Chapter 24 – Restaurant

Hindi ako makapagsalita, naalala ko ‘yung sinabi niya noon. ‘Yung gusto niya daw bumili ng motor. Akala ko nagbibiro lang siya, hindi ako makapaniwalang bumili nga siya kahit may kotse naman siya.

Napatitig ako sa kamay ko nang hawakan niya iyon. Hinila niya ako papalapit sa bagong bili niyang motor. Isang tingin pa lang ay agaw pansin na, isang tingin pa lang ay alam mong mahal na. Malayong malayo sa motor na ginagamit ni Yunard.

Wala ako sa sariling sumakay doon. Imbes na sa bewang ay sa likod ng motor ako humawak, sinulyapan niya ako dahil doon.

“Come on, Baby. Noong nakita kitang nakasakay sa motor niya nakayakap ka naman sa bewang niya ah! Hindi naman ako mahabo,” nakasimangot na sambit niya.

“Si—”

“Yayakap ka, o hahalikan kita?” masungit nitong sambit.

Mabilis kong inilagay ang kamay ko sa bewang niya. Hindi ata nakuntento sa yakap ko dahil hinila pa niya iyon.

“Teka, nakainom ka diba? Baka ma-accidente tayo,” bababa na sana ako nang hawakan niya ang kamay kong nakayakap sa bewang niya.

“Trust me, baby,” rinig kong sambit niya.

Dahil sa lapit ko sa kanya ay amoy na amoy ko ang pabango niya, napakagat ako sa labi ko at lihim siyang inamoy.

Hindi ko nga namalayan na pinaandar na niya. Bangong-bango ako sa pabango niya. Napalayo na lang ako ng kaunti nang marinig ko ang halakhak nito.

“Address?” tipid na tanong nito pagkatapos ng halakhak niya.

“Doon muna ako sa kaibigan ko,” sambit ko at sinabi ang address.

“Sinong kaibigan? Yunard?” seryoso ang tinig nito. Hindi ako nagsalita. Hindi ko masabi kung sinong kaibigan. Hindi ko naman kasi kaibigan ‘yung naninirahan doon.

Hindi niya kabisado ang address na ‘yun kaya tudo turo ako. Pagkatigil pa lang niya ay bumaba na ako halos mapamura pa siya dahil hindi pa gaanong tumitigil ang motor.

“Salamat, Sir,” sambit ko agad at tinanggal ang helmet na suot ko, iniabot ko sa kanya iyon, ngunit hindi niya iyon kinuha.

Tinanggal niya ang helmet na suot niya at isinabit sa hawakan ng motor. Ano nanaman ba?! Gusto kong itanong iyon nang bumaba pa siya.

Tumingin siya sa likod ko, kung nasaan ang bahay. Bumuntong hininga siya at kinuha ang helmet na hawak ko, akala ko aalis na siya, pero nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako ng mabilis.

Hindi ako nakapagsalita, ang tanging nagawa ko ay ilibot ang tingin sa paligid. Natatakot na baka may nakakitang kakilala sa ginawa niya.

“Uuwi na ako,” mahinang sambit niya at tumalikod na.

****

“Nakainom ka?” Napatalon ako nang may marinig ko ang boses ni Papa. Prente itong nakaupo at nakatingin sa TV.

Napakagat ako sa labi ko bago sumagot.

“May nag birthday kasi Pa, kaunti lang naman ang ininom ko,” sambit ko

Kinuha nito ang saklay at tumingin sa akin. Seryosong seryoso ang tingin nito.

“Hindi kita pinagbabawalan, Anak. Alam ko kung gaano ang hirap mo para maitaguyod ang pamilyang ito, pero, Anak. Simula noong magtrabaho ka sa malaking kompanyang iyon ay marami na ang nagbago sa iyo,” hindi ako nakapagsalita dahil alam ko iyon.

“Nag-susuot ka na ng maikling damit, kahit hindi ka naman nagsusuot ng ganoon, ayos lang naman kasi sabi mo iyon ang suot sa kompanyang iyon. Minsan ay late kang umuwi, naiintindihan ko iyon kasi minsan kailangang mag overtime, pero, anak, sana naman hindi mo kalimutan ang mga turo ko sa’yo,” lumapit siya sa akin.

“Papa, hindi---”

“Sino iyong naghatid sayo?” Kinabahan ako sa tanong ni Papa. Naalala ko ang ginawang paghalik sa akin ni Sir. Kung alam niyang may naghatid sa akin, siguradong alam din niya ang ginawa nitong paghalik.

“K-Katrabaho ko lang po, Pa,” utal kong sambit.

“Katrabaho? Hinahalikan ka? Siya rin ba ang nagbigay ng mga mamahaling damit? Hindi kita pinagbabawalang makipag nobyo. Kahit gusto kong si Yunard ang maging nobyo mo, wala akong magagawa kung may iba kang gusto, pero huwag mo namang ilihim sa akin, Anak,”

Naluha na ako. Hindi ko gustong maglihim. Ayaw na ayaw kong maglihim kay Papa, pero anong magagawa ko? Simula’t sapul alam kong mali na ang ginagawa ko.

Simula’t sapul alam ko nang hindi magugustuhan iyon ni Papa. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kung hindi bakla ang boss ko. Nakahinga ako ng maluwag kasi hindi ko na kailangang ibigay ang sarili ko gaya ng nais ni Madam Anastasia.

Pwedeng-pwede ko nang sabihin kay Madam Anastasia ang tungkol sa katauhan ni Sir, pero hindi ko alam kung bakit kailangan kong isipin ang reaksyon ni Sir kapag nalaman niyang tama ang hinala niya noon, na pinadala ako ng Ina niya, na nagsinungaling ako sa kanya.

“Papuntahin mo ang lalakeng iyon dito sa bahay,” sambit ni Papa sabay talikod.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

“Papa, hindi ko naman siya nobyo,” sambit ko.

Ngunit mali ata na sinabi ko iyon. Nakita ko ang galit sa mukha ni Papa nang sumulyap siya.

“Hindi mo nobyo? Hindi mo nobyo ang lalakeng iyon!? Kung gayon bakit ka nagpapahalik!? Hindi kita pinalaking ganyan, Gillian!”

Galit na galit siya. Galit na galit si Papa. Hindi na niya ako kinausap pagkatapos ng usapan namin. Mabilis siyang umaalis kapag lumalapit ako para subukang kausapin siya.

Kinabukasan ay ganoon pa rin. Papasok na ako sa trabaho ay hindi dumapo ang tingin nito sa akin. Hindi ako sanay sa nangyayare.

“Secretary Gillian,” Napapikit pikit ako at napatingin sa harap ko, hindi ko namalayan na tulala na pala ako.

“Po?” Gulat na sambit ko. Tinaasan ako ng kilay ni Sir, bago tumayo.

“Are you okay?” lumapit ito. Napalayo ng kaunti ang ulo ko nang hawakan nito ang noo ko. Para akong napaso, mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa noo ko.

“Hindi ka naman nilalagnat. Are you okay? Anong masakit?” tanong nito.

“Ayos lang po ako, Sir. Ano nga po ulit iyong sinabi mo?” sambit ko.

Tumitig siya sa mata ko, hindi nagtagal ay napabuntong hininga siya.

“I’m asking if nakapag reserve ka na ba sa restaurant na sinabi ko kahapon,”

Isa pa iyon sa problema ko. Ang restaurant na iyon ay ang dati kong pinagtatrabahuan. Nag try ako magpa reserve, pero hindi ako pinaniwalaan ng sabihin ko ang buong pangalan ko.

Nagkataon din kasi na ang manager ang sumagot. Hindi ko alam kung bakit siya yung sumagot, eh, may iba namang dapat sumagot doon.

“Sir, hindi pa po. Susubukan ko po ngayon, mamayang gabi pa naman po iyon,” sambit ko.

Tumalikod siya at bumalik sa upuan niya.

“No need for reservation. Nakapag reserve na daw ang secretary ni Mr. Solomon. Ang pagkain na lang ang icheck mo mamaya,” sambit nito.

Tumango ako at nagpaalam. Kailangan kung mag overtime ngayon. Galing pa kasing ibang bansa si Sir Solomon, isiningit lang ang kaunting oras mamayang gabi para sa agreement ng kompanya nila ni Sir.

****

“Tignan mo ‘yung mga pagkain. Check them habang pinapark ko ang kotse. Check also the VIP room, naka reserve sa pangalan ni Mr. Solomon,” sambit nito nang tumigil na ang kotse niya sa mismong harapan ng restaurant.

“Ok, Sir,” tipid na sambit ko bago lumabas.

Nagdalawang isip ako kung papasok ako. Naalala ko yung araw na pinagtabuyan ako ng manager ng restaurant na ‘to. Noong panahon na nagawa kung lumuhod.

“Bakit kasi sa gabi pa?” sambit ko sa sarili. Siguradong kilala ko lahat ng nagtatrabaho dito dahil pang gabi ang trabaho ko noon.

Pagpasok ko pa lang ay nakilala na agad ako ng nagbukas ng pinto. Alanganin akong ngumiti.

“Reservation, Ma---- Gillian? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Jake at tinignan ang suot ko. I’m wearing an office attire, simula noong malaman ko na hindi naman pala bakla ang boss ko, hindi na ako nag-abalang mag suot ng revealing cloths.

“Kamusta?” awkward kong sambit.

Ang ibang nagtatrabaho doon ay napasulyap na rin sa akin. Lalo na si Judy na pinakamalapit na naging kaibigan ko doon.

Pumunta ako sa gilid nang may pumasok. Si Jake ay abala na ngayon sa pagngiti. Nang masabi na ni Jake ang reservation table ng guest ay humarap siya sa akin.

“Bakit bigla kang hindi na pumasok? Totoo bang sinasante ka ni Manager Rizza? Kamusta ka na?” sunod-sunod na tanong nito.

Imbes na sagutin iyon ay sumulyap ako sa relo ko.

“I’m sorry, Jake, pero ‘yung reservation sana ni Mr. Solomon. Saka titignan ko din sana yung mga ihahandang pagkain mamaya,” kumunot ang noo niya.

Magsasalita sana siya nang biglang may nagsalita sa likod ko.

“What are you doing here?” hindi ko na kailangang tignan kung sino iyon. Naalala ko, si Jake nga pala na ex niya ang dahilan noon, kung bakit ang init ng dugo niya sa akin.

Muli kung naalala ang nangyare noon bago niya ako tinanggal sa trabaho. Huminga ako ng malalim bago humarap at sumagot.

“I’m here for Mr. Solomon’s reservation in VIP room,” matapang kung sambit.

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. Ang ilang empleyado kasama sila Judy ay lihim na pinapanood kami. Sa malayo, para lang kaming nag-uusap, pero dahil alam ng mga empleyado na mainit ang dugo sa akin ng manager nila, pinapanood nila ang pag-uusap namin.

“Are you kidding me? Hoi, Gillian! Noong tumawag ka para magpa reserve, ginamit mo ang pangalan ni Mr. Zachary Villanueva, ngayon naman si Mr. Solomon? Ang taas naman ng pangarap mo,” tumawa ulit ito.

“Ma’am… I mean Rizza,”

“Rizza?” nakitaan ko ng inis ang mukha nito. “Ngayon naman ay nawalan ka na ng galang!”

“Manager,” awat ni Jake nang makita ang hakbang ng manager nila papalapit sa akin. Nakuha na rin ang ibang atensyon ng kumakain.

“Paano kita gagalangan? Ikaw ang unang hindi gumalang. I’m here for Mr. Solomon’s VIP reservation. I’m also here to check the foods,”

“Palabasin mo ang babaeng iyan, Jake,” hindi sinunod ni Jake ang manager nila. “Palabasin mo ‘yan, Jake, kung hindi mo yan paaalisin tatanggalan kita ng trabaho, gaya ng pagtanggal ko sa trabaho ng babaeng ‘to—”

“What’s happening?” Napabuntong hininga ako ng marinig ang boses ng boss ko. Nakahawak si Jake sa kamay ng manager niya, kaya alam kong si Sir na mismo ang nagbukas ng pinto.

“M-Mr. Villanueva,” utal na sambit ni Manager Rizza.

Humarap ako sa kanya bago magsalita.

“Wala ‘to, Sir,” sambit ko.

Napansin ko ang pagsulyap ni Sir kay Manager Rizza bago sumulyap sa akin. Para siyang sinabuyan ng malamig na tubig.

“Tumatawag daw ang secretary ni Mr. Solomon sayo,” Nataranta ako sa sinabi niya at mabilis na kinuha ang phone sa bag ko.

“I’m sorry, Sir. Na silent ko pala,” Tinaasan niya ako ng kilay. Muli niyang sinulyapan ang nasa harap namin, sumulyap din ako doon at nakita kong nakayuko na si Manager Rizza.

“Na-check muna? The food and the VIP room? Malapit na daw sila,” malumanay na tanong at sambit ni Sir sa akin.