Chapter 13 Makikipaglandian

Gillian's POV

Paggising ko kinabukasan ay nagulat ako nang nasa kama na ako. Literal na kinapa ko ang damit ko suot ko pa. Nakahinga ako nang makapa kong suot ko pa rin naman yun.

Mabilis akong lumabas para tignan kong nasaan ang boss ko, ngunit imbes na ang boss ko ang makita ay ibang tao ang nadatnan kong naka apron at may hawak ng kutsara

Tulad noong una ko siyang makita ay kumaway at ngumiti ulit siya. Napasulyap ako sa labas at halos manlumo ako nang makitang may araw na, mataas na din ito.

"Hala, Sir Zeyo, sorry. Napasarap yung tulog ko," nahihiyang sambit ko nang maalalang sa kanya pala itong condo. Nakakahiya. Hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang paglapag ng kutsara sa maliit na bilog na mesa. Nang matapos ay tinanggal niya ang suot niyang apron. Muli siyang ngumiti sa akin kaya kitang kita ko ang dimple niya sa pisngi.

"Let's eat. Nauna na si Zachary. Don't worry ang sabi niya huwag ka muna pumasok ngayon." Sir Zeyo said habang tinuturo ang upuan.

Ayoko sana, pero nakakahiya namang tumanggi saka nag abala pa siya. Dahan dahan akong lumapit at pati ang pag upo ay dahan dahan.

Wait? Ano sabi niya? Huwag muna ako pumasok? Hindi pwede baka malaman ni Madam Anastasia. Siguro ay uuwi na lang muna ako at babalik din para pumasok. Ayaw kong lumiban.

"Don't be shy, and don't call me sir, why? Obviously, I'm not your boss. Call me in my name, I'll be happy if you call me that way," he said and sat down in the chair in front of me.

Ngumiti ako at tinignan ang pagkain sa harap, pero halos matawa ako nang makitang naging itim na ang hatdog. Ayaw kong ipakitang natatawa ako, pero hindi ko mapigilan.

Parang marunong siya magluto nang madatnan ko siya kanina, tapos hatdog lang sunod pa. Hindi ko talaga maiwasang matawa.

"Hey! Don'y laugh at me. I'm sorry sa hotdog, napasarap atang lumangoy sa mantika," sabay tawa niya.

"Sorry, Si---" napanguso ako at natigilan nang makitang sumimangot siya. " I mean Zeyo," sambit ko sabay kagat ng labi ko. "Sorry sa pagtawa, Zeyo. Hindi ko lang mapigilan at tama ka, mukha ngang napasarap sa paglangoy ang hotdog sa sa mantika," Natatawang sambit ko.

Tumitig siya sa akin, sunod ay sumabay na din. Ang ending walang kumain sa hotdog. Hindi ko maipagkakailang mabait si Zeyo. Mas mabait na bakla si Zeyo kaysa sa baklang boss ko. Marunong makisama si Zeyo.

Iniling ko ang ulo ko nang pumasok ulit sa isip ko ang boss ko.

****

"Thank you po sa paghatid," sambit ko. Hindi naman na kailangan na pagbuksan ako, pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay mabilis siyang lumabas at umikot para pagbuksan ako.

Nang matapos kaming kumain, nag palit muna ako ng damit, ayaw kong lumabas na naka croptop. Buti na lang din at hindi na basa ang damit ko, isinampay ko kasi iyon kagabi.

Nang makapagpalit na ako ay nag aya siyang ihatid ako, humindi ako, pero nagpumilit siya. Hindi ko sinabi kong saan mismo ang bahay namin, nagpahatid lang ako sa harap ng malaking bahay na medyo malayo sa bahay. Lalakarin ko na lang, kasi kaya namang lakarin, hindi naman ganon kalayo.

"Hmmm, Gillian, are you free on Sunday? It's my friend's birthday and I don't have anyone with me, I can't ask Zachary if he's coming dahil madaming trabaho ang napaka workaholic na yun. So … are you free?"

Matagal akong natahimik kaya muli siyang nagsalita. "It's okay kong hindi ka free sa linggo, hindi naman kita pinipilit," sambit niya sabay hawak sa batok niya na para bang nahiya.

Kinagat ko muli ang labi ko at inisip kong meron ba akong pupuntahan.

"Ano.... Anong oras ba?" tanong ko.

"7 pm," sambit nito

"Gabi? Anong oras kaya matatapos?" tanong ko ulit.

"Kong gusto mo hindi tayo magtatagal. Ikaw mag decide kong anong oras ka uuwi," sabi niya kaya tumango ako.

Kumunot ang noo niya sabay tango din. "Oo?" tanong nito.

"Oo," nakangiti kong sambit. Nakita kong napangiti siya sa sagot ko.

Pagkatapos non ay nag paalam na siya. Ako ay hinayaan munang umalis at makalayo siya. Ang sabi ko kasi ay doon muna ako sa bahay ng kaibigan ko, itong bahay na 'to ang sinabi ko. Hindi ako makapaniwalang umagang umaga ay magsisinungaling ako.

Nang hindi ko na nakikita ang kotse niya ay nagsimula na akong maglakad pauwi. Ang sa amin ay may iskinita, papasok pa ako bago marating ang bahay namin. Maliit na bahay lang ang tinitirhan namin at may dalawang kwarto na malilit lang, pero tama naman para sa amin.

****

"Oh anak, saan ka natulog? Grabe at subrang lakas ng ulan kagabi. Si Zaji ay umiiyak na din dahil sa takot sa kulog at kidlat, ang batang iyon talaga,"

Nadatnan ko si papa na hirap sa pagwawalis. Mukhang pumasok na din si Nika. Lumapit ako at kinuha ang walis sa kanya. Ayaw pa niyang ibigay ngunit bumuntong hininga na lang siya. Si Zaji ay nasa kapitbahay, nakita ko kanina bago pumasok sa bahay.

"Nakitulog po ako sa condo ng kaibigan ko, malapit sa opisina kaya nakitulog na ako," sambit ko at pinagpatuloy ang pagwawalis.

"Sino siya at gusto kong pasalamatan," sambit niya na ngayon ay naka upo na.

Muling pumasok sa isip ko ang boss ko. Kahit na subrang sungit niya ay mabait siya. Pwede naman niya akong balewalain nang makita niya akong naghihintay sa labas, pero hindi niya ginawa.

Lumabas pa rin siya kahit umuulan at pinatulog sa condo, kahit hindi sa kanya iyon. Saka nagising ako sa kama--- wait, sa kama? Binuhat niya ako? Bigla akong pinagpawisan nang maisip iyon, hindi ko alam kong bakit pero parang nailang ako bigla nang maisip na binuhat niya ako.

"Papa, nakapagpasalamat na ako," sambit ko na lang at mabilis na tinapos ang pag wawalis.

Oo nga at kailangan kong magpasalamat. Umakyat ako at naligo. Half day na lang siguro ako ngayon, malapit na din mag alas 10. Hindi ko akalaing mapapasarap ang tulog ko.

Habang naghihintay ng oras ay naglinis na ako sa kwarto at nag luto, para may makain na sila pala mamaya. Busog pa kasi ako kaya hindi na muna ako mag tatangalian.

****

Paglabas ko pa lang ng elevator ay may lumapit na sa akin. Isang chinitang babae ang lumapit sa akin. Hula ko ay hindi siya purong pilipina.

"Secretary Gillian," tawag nito sa akin.

"Ano po yun?" tanong ko. Hindi siya mapakaling sinulyapan ang office ni Sir.

"Huwag ka muna pumasok, baka ikaw mapagbuntungan ni Madam Anastasia," sambit nito.

"Huh? Bakit anong nangyare?" nakaramdam ako ng kaba.

"Kanina pa sinisigawan ni Madam si Sir at hinahanap ka, mukhang dahil ito sa na cancel na meeting," umawang ang labi ko nang marinig iyon.

Imbes na huwag tumuloy ay bumuntong hininga ko.

"Thank you sa concern, but I think kailangan kong pumasok," dahil hinahanap ako ni Madam ay mas mabuting magpakita ako.

Muli akong bumuntong hininga bago kumatok at buksan ang pinto.

Nakatayo si Madam habang si Sir ay nakasandal ang ulo sa upuan niya at nakapikit. Hinihilot din nito ang ulo.

"Who are yo---" natigilan si Sir nang makita ako. Napapikit siyang muli dahil doon.

"Are you the secretary?" tanong ni Madam. Pumasok ako at sinara ang pinto. Tinignan niya ako na parang hindi niya talaga ako kilala.

"I'm sorry Madam, nag half day--"

"Anong akala mo sa kompanya. Pipityuging komapanya? Half day? What do you think of yourself? Ang boss mo pumasok tapos ikaw na secretary, pa half day half day lang! Are you out of your mind!

"Sorry, Madam," yun lang ang nasabi ko habang naka yuko.

"Mom, can you please go home. I can take care the company!" sambit ni Sir

"Dapat lang na alagaan mo ang companya!" baling niya kay Sir. "Pag naulit pa 'to, I will fire you! You don't deserve to be a secretary of my son, if you are like that!" bulyaw naman nito sa akin.

Sunod ay tumalikod na siya at lumabas. Ilang minutong natahimik ang opisina niya bago siya magsalita.

"Hindi ba sinabi ni Zeyo na huwag kang pumasok ngayon?" tanong nito.

"Sinabi naman niya Sir, per---" Napatalon ako nang bigla niyang ibagsak sa lamesa ang mga palad niya.

"Then why are here! Do you really want me to fire you?! Bakit di mo ako sinusunod! I'm the boss here! Pag sabi kong huwag kang pumasok, huwag kang pumasok!" sigaw nito.

"I-Im sorry, Sir," nakayukong sambit ko. Nagka utal utal pa ako nang sambitin ko iyon.

Galit na galit siya. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Oo at naranasan ko nang mapagalitan sa mga dati kong trabaho, pero hindi ko alam kong bakit mas naaapektuhan ako ngayon.

Buong hapon na masama ang timpla ni Sir. Pinapatawag niya lang ako pag may tinatanong. Sinabihan niya din ako na huwag ako basta basta pumapasok sa office niya, saka lang daw ako pumasok pag sinabi niya.

Hinawakan ko ang batok ko nang matapos ko ang pinapagawa ni Sir. Hindi pa niya ako pinapatawag at wala na akong gagawin kaya kinuha ko ang phone ko para tignan kong may message.

May isang message doon, si Yunard. Binuksan ko iyon at tinatanong lang niya kong kamusta ako.

Mag rereply na sana ako nang biglang may naaninag akong anino sa harap ko. Mabilis akong tumayo nang makita ko ang boss ko.

"Sir, may kailangan po kayo?" tanong ko. Seryoso lang siyang tumingin sa akin, sunod ay sa phone ko.

Hindi ko man lang napansin na lumabas siya.

"You know what," maarteng sambit niya "Kong makikipaglandian ka din lang naman sa phone mo, sana hindi ka na lang pumasok," sambit niya at bumalik ulit sa loob ng opisina niya.

Ano yun? Landian? Kakatingin ko nga lang sa phone ko!