Chapter 14 - Party

Napabuntong hininga ako nang matapos ang trabaho ko sa araw na yun, hindi ako makapaniwala na nakaya ko ang araw na iyon. Tinignan ko ang phone ko at doon ay muli kong nabasa ang text ni Madam Anastasia.

Madam:

It’s just a show para hindi ka niya pagdudahan. Good job, nalaman kong natulog kayo sa iisang condo. Sana sunod ay may mangyare na sa inyo para masigurado ko nang lalake talaga ang anak ko.

Ibigay? Oo at ilang ulit ko nang inisip na ibigay ko ang sarili ko para maging ganap siyang lalake, para hindi ko na isipin ang binayad sa akin ni Madam, pero ang hirap.

Hindi ko kaya. Nag message din siya na sa lunes daw yung mga damit na sinasabi niya.

Muli akong bumuntong hininga. Hindi ko man lang namalayan na nasa labas na pala ako. Nanlaki na lang ang mata ko na nasa harap ko si Yunard na nakasandal sa motor.

“Ang lalim non ah,” tumayo siya ng deretso at lumapit ng kaunti. “Hatid na kita?” imbes na magsalita ay niyakap ko siya. Kong papipiliin ako, kong ang trabahong ito o ang trabaho ko sa palengke, mas gugustuhin ko dito.

Kaya lang wala akong pagpipilian. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya at naramdaman kong uminit ang gilid ng mata ko. Ayokong manloko ng tao at lalong subrang mahal ko ang sarili ko para ibigay sa kong sino, pero wala akong magawa.

Hindi siya nagsalita at naramdaman ko lang ang tapik niya sa likod ko na para bang alam niya ang pinag dadaanan ko.

Zachary’s POV

I feel guilty. Subra akong na guilty sa mga nasabi ko. Subrang init ng ulo ko, hindi ko alam kong dahil sa meeting na kinancel ko o yung pagpunta ni mommy dito.

Basta naiirita ako sa araw na yun, lalo na ng makita ko siyang nakangiti habang hawak niya yung phone niya. Is she texting that Zaji? Hell! Why am I thinking about that? Bakit, Zachary?

Lumabas ako sa office ko, uuwi na sana ako nang makita ko ang isang panyo sa desk niya. Lumapit ako doon at kinuha. Kanina pa ba siya nakauwi? Tinignan ko ang oras at kanina pa ang out niya.

Kinuha ko na lang iyon at ibinulsa. I’m busy on my phone when I see her hugging that man again, I saw two people hugging sa mismong harap at kahit hindi nakaharap sa akin ang babae ay alam kong ang secretary ko iyon. I watched them until the man touched her face, I couldn’t see my secretary’s face dahil nga naka talikod ito.

Hell I care? Wala akong pake kong may boyfriend siya! Wala akong pake, pero nakikita ko ang sarili kong sinusundan sila. What am I doing? Nakakainis na!

Tinigil ko sa gilid ang kotse ko at inuntog ng mahina ang ulo sa manobela. Huminga ako ng malalim at pinaandar ulit, imbes na magpatuloy sa pagsunod ay lumiko na ako. This is making me crazy!

****

“Anong nangyayare sayo! Hindi ka nag rereply sa mga text ko! I try to call you pero hindi ka din sumasagot!” Naramdaman ko ang inis sa boses ni Nheya nang makapasok siya sa Gym sa condo ko.

Imbes na pansinin siya ay patuloy lang ako sa pag suntok. Nakaka ilang suntok pa lang ako nang bigla niya akong yakapin sa likod

“I miss you, ano bang nangyayare?” hindi tulad kanina, mas malumanay na ang pagkakasabi niya.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap at tinignan siya sa mata. Bumuntong hininga ako nang makita ang maamo niyang mukha. Sa totoo lang, guilty din ako… alam ko sa sarili ko na pinapaasa ko siya. Hindi ko maibibigay ang commitment na sinasabi niya.

“Madami akong iniisip, Nheya. Wala ako sa mood, I need to be alone,” sambit ko at linagpasan siya. Lumapit ako sa tumbler na nasa gilid at uminom.

“Tsk, kahit naman madami kang iniisip noon ay nag rereply ka pa rin!” nagtatampong sabi niya. “By the way, kuya ask if you will come? At Samuel’s party. He said your secretary will come, what happen about your agreement? I wonder why your new secretary is suddenly with him,”

Natigilan ako at napasulyap. Si Secretary Gillian? Tatanongin ko na sana kong bakit pupunta ang secretary ko, pero natigilan ako nang maalala ang sinabi ni Zeyo. He will make Secretary Gillian fall inlove with him. Really?

Padabog kong binitawan ang tumbler. She already has a boyfriend, and then she said that she wants me to be a real man sa kadahilanan na naghihinayang siya, and because she likes me, and now what? Pumayag siyang sumama sa party? Ibang klaseng babae!

Gillian’s POV

“You’re so beautiful,” manghang sambit ni Zeyo nang lumabas ako sa dressing room. Tinawagan niya ako at may sasabihin daw. Mamaya na kasi ang punta namin sa party, nagulat ako dahil isang oras na lang at naghahanap pa ako ng susuotin ay tumawag n siya.

Akala ko kong anong sasabihin niya, yun pala ay dahil gusto niya akong bilhan ng masusuot……sagot na niya daw ang susuotin ko, of course humindi ako, pero hindi ko siya napigilan nang dalhin niya ako sa mamahaling shop. Ilang ulit kong sinabi na hindi na kailangan, pero nagpumilit pa rin siya.

“Pero, Zeyo, ang mahal dito. Ayos naman ang suot ko kanina,” sambit ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at kinindatan lang ako. Bumuntong hininga na lang ako nang bayaran niya na.

****

Halos maipikit ko ang mata ko nang makapasok kami sa bar, kong saan gaganapin ang party ng kaibigan niya. Nakakahilo ang iba’t ibang ilaw na sumasayaw. Naamoy ko din kaagad ang iba’t ibang amoy ng alak.

“Are you ok?” tanong ni Zeyo kaya tumango ako. “Can I hold you? Para hindi ka mawala. Nandoon pa ang lamesa natin,” sabi nito kaya tumango ako.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa bewang ko kaya napalapit ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mailang nang mapansin ang iba’t ibang matang nakatingin sa akin, sa amin. Hanggang sa makarating kami sa mesang sinasabi niya ay naka yuko ako.

Hindi ko maiwasang mahiya, mapanuri ang mata nila habang sinusundan kami ng tingin ni Zeyo.

Hindi ko maiwasang mapahawak sa batok ko. Ang buhok ko ay nakatali ngayon, may kulot kulot na buhok sa gilid ng mukha ko. Naka light make up na din ako, hindi ko maiwasang manghinayang sa mga ginastos niya. Nagtatapon siya ng pera, hindi naman kailangan pero pag talagang kaya nilang bumili, bibili sila.

Dahil naka tali ang buhok ko ay kitang kita ang leeg at likod ko dahil na din sa naka backless din ako.

Zachary’s POV

“Akala ko hindi ka pupunta?” mahinang tanong ni Nheya sa akin, ngunit wala sa kanya ang atensyon ko.

Napako ang tingin ko sa dalawang taong palapit sa mesa. Nheya is sitting beside me, masimple niyang hinahawakan at pinagpapahinga ang kamay sa hita ko.

Hindi kami pwedeng maging expose dito, they know me as a gay, kahit ang ilan doon ay matagal ko ng kaibigan, nagulat din sila nang mapag alamang bakla ako. Nakikita nila na malapit kami sa isa’t isa, pero dahil bakla ako ay iniisip nilang wala lang ang paglapit sa akin minsan ni Nheya.

“Who’s that? Ang hot ng kasama ni Zeyo,” rinig kong sambit ng kong sino sa likod ko. Napapikit ako dahil doon! Umigting ang panga ko. Sumama talaga siya? Ano ba kasing iniisip niya at sumama siya!

Honestly, I wouldn’t be here today, of course anong gagawin ko dito? Hindi ko naman pwedeng gawin ang mga dati kong ginagawa, but because I learned that my secretary will come here, I saw myself driving here again.

Lumipat ang mata ko sa kamay ni Zheyo na ngayon ay nakahawak sa bewang ng secretary ko. Meron siyang boyfriend, pero nagpapahawak siya sa iba!? Kong ako ang boyfriend ng babaeng ‘to…. Kong ako ang boyfriend ng babaeng ito ay sa kama lang kami. Damn! What am I thinking again?

Nang makalapit na sila ay ngumiti sa akin si Zeyo na para bang pinapakitang malapit na niyang matapos ang plano. Nagsilapitan ang iba kay Zeyo at ang iba ay nagpakilala sa kasama nito. Dumilim ang paningin ko nang makita kong nakangiti ito habang nakikipag kilala.

“I don’t know what’s happening, but I think interesado si Kuya sa babaeng yan. Your secretary, Right?” tanong ni Nheya.

Kinuha ko ang iniinom ko sa lamesa at mabilis na linagok. Nakita ko ang panlalaki ng mata ng secretary ko nang mahagip ako ng tingin niya.

“Sir, nandito po pala kayo,” mabilis na sambit nito.

Nakaupo na sila ngayon at hanggang ngayon ay nakahawak pa rin si Zeyo sa bewang niya, at nakakainiz kasi wala siyang pakealam doon! Kong pwede ko lang tanggalin ang kamay ni Zeyo gamit ang titig ay wala na iyon doon ngayon.

“Ang pangit ng suot mo. Hindi bagay sayo,” marahang sambit ko. Nanlaki ang mata ni Zeyo sa sinabi ko. Nakita ko ang pag senyas ni Zeyi gamit ang mata, pero hindi ko iyon pinansin.

Nandidilim ang paningin ko, lalo na ngayon at naka tali ang buhok niya, kitang kita ang makinis nitong leeg. Pati din ang damit niya, nakakapagpakulo ng dugo dahil halos hindi na matakpan ang likod nito.

Nheya is wearing that kind of dress, but I don’t know why I don’t want my secretary to wear it! I want to avoid saying this, but, hell! She’s fucking…. She’s fucking hot. Damn it!

Wala akong ginawa kundi tignan siya at panuorin ang gagawin niya. Binigyan din siya ni Zeyo ng maiinom at ininom naman niya iyon.

Kanina pa salita ng salita si Nheya sa tabi ko, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, dahil sadyang nasa iba ang atensyon ko.

“Secretary mo pala ang magandang babaeng ‘to, Zachary? I didn’t know that you have beautiful and hot secretary. Wag kang magpapaganda, baka maging lalake agad ang ang kaibigan ko pag araw araw ka niyang makikita, Gillian,” Samuel said, sabay tawa.

“Can you shut up, Samuel!” inis na sambit ni Nheya. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Nheya na nasa hita ko pa rin, hindi iyon napapansin ng iba, pero napaayos ako ng upo nang makitang tumigil doon ang mata ng Secretary ko.

“Huwag kang maniwala diyan kay Zeyo, Gillian. Beterano yan sa babae,” sambit ulit ni Samuel sabay halakhak. Tinignan lang siya ng masama ni Zeyo.

Napaayos sa upo ang secretary ko at lumingon kay Zeyo, sunod ay tumingin siya kay Samuel na ngayon ay umiinom.

“Beterano? Hindi ka bakla, Zeyo?”

“Eww, Samuel!” Malakas na sambit ni Nheya nang lumabas mula sa bibig ni Samuel ang iniinom. Umubo ubo pa ito at sinabayan ng tawa. Pati ako ay hindi maiwasang matawa. Akala ba niya baklas si Zeyo?

Si Zeyo ay nakatitig na ngayon sa Secretary ko. Kita pa rin ang pagtataka sa mukha ni Secretary Gillian. Mas hinarap ni Zeyo si Secretary Gillian.

“You, think I’m a gay? Really?” hindi makapaniwalang sambit niya.

“Akala ko kasi pareho kayo ni Sir,” sabay sulyap niya sa akin kaya napaayos muli akong upo.

“I… I can’t believe you,” natatawang sambit ni Zeyo.

“Sorry, Akala ko kas---” Tinignan ko ng masama ang kamay ni Zeyo nang ilagay niya ang daliri nito sa mismong labi ni Secretary Gillian, para patigilin sa pagsasalita.

“If you’re the type of the girl na hindi inosente, hindi na daliri ko ang gagamitin ko para patahimikin ka,” sambit ni Zeyo, “You know what, I want to kiss you now para patunayan na hindi ako bakla,”

“Woah!!” kantiyaw ng ibang kasama namin. Kinagat ni Secretary Gillian ang labi niya kaya napapikit ako. Don’t bite your lips, mas lalo mong inaakit ang isang lalake pag kinakagat mo ang labi mo! Hindi ko alam kong sinasadya ba niya o hindi ang pagkagat sa labi niya.

“Sorry, Zeyo” nakangiti nang sambit niya. Wait? She call him by his name? Ganoon kabilis? Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo si Zeyo.

“It’s okay. Ang importante ay alam mo na. I’m a real man, Gillian.” Sambit ni Zeyo. “Let’s dance?” tumayo si Zeyo at inilahad ang kamay, na tinanggap naman ni Secretary Gillian.

Pagod kong isinandal ang ulo sa kinauupuan, hinawakan ko pa ang sintido ko dahil sa inis.