na lang siyang mamatay. Kailangan niya pang mabuhay, Hindi para agawin sa akin si Jam, kundi para maipagpatuloy niya ang takbo ng kanyang buhay.
Nagsisitakbuhan na ang mga Doktor at Nurse. Nilapitan ako ni Jam at niyakap matapos itakbo sa emergency room ang katawan ni Mike. Hinayaan ko lamang siya na yakapin ako.
“Sabihin mo sa akin ha! Yakap ba ito ng nagkukunwaring nagmamahalan? Yakap ba ito dahil mahal mo na talaga ako? o Yakap ba ito ng taong walang ibang mayakap?” Lumayo siya bigla dahil sa aking mga sinabi.
“Yakap ito ng taong walang ibang mayakap!” Muli siyang yumakap sa akin. Hinawakan niya rin ang aking kamay na dumudugo buhat sa pagsuntok ko sa pader.
“Ah! Layuan mo ako. Napipilitan ka lang pala sa akin,” inilayo ko siya bigla sa akin at marahan ding hinila pabalik saka ipinagpatuloy ang pagsasalita, “Pasalamat ka at mahal kita kaya hahayaan na lang kitang gawin ang gusto mo.”
“Alam mo, hindi ka pangit. Ang pogi mo kaya,” hinipan niya ang aking kamay.
“Pero, hindi mo pa rin ako gusto.” Umiwas ako ng tingin sa mga ginagawa niya,
“Hindi ka nerd sa paningin ko, ang cool mo kaya.” Nilaru laro niya ang kanyang kamay sa ilong ko.
“Pero, hindi mo pa rin ako mahal.” Nakikiliti ako sa ginagawa niya pero nagsisimangutmangutan.
“Kahit pa tabatchoy ka o hindi, ang cute mo pa rin para sa akin!” Hindi ko na mapigilang ngumiti at humalakhak dahil sa kiniliti niya ako. Alam na alam talaga niya ang kiliti ko.
“Tayo na ba?” tanong ko. Natahimik siya bigla. Humakbang siya palayo sa akin. Please! Sabihin mo sa aking tayo na. Sabihin mo sa aking mahal mo rin ako. Sabihin mong…
“I’m sorry.”
“Huwag kang humingi ng tawad dahil ikaw iyong pinili ng lintik na puso kong ito! Hindi kita pinipilit na mahalin mo rin ako, tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Narito ako hanggang sa handa ka na. Ilang taon ba ang hihintayin? 5 years? 6 years? Kahit sampung taon, maghihintay ako. Nakaya nga kitang hindi makita ng tatlong taon e. Sampung taon pa kaya?”
“Tatlong taon?”
“Oo kaya. Gusto mo, ikwento ko pa sa iyo ang totoong kwentong papamagatan nating, “When Ugly Nerdy Tabatchoy Fall In Love With the Famous Beautiful Top Student.”
“Putik namang title iyan. Lakas maka-wattpad,” ngumisi siya.
“Grabi ka naman sa wattpad.” Bahagya akong lumapit sa kanya.
“Sige na. Ikwento mo nga. Baka mapaniwala mo talaga akong mahal mo talaga ako.”
“Makinig kang maigi ha. Kapag narinig mo ang buong kwento baka pagsisishan mong gusto mo pang marinig.” Magkatabi kaming umupo sa malapit na upuan sa Emergency Room.
“Ay. Huwag na nga lang. Saan na kaya ang pamilya ni Chalmer no?”
“Patay na ang Dad at Mom niya. May kapatid siyang babae na binubuhay niya. Nakikitira lang siya sa pinsan niya.” Kabisadong kabisado ko. Syempre, magkaklase kami. Tropa.
“Nakakalungkot naman pala. Kaya pala, umiyak siya sa ikwenekwento ko kanina.” Tumatango na lamang ako. Mukhang wala talaga siyang balak na pakinggan ang kwento naming dalawa. Ang kuwento kung saan ako ay nahulog sa kanya.
======