Chapter 26 – Making Out

Nakatagilid na siya, habang ang mukha ko lang ang nakatagilid. Naramdaman ko ang hawak niya sa bewang ko, pinadausdos niya iyon hanggang sa likod ko.

Nahigit ko ang paghinga ko nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. Mabilis ko siyang tinulak dahil sa gulat sa ginawa niya. Mabilis akomg bumaba sa harap ng kotse at napakagat sa labi ko.

"Sir, sumusubra ka na ata. Oo at hinayaan kitang halikan ako ng ilang beses, pero ibang usapan na ngayon. Alam ko at ramdam ko na may namamagitan sa inyo ni Ma'am Nheya, kaya please lang, Sir," sambit ko nang hindi tumitigin sa kanya.

Nagulat nanaman ako nang hinila niya ang kamay ko at isinandal sa kotse. Hindi ko napansin na bumaba na rin siya.

"Yes, Nheya and I had something, but I want to stop it. She's not my girlfriend. And I don't do girlfriend," sa sinabi niya ay tinulak ko ulit siya, pero kaunting distansiya lang ang nagawa ng tulak na iyon.

"Sorry, Sir. Hindi na ako magpapahalik, lalo na kung hindi ko naman boyfriend," matapang kong sambit.

Napapikit siya at idinikit ang noo sa noo ko.

"Hell! Ano bang meron sa labi mo? I'm fucking addicted, Baby," sambit nito. Tumitig siya sa labi ko, bago magsalita. "Iniisip ko pa lang na may ibang hahalik sayo, nababaliw na ako. I don't want to say this, but..... Can you be my girlfriend?" seryoso nitong sambit.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa kanya. "P-Pero.... An--- K-Kasi," hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin. Subra akong gulat sa sinabi niya.

Hahalikan sana niya ulit ako, pero hinarang ko ang kamay sa dibdib niya. Parang nakaramdam ako ng inis bigla. Bakit parang gusto niya lang akong maging girlfriend dahil sa halik!?

"Kakasabi mo lang na you don't do girlfriend! Hoi, Zachary, kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa lahat, hindi ako papayag! Ano 'yun? Gusto mo akong i-girlfriend para mahalikan ako? Hah! Ang kapal ..... mo.... Sir," naitikom ko agad ang labi ko nang ma realize ang mga sinasabi ko.

Dahan-dahang humina ang boses ko nang makita ang ngiti nito habang nakatitig sa akin. Nasa harap ko pa rin siya.

"Say it again," pumungay ang mata niya habang nakatitig sa akin, sa mismong mata ko. Hindi ko siya magawang tignan, parang pag tinignan ko siya ay magpapaubaya nanaman ako.

"A-Ang alin?" sambit ko habang nakatagilid ang ulo.

"My name, Baby," hindi ako nagsalita, pinutol lang ng isang tawag ang katahimikan.

Sinubukan kung abutin ang phone ko sa likod ko, ipinatong ko kasi kanina sa kotse. Nahirapan akong hagilapin iyon dahil malapit pa rin sa kin si Sir. Nang makuha ko, sabay kaming napasulyap doon. Ang pangalan ni Yunard ang nakalagay.

"Come on, baby, nag-uusap tayo," pigil ni Sir nang akmang sasagutin ko na.

"Pero, Sir, baka importante," sambit ko.

"Don't answer that, or else..." tumigil ito kaya napakunot ang noo ko.

"Or else ano?" matapang na sambit ko.

"Malalaman mo pag sinagot mo 'yan," sambit niya. Napairap ako at walang pagdadalawang isip na sinagot ang tawag ni Yunard. "Damn! Ang kulit!"

Sa isang iglap ay hinalikan nanaman niya ako. Gigil niya akong hinalikan at binuhat. Nakaupo na ako ngayon sa harap ng kotse niya habang siya ay nanatiling naka tayo sa mismomg harap ko.

Unti-unti kung naibaba ang phone ko nang kagatin at ipasok niya ang dila sa bibig ko. Nawala na ako sa sarili sa paraan ng paghalik niya. Wala na rin akong pakealam sa cellphone ko na ngayon ay nahulog na sa sahig.

Napasunod ang ulo ko sa kanya nang ilayo niya ang ulo. Seryoso na siya ngayon, walang halong ngiti. Lumayo siya at pinulot ang cellphone.

Wala akong nagawa nang pinatay niya iyon. Pagkapatay niya sa phone ko ay mabilis siyang lumapit sa akin para muling halikan.

Nilagay ko ang dalawang kamay sa batok nito para mas mapalapit siya sa akin. Ang kamay niya ay naglalakbay na rin sa buong katawan ko. Sa sandaling iyon wala na akong pakealam, lunod na ako sa pinaparamdam niya, sa mga haplos at halik niya.

Naramdaman ko ang pagparte niya sa hita ko, dulot nang pagdausdos pataas ng palda ko. Bumagal ang paghinga ko nang haplosin niya ang isang hita ko. Ang isang kamay ay nanatili sa likuran ko.

Hindi ako marunong humalik, alam ko iyon at kinakahaban ako na baka hindi niya gusto sa babaeng hindi marunong humalik. Kahit walang karanasan ay ginalaw ko ang labi ko. Sinubukan kung sundan ang paggalaw ng labi niya.

"Fuck! Damn it!" sambit niya nang lumayo siya saglit. Kung kanina ay gigil niya akong hinalikan, ngayon ay subra pa sa gigil. Ang katawan namin ay magkalapit, ni hangin ay walang madaanan.

"Hmmm," ungol ko nang maramdaman ang pagtaas ng kamay nito na nasa hita ko. Ngunit hindi na iyon tumaas pa, humiwalay siya at parang lasing na nakatingin sa akin.

"I will court you, first. Yes, I've said a while ago that I don't do girlfriend, but, baby, after you said that--" pumikit ito bago muling magsalita. "That boyfriend, parang.... parang ayaw ko na dumating iyon,"

"P-Pero si Ma'am Nheya," hindi ako makapaniwala sa sarili ko na iyon ang unang tinanong ko. Bakit parang ang saya ko nang sabihin niya iyon? Bakit, Gillian?

"Leave that to me, Baby," muli niya akong pinatakan ng halik. Itinikom ko ang labi at hinarang ang palad. Kinagat niya ang labi at tumawa.

He was about to speak again, pero biglang umeksena ang tiyan ko. Tumunog iyon hudyat na gutom na ako. Naalala ko na hindi pa kami kumakain for dinner. Nahihiya kung inilagay ang noo sa balikat niya, animoy nagtatago.

"Akala ko ako lang yung gutom, ikaw din pala," sambit niya sabay halakhak.

****

"Haist, ba't ngayon pa!" inis na sambit ni Sir habang tinitignan ang gulong ng kotse. Pababa na kami nang biglang makarinig kami ng putok. Nang tignan ni Sir ay may butas 'yung gulong.

"Wala kang extrang gulong?" tanong ko sa kanya habang nasa likod niya.

"Wala. Nakalimutan kong ilagay yung

gulong, naglinis ako kahapon, tinanggal ko yung gulong na nasa compartment," sambit nito at kinuha ang phone sa bulsa, kasama doon ang phone ko.

Mabilis akong lumapit nang iabot niya iyon.

"Subukan kong tumawag ng mekaniko," sambut nito at binuksan ang phone.

Inilibot ko ang tingin, hindi ko maiwasang mapabuntong hininga nang mapansin na nasa lugar kami ng papunta sa burol na walang signal. Dahil liblib na ang daanan, mahina na ang signal. Sa mismong burol ay may signal, pero dito sa pababa, mahina na ang signal, minsan nga ay wala.

"Sir," tawag ko sa kanya. Itinaas niya ang kamay na may hawak ng cellphone niya, naghahanap siguro ng signal.

"Walang signal," sambit nito at pinagpatuloy ang pagtaas ng phone.

"Walang signal sa parteng 'to, Sir. Swerte na lang kung makahanap ka," sambit ko.

Binalingan ko ang phone ko, gaya ng inaasahan ay wala rin itong signal. Nangangalahati pa lang kami at subrang layo pa sa mga bahay.

Bumuntong hininga siya at sumandal sa kotse.

"Kahit sana may paglipasan lang tayo ng gabi," sumulyap siya sa relo bago magpatuloy sa pagsasalita.

Pumasok ako sa kotse at kinuha ang ilang gamit. Nang makuha ay humarap ako sa kanya.

"May kubo diyan sa malapit, Sir. Lakarin na lang natin, hindi naman siguro mapapano itong kotse mo," sabay tapik ko sa kotse.

****

Napasulyap ako sa maliit na falls na katabi ng kubong tinutukoy ko. Gusto kong maligo. Alam kung malamig, pero gusto ko maligo. Bata pa ako nang makaligo rito. Madaming ala-ala ang mama ko dito.

Wala pa noon si Nika at Zaji, tanging ako pa lang ang anak nila Papa at Mama noon. Tulad nang nasa burol, may nakalagay ding karatula na private property, pero sa ilang beses pumunta ang mga magulang ko dito, walang may-ari ang lumitaw, kaya nga matapang akong pumasok-pasok dito.

"Gusto ko maligo," mahinang sambit ko.

"May damit ka? You can use my shirt," sambit ni Sir, kaya hindi ko maiwasang mapasulyap sa likod ko.

"Baka wala kang gamitin, ayos lang, Sir," sambit ko.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"We have done making out, but you still call me Sir? Really, Baby?" Namula ako sa sinabi niya at sa isang iglap ay muling bumalik ang nangyare kanina. Parang bigla kong naramdaman ulit ang palad niya sa hita ko na humahaplos.

"Eh, ba't ka kasi nanghahalik diba!" inis na sambit ko. Humalakhak ito at humarap sa akin.

"Ang cute mo talaga kapag bigla bigla kang naiinis. I don't know what's happening to me, but that's true. Mainis ka pa mga kay Sir, Secretary ko," Asar nito.

Inis akong tumayo. Ang hilig niya mang-asar! 'Yun iyong isa sa napansin ko. Ang hilig niya mang-asar akala mo naman hindi naging malungkot kanina.

Sa kagustuhang makaganti, Tinanggal ko ang coat ko, ngayon ay isang manipis na sando silk na lang ang suot ko. Napansin ko amg panunuod niya nang tanggalin ko ang coat ko.

"Maliligo ka? Malamig 'yung tubig," rinig kong sambit niya.

Hindi muna ako agad nagsalita. Tinanggal ko ang maikling pencil cut na palda ko at hinayaan ang sariling nakapanty lang. Tumapang ako, siguro ay dahil sa nangyare kanina at dahil sa pang-aasar nito.

Ngayon ay ang sando na silk at naka panty na lang ako. Sumulyap ako sa kanya bago ibinaba ang kamay.

"Edi papainitin ko," hinaluan ko nang lambing ang pagkakasabi ko at tuluyan nang bumaba. Tumalikod ako sa kanya at napapikit, gusto kung pagalitan ang sarili ko sa mga pinag-gagagawa ko.

Bago ako lumangoy ay narinig ko pa ang salitang binitawan niya.

"Come on, don't make this hard to me," frustrate na sambit niya.