‘KAEL!” Nagising na naman akong humihingal buhat sa paulit-ulit na bangungot na dala nitong panaginip na gumugulo sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Ipinahid ko ang aking habol sa namamasa kong muha, buhat sa matambok na pawis. Lumakad ako papunta sa aming kusina at uminom ng tubig. Hinahabol ko pa rin ang aking paghinga.
“Anak, napanaginipan mo na naman ba? Hindi mo pa ba nasasabi?” nagulat ako at biglaan na lamang lumabas si Mommy at nagsalita.
“Mommy, nahihirapan akong sabihin sa kanya ang panaginip ko kasi,” huminga muna ako ng malalim saka yumakap kay Mommy ng mahigpit. Saka ko pinagpatuloy ang pagsasalita, “may malubha siyang sakit. Natatakot ako na imbis na lumaban siya ay tuloyan siyang sumuko.”
“Sweetie, hindi naman kita pinipilit na sabihin sa kanya ang nasa panaginip mo,’ hinahagod ni Mommy ang aking likuran habang patuloy na nagsasalita.
“Pero, palagi niya akong binabalikan sa pagtulog ko. Paulit-ulit na lang na halos matruma na ako, na sa bawat pagising ko ay halos pasanin ko na ang mundo sa bulta bultahing pawis, at paghahabol ng hininga ko. Ayaw ko na nitong nararamdaman ko, Mommy.” Nakakapanghina na talaga ng mga nangyayari. Kailan nga ba babalik sa dati itong aking nararamdaman.
“Sweetie, kung pwede lang na ako na lang ang dumanas ng mga nararamdaman mo ngayon, gagawin ko. Kung pwede lang na ako na lang ang mahirapan at hindi na ikaw e. Kaso, hindi. Pero, anak, kahit ano pa man ang mangyari, asahan mo na nandito lamang ako palagi ha? Tandaan mo iyan! Pakatatag ka lang.” Lalong nagtuloy tuloy ang luha sa aking mga mata buhat sa aking narinig mula kay Mommy. Ang sarap talaga ng yakap ng isang ina.
“Hayaan mo, Mommy. Ipu-push ko na talagang masabi sa kanya ang lahat. Ngayong araw na ito, tuluyan ng mawawala ang mga panaginip ko. Sa araw na ito, masasabi ko na sa kanya ang lahat.” Ilang sandali lang ay tumahan na ako mula sa iyakan. Nakakapanghina talagang gumalaw matapos ang iyakan. Para tuloy akong buntis na nahihirapang maglakad dahil sa dala dalang baby. Pumanhik ako sa may malapit na lababo at naghilamos. Hindi pwedeng makita ni Daddy na umiyak ako at baka tutuksuin na naman niya ako.
“Ang aga ninyong gumising a. Ikaw ba ang nagluto?” nakatingin si Daddy sa akin habang hinihigop ko ang mainit init na kape. Alam ko na ang gusto niyang ipagawa. Gusto niya na igawa ko siya ng kape. Tumango na lamang ako kay Daddy. Totoo naman, pero hindi. Kami na nga lang dalawa ni Mommy. Syempre, self grabber ako kaya, inako ko na ang lahat. Matapos kasi naming mag-iyakan ay magkasabay na lang kaming nagluto. Syempre, hindi na kami makatulog kaya pinasigla na lamang namin ang aming mga sarili sa pagluluto. Nagtatawanan at nagkakantahan pa nga kami habang hinihiwa ang mga gulay at hinahalo ang sabaw na baboy.
“Ayaw ko na sanang magkape kasi naaamoy ang paborito kong ginataang baboy. Ang sarap humigop ng mainit init na sabaw. Kaso, gawa mo ito, anak e. Kaya, iinumin ko muna.” nakangiting saad ni Daddy sa akin.
Masarap ang kainan naming tatlo. Hindi na natutulog sa amin si Kuya, kasi marami siyang inaatupag sa kanyang eskwelahan. Syempre, running for Summa Cum Laude e. Graduating kaya bugbog sarado ang mga galaw sa huling taon ng pag-aaral. Kayang kaya niya naman iyon. Siya pa ba? Kaya nga paborito siya ni Daddy.
“Daddy, mauna ka na. May dadaanan pa kasi ako e,” nakangiti kong saad. Hindi pa ako pupunta ng ospital, kailangan ko lang bilhan ng damit si Chalmer. Bilang pasasalamat at remembrance niya sa akin. Para, hindi niya ako makalimutan. Ang isang babaeng naging dahilan kaya siya naging matabang at natutong lumaban at makihalubilo sa ibang tao.
“Ikaw ha. May inililihim ka na sa akin. Kapag malaman kung may dyowa ka na, malilintikan ka talaga sa akin.” Kinurot niya ang aking pisngi.
“Daddy, nasasaktan ako.” Tumakbo ako paalis mula sa pangungurot niya sa aking mukha. Namumula na naman ako nito. Nahagip ko ang isang maliit na salamin at para nga akong kamatis.
“Mas masasaktan ka pa kapag naging suwail ka sa mga pinagbabawal ko!” Umalis na si Daddy at sumakay. May oras pa naman ako para makaraan sa may tyangian. Hindi rin ako mahihiyang gumala kasi hindi ako naka-uniporme ngayon. Ngayon kasi ay araw ng biyernes, kapag biyernes ay ayos lamang sa aming paaralan ang hindi mag-uniforme. Basta ba ay maayos ang aming damit na susuotin.
“BUY ONE TAKE ONE!” Nanlaki ang aking mata ng masilayan ang nakasulat sa isang papel. Sakto, ang bait talaga ng universe sa akin. Magkakadamit pa ako, makakapagbigay pa ako ng damit sa iba. Kinuha ko na ang opportunidad na mamili mula sa nakadisinyong mga damit.
“Ma’am, hindi po pwedeng iba ibang kulay ang pipiliin mo. Kapag yellow ang kulay ng isa, dapat yellow din ang pangalawa,” biglang nagsalita ang tindera dahil napapansin niya yatang hinihiwalay ko ang magkapareho ng kulay. Ang arte naman dito.
“Sige na. Kahit ano na basta kulay pink.” Akala yata niya paborito ko ang kulay yellow, pink kaya ang paborito. Bahala na si Chalmer kung ayaw niya sa pink. Gusto ko ng itim para sa kanya, kaso bawal e. Kaya, kung ano na lang ang hinablot ko, basta ba ay kulay pink. Inilagay ko rin agad ito sa aking bag. Saka, dumiritso sa malapit na daanan ng sasakyan.
“Jam!” Tumalikod ako ng may magarang sasakyan na huminto sa akin. Kailangan kong tumalikod no. Baka holdaper, uso pa naman ang mga nawawalang estudyante rito sa amin. Pero, parang may tumawag sa akin. Dahan-dahan akong pumaharap sa tumawag sa akin na nasa loob ng magarang sasakyan. Si Chalmer pala. Sakto, maibibigay ko na sa kanya ang damit na binili ko para sa kanya. Maglalakad na sana ako patungo sa kanya ngunit may isang batang tumatakbong bumungo sa akin. Anak ng teteng. Gusto kong magalit. Gusto kong pagalitan ang bata, pero nakita ko rin ang ina nitong humahabol sa kanya.
“Ice cream!” Natatawang turo ni Chalmer sa suot kong damit. Nahiya ako bigla. Tumilapon sa aking damit ang ice cream na hinahawakan ng bata. Paano na ito? Nakakahiya! Gusto ko na tuloy umuwi na lamang.
“Hali ka na nga. Pumasok ka muna sa sasakyan ko.” Lumabas si Chalmer mula sa kanyang sasakyan at lumapit sa akin. Pinapapasok niya ako sa sasakyan niya. Nakakahiya. Sobrang ganda ng sasakyan niya. Sobrang linis at wala pang gasgas. Sa kanya nga ba iyo? Pero, kakasabi niya nga lang e.
“Nakakahiya naman. Ang dungis dungis ko na,” bigkas ko.
“Ngayon ka pa nahiya. Halos basain mo nga ako ng mga luha mo e. Tapos, iniwan mo pa ako sa ospital na walang paalam.” Naka-pout siyang nakatitig sa akin. Siguro kung madali lang akong mahulog sa isang lalaki. Baka nahulog na ako sa kanya e.
“Iuwi mo nga ako. Total, sa iyo naman itong sasakyan e. Ang gara a. Yaman!” Pag-iwas ko sa nakakatunaw niyang tingin. Bawal kiligin. Baka pagalitan ni Daddy. Pinapaandar na niya ang sasakyan habang abala akong tinatanggal ang lapot ng ice cream sa aking damit.
“Kapag iuwi pa kita. Male-late pa tayo. Wala ka bang extrang damit.” Binuksan niya gamit ang kaliwa niyang kamay ang bag kong nasa tabi lang niya. Naalala ko bigla ang damit na nabili ko. Ayon, nahawakan na niya.
“Meron ka naman palang damit e. Maghubad ka na diyan at magbihis,” seryoso niyang pagkakasabi na naging dahilan upang mataranta ako.
“Hoy! Bastos ka! Miyembro ka rin pala noong bro mo! Ibaba mo ako!” Sinampal ko ang kanyang balikat at galit na sinigawan siya. Humahalakhak naman siya habang nagagalit ako.
“Tama na! Joke lang naman. Malay ko ba kung katulad ka rin noong mga babae diyan sa tabi tabi no,” nang-iinis niyang saad at nakangising tumitingin sa akin. Tiningnan ko naman siya ng sobrang lalim, galit na galit na tingin upang matakot siya.
“Fine! Fine! Hihinto ako malapit sa may eskwelahan. Lalabas ako sa sasakyan para magbihis ka rito sa loob. Naintindihan mo?”
“Okey!” mahina kong bigkas dahil sa nakaarkong sumusurender niyang mga kamay.
Biglaan naman siyang huminto at lumabas. Madalian akong nagbihis at nagpulbos. Nag-spray na rin ako ng pabango upang hindi nila mapansin na haggard ako.
“Tapos kana ba? Parang kailangan ko yatang umabsent kasi ang damit ko Natapunan ng tae ng ibon mula rito sa punong hinintuan natin. Kailangan ko ng alcohol!” kumakatok siya habang nagsasalita. Buti na lamang talaga at hindi nakikita ang taong nasa loob ng sasakyan na ito. Kung hindi, mahihirapan talaga ako.
“Buksan mo na! Tapos na ako.” Sa pagbukas niya ng pintuan ng kanyang sasakyan ay gumulantang sa akin ang kanyang isa. dalawa. tatlo. apat.
“Anim iyan. Huwag mo nang bilangin.” Mapang-asar niyang tingin sa akin. Ang hot niyang tingnan sa six packs abs niya. Napaiwas ako ng tingin.
“Magbihis ka nga. Baka may makakita pa sa atin.” Agaran akong lumabas ng sasakyan. Itinapon ko na rin sa kanya ang isa ko pang damit, “Suotin mo iyan. Bigay ko iyan sa iyo. Kwets na tayo.”
“Sasamahan kita mamaya kay Mike!” huling salitang binitawan niya saka ko siya iniwan.
Naglakad na rin ako papunta sa gate ng eskwelahan. Hinayaan ko na lang siya. Bahala siya kung susuotin niya iyon o aabsent siya dahil ayaw niya sa kulay. Pero, kung ako sa kanya, umabsent na lang siya.
=====