Chapter 20 – Super Market

Gillian’s POV

“Jollibee!” natawa ako nang tumalon talon si Zaji nang sabihin ko na pupunta kami sa jollibee. May sweldo na ako kaya gusto ko silang dalhin sa jollibee.

“Papa, ayaw mo talagang sumama?” tanong ko kay papa na prenteng naka-upo at nanonood.

“Hindi na anak, uwian niyo na lang ako,” sambit nito. Napailing ako, laban kasi ng paboritong basketball team niya, kaya ayaw niyang sumama “Pupunta na kayo? Asan si Yunard?” tanong niya kaya napasulyap ako sa relo ko.

Bago pa ako makasagot ay nakita ko na si Yunard na papasok.

“Ang gwapo naman ni Kuya Yunard,” hagikgik ni Nika sabay sulyap sa akin. Napairap ako.

“Parang hindi nagwapuhan sa akin ang ate mo, binobola mo ako Nika,” nanliit ang mata ni Yunard habang sinasabi iyon kay Nika.

“Haist! Ewan ko sa inyong dalawa. Halika na at baka matraffic tayo,” sambit ko at inabot ang sling bag ko sa upuan.

“Bakit iuuwi mo pa? Pwede namang isama na natin silang mag grocery,” sambit ni Yunard habang hinihintay namin ang order.

“Baka mapagod sila,” sambit ko. Bumuntong hininga si Yunard, alam niya ang ibig kong sabihin. Alam niya na nag-aalala pa rin ako para kay Zaji, kahit sabihin ng doctor na ayos na si Zaji, gusto ko pa ring huwag siyang mapagod.

Gusto ko mag double ingat, lalo na kay Zaji.

Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang magandang ngiti sa mukha ng dalawang kapatid ko.

Kitang kita ang saya sa kanilang dalawa habang kumakain ng spaghetti. Kahit simpleng pagkain lang dito sa jollibee ay subrang saya na nila.

“Dahan-dahan, Zaji,” sambit ko at inabot ang tissue para punasan ang bibig nito. Ang kalat niya kumain, ganoon nga talaga siguro pag bata.

Kahit pinunasan ko na ay ganoon pa rin, nagkalat pa rin ang sauce ng spaghetti sa bibig at nalagyan na ang gilid ng bibig nito, imbes na punasan ulit ay kinuha ko na lang ang phone ko para kunan siya ng letrato.

Pinagdikit ko sila ni Nika saka sila kinuhanan. Hindi pa nakuntento at isinama pa ang sarili ko. Tinignan ko ang kuha at mas lalo akong napangiti.

“Picture tayo, Yunard,” sambit ko at itinaas pa ang phone para makuha kaming lahat. “Zaji, Nika, tingin dito,” nakangiting sambit ko.

Tumingin ang dalawa habang nakangiti.

“Subrang saya ko,” napaangat ang tingin ko nang magsalita si Yunard sa tabi ko. Papasok na kami sa super market nang magsalita siya.

Nagmotor na kami ngayon, kanina ay commute dahil nga kasama namin ang dalawang kapatid ko. Gaya ng usapan namin ni Yunard ay inuwi muna namin sila Nika at Zaji, bago pumunta sa super market para mag grocery.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang mga daliri sa gitna ng mga daliri ko, hinayaan ko siya tutal nasanay na rin akong hinahawakan niya ang kamay ko.

“Bakit?” tanong ko

“Masaya ako kasi alam kong masaya ka,” sambit nito at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Pinanliitin ko siya ng mata. “Ano ba dapat kong sabihin?” tanong ko. Natawa siya at tumingin sa harap.

“Wala, ngumiti ka lang, ayos na,” sabay sulyap sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita nang kumuha na siya nang push cart. Binuksan ko ang bag ko para sana tignan ang nilista ko, ngunit napatampal na lang ako sa noo ko nang maalalang hindi ko iyon nailagay sa bag ko.

Mukhang naiwan ko sa lamesa.

“Bakit kasi hindi mo nilgay, naalala mo naman siguro,” si Yunard habang tulak tulak ang push cart. Tumango na lang ako kahit hindi sigurado.

Napakamot ako at iniisip kong ano ang mga iyon, naalala ko naman ang mga nilista ko doon, pero baka may makaligtaan ako. Bahala na.

Pinuntahan ko ang ilang naalala ko, habang kinukuha iyon ay muling hinawakan ni Yunard ang kamay ko, sumulyap ako sa kanya at ngumiti.

“Haist!” Napatigil ako at halos tampalin ko nanaman ang noo ko. Naalala ko ‘yung carrots, eh doon pa sa vegetable section iyon, at medyo nakalayo na kami.

“Bakit?” tanong ni Yunard. Napanguso ako bago magsalita.

“May nakalimutan ako sa vegetable section, balik tayo,” sambit ko. Maglalakad na sana ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. “Bakit?” takang tanong ko sa kanya.

“Ako na, hintayin mo na lang ako dito,” sambit niya, bago pa ako makapagsalita ay binitawan na niya ako at umalis na. Nagkibit balikat na lang ako.

“Ano pa bang bibinhin ko?” Mahinang tanong ko sa sarili at nag-isip ulit. Bakit kasi nakalimutan ko? Sinulat sulat ko pa, makakalimutan lang din pala.

Nilibot ko ang mata ko, nakita ko ang pagkaing paborito ni Zaji. Wala iyon sa listahan, ngunit gusto kong bilhin. Lumapit ako doon, ngunit hirap ako dahil subrang taas non.

Ilang ulit kong sinubukang abutin, ngunit hindi talaga.

“Isang beses pa,” sambit ko sa sarili, ngunit nagulat ako nang may naramdaman sa likod, inabot ng kong sino ang inaabot ko, nasa mismong likod ko siya.

Teka? Ang bilis naman niya.

“Yunard, bakit ang bilis---” Napatigil ako dahil sa pglingin ko ay ibang tao iyon. Napaka delikado ng mata nito habang nakatitig sa akin. Animo’y umaapoy ang mata nito sa galit.

Galit? Bakit?

“S-Sir? Bakit ka nandito?” tanong ko. Sinubukang umalis sa harap niya, ngunit nilagay niya ang dalawang kamay niya sa gilid ko para icorner.

Mabilis pa niyang shinot sa push cart ang inaabot ko kaninang pagkain.

Bakit siya nandito? Hindi sa ganito siya mag go-grocery.

“Sir, B—”

“So it’s not Zaji, It’s Yunard,” seryosong sambit nito.

Inilapit niya ang sarili sa akin. Dahil sa nasanay akong kagatin ang labi ko ay napakagat ulit ako doon, bumaba ang tingin niya doon, pero ibinalik din sa mata ko.

“Hindi mo na ako makukuha sa pagkagat ng labi mo. You’re fucking a playgirl! You like me, that is what you said, but this? Holding hand with that man? Yunard? Hindi ko alam na may motor pala ang gusto mo at hindi ang may kotse-“ tumigil ito at napapikit, dumilat siya at muking tumitig sa mata ko. Narinig ko ang diin nang magkakasabi niya sa mga salitang binitawan niya. Galit ito, ramdam na ramdam ko, pero bakit? “Gusto ko tuloy… gusto ko tuloy bumili ng motor, damn it!”

“Sir—”

“Oh, Fuck! Don’t fucking call me Sir! Wala tayo sa trabaho!” Mariin at mahina niyang bulyaw.

Kinakabahan ako, hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil baka bigla kaming madatnan ng ganito rito ni Yunard, na subrang lapit niya, hindi ko alam ang sasabihin ko kung makita at madatnan niya kaming ganito.

Hinawakan ko ang dibdib niya para itulak, pero hindi ko siya maitulak. Humalakhak pa siya at inis na tumingin sa akin.

“Ngayon tinutulak mo ako? Let me ask you something, kasi sa nakita ko parang nagdalawang isip ako bigla,” sambit nito habang titig sa mata ko. “Am I your first kiss? Nababaliw na ako kakaisip simula nang makita ka na nasa likod niya at nakayakap habang nagmomotor kayo, fuck! What am I saying! Secretary Gillian, am I your first kiss?”

Hindi ako makapaniwalang iyon ang tinanong niya. Tinignan ko siya ng masama dahil doon. Tutal wala nga talaga kami sa trabaho, ayos lang siguro.

“Mukha bang marunong akong humalik noong hinalikan mo ako!” inis na sambit ko.

“Yes or no, Secretary Gillian!” madiing sambit niya .

“Oo nga! First kiss kita!” Inis na sambit ko.

Tumitig lang siya akala ko lalayo na siya, pero nagulat ako nang pinatakan niya ako isang halik.

“Huwag kang hahawak sa kamay niya, binabantayan kita,” sambit nito at mabilis ang umalis sa harap ko, naglakad na din siya papaalis.

“Bakit ba ang hilig niya manghalik na lang bigla!” mahinang bulong ko at napapikit.

“Ano ‘yun?” Napakurap kurap ako nang makita si Yunard na palapit. Napatitig ako sa kanya.

Nakita ba niya? Pero parang hindi naman. Sana lang hindi. Ano ba kasing ginagawa ng isang mayaman sa maliit super market!? Bakit sa lahat pa ay siya pa ang nandito! Saka hindi ba siya takot kanina na malaman ng iba na hindi siya bakla? Nanghahalik na lang bigla! Haist!

Bahala siya! Bakit ko iniisip na baka malaman ng iba? Problema na niya iyon. Tapos nanghahalik na lang bigla, anong akala niya sa akin? Girlfriend niya? Asa siya!

Hindi ko alam kong bakit…. Nang hawakan ulit ni Yunard ang kamay ko ay inilayo ko iyon. Nagulat din ito sa bigla kong paglayo.

“Basa ang kamy ko,” napakamot pa ako. Anong klaseng palusot iyon, Gillian? Nagpapatawa ka ba? Eh, alam naman niya na hindi pawisin ang palad mo.

Napakamot si Yunard at hinawak na lang ang dalawang kamay sa push cart. Dahil sa nangyare ay hindi na ako mapakali. Parang may nakatingin sa akin ng masama, pero hindi ako natatakot, kinakabahan lang ako. Bakit kasi nandito siya! Pwedeng umalis na lang siya? Hindi na nga ako magpapahawak ng kamay!

Saka para saan ba yung halik kanina! Dahil sa ginawa niya hindi ko na tuluyang maalala ang mga bibilhin ko.