Chapter 25 – Burol

Hindi ko alam kung saan na pumunta si Manager Rizza. Ibinilin na lang niya kay Judy na samahan ako sa pagtingin ng mga pagkain habang si Sir ay dumeretso na sa VIP room.

"Narinig ko na sinesante ka ni Manager noon. Buti at nakahanap ka ng mas magandang trabaho," si Judy habang pinapakita sa akin ang mga pagkain.

Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko masabi kung magandang trabaho ba ang trabaho ko ngayon. Natanggap lang naman ako dito dahil kay Madam Anastasia at dahil sa kasinungalingan.

"Kamusta ka? Kayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Eto, maayos naman, pero simula noong umalis ka parating dikit sa akin si Jake para itanong kung anong nangyare sayo, eh, malay ko ba diba? At dahil dikit nang dikit sa akin si Jake, sa akin naman ngayon nagmamaldita si Manager," natawa ako ng umirap siya.

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin nakakamove on si Manager?" iiling iling kung sambit.

"Mas lumala pa ata si Manager," sambit nito.

"Pagka 7:00pm ipasok niya na," tukoy ko sa mga pagkain. "Bakit lumala?" tanong ko

"Desperada na ata. Siya na ang nagbibigay ng chocolate kay Jake. Nahihiya na nga si Jake, sabi niya kung pwede lang lumipat ay lumipat na siya," Hindi ko maiwasang mapailing.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako kay Judy. Nakatanggap na kasi ako ng tawag galing sa secretary ni Mr. Solomon at baka rin kasi kailanganin ako ni Sir. Bubuksan na sana ng nakabantay sa pinto ang pintuan, kaya lang bumukas iyon galing sa loob.

Nag-iwas ng tingin si Manager at linagpasan ako. Sinundan ko pa siya nang tingin bago magkibit balikat.

"Sir, na check ko na ang mga foods," sambit ko.

Nakatitig lang ito sa baso na may tubig sa harapan niya. Lumapit ako at napunta sa akin ang tingin niya.

"I'm nervous," natigilan ako sa sinabi niya.

"Sir?" tanong ko. Bumuntong hininga siya at umayos ng upo.

"Don't mind me, Secretary Gillian. Iba lang kasi si Mr. Solomon sa mga naging kameeting ko,"

"Masungit ba siya?" wala sa sariling tanong ko. Dahil sa sinabi ko ay napaangat ang tingin niya.

Natatawa siyang umiling. "No, Secretary Gillian. Ama lang siya ng-" natigil siya bago magsalita ulit. "Ng taong importante sa akin. Nang taong dahilan kung bakit kailangan kung itago ang tunay na ako,"

Hindi na ako nakapagsalita nang bumukas na ang pinto.

"Zachary Villanueva," isang matandang may lahing americano ang pumasok.

"Mr. Solomon!" sa isang iglap, nakita ko ulit ang baklang boss ko. Tumayo agad si Sir para salubungin si Mr. Solomon.

Natigilan si Mr. Solomon nang makita ang kinilos ng boss ko. Napapailing ito at hindi man lang ngumiti. Linagpasan niya si Sir at naupo sa upuan. Seryosong-seryoso ito.

Pagkaupo niya ay ang pagpasok ng pagkain. Tipid akong ngumiti kay Judy nang sumulyap siya sa akin.

"No need for foods. Hindi ako magtatagal," hindi nakapagsalita si Sir. Pati si Judy na may hawak ng pagkain ay natigilan.

Narinig ko ang buntong hininga ni Sir, sinenyasan nya na lang si Judy na umalis na, kaya naguguluhang umalis si Judy.

"How about coffee, Mr. Solomon?" tanong ni Sir

"No, let's just end this. The contract, please," Si Mr. Solomon at sumulyap sa akin.

Mabilis akong lumapit at ipinakita ang Contract. Habang binabasa iyon ni Mr. Solomon ay napasulyap ako kay Sir. Hindi ito mapakali.

"How are you---- Tito?" Si Sir habang nakatingin kay Mr. Solomon.

"Don't call me Tito. Simula noong sinabi mong bakla ka at simula noong sinira mo ang engagement, wala ka ng karapatang tawagin ako ng Tito," seryosong sambit ni Mr. Solomon habang ang mata ay nakatingin lang sa kontrata.

Narinig ko ang buntong hininga ni Sir. Hanggang sa matapos ang pagperma ni Mr. Solomon, walang nagsasalita sa kanila. Parang may matibay na boundary sa gitna nila na mahirap magiba.

***

"Sir? Ayos ka lang?" tanong ko nang sulyapan ko siya. Nakapikit siya at nakasandal sa upuan niya. Ang kamay ay nakahawak sa manobela. Problemadong-problemado ito. Ilang ulit na rin siyang bumuntong hininga.

Hindi nagalaw ang mga pagkaing inorder ni Sir, para hindi masayang ay sinabi ko na lang kay Judy at sa ibang empleyado na kainin iyon. Subrang mahal pa naman ang mga inorder niya.

Sumulyap siya sa akin at umiling.

"I'm not, I'm not okay," hindi ko alam kung anong sasabihin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit malamig ang tugon ni Mr. Solomon sa kanya. Parang may malaking kasalanang nagawa si Sir.

Tinignan ko ang oras, gabi na at alam kung hinihintay na ako ni Papa. Pwede na akong umalis at umuwi, pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko pang iwan siya, lalo na at ganito siya.

Umayos siya nang upo nang mapansin ang pagtingin ko sa relo ko.

"Hatid na kita," sambit nito.

"Huwag muna, Sir. Samahan mo na lang muna ako.... kung ayos lang," hindi ko siya kayang tignan kaya umiwas ako.

Naramdam ko ang pagharap nito sa akin.

"Where?"

****

Nauna akong lumabas pagkapark ni Sir. Napangiti ako nang masulyapan ang isang burol, sa tagaytay. Dito nagkakilala si Mama at Papa, simula noong dinala ako noon dito ni Mama, dito na ako pumupunta kapag gusto kung mapag-isa at mag-isip.

Dahil gabi na, kitang kita ang liwanag ng mga ilaw sa mga bahay at buildings sa malayo. Hindi na ako gaanong nakakapunta dito dahil malayo, ngayon na lang ulit. Wala naman akong sariling sasakyan para pumunta nang madalas dito.

"This is a private property, Secretary Gillian," sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakaturo siya sa isang karatula.

"Alam ko, huwag ka mag-aalala, Sir, hindi tayo mahuhuli," sambit ko at lumapit sa kanya.

Natigilan siya nang hinawakan ko ang kamay niya at hinila. Lumapit ako sa harap ng kotse.

"Sir, pwede maupo?" sabay turo ko sa harap ng kotse, wala kasi kaming mauupuang iba. Hindi siya nagsalita, nagulat na lang ako at napayakap sa batok niya nang buhatin niya ako para maiupo sa harap.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa kanya. Nang maiupo ako ay tumitig din siya sa akin, nanatili ang kamay niya sa likod ko, ganoon din ang kamay ko sa batok niya. Parang biglang tumigil ang oras, tanging ang malakas na pintig ng puso ko lang ang naririnig ko, baka nga naririnig na rin niya sa lakas.

Nang matauhan ay mabilis kung kinalas ang kamay sa batok niya, nag iwas agad ako ng tingin at tumingin sa harapan. Narinig ko ang tawa niya at naupo rin sa tabi ko.

Ilang minutong walang nagsalita sa amin, kaya napasulyap ako sa kanya. Nakatitig rin siya sa harap at pinapanood ang payapang bayan.

Napasulyap siya sa akin nang kunin ko ang phone. Binuksan ko iyon at humanap ng kanta. Napangiti ako nang tumugtog na ito.

"Sumigaw ka na, Sir," napasulyap siya sa akin at kumunot ang noo.

"What are you talking about?" takang tanong nito.

Tumingin ako sa harap bago magsalita. "Pumupunta ako rito pag gusto kung mag-isip at mapag-isa. Alam mo kung ano pang ginagawa ko dito, Sir?" muli akong sumulyap.

Nakatitig ito sa akin at hindi nagsalita, hinihintay lang ang sunod na sasabihin ko.

"Sumisigaw ako. Wala akong magpagsabihin kung gaano na ako nahihirapan kaya sumisigaw ako dito. Subukan mo, Sir," ngumiti ako bago magsalita ulit. "Hindi ako sanay na hindi ka okay. 'Yung kilala kong boss ko is masungit, 'yung kanina iba, hindi ikaw iyon," deretsong sambit ko.

Akala ko hindi niya gagawin ang sinabi ko, nagulat ako ng bumaba siya at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng labi niya at biglang sumigaw.

Mas lalo akong nagulat sa sinigaw niya.

"HINDI AKO BAKLA!!" hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang sumisigaw. Inulit pa niya iyon hanggang sa nakangiti na siya ngayong nakatingin sa akin.

"Hindi ako bakla," sambit niya ulit bago maupo ulit sa tabi ko.

Muling namayani ang katahimikan, ngunit sa sandaling iyon.... siya na ang bumasag sa katahimikan.

Gusto kung magtanong kung bakit kailangan niyang ilihim ang tunay na siya, pero hindi ko magawa.

"I want to tell everyone that I'm not gay, but I'm thinking of that person ... ang taong dahilan kung bakit ko iyon ginawa, the person who's important to me. Every time I try to tell everyone that I'm not gay, umuurong ang dila ko.... at dahil iyon sa kanya," sambit nito habang nakatitig sa harapan namin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Para bang narinig niya ang tanong sa isip ko.

"Dahil sa isang taong mahalaga sayo?" wala sa sarili kong tanong.

Sumulyap siya sa akin bago humiga, inunan niya ang dalawang kamay habang nakatingin na ngayon sa langit.

"Let's not talk about it," tumango na lang ako sa sinabi niya.

Sinubukan kung mahiga rin, pero hindi ko magawa dahil baka masilipan ako. Napasimangot ako at naupo na lang. Napasulyap na lang ako kay Sir nang maupo siya. Pinanood ko ang pagtanggal nito ng suot na coat at walang sabi-sabing ipinatong sa hita ko.

"Humiga ka na," tipid na sambit niya at bumalik sa pagkakahiga.

Ginawa kung unan ang bag ko at nahiga sa tabi niya. Sabay naming pinagmasdan ang nagkikislapang bituwin. Itinaas ko ang kamay ko, na para bang abot ang langit, napangiti ako habang napakagat ako sa labi ko.

Nakakagaan ng pakiramdam. Sa simpleng pagpunta dito nakakaramdam ako ng kaginhawaan.

Nawala ang ngiti ko nang abutin niya ang kamay ko, napasulyap ako sa kamay ko na hawak niya bago ako sumulyap sa kanya, pero sa pagsulyap ko sa kanya ay isang halik ang sumalubong sa akin.