Tumakbo ako upang makahabol sa klase ko kay Ma’am Ricaborda. Mabuti na lamang at wala pa siya sa loob ng aming silid, kung hindi ay malilintikan ako. Ayaw pa naman niyang may mahuhuli sa klase niya. Naglalakad siya sa isang pasilyo. Agaran ko siyang tinungo upang tulungan. Buti, na lamang talaga at nakadala ako ng panyo, kaya agaran din akong nagpahid sa mukha ko. Simpleng pulbos lang sa mukha tapos wala na iyong mga nasayang na luha. Nakakapanghina! Nasayang lamang ang luha ko sa mga walang kuwentang bagay.
“Good morning, Ma’am.” Tumango naman si Ma’am. “Tulungan na ho kita.” Kinuha ko ang bitbit niyang libro at magkasabay kaming nagtungo sa silid. Nagulat ang aking mga kaklase ng masilayan akong kasama si Ma’am. Bumati silang lahat at nagsiupuan din kami matapos noon.
Isang guro sa Assignaturang Filipino itong si Ma’am Ricaborda. Isa siya sa paborito kong guro kasi, malaki ang binibigay niyang grado sa akin. Minsan nga, binigyan niya ako ng 99 na grado sa card e. 100 nga raw sana iyon, kaso nobodies perfect kaya binawasan ng isa.
“Sa ngayon, gusto kong basahin ni Ms. Villarico ang kuwentong nilikha ni Cupid Wizard na pinamagatang Bumalik Ka Na salin mula sa isang english na maikling kwentong pinamagatang Have You Back. Makinig kayo at matuto. Pagkatapos niya itong basahin ay magkakaroon tayo ng exam.” Tumayo ako sa gitna ng blackboard at binasa ang nilalaman ng librong pinapabasa sa akin ni Ma’am. Mahaba haba ang kuwento at labis akong nasasasaktan sa mga eksenang nangyayari. Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa bawat mga katagang nakasukat sa libro. Nakakapanghina ang galing na ipinakita ng may akda. Gusto ko siyang yakapin bigla dahil sa isang magandang masterpiece na nailikha niya. Natapos ang kuwento na nag-iiyakan ang iba kung mga kaklase. Habang ang iba naman ay nagtatawanan.
“Mukhang naging emosyonal ang ating taga-basa. Nakakadala ang kanyang mga linyang nabibitawan. Kaya, mas mabuti sigurong tanungin natin siya. Kung bakit siya umiiyak? Ms. Villarico?”
“Wala lang, Ma’am. May nakapagsabi kasi sa akin, na wala raw akong puso. Habang binabasa ko ang kwento ay kusang lumalabas ang mga luha e. Ibig sabihin, may puso pa talaga ako. Nagagawa ko pang umiyak e.” Bahagya rin akong humalakhak para mabago ang awra sa boung silid.
“May puso ka nga, Ms. Villarico. Simple lang naman ang gustong ipahiwatig ng kuwento hindi ba?” Umupo na ako. Tinanaw ni Ma’am ang orasan na nasa gitna ng silid namin at saka nagpatuloy sa pagsalita, “Mukhang kaunti na lamang ang oras natin. Bukas na lang tayo, mag-eexam. Pero, gusto kong marinig sa inyo. Ano ang aral na inyong natutuhan sa kuwento?”
“Natutunan ko na maging kampante tayo sa kung ano ang meroon tayo. Huwag tayong maghanggad ng mga bagay na pagsisisihan din natin sa huli. Paga-ingatan din natin ang ating bawat galaw, dahil maaaring sa mga galaw natin ay may mapahamak. Katulad na lang noong itinapong bola sa kuwento. Ang bola ang naging ugat kaya tumakbo ang ama ng bida, dahilan upang masagi siya ng naputol na puno, buhat sa malakas na ihip ng hangin. Hindi natin aakalaing ganoon ang itatakbo ng kuwento. Pero, nagbigay iyon ng aral sa atin.” Syempre, ako na mismo ang nagpataas ng kamay at unang sumagot sa katanungan ni Ma’am.
“Mahusay, Ms. Villacorta. Tama ka. Isang malaking aral sa kuwento na maging mapagmasid tayo sa ating mga gawi. Kasi, baka ikapahamak ito sa iba nating mga kasamahan sa buhay. Ayos. Sino pa ang may gustong iambag?”
“Ms. Acomponando!” nakita kong itinaas ni Marites ang kanyang dalawang kamay. Ano naman kaya ang natutunan ng babaeng ito? Baka, katatawanan na naman ang isasagot niya. Isa pa naman siya sa pinagtatawanan ng aming mga kaklase kapag may mga ganitong sagutan na mga nangyayari. Bukod kasi sa iika-ika niyang pagkakasalita ay hindi siya sigurado sa kanyang mga nasasabi, madalas na humantong pa sa naiinis na lamang ang aming guro sa pinagsasabi niya. Mahaba naman ang mga nabibitawan niyang mga salita e. Na hahantong sa biglaan na lamang, hindi na maintindihang konsepto. Masyado kasing nagmamagaling.
“Nandiyan na naman siya. Parang gusto ko na tuloy lumabas. Pakiramdam ko, mapapahiya na naman siya sa mga sasabihin niya,” rinig ko ang mahinang bulungan sa likuran ko. Oo nga. Hayaan na nga lang. Mabuti na iyong nag-try kaysa naman doon sa palagi na lamang natatakot.
“Ma’am. Natutunan ko ang kahalagahan ng buhay sa kuwentong kanyang binasa. Pahalagahan natin ang mga taong nakapaligid sa atin, dahil hindi natin alam kong kailan sila kukunin ng Diyos sa atin. Makikita rin natin kung gaano ka mesteryoso ang kuwento gamit ang bisikleta. Hindi natin lubos maisip na kaluluwa na lang pala ng ina ng bidang lalaki ang umuwi sa kanilang bahay upang pakainin sila. Nagpapatunay na kahit sa rumaragasang bagyo o sakuna, hindi pa rin natin matutumbasan ang pagmamahal ng isang ina. Na kahit pa sa kamatayan nagagawa niyang labanan madala lamang ang kanyang ibig ibahagi sa kanyang minamahal sa buhay. Kay bilis ng mga pangyayari sa kuwento at sobra akong naiyak kasi damang dama ko ang emosyon. Naalala ko bigla ang aking yumaong mahal na ina. Sobrang sungit ko sa kanya kasi hindi niya ibinibigay iyong mga bagay na gusto ko. Hindi ko man lang pinansin na nahihirapan na rin siya, kasi mahirap lamang kami. Nalaman ko na lamang na namatay na siya dahil hindi siya kumakain at inuuna niya ang kapakanan namin ng mga kapatid ko. Kung sana lang maaga akong nagising sa ganda ng buhay. Kung sana lang maaga kong nabasa ang kuwentong iyan, baka maaga akong namulat at pahalagahan ang preesensiya ni Mama. Pero, ngayon, tanging mga alaala na lamang ang lahat na natira sa akin. Kasi… kasi… wala na siya.”
Muling nagsituluan ang mga luha sa aming mga mata. Mga hagugol ang maririnig sa apat na sulok ng silid. Marami ang nagsilapitan kay Marites. Maging si Ma’am ay biglaan ding lumapit sa kanya. Noong nakaraang taon lamang ay nawala ang kanyang ina. Lahat nga kaming magkaklase ay tumungo sa kanilang bahay e.
“Namangha ako sa iyong mga tinuran, Ms. Acomponado. Gusto ko lang sabihin sa iyo na, ang tapang mo. Lumaban ka lang sa buhay ha! Para ito sa ating lahat. Isapuso natin ang mga aral sa kuwentong ating narinig. Gusto ko pa sanang makaring ng iba pang sagot. Kaso, biglaan ng tumunog kaya. SIguro, bukas na lamang ulit. Hanggang sa muling pagkikita, mga kaklase!” Biglaan na lang ding tumunog ang bell kaya agaran din siyang nagpaalam sa amin.
“Hanggang sa muling pagkikita, Ma’am Ricaborda. Hanggang sa muling pagkikita, Kaklase. Hanggang sa muli!”
Biglaan ko na lamang naalala si Kael sa mga tinuran ni Marites. Gusto ko siyang puntahan bigla. Paano kaya ang mararamdaman ng kapamilya niya kapag wala na siya? Ano kaya ang mararamdaman ng kapatid niya kapag biglaan na lamang siyang namatay? Maraming luha ang iiyak dahil sa pagkawala ng isang tao. Marahil, magkakaroon pa ang buong school ng special dalaw sa libing niya. Isa siyang Supreme Student Government President kaya marami ang napamahal na sa kanya. Siguro, kailangan ko na siyang tulungan.
Kailan kong masabi sa kanya ang panaginip ko at baka gumaling siya dahil dito. Naisip ko? Paano kaya kung basahin ko sa kanya ang kuwentong ito, tapos saka ko sabihin sa kanya ang napanaginipan ko. Pampawala lang ng tensyon sa aming dalawa.
Pursigido na ako. Sasabihin ko na sa kanya. May huling tatlong araw pa ako. Kaya ko ito. Para sa buhay na iiyakan ng marami kung wala akong gagawin. Susubukan kitang iligtas, MIke Kael Jam Briones.
==========