Chapter 12 Kiss
Gillian's POV
Iba talaga ang mayayaman. Sa paliguan lang ay subra na ang ginastos. Subrang lawak ng paliguan. Pwede na 'tong kwarto, subrang lawak na nga para sa kwarto.
May bathtub din ito at kompleto ang kailangan. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Bumuntong hininga ako dahil sa naisip.
Imbes na mag over think pa ay naghubad na ako para makaligo. Eto ang pinakaunang beses na maliligo ako sa shower. Hindi ako maipagkakailang masaya ako. Masaya ako sa pansamantalang pakiramdam na ito.
Hindi na ako nagtagal sa paliligo, tinapos ko agad.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sunubukan kong ibaba ang suot kong damit, umaasa na pwede pang humaba iyon. I am now wearing shorts and a croptop. Ayos sana kong high waist yung short para matabunan yung puson ko, pero hindi.
Naiinis pa ako dahil ang croptop na suot ko ay subrang croptop talaga. Apat na bulgada ata ang layo ng short at ng laylayan ng croptop na suot ko. Wala akong karapatang mamili ng damit, pero bakit kasi ganito.
"Wala na bang ibang damit?" nakasimangot kong sambit. Sinampal ko nang mahina ang sarili ko.
"Ano ba, Gillian! This is now your chance. Akitin mo na ang baklang iyon," mahinang sambit ko nang maalala iyon. Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa buhok ko at hinayaang bumagsak.
Nang makalabas ako ay hindi ko nadatnan sa sala ang boss ko. Nagkibit balikat na lang ako. Baka nasa kwarto. Lumapit ako sa bag kong nakalagay sa sofa at tinawagan si Nika para sabihing hindi muna ako makakauwi.
"Ikaw muna bahala kay Zaji. Uuwi din ako bukas, si tatay sabihin mo huwag maalala. Na stranded lang ako dito, pero may matutuluyan naman," sambit ko
"Opo, Ate. Ingat ka po diyan, nasa kwarto na po kasi si papa, pupuntahan ko na lang," Nika said
Pagkasabi niya non ay nagpaalam na ako. Nang maibaba ko ang phone ko ay saka naman ang paglabas ni Sir Zachary.
"Nagugutom ka na?" tanong niya nang hindi tumitingin.
"Ayos lang po ako," sambit ko.
Linagpasan niya ako at dumeretso sa kusina. Tumayo ako at sumunod para uminom ng tubig.
"Makikiinom po," mahinang ani ko, muli ay hindi niya ako tinignan. Nagkibit balikat na lang ako.
Nasa tabi niya ang isang pitcher na tubig kaya tumabi ako sa kanya. May baso doon kaya yun na ang sinalinan ko ng tubig para makainom. Habang umiinom ay napatingin siya sa akin at tumingin sa baso ko, sunod ay umiwas ulit. Tumalikod siya at tinignan ang lalagyan sa itaas.
Nang mabuksan iyon ay tumabad ang mga instant noodles.
"Walang ibang makakain, Ito lang," sambit niya.
"Hindi ka po nag lalagay ng pagkain o mga lulutuin sa ref?" sabay turo ko pa sa ref sa gilid.
"Why would I? This is not my condo," sambit niya habang nilalagyan ng tubig ang casserole.
"Hindi sayo 'to? Kanino?" sunod na tanong ko habang pinapanood siya sa ginagawa.
"Zeyo," maikling sagot niya. Kumunot ang noo ko. Zeyo? Yung bakla kanina?
"Si Sir Zeyo Reymondo? Yung pumunta sa opisina niyo?" Mabilis na tanong ko. Tumango lang siya at humalikipkip na. Tinitigan niya ang tubig na para bang hinihintay na kumulo.
Hindi ko maiwasang titigan siya, bakit lalakeng lalake siya ngayon? Namamalikmata lang ba ako? Sa pagtitig ko sa kanya ay na agaw ng tingin ko ang namumuong tubig sa noo niya.
Pinagpapawisan siya? Ang lamig kaya! Tumalikod ako at pumunta sa bag ko, binuksan ko iyon at kinuha ang puting panyo niya kanina. Yung hinagis niya sa akin. Hindi ko maiwasang maalala yung kanina, mabilis akong umiling at pinilit na matangal iyon sa isip ko.
Mabilis akong bumalik sa kusina at walang pagdadalawang isip na lumapit ng subrang lapit sa kanya. Halos mapatalon siya at mapaatras ng mabilis akong lumapit.
"What are you doing again!?" Inis na sambit niya.
"Sir, wag kang malikot," sambit ko. Titig na titig ako sa pawis niya na handa nang mahulog, nang makalapit ay marahan ko iyong pinunasan.
Natigilan ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya. Mabilis akong napapikit pikit nang makita ko ang titig niya sa mukha ko. Ang kamay ko ay nasa noo pa rin niya, nakadikit pa rin ang puting panyo sa noo niya. Habang siya ay nakatitig sa akin.
Hindi ko namalayan na dahil sa paglapit ko ay nalapit na din ang mukha ko sa mukha niya.
"Ikaw," mahinang sambit niya habang nakatitig sa akin. Ibinaba ko ang kamay ko at lalayo na sana ako, ngunit nagulat ako at nahigit ko ang hininga ko nang hawakan niya ang likod ko para hindi maka alis. Halos marinig ko na ang malakas na pintig ng puso ko.
"S-Si--" naitikom ko ang bibig ko nang bumaba ang tingin niya doon.
"You didn't research, do you?" mahinang tanong niya habang sa labi ko na ang titig niya.
Hindi ako makapagsalita. Anong ibig niyang sabihin?
"Gay can also kiss girl. You don't know that?" Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya para itulak siya, pero wala akong naging lakas para maitulak siya ng tuluyan.
"Asan ang tapang mo, Secretary Gillian? You have crush on me? You want to kiss me, right? I am now giving you permission. Do you think gay can't kiss a girl? You're wrong, Secretary Gillian," para siyang ibang tao nang sambitin niya iyon.
Parang hindi siya yung boss kong subrang arte, yung boss kong mas maarte pa sa babae. Ang nasa harap ko ay subrang iba. Anong nangyayare?
Tama siya, nasaan ang tapang ko ngayon? Nandito na, binigyan na niya ako ng permission na halikan siya, pero counted ba 'to? Maakit ko kaya siya kong halikan ko siya? Ngayon na sabi niya ay kayang kaya din ng baklang humalik sa babae, tatalab kaya?
Pumikit ako at inisip kong bakit nandoon ako, kong bakit naging secretary ako, kong bakit ligtas na ang kapatid ko. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng buong tapang.
Dahan dahan kong inangat ang dalawang braso ko para ilagay sa leeg niya. Nakita ko ang pagkatigil niya sa ginawa ko. Kinagat ko ang labi ko at napansing nalipat nanaman doon ang tingin niya. Dahil sa lapit namin ay naramdaman ko ang mabibigat na hininang pinapakawalan niya.
"Bahala na," mahinang sambit ko at hinila ang leeg niya para halikan.
"Ewww! Hindi ko talaga kaya, Eww! Lumayo ka, lumayo ka!" Nagulat ako nang bago ko pa siya mahalikan ay bigla niya akong tinulak. Nandidiri niya ako tinignan. "Hindi ko talaga kayang maging guy, Eww!" Pinampag pa niya ang kamay na na nakahawak kanina sa likod ko.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat.
Hindi ako makapaniwalang napasandal at pinanood niyang mandiri. Nagkunwari lang siya? Haisst! Nakakainis! Nag over think na ako at lahat tapos nagkunwari lang pala siya para malaman kong kaya niyang magpakalalaki?
Aba!
"Ghad! Ikaw na nga diyan! Kinikilabutan ako!" sambit niya at mabilis na tinalikuran ako. Napahawak ako sa noo ko at napailing.
"Ang ending, bakla pa rin," sambit ko at linapitan ang niluluto niya, kumukulo na ang tubig at sa tingin ko ay kanina pa. Kinuha ko ang noodles at nilagay.
****
"Don't give me that look nga! Unless, you want me to sleep beside you? No way, baka gapangin mo 'ko!" maarteng sambit niya at habang inaayos ang unan niya sa maliit na sofa.
"Pero, Sir, hindi ka kumportable diyan. Ang liit ng sofa," sambit ko. Kahit naiinis ako sa baklang 'to dahil sa kasungitan, hindi ko naman kayang matulog sa kama habang ang boss ko nandito sa sofa at pinagkakasiya ang sarili. Ayos lang sana kong maliit na tao siya, pero hindi, eh.
"Tsk! Matulog ka na, matutulog na ako," sambit niya at huminga na. Ang mahahaba nitong paa ay nasa labas na ng sofa.
Napakagat ako sa labi ko. Lumapit ako at nakita ko ang pag pikit niya.
"Sir, ako na diyan. Ikaw na sa kama," pero hindi niya ako pinansin, nakapikit lang 'to na animo'y tulog na.
"Diyan ako o hahalikan kita--- ay butiki!" Mabilis pa sa mabilis siyang tumayo at walang sabi sabi siyang linagpasan ako at pumasok sa kwarto. Nagpakawala ako ng hangin, para namang gustong gusto ko siyang halikan! Anong akala niya sa labi niya? Gold!?
Inayos ko ang unan at naupo. Maliit din para sa akin ang sofa, pero mas komportable naman ako kaysa sa kanya. Ang laking tao ng baklitang iyon.
Hindi na ako nag reklamo kahit walang kumot dahil ako naman ang nagpumilit na dito na lang sa sofa. Hindi ko lang maiwasang lamigin dahil sa croptop na suot ko. Kahit anong posisyon ko ay kita pa rin ang pusod ko, kaya hinayaan ko na lang, total nasa kwarto naman si Sir.
Zachary's POV
Ilang ulit na akong patayo tayo. Hindi ako makatulog. Bakit ko ba iniisip yung babaeng yun! Siya ang nag pumilit na doon matulog. Wala na akong kasalanan kong lamigin siya doon!
Muli akong tumayo at lumapit sa pinto. Nang mahawakan ang door nab ay kinausap ko muna ang sarili ko.
"Kukuha lang ako ng tubig, tama, tubig lang kasi nauuhaw ako," sambit ko at binuksan ang pinto. Nang isinarado ko na ang pinto ay napasulyap ako sa babaeng natutulog sa sofa.
Napapikit ako.
"Ang sakit mo sa puson," mahinang sambit ko at lumapit.
Pumikit ako at hinawakan ang laylayan ng damit niya para ibaba, pero nanlumo ako nang hanggang doon lang talaga ang damit niya. Tulog na tulog na din ito.
"Paano mo nagagawang makatulog? Habang ako na boss mo hindi mo pinapatulog!" inis na sambit ko. Huminga ako ng malalim at dahan dahan siyang binuhat.
"Last na 'to, hindi na ako magiging ganito kalapit sayo," muling sambit ko.
Nang maihiga ko siya sa kama ay inayos ko ang kumot sa kanya. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Zaji," rinig kong sambit niya. "Lahat gagawin ko para sayo," mahinang sambit niya. Tumagilid siya at mas lalong hinawakan ang kamay ko. Umigting ang panga ko sa narinig.
Paano mo nagawang pabayaang malinlang ng babaeng 'to, Zachary? She has a boyfriend. Pinagkakatuwaan ka lang niya. Na chachallenge lang siya kasi bakla ka at gaya ng ibang babae, gusto ka lang niyang subukan kong kaya ka niyang gawing lalake.
Yung kasama niya, yung naghatid sa kanya, siya ba yung Zaji? Gagawin niya ang lahat para sa lalakeng 'yon? Ibang klase! Nakikipag flirt siya sa akin tapos may boyfriend pala! Tama lang ang ginawa kong pagpipigil kanina na halikan siya.