Chapter 9

Kulang tatlong oras ang ibiniyahe nila at dumating din sila sa rest house ni DaVon. Ang binata ang nagmaneho. Nang dumating sila sa rest house na isa palang resort dahil malapit sa dagat ay sinalubong sila ng caretaker nitong mag-asawa.

Iniwan ng binata ang kumpanya kay Gabriel at sa PA. Kung may emergency at importanteng kailangan ang mga ito sa kanya ay saka na puwedeng tumawag sa kanya. Gusto niyang makasama ang pamangkin at ang yaya nito nang walang iniisip na trabaho. Gusto niyang magpokus lang sa pamilya niya.

Gusto niya ang tunog na iyon. Pamilya. Napangiti siya sa dalawang hindi pa nakababa ng kotse dahil kapwa tulog ang mga ito.

Ipinaakyat na niya sa mag-asawa ang kanilang bagahe at naghahanda na ang mga ito ng kanilang pananghalian. Si Aling Doring ang taga-linis at tagaluto samantalang ang asawa nito ang nag-aalaga sa mga tanim at ibang kailangan ng rest house.

Madalang lang niyang nagagamit o nabibisita ito dahil sa busy siya sa trabaho—at pambabae noon. Pero ngayon ay mukhang mapapadalas na siya rito dahil kay Lara at kay Cyrille. Girlfriend naman na niya kasi ang yaya ng pamangkin. He wanted to spend as much time as he could with her. With the both of these ladies in his life. Wala na nga yata siyang mahihiling pa.

Parang gusto niyang i-congratulate ang sarili dahil binili niya ang property na ito mga halos tatlong taon na ang nakalipas. Napunta lang sila rito minsan ni Gabriel dahil sa isang kliyente at nagandahan siya kaya binili na niya ito. Buti na lang talaga.

Nang mapansin niyang nagising si Cyrille ay mabilis siyang umikot at binuksan ang pinto. Ginising nito si Lara at tinulungan niyang makababa ang batang nakakandong sa katipan. Mas gusto kasi nito iyon kaysa sa backseat. Naglalambing din ang bata palagi sa yaya nito kasi. It was ironic dahil malaking bata ang pamangkin niya at petite naman ang yaya nito.

Agad nakipaglaro si Lara kay Cyrille sa may buhanginan at siya ay nakamasid sa mga ito. Bago mananghalian ay ipinakilala na niya ang mga ito sa mag-asawa. Panay ang sulyap nina Aling Doring at Mang Tasyo sa yaya ng bata at sa kanya.

Nagkuwentuhan ang mag-yaya habang gumagawa ng kastilyong buhangin kinahapunan. Nakahiga siya sa may hindi kalayuan habang ang mga braso ang ginawang unan niya.

“We never went on a vacation like this,” mahinang sabi ng bata habang inaayos ang basang buhangin na kastilyo.

“You mean with your parents?” maingat na tanong ng dalaga.

Marahang tumango ang bata. “Dad’s busy with his business… and Mom’s busy with her work at school. We go to the malls and parks whenever they’re not busy. At the time… we… we just…” Tumigil ito sa pagsalita habang pasensyosang nakikinig ang dalaga—at siya.

“I loved my parents,” sabi ni Lara na lumabi.

“Of course, you did,” marahang sang-ayon ni Cyrille.

Yumakap ang bata sa yaya nito at humikbi.

“I miss them so much!” dagdag na sabi nito habang hinahagod ng dalaga ang likod ng alaga.

“I know. I know, Lara. And I’m sorry. I can’t do anything for you. I wish I could do something for you.”

Napabuntong-hininga ang binata.

‘Kung alam mo lang. May ginawa ka na. Hindi lang sa kanya kundi sa ‘kin din,’ sa isip ni DaVon na nakatitig sa katipan.

***

“She’s opening up to you, huh?”

Tinahip agad ang dibdib ni Cyrille nang marinig ang boses ni DaVon mula sa likuran. Binigyan siya nito ng isang canned beer na tinanggap naman niya.

Kasalukuyang nasa balcony silang dalawa. Nakamasid kasi siya sa mga bituin sa langit habang natutulog na ang bata sa kuwarto nila. Share na lang sila ng kuwarto nito kahit may maraming extra naman sa rest house na may dalawang palapag.

Narinig niya mula kay Aling Doring na sadyang ipinagawa ito ng binata iyon. Nalaman niyang nadisgrasya habang nagtatrabaho ang anak ng mga ito para sa kumpanya ng binata. Nalumpo ito at kaya bilang tulong ay bumili ang binata ng nagustuhang lugar na ito at sila ang ginawang caretaker. Bukod sa monthly financial aid ng binata ay may suweldo rin ang mga ito.

Lalo na lang siyang napahanga sa amo niyang ito na boyfriend na niya. Mabait pala talaga kahit parati siyang sini-seduce nito kapag nakakakita ito ng tsansa. Ewan ba niya. Konting-konti na lang ay baka bibigay na siya, eh. Halos apat na buwan na rin niyang nakakasama ito at feeling niya ang tagal na niya itong kilala dahil sa naging malapit na sila sa isa’t isa.

Tumabi sa kanya sa pag-upo si DaVon sa isa pang puting monobloc chair na may armrest. Hinawakan nito ang kanyang kamay na ikinagulat niya. Wala naman itong ginawa kundi ay iyon lang at iniinom nito ang beer na hawak naman ng isang kamay nito. Ganoon na rin ang ginawa niya.

“Lara’s a strong child. Nakikita mo rin siguro ‘yon,” marahang pahayag niya.

“Mana sa ‘kin,” singit ng binata.

Napailing siya rito. Ramdam niya ang pagdampi ng simoy ng hangin ng dagat na nasa harap nila. Medyo giniginaw siya pero dahil siguro sa presensya ng lalaki at sa naubos na niyang beer ay nawala iyon nang bigla. Lalo na’t hinimas-himas ng binata ang kanyang kamay gamit ang hinlalaki nitong umikot-ikot sa palad niya.

‘Oh-em-ji! Parang ang tiyan ko ang hinimas-himas niya. Shems.’ May nararamdaman kasi siyang parang pressure sa bandang puson niya. Ewan ba niya. Hindi niya mawari kung ano ang sensasyong ito na palaging dulot ni DaVon.

“Come here,” anas ng lalaki na bigla siyang hinila nang walang kaabog-abog at tila weightless siya. Nabitawan niya ang hawak na beer can na wala nang laman. Naglikha ito ng tunog at gumulong sa sahig. Mula sa kinauupuan ay napakandong na siya ngayon sa lalaki. Siyempre, kinakabahan siya dahil dito. Ramdam niya ang init na katawan nito lalo na’t niyakap siya sa baywang ng dalawang braso ng lalaki.

“Masaya akong ikaw ang napiling yaya ni Gabriel at ng agency mo,” saad nito.

Tumikhim siya. Napaiwas ng mukha. Kahit sa malamlam na ilaw ay kitang-kita niya ang mapang-akit nitong mga mata at labi.

“B-baka may… may makakita sa ‘tin dito.” Akma siyang tatayo pero bilanggo pa rin siya ng binata.

He chuckled softly. “Medyo malayo sa mga bahay ang lugar na ‘to. Umuwi na sa kanilang bahay ang mag-asawa kaya tayo lang ang nandito.”

Napaawang ang kanyang mga labi. Hindi naman masyadong kalayuan ang bahay ng mag-asawa mula rito. Naalala niya. But it was far enough like a couple of miles away.

Bahagya pa siyang napaigtad nang sinimulan siya nitong himasin sa baywang. Lalo siyang inilapit sa katawan nito kahit sa patagilid niyang posisyon. Hinalikan nito ang braso at balikat niya. Ang isang kamay ay humahaplos nang malaya sa kanyang hita dahil naka-shorts lang naman siya.

“DaVon…”

“Yes, sweetheart?” Patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya paitaas sa leeg naman niya.

“I don’t think this is a good idea.” Pero umungol siya.

“What is?” Kunwari ay inosente ang pagkatanong nitong patuloy ang paglakbay ng mga labi patungo sa kanyang labi.

Wala na. Hindi na siya makapagsalita kundi ay napabuntong-hininga na lang. Nadadarang na siya sa mga halik nito. It was gentle but deep. Napakapit siya sa leeg nito at tinugon na ang ngayon ay mainit at malalim na halik ni DaVon. Hindi na rin niya mapigilan ang sariling huwag tugunin iyon. Gumalaw ang kanyang labi at sinalubong ang dila nito. Kapwa sila napaungol nang marahan.

Pumaitaas ang isang kamay nito sa kanyang tiyan at dibdib kahit sa suot niyang sleeveless tank top. Marahan siyang napadaing nang himasin nito iyon nang banayad. Ilang sandali pa ay naramdaman na niyang buhat-buhat siya nito habang nakahalik pa rin sa mga labi niya.

Dinala siya sa silid nitong hindi naman kalayuan sa silid ng pamangkin. Gamit ang paa ay isinara nito ang pinto at marahan siyang inihiga sa malambot na kama. Hinubad nito ang suot na round neck T-shirt bago tumabi sa kanya at muli siyang hinalikan sa labi. Mapusok.

Naglakbay ang mga labi nito sa leeg niyang suot pa rin ang bigay nitong infinity pendant necklace samantalang ganoon din ang ginagawa ng kamay nito, mula sa hita niya paitaas sa kanyang balakang, baywang, at gilid ng kanyang dibdib. He gently massaged her left breast that was covered by her tank top and brassiere. She caught her breath.

Hindi pa sapat iyong ginawa ng katipan. Isinuot nito ang kamay sa ilalim ng kanyang tank top at binuksan ang kanyang bra na may clasp sa harap. He seemed to be an expert in that department. Hinawi nito iyon para masaid ang balat ng kanyang dibdib at ang dunggot niyon. Ramdam niya ang marahang pagpisil-pisil nito at napaarko ang kanyang likod kasabay ng isang mahinhing halinghing.

“You have no idea how much I want you, Cyrille,” bulong nito sa kanya at hinalikan ang kanyang punong-tainga.

Marahan nitong ibinaba ang kanyang shorts habang naglakbay ang palad nito sa kanyang hita at binti, hanggang sa tuluyang nahubad iyon. Sumunod ang kanyang pang-itaas at bra. Pinakatitigan siya nito nang husto nang panties na lang ang natira sa katawan niya.

“You’re driving me crazy, sweetheart!” pahayag nito. Bahagya itong umungol. Pagkatapos ay inangkin ang isang tuktok ng kanyang dibdib habang ang isa ay minamasahe at pinisil-pisil nang banayad.

“Oh, DaVon…” marahang sambit niya.

Napakapit tuloy siya sa ulo nito at hindi na siya mapakali sa kanyang kinahihigaan. Para siyang mababaliw sa ginagawa nitong pagsimsim sa kanyang dibdib. His tongue twirled over the tight bud and suckled it. He nipped it gently, which sent a delicious shiver down her spine and made her toes curl. Bumaba ang kamay nitong nagmasahe sa dibdib niya patungo sa kanyang tiyan, puson, at sa ilalim ng kanyang maliit na saplot. Napasinghap siya nang hinimas-himas nito yaon. Nang hindi magkasya ay ibinaba na rin nito iyon.

‘Ohh… jusko!’ sigaw ng kanyang utak.

Awtomatiko namang naghiwalay ang kanyang mga hita dahil sa ginagawa nito. Ewan ba niya. May sariling isip yata. Dagdagan pang pumuwesto ito sa pagitan ng mga iyon nang tuluyan na itong maghubad. Nakita niya ang malaki at mahaba nitong pag-aari. Kaya napasigaw na naman ang isipan niya. Kakayanin ba niya ito? Hindi niya alam kung mae-excite o hindi. Oversized yata ang lalaking ito kaya parang may takot na bumahid sa kanyang hitsura.

Napangiti ang binata sa kanya. It was encouraging. “Don’t worry. I’ll take care of you, sweetheart,” pangako naman nito sa kanya nang pabulong bago siya hinawakan sa magkabilang balakang.

Lalong nanlaki ang mga mata niya nang walang seremonyas na hinalikan nito ang pinakapribado at pinakaiingatang parte ng katawan niya. Napakapit tuloy siya nang mahigpit sa bed sheet. Parang mapugto ang hininga niya. Napadaing siya nang paimpit nang inararo ng dila nito ang kanyang basang pagkababae. Sinipsip siya nito. Sinimsim. Hinalikan. Dinilaan ulit. Tinikman. Hinigop ang katas.

Paulit-ulit iyon.

Para siyang mababaliw sa sensasyong hatid nito. Para siyang sasabog nang hindi niya mawari. Ano bang magagawa niya kundi ang humalinghing na parang baliw?

Paulit-ulit.

Parang hindi na nga niya nakilala ang sariling boses dahil dito. Siya ba talaga ang dumadaing ngayon nang ganito? Parang iba kasi. Sinapian ba siya o ano?

“DaVon…” paulit-ulit niyang tawag sa pangalan nito.

“I love that sound you make and the way you call my name, sweetheart,” anitong tiningnan siyang sandali sa mukha bago nagpatuloy sa paghigop sa kanyang kahandaan.

“Oh, DaVon!” Ramdam niyang may mainit na likidong dumaloy doon. At nagpatuloy ito sa pagsimsim sa kanya nang tila walang sawa at katapusan. Napamura siya sa isipan. Kasabay niyon ay ang pagkapit niya sa batok nito at ang pagliyad niya. Bumaon sa buhok nito ang mga daliri niya.

Ilang saglit pa ay lumuhod ang binata. Iginiya nito ang kanyang mga binti na yumakap sa baywang nito.

“You’re ready, sweetheart,” anitong ngumiti sa kanya bago sinakop ang kanyang mga labi.

It was deep, demanding, hot, sexy, and wet. She loved that kiss very much. It was so… DaVon. Seductive. Hot. Passionate. Yes, so DaVon. Para siyang kapusan ng hininga at lalong nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Naramdaman niya rin ang mainit na katawan ng binata na bahagyang pinagpapawisan na.

His tongue invaded her mouth, seeking hers. She tentatively met it. Dueled with it. He moaned when she tried to copy his moves. It was both exciting and delicious. Mind-blowing! She could not even get enough of his kiss. And him.

Ilang saglit pa ang lumipas ay napaungol siya nang maramdaman niya ang ulo ng pagkalalaki nitong umararo nang banayad sa kanyang pagkababae. Pagkatapos ay itinutok nito yaon doon. Marahan itong pumasok sa bukana.

Kung hindi siya hinahalikan ng lalaki ay siguro napasigaw na siya nang malakas. Sa halip ay isang ungol ang pinakawalan niya sa likod ng lalamunan niya. Ramdam niya ang pagbaon nito sa kailaliman niya. It was like he was going to do it forever. Parang mapugto ang hininga niya. Ang laki at ang haba ba naman, eh.

‘Oh, juskooo!’ sa isip niya naman.

Nang sumagad na ito ay humahangos sila kapwa at nakatitig ito sa kanya. His eyes looked hazy and smoky. He looked even sexier and hot. Nakita niya ang namumuong gabutil na pawis sa mukha at noo nito. Pinahiran niya iyon nang banayad gamit ang mga daliri. She could see how he restrained himself from moving on top of her. Nakatukod ang mga kamay nito sa kama sa may gilid ng kanyang balikat.

“DaVon.” Bahagya siyang gumalaw.

“Oh, fuck! Sweetheart… don’t move.” Hinihingal ito.

“Ahh…” Napakagat-labi siya sa sakit. Alam niyang mas napunit pa kasi.

“Are you okay?” Nakikita niyang medyo strained ito dahil ayaw pa nitong gumalaw para medyo mas maka-adjust siya. Pero ano bang alam niya? It was her first after all.

“Uh-hmm…” sabi lang niya.

“Just give me a bit of time. Let your body adjust with me inside,” he whispered.

Hinalikan siya nitong muli. Dahan-dahan ay nagbawi ito bago muling pumasok sa kanya nang marahan. Napaungol na naman siya. Masakit pa rin. Mahapdi. Ilang ulit iyong ginawa ng binata at parati siyang napapaungol. Ramdam niya ang pagsagad nito sa bawat sandali. He whispered sweet words in her ear, distracting her of the pain. Nang medyo naka-adjust na siya ay ibang sensasyon na ang nararamdaman niya.

Mukhang alam na iyon ng binata at binago nito ang ritmo. Iyon nga lang ay palagi siyang napapadaing. Hindi naman malakas dahil sa paghalik nito sa kanya. Paiba-iba ang ritmo ng binata hanggang sa huli ay bumibilis na ito. Parang titirik ang mga mata niya. Hayun na naman siya. Para siyang sasabog nang hindi niya mawari. Bumabaon na yata ang short nails niya sa balikat ng binata sa higpit ng pagkakapit niya.

“Oh, DaVon…” daing niya.

“Just come, sweetheart,” himok nito at hinalikan siyang muli sa labi.

Hot.

Passionate.

Napadaing na naman siya at ilang sandali pa ay ramdam niyang kapwa nila narating ang sukdulan ng kaligayahan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama sa mga sandaling ito. It was gratifying. Masarap. Pagkakontento. Sa likod ng isipan niya ay alam niyang hindi ito katapusan. Sa katunayan nga ay gusto pa niya.

Hinalikan siya ng binata sa labi at sa tungki ng kanyang ilong. Napangiti siya rito kahit paano. Hindi niya akalain na ang gentle ng among nobyo niya. At nasiyahan siya sa ginawa nito sa kanya. Sa pinagsaluhan nila.

Now she knew how it is to make love with him. How it would feel to be with him. Like this.

He rolled over and kept her body close to his. Hinimas ng mga daliri nito ang kanyang likod, nang banayad, habang nakatitig sa mga mata niya. Masaya itong nakangiti sa kanya.

“Did you like it?” mahinang tanong nito.

Nakaunan siya sa braso nito. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa tanong nito kaya hindi siya makapagsalita man lang. Napatawa lang nang mahina ang binata at gamit ang knuckles nito ay banayad na hinimas ang kanyang malambot na pisngi.

“You should know… you’re my first.”

Napamaang siya. “A-ano? Y-your first?” alunignig niyang nalilito.

Tumawa ito sa kanya. “My first virgin.” May panunukso sa mga mata nitong nakatitig pa rin sa kanya.

Napakagat-labi siya sa itinuran nito. “S-so… hindi mo gusto ‘yon o ano?” naitanong niya rin. May agam-agam sa kanyang dibdib na umahon.

Niyakap siya nito nang mahigpit. Hinalikan nito ang kanyang noo nang masuyo.

“On the contrary, you made me feel proud and honored.”

‘Gano’n lang ba? Hindi love?’ gustong itanong niya. Pero sa yakap nitong mahigpit at napakainit ay ayos na sa kanya.

“And I believe you’ll be my last.”

‘Ano? Last virgin ba ang sinasabi niya dahil bihira na lang ang mga iyon ngayon? Batukan ko kaya ‘to!’

Hindi niya napansing nakaawang lang pala ang labi niya at hinalikan siya nito. Madali nitong naipasok ang dila sa bibig niya at inaakit na naman siya nito. At sino ba naman siyang hindi mapatugon sa masarap at nakababaliw nitong halik?

Hayun at nawala na naman siya sa tamang huwisyo. Naanod na siya sa sensasyong ibinigay sa kanya ng binata.