Chapter 18 – Like Your Lips
Unang kita ko sa kanya, naintindihan ko agad kong bakit gustong gusto ni Madam Anastasia na gawin siyang tunay na lalake. Mayaman, matalino, gwapo, nasa kanya na lahat, pero ang malamang bakla ito ay ibang usapan na.
Hindi ako makapaniwala na madami siyang napaniwala. Bakit niya nililihim kong ano siya? Bakit mas gusto niyang malaman ng lahat na isa siyang bakla?
Napakapit ako sa kanya nang kagatin niya ang labi ko para ipasok ang dila. Sinubukan ko siyang itulak, pero hindi ko alam kong bakit, imbes na tulak ay naging haplos ito. Lalo akong napakapit sa kanya nang iangat niya ako at paupuin sa lamesa.
Humiwalay siya at, pero malapit pa rin ang labi niya sa akin.
"Ang tapang mo noong sabihin mo na hahalikan mo 'ko, ngayon malalaman ko na.." ngumiti ito sa akin bago magpatuloy, nakatitig ito sa mata ko, sunod ay sa labi. "You didn't even know how to kiss,"
Dahil sa sinabi niya ay parang nagising ako. Mabilis ko siyang itinulak at bumaba sa mesa.
"Hindi ka bakla," mahinang sambit ko. Muli niyang nilagay ang kamay sa magkabilang gilid ko, itinukod niya iyon sa mesa. Sa isang iglap ay napabalik ako sa pagkakasandal.
"What do you think?" Nakangising sambit niya. Muli ko siyang itinulak, ngunit isang hakbang lang patalikod ang ginawa niya.
"Bakit ka nanloloko ng tao? Bakit pinapaniwala mong bakla ka? Bakit tinatago mo ang totoong ikaw? Bakit gusto mong maniwala sila na bakla ka?" sunod sunod na tanong ko.
“You have so many questions. Now you know what I am, don't ever say this to anyone,” he said seriously. “You have nothing to say, or else-” he left in front of me, and slowly he walked over to go to his chair.
"Or else ano?" sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka upo siya.
"Or else, bubuntisin kita," nanlaki ang mata ko. Wala na akong pake kong boss ko at bubulyawan ko na sana siya nang bigla siyang humalaklak. "Ang cute mo mainis," namula ang pisngi ko. Ano bang sinasabi ng taong 'to!
"Don't worry, I'm just kidding. Hindi kita bubuntisin. Mahal ko ang lahi ko at hindi kita bibigyan non." Muli siyang sumeryoso. "Basta huwag mo sasabihin kahit sino, pag may nakaalam, siguradong ikaw na 'yun, siguradong ikaw na ang nagsabi. Iba ako magalit," kinuha niya ang kape at humigop doon. "Malamig na, but it's sweet like your lips,"
***
Tulala ako pauwi. Gumugulo sa isip ko ang nangyare kanina. Hindi siya bakla? Seryoso 'yun? Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng hiya. Lalo na pag naalala ko yung pinag gagagawa ko, 'yung hinila yung neck tie niya, 'yung sinabi ko na hahalikan ko siya, lalo na noong naupo ako sa hita niya.
Ano na lang kaya iniisip niya?
Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Papasok na ko sa iskinita ngayon papunta sa bahy at 'yun pa rin ang iniisip ko. Ibang klase. Dapat ay masaya ako, kasi hindi naman pala siya bakla at wala na akong gagawin para sa trabaho ko kay Madam Anastasia, pero paano yun?
Hindi ko sasabihin kahit sino? Napaisip ako. May dahilan siguro siya para sabihin na bakla siya kahit hindi, pero ano 'yun? Ganoon ba kahalaga ang rason na iyon para ikulong ang sarili sa pagkabakla?
Sa ngayon ay pwede ko ng sabihin kay Madam ang tungkol sa nalaman ko, pero bakit parang hindi ko kaya. Ramdam ko na may malalim siyang dahilan, at sa tingin ko ay isa iyon sa dahilan kong bakit hindi ko magawang tawagan ngayon si Madam Anastasia at sabihing hindi bakla ang anak niya.
Takot siyang malaman ng iba na hindi siya bakla, bilang pambawi ng ginawa kong pagsisinungaling, hindi ko muna sasabihin sa mama niya.
Siguro ay hindi ko muna sasabihin, matagal pa naman ang binigay niyang palugit. Ang mahalaga ay safe na ako ar hindi ko na kailangang mamoblema. Ang usapan lang naman ay maging lalake si Sir Zachary.
"Sana nagpasundo ka na lang sa akin," napaangat ang tingin ko, nandoon si Yunard nakatayo at mukhang naglalakad lakad, medyo malayo pa ang bahay dito, doon siguro siya galing. Lumapit siya sa akin at muling inilagay sa likod ko ang jacket.
"Galing ka sa bahay?" tanong ko. Tumango siya at may kinuhang tali ng buhok sa bulsa. Pumunta siya sa likod ko at tinipon ang buhok ko, hinayaan ko siyang tipunin iyon at itali.
"Naglalakad lakad lang ako, ang tagal mo kasi dumating. Mag tali ka nga ng buhok, natatakpan 'yang maganda mong mukha," seryosong sambit niya.
"Bolero," natatawang sambit ko.
Nang maitali ay hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na.
"Bakit ba palagi ka na lang sa bahay?" Pinanliitan ko siya ng mata.
"Bakit bawal?" sinulyapan niya ako habang naglalakad. Pinanliitan niya din ako ng tingin kaya mapatawa ako.
"Ang liit na nga ng mata mo, pinapaliit mo pa," sabay irap ko.
"Tsk! Bakit kasi nagtatanong ka ng ganyan? Para namang ayaw mo na akong pumunta sa bahay niyo," narinig ko ang pagtatampo sa boses niya.
Natawa ako at ginamit ang isang kamay para batukan siya.
"Sira!" natatawa kong sambit.
"Bilisan mo, gutom na ako!" muli ako natawa at mas binilisan ang lakad.
"Asan ba ang motor mo?" tanong ko
"Iniwan ko sa bahay niyo," napatango ako. Akala ko nag commute siya.
Nang makarating ay kumain kami agad, hindi na nga ako nakapagpalit. Mukhang tumulong si Yunard kanina sa paghanda at may binigay din ang mama niyang ulam, iyon din ang isang dahilan niya kung bakit siya pumunta dito ngayon.
"Iba talaga mag luto ang mama mo, Iho. Hindi ko maiwasang maalala ang mama nila Gillian, subrang sarap din niyang magluto," si papa habang nilalantakan ang kare kare.
"Mas masarap pa rin magluto si Gillian, Tito. da best ang sinigang niya," sambit ni Yunard sabay kindat sa akin. Napatawa tuloy si tatay nang mapansin iyon.
****
Kakapasok ko pa lang sa kwarto ay narinig ko na ang isang tunog galing sa phone ko, pinaakyat ko kasi kanina ang bag ko kay Nika para makatulong kahit maglagay lang ng pinggan kanina.
Lumpit ako doon at tinignan. Umawang ang labi ko nang makita ang pangalan ni Sir, noong tumawag siya sa akin noon ay nilagyan ko na ng pangalan niya, para alam ko na siya, kahit hindi naman kailangan kasi may isang phone naman para sa trabaho, at pwede naman siyang tumawag doon kong may sasabihin.
Sir Zachary:
Hi!
Napakurap kurap ako, hi? Halos matawa ako ng ulitin ko iyong basahin. Anong kalokohan ito? Anong meron? Nagdadalawang isip ako kung mag rereply ako, pero nag reply pa rin ako baka kasi sabihin niyang snober ako at mas lalong pahirapan sa trabaho at mag sungit.
Kinagat ko ang labi bago mag tipa.
Me:
Hi?
Napakamot ako sa ulo noong masend. Hi? May question mark talaga, Gillian? Naibaba ko ang phone nang marinig ko ang boses ni papa na sinabayan ng katok.
Tumayo ako at lumapit sa pinto para buksan.
"Nakauwi na si Yunard, pinapabigay niya," isa iyong paper bag, kinuha ko iyon at tinignan. Isa iyong jacket na pangbabae, may papel din doon kaya tinignan ko.
'Palagi mo yang dalhin."
"Anak," napaangat ang ulo ko.
"Po?" seryoso itong tumingin sa akin.
"Kong tatanungin ako kung ang mayaman na lalake o si Yunard ang gusto kong maging nobyo mo, si Yunard ang pipiliin ko para sayo. Siya ang gusto ko para sayo, anak. Walang panama ang mayayaman sa kanya."