Chapter 10
Nganga si Cyrille nang may isang babaeng foreigner na may short blonde hair at napakaseksi ang dumating. Inihatid ito ni Manong Tikboy sa resort, mga three weeks nang nandoon sila.
Nakita niyang sinalubong ito ni DaVon at nakita niyang lumambitin kaagad ang babae sa lalaking nakapamaywang. Kumislot ang mukha niya sa nakita. Humawak si Lara sa kanya at tumingala bago ito napatingin sa eksenang tiningnan niya.
Hinalikan ba naman ng babaeng iyon si DaVon? Parang gusto niyang sugurin ang mga ito, tadyakan ang babaeng iyon sa mukha at nang dumugo at kumapal dahil sa pasa ang nguso at labi nito.
“That’s Charlotte,” sabi ng bata.
Napamaang siya. “That’s… that’s Charlotte?” Kumurap-kurap siya. Natandaan niya ang kuwento noon ni Aling Maring. Parang guguho ang mundo niya sa narinig. Ito iyong babae ni DaVon noon?
‘Charlotte haliparot! Bagay kasi magka-rhyme. Hmp!’ inis na naisip niya.
Umigting ang panga niyang nakatingin sa dalawa. Tumalikod na siya. Hindi niya kasi makakayanang manood sa mga ito. Hindi niya nakitang umiwas si DaVon at bahagyang itinulak ang babae palayo.
“Let’s just play, Lara,” aniya sa batang babae.
Sa mesa malapit sa dalampasigan ay may nakapatong na mga shells at pinipinturahan nila iyon ng iba’t ibang kulay. Nilalagyan ng mata, ilong, at bibig.
“You look angry, Cyrille,” puna ni Lara na lumabi.
Napilitan siyang ngumiti. “No, I’m not angry.” ‘Nagseselos lang ako!’ sigaw na dugtong ng isip niya.
“If you’re not, then why are your lips pursed and your eyebrows knitted?” punto ng bata.
‘Wow! Wagas kung makapag-observe ang batang ‘to, eh! Sana observant din ang tiyuhin mong maharot din at nang malaman niya!’ inis na nasa isip niya.
“I think she’s just jealous, sweetie,” singit ni DaVon.
Napalingon siya rito. Nakisali pa sa usapan nila ng bata, eh. Hindi nito kasama ang babaeng iyon. Ayaw ba nitong ipakilala sa kanya o ano? Itinago o ano? Inirapan niya ito habang nakangisi sa kanya.
Ngumisi rin ang bata sa kanya nang may panunukso. “Is it because you’re Uncle DaVon’s girlfriend?”
“W-who told you that?” aniya sa alaga.
Itinuro nito ang tiyuhin habang nakabungisngis. Ramdam niya ang paggapang ng dugo niya sa kanyang pisngi. Bahagya pa siyang napaigtad at nanigas nang niyakap siya ng lalaki mula sa likuran. Akma siya nitong halikan pero palad niya ang dumapo sa labi nito. Bahala na kung maalat o hindi ang palad niya. Paki niya! Eh, sa naiinis siya rito.
“Hinalikan ka niya kaya hindi ka puwedeng humalik sa ‘kin,” pasutsot na aniya, para hindi marinig ng bata. Buti na lang nagpipinta na itong muli.
Napatawa nang marahan ang binata pero ninakawan pa rin siya nito ng halik sa pisngi.
“Ang taray!” bulong nito sa kanyang tainga. Ang init ng hininga nito na nagbibigay ng kung anong sensasyon sa buong katawan niya.
“B-bakit nandito ‘yan?” marahang tanong niya sa lalaki na kumawala rito. Curious naman kasi siya.
“Fyi, sweetheart. Hindi ko siya in-invite. Nagpahatid lang kay Manong Tikboy nang malaman mula kay Gabriel na nandito ako sa rest house. Hindi makatanggi si Manong Tikboy. I swear, hindi ko alam na darating siya. Hindi ipinaalam sa ‘kin ni Gabriel.” Nanunukat ang tingin nito sa kanya. “So, you know who she is.”
Tumikhim siya. “Sinabi ni… Lara nang makita siya. At… narinig ko na ang pangalan niya mula kay… Aling Maring,” turan na lang niya.
“Hmm,” maikling anito.
“Hmm?” kunot-noong aniya.
Ngumisi ang binatang nagkuros ng mga braso sa dibdib. “I told her I’m with my girlfriend and niece.” Deretso ang tingin nito sa mga mata niya.
Nakakatunaw pa rin ang mga tingin nito sa kanya. Hindi na siguro siya masasanay kahit kailan. Paano ba?
Hindi siya nakaimik. Official na nga sila ng binata. May nangyari na rin sa pagitan nila. Hindi lang isang beses kundi paulit-ulit na. Ewan ba niya. Hindi siya makatanggi at gustong-gusto naman niya. Adik lang? So, ano ngayon ang ikinabahala niya? May inferiority complex yata siya bigla sa ex nitong super ganda at seksi.
‘Bwisit! Mahal ko na kasi,’ amin ng isip at puso niya.
Natatakot lang siyang sa pagbabalik ng dati nitong babae ay baka maagaw nito si DaVon. Pero hindi naman niya masabi iyon sa lalaki dahil nahihiya siya. Gusto niya kasing marinig din iyon mula rito ang tunay na nararamdaman para sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa nito sinasabi iyon sa kanya. Naghihintay pa rin siya.
Bakit kaya parang ang hirap sabihin iyon kahit sa sitwasyon nila? Nahihiya naman siyang sabihin iyon nang una rito dahil baka ma-misunderstood siya dahil mayaman ito kaya sinasabi niya. Ayaw niyang isipin nitong naghahabol na siya dahil may nangyari sa kanila—kahit pa na totoong mahal na niya.
“A-anong sabi niya?” Napaiwas siya ng tingin mula sa binata at ibinaling muli sa ginagawa nila ng pamangkin nito.
“Gusto ka niyang makilala pero sabi ko mamaya na lang. Baka pagod din siya sa biyahe. Nagpa-derecho na kasi siya rito.”
Napatikom siya ng bibig at hindi na nagsalita pa.
Ilang oras pa ang nakalipas ay naliligo na sa dagat ang mag-tiyuhin. Siya naman ay nanonood lang. Hindi naman kasi siya mahilig sa dagat. Kontento na siyang makaamoy ng preskong hangin dito. Kahit ganoon pa man ay puro na sila nagkaroon ng tan dahil sa init ng araw.
“Hi!” Narinig niya ang isang magandang boses ng babae kaya napalingon siya.
Alam na niya kung sino iyon. Nagpakilala kaagad ito nang magtama ang paningin nilang dalawa. May asul itong mga mata na pagkaganda-ganda at maarkong mga kilay. Naka-two piece ito ng kulay-pula at ang liit-liit ng tinakpang maselang parte ng katawan. Parang nipples na lang ang tinakpan ng pang-itaas at ang pekpek ang tinakpan naman sa ibaba. Kung lalaki yata siya ay luluwa na talaga ang mga mata niya sa sobrang kaseksihan nito. Charlotte left so little to the imagination sa suot na swimsuit.
‘Kakalantariin niya ba talaga ang boyfriend ko? Sa harap ko pa mismo?’ asar na nasa isip niya.
Nagpipigil lang siya at ngumiti nang plastik kahit hindi niya iyon ugali. Para naman civil lang siya kumbaga. At saka baka ganito na talaga ito kapag naliligo sa dagat. Siyempre gustong magpa-tan ng mga foreigners. May iba ngang naghuhubad na, eh. Oo, ganoon na nga siguro. Huwag na siyang judgmental.
Nagpaalam na ito sa kanya na maligo kaya tumango lang siya. Sinundan niya ito ng tingin. Magkasalubong ang mga kilay niyang napatingin sa nakaladlad na pisngi ng pang-upo nito. T-back naman kasi ang swimsuit. Oh-em-ji lang. May bata pa naman sa paligid. O conservative lang siya? Pero inis na inis talaga siya. Kulang na lang ay maghubad na talaga ang haliparot, eh! Kumukulo talaga ang dugo niya sa sobrang inis at selos.
Nakipaglaro pa ang bagong dating na babae sa mag-tiyuhin. Lumapit naman sa kanya si Aling Doring na may dalang snacks. Inilagay iyon sa mesang nasa harap niya. Ang malaking parasol ang siyang nagpoprotekta sa kanya sa direktang init ng araw.
Mukhang napansin nito agad ang timpla niya, ang kanyang mood.
“Bakit hindi ka sumali sa kanila? Tuloy mapagkakamalan silang isang pamilya,” tudyo ng may edad na babae. Alam na kasi nito at ng asawa na may relasyon sila ng amo niya.
Umingos siya. “Hmp! Bahala sila. Kainis lang kasi si DaVon parang walang paki sa ‘kin,” parang nagsusumbong siya sa kausap.
Napatawa nang mahina ang kausap niya. “Ay, diyan ka nagkakamali. Wala pa ‘yang dinalang babae rito kundi ikaw lang.”
“Eh, yaya naman po kasi ako ni Lara kaya nandito po ako.”
“Kahit na. ‘Tsaka rinig ko ay gusto na ni Charlotte na ‘yan na magpunta rito noon pero hindi pinapupunta ni Sir DaVon. Parang pina-reserve niya ang rest house para sa magiging pamilya niya.”
Napangiwi na lang siya nang bahagya. Hindi pa rin siya sold sa sinabi ng caretaker. Umalis na rin ito nang lumapit si DaVon sa kanya. Naka-swimming trunks lang ito at ang sobrang ganda talaga ng katawan. Humaplos sa balat nito ang butil-butil ng tubig-dagat. Bwisit! Nakaka-turn on ang hinayupak na nobyo niya. She wanted to lick his body. May privilege naman siya, kaso…
“Sweetheart, hindi ka ba talaga maliligo?”
Inismiran niya ito saka humalikipkip. “Huwag na. Masisira ko pa ang vibes na pamilya ni Lara. Masaya siya, eh. Kaya doon ka na sa blondie na Charlotte na ‘yan,” pagtatabuyan niya sa binata.
Umikot ito para magpunta sa likuran niya at saka niyakap siya at hinalikan sa leeg.
“Kung nagseselos ka, bakit hindi mo ipakita sa kanya na pagmamay-ari mo ‘ko?”
Kilig naman ang puso niya doon. ‘Pagmamay-ari ko raw siya?’
“Sige na nga. Hindi na ako maliligo kasama si Charlotte. Sasamahan na kita rito.” Ninakawan siya nito ng halik sa labi. Siya naman ay agad na nanghihina at napatugon dito. Narinig niya ang mahina nitong ungol. “Pasok kaya tayo sa loob?”
Hinampas niya ito sa braso. “Hayan ka na naman, eh! Ang tirik pa ng araw kahit hapon, o!”
“Eh, nalilibugan talaga ako sa ‘yo. Ano’ng magagawa ko?”
Napatawa siya rito nang mahina. “Bastos ka! Paano na si Lara?” alalang aniya.
Napasulyap ito sa masayang nagbo-volleyball sa beach.
“I think you just got yourself a sub,” sabay kindat nito.
Napakagat-labi siya. Napansin niya kasing nagkatuwaan si blondie at ang alagang bata. Hinila na siya nito at hindi na nakatanggi.
“Bibigay ka rin pala, eh!” bulong nitong hinalikan siya sa leeg.
Parang gusto na naman niyang mangaligkig dahil doon. Ang sarap naman kasi. Hinila na siya papasok sa loob ng rest house. Pumuslit sila sa may sala papunta sa itaas dahil nasa kusina si Aling Doring.
Binuhat siya nito papanhik papunta sa silid nito at agad na isinara ang pinto. Agad siya nitong hinubaran ng saplot sa katawan at isinandal sa dingding. Hinubad lang nito ang swimming trunks bago siya binuhat, ang mga binti ay nakapulupot sa baywang nito at nakakapit siya sa malapad na balikat. She felt his muscles ripple under her touch.
Napadaing siya nang mahina nang sinagad siya nito sa pagpasok sa isang galaw lang. Malaki naman kasi. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya sanay sa size nito. Malalim siya nitong hinalikan at nalasahan pa niya nang bahagya ang alat ng tubig-dagat sa mga labi nito na humalo sa unique na lasa ng binata.
“Oh, Cyrille sweetheart,” paulit-ulit na anas nito sa pagitan ng mga halik at pag-ulos. Hinalikan din nito ang kanyang leeg at balikat. Sinipsip nang bahagya.
Napadaing siya nang marahan sa sensasyong hatid nito.
“DaVon…” daing pa niya. He really filled her to the core.
“Yes, sweetheart,” he said in a husky voice. Napatingin ito sa kanyang mga mata habang naglabas-masok sa kanyang katawan.
Napakagat siya ng labi. Dinilaan nito ang kanyang labi at ibinuka niya iyon. She welcomed his tongue that pushed inside her mouth. She caught it and sucked it. Her heart leapt when she heard him moan with delight. His hands gripped her butt at every stroke he made. Napaungol na naman siya.
Dinala siya nito sa kama. Pinatalikod siya nang nakaluhod sa may gilid at ang mga kamay ay nakatukod sa mattress. Hinawakan nito ang kanyang balakang at nang nakapuwesto na ito nang maayos sa likuran niya ay ipinasok nito ang malaking sandata.
“Oh, God! DaVon!” napabulalas siya. Napalingon siya sa lalaking nakatayo sa likuran niya at nagpatuloy sa pag-ulos.
Hinalikan nito ang kanyang likod at balikat, papunta sa kanyang leeg at pisngi. Sinalubong niya ang mga labi nito at napaungol siya dahil sa pagsagad nito. Napahangos siya sa kakaibang sensasyong hatid ng pag-iisa nila sa pamamagitan ng posisyong ito. Hindi niya alam na ang sarap pala niyon. Parang mapatirik ang mga mata niya.
Naramdaman niya ang pag-abot ng lalaki sa ilalim upang haplusin ang kanyang dibdib. Pinisil-pisil nito yaon nang banayad at saka hinimas. Nilaru-laro ang tuktok. Pagkatapos ay dumako pababa sa kanyang tiyan at puson. He reached further down to rub that little but swollen nub. She could practically feel herself, her juice flowing and making her damper.
“Oh, yes, sweetheart!” he whispered in her ear and licked it.
Napasinghap siya nang inikot-ikot ni DaVon ang daliri sa maliit at sensitibong parte na iyon. Hindi niya mapigilang huwag mapaungol nang malakas. Para na kasi siyang sasabog sa kasiyahan.
Nagpatuloy ito sa ginagawang pag-ikot-ikot sa mapintog na parteng iyon habang lumalakas ang pag-iindayog nito sa katawan niya. Tuluyan na niyang narating ang rurok ng kaligayahan at sumunod sa kanya ang binatang napaungol din sa sarap. He nipped her shoulder and slightly bit it before he kissed it hard.
“DaVon!” Napagtanto niya kung ano ang ginawa nito.
“Yes, sweetheart. You can show off that mark to Charlotte.”
Namumula siya sa hiya. Itinulak niya ito at napatawa ito nang may panunudyo sa kanya. Lumapit ito sa kanya at kinubabawan siya.
“Come on, you can mark me, too.” Naaaliw ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
Napakagat siya ng labi. She rolled over and ended up on top of him, straddling. Tinitigan niya sa magagandang mata ang nobyo. Yumuko siya at sinupsop ang isang maliit na parte ng leeg nito.
“I love the way you’re getting back at me.” He rolled his hips and held her waist. Before she knew it, he was inside her again.
She gasped and moaned. She threw her head back and almost clutched at his muscled chest. Naging litanya sa mga labi niya ang pangalan ng nobyo. Sagad na sagad ito sa kanya at parang hindi siya makahinga. Napahingal siya at napadungaw sa mukha nito. His eyes were smoky with passion and desire. Like hers.
“I’m yours, sweetheart,” anang lalaki.