Chapter 19 – Saka Na

“Hi, Secretary Gillian, mag lulunch ka?” hindi natuloy ang lakad ko papasok sa elevator nang marinig ko ang pangalan ko. Lumingon ako sa taong iyon.

Nanliit ang mata ko at inalala kong sino siya. Mabilis akong ngumiti nang maalalang siya. Siya ‘yung pumigil sa akin na pumasok sa office noong nandoon si Madam Anastasia kasi baka mapagbuntungan ako.

“Hi,” napahawak ako sa leeg ko. May mga kasama ito at lahat sila ay nakangiti, pero yung isa hindi gaano. “Oo mag lalunch na ako,” tumingin ako sa relo ko at sinabing may isang oras pa ako para kumain.

Madami akong ginawa kanina, tuloy tuloy ang meeting ni Sir, kanina ay galing kami sa labas kasi doon ginanap yung meeting.

“Sabay ka na, pupunta din kami,” sabat nang nasa likuran niya. Dahan dahan akong tumango at ngumiti.

Mas maayos nga na sumama ako sa kanya, ilang beses na akong kumain mag-isa. Wala akang gaganong close sa office, ngayon lang may mag aya. Isang restaurant malapit ang pinuntahan namin, nalalakad naman dahil malapit. Hindi ko maiwasang mapakamot, mukhang mahal dito.

“Oh my sorry, hindi pa kami nagpapakilala,” sabay tawa nito. “I’m Joy,” sambit niya habang hinihintay namin ang order, siya ‘yung pumigil sa akin noon.

“Mira,” sabay lahad pa sa akin ng kamay. Nakangiti ko iyong tinanggap.

“Lheny,” sabi noong isa, kumpara sa iba, ito ay medyo mahiyain.

“Kilala niyo naman na ako diba? Secretary ni Sir Zachary, Gillian,” sambit ko.

Hindi sila agad nakapagsalita dahil dumating na ang order. Garden salad ang order nila, sabi nila baka daw tumaba sila pag mag rice sila. Tumingin ako sa pagkain ko, rice and fried chicken ang inorder ko, wala naman akong pakealam kong tumaba ako, kaya ayos lang.

Nang maipalapag lahat ay nagsalita muli si Joy. “Oo naman, grabe nga yung pagtataka namin nang biglang magpalit si Sir Villanueva. Mula noong nagtrabaho ako sa companya nila ay si Secretary Cardo na ang secretary niya. Bakit nga kaya biglaang nag palit si Sir?”

Hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Bigla akong nakonsensiya sa dating secretary ni Sir, dahil sa akin ay nawalan siya ng trabaho. Ako na walang pinag-aralan.

“Ilang years kana ba sa companya Joy?” tanong ni Mira

“Mag 3 years na, Mira. Nag intern din kasi ako noon, pagkatapos ko ay kinuha agad nila ako para magtrabaho sa Villa company. Shempre nagtrabaho na ako agad, Villa company na ‘yun.

“Ako 1 year pa lang,” sambit ni Mira sabay tingin sa akin. “Kamusta pala ang pagiging secretary mo? Masungit si Sir no?” tanong nito pagkatapos ay sumubo ng pagkain.

“Shempre, Mira. Subrang sungit kaya ni Sir.” Natatawang sambit ni Joy sabay sulyap din sa akin na parang naghihintay sa sasabihin ko.

Ano bang dapat kong sabihin?

“Ano… Oo masungit siya,” hindi ko maiwasang maalala ang maarte nitong boses noon habang tinatarayan ako. “Pero mabait naman,” wala sa sariling sambit ko.

Mabait? Mabait ba yung bigla bigla na lang nanghahalik, Gillian?

Hindi talaga ako makapaniwalang lalake nga talaga siya. Kung wala lang akong kasama ay inuntog ko na ang ulo ko sa kung saan.

“Nagwagwapuhan ka?” biglang tanong ni Mira habang nakangiti.

Namula ako nang maalala yung nangyare noong araw na iyon. Yung lumapit siya at hinalikan ako. Yung mapungay niyang mata habang nakatitig sa akin at buo nitong boses na binubulongan ako.

Napakagat ako sa labi ko dahil parang naramdaman ko ulit labi niya sa labi ko.

Gillian, umayos ka!

Bakit ba kasi siya yung topic?!

“Hoi, ano? Wait?” nanliit ang mata niya. “Namumula ka? Hala,” sabay tawa nito “Nagwagwapuhan ka nga talaga?” tanong ulit ni Mira habang tumatawa pa rin.

“Gwapo naman kasi talaga siya,” mahinang sambit ko na narinig nila.

“Sorry ka, girl, babaeng babae pa siya kesa sa ibang babae. Siya yung big definition ng sayang. Sayang kasi mayaman, matalino saka gwapo nga pero,” tumigil ito at ikinumpas ang kamay sa ere. “Bakla naman,” sambit nito. Ramdam sa boses niya ang panghihinayang.

“Literal na sayang talaga, kong may lakas na loob lang ako, aakitin ko siya para gawing lalake. Subrang sayang ng lahi,” nagtawanan silang dalawa kaya pinilit ko na lang ang sariling matawa.

Kong alam niyo lang. lalakeng lalake siya!

“Hindi naman siya bakla noon,” napasulyap kaming lahat kay Lheny na subrang tahimik kanina na ngayon ay nakisali.

“Lahat naman ng bakla, lalake noon” sambit ni Joy. Umiling si Lheny.

“Schoolmate ko siya,”

Tutok na tutok ang mata ko sa kanya, para bang may alam talaga siya kay Sir Zachary.

“Whe? Di nga? Seryoso?” tanong ni Mira.

“Schoolmate ko siya at ibang iba siya noon. Ang sinasabi niyong baklang Zachary ay isang playboy noon. Kaliwa’t kanan ang kahalikan niya. Madaming nagulat nang mapag alaman na bakla pala siya. At isa ako sa hindi naniwala doon sa sabi sabing bakla siya, pero noong makita ko siyang naka cutex, hindi ko na alam,” seryosong sambit ni Lheny.

Tama nga ako, kung ganoon pala noon si Zachary, Edi may malalim pala talaga siyang rason. Napabuntong hininga na lang ako sa nalaman. Habang pabalik ‘yun pa rin ang iniisip ko.

Hindi ko maiwasang mag-isip kong anong rason iyon, na kinaya niyang bitawan ang dating siya. Ngumiti na lang ako kila Joy nang magpaalam sila, napasulyap ako kay Lheny, ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin ako sa kanya, ngunit tumalikod na lang siya agad. Hindi ko alam kong nakita ba niya yung ngiti ko o hindi.

Binuksan ko ang pinto papunta sa lamesa ko, ngunit napatigil ako nang makita ko si Sir Zachary doon sa upuan ko. Nakaharap siya sa computer ko at para bang may ginagawa.

“Sir,” dahan-dahan akong lumapit. Sumulyap sa akin si Sir Zachary. Binitawan niya ang mouse at tumayo.

“Ang tagal mo,” nakasimangot nitong sambit. Napakurap kurap ako dahil doon. Tumingin na lang ako sa relo ko kong late ako, pero muli ko siyang sinulyapan nang makitang may 5 minutes pa.

“Maaga pa naman, Sir. May kailangan po ba kayo?” tanong ko.

Imbes na magsalita ay tinalikuran niya ako at pumasok sa opisina niya. Pumasok din ako dahil baka may ipapagawa siya.

“Saan ka kumain?” tanong nito nang makaupo sa upuan niya. Tumitig ito sa akin kaya napaiwas ako.

“Diyan po sa restaurant sa malapit,” sambit ko.

Bumuntong hininga siya at sumulyap sa gilid ko. Ngayon ko lang napansin na may nakalatag doon na pagkain, sa may mesa.

“Nag order ako ng pagkain natin, mukhang ako na lang ang kakain,” narinig ko ang pagtatampo sa tinig niya. Napanguso ako, nagtatampo? Hindi ko alam kong anong sasabihin o gagawin.

Inorderan niya talaga ako? Bakit? Hindi pa ba siya kumakain? Muli akong sumulyap doon at napanguso. Ano bang dapat kong gawin!

Zachary’s POV

“Sir, gutom pa ako,” nabitiwan ko ang ballpen na hawak ko nang sambitin niya iyon.

Kanina pa ako naghihintay sa kanya, nag order ako ng pagkain kasi akala ko hindi pa siya kumakain, pero nang dumating na yung pagkain, wala na siya sa upuan niya.

Hindi ako makapaniwalang nawalan ako ng ganang kumain dahil doon. Hindi ako makapaniwalang hinintay ko pa siya, kahit alam kong nakakain na siya. Kaya nagulat ako nang sabihin niyang gutom pa siya.

Hinintay ko pa siya na magsalita, pero lumapit na siya sa sofa at kong nasaan ang pagkain na nakalatag sa lamesa. I can’t help, but smile. Fuck!

Natawa ako nang maupo ako sa tabi niya, ngunit mabilis siyang linagyan ng space ang gitna namin.

Hindi ko maiwasang magtaka, paano niya nasasabi noon na hahalikan niya ako kong ganito siya? Naglakas loob akong sinabi ang tunay ako sa kanya dahil alam kong pag kukuha si mommy ng aakit sa akin, kukunin niya ‘yung may experience, itong babaeng ito, sigurado akong wala kahit anong experience.

Nakasigurado akong noong halikan ko siya bar. Hindi siya marunong humalik. Dapat ay mainis ako kasi hindi siya marunong humalik at paniguradong hindi ako mag-eenjoy na halikan siya, but…. Hell I fucking happy, lalo na pag iniisip kong I’m her first kiss.

Tumikhim si Secretary Gillian nang mapansin ang titig ko, kaya imbes na titigan siya ay nilagyan ko na lang ang pinggan ko at kumain.

Sumulyap ako sa pinggan niya, nakita kong kaunti lang kinuha niya.

“Iyong totoo? Gutom ka ba talaga?” Natatawang tanong ko.

Napakagat muli siya sa labi at ngumiti sa akin.

“Bakit kasi hindi ka pa kumain,” bulong nito sabay subo ng pagkain. Ngunit wala na doon ang atensyon ko.

“How many times do I have to say that don’t bite your lips?” Nakakunot noong sambit ko. Bigla siyang lumayo at tinakpan ang labi.

Muli ay natawa ako. Hinawakan ko ang kamay niya na nakaharang sa labi niya at ibinaba iyon.

“Sir—”

“Don’t worry, hindi kita hahalikan, saka na pag ikaw na ang unang humalik,” pinaglapat niya ang labi na para bang hindi pa rin naniniwala.