Chapter 8
Nakaupo si Cyrille sa kama at napatingin sa tatlong paper bags na nasa dresser niya. Ang binalikan upang bilhin ng binata ay ilang regalo para sa kanya at sa mga kapatid niya.
“Anong okasyon?” naitanong niya sa lalaking nakasandal sa hamba ng pinto sa kanyang silid. Tulog na si Lara sa mga oras na iyon.
“Nothing. I just wanted to buy you and your siblings some things.”
Perfume at aftershave lotion para kay Corey, make-up set at perfume din para kay Crystal, at para sa kanya ay scented candles, bath set na shower gel, lotion, perfume, at shampoo, at saka chocolates. Iyon ang laman nang silipin niya ang mga ito kanina.
“Salamat,” aniya. Natutuwa siya dahil sa pagiging maalalahanin nito.
Humakbang ito palapit sa kanya at may hinugot mula sa suot nitong bulsa ng jeans. Nakakuyom ang mga palad nito at saka pagbukas nito yaon ay isang infinity pendant necklace ang nakita niya. May gemstone itong blue sapphire at maliliit na diamante ang naka-embed sa infinity. Ang chain naman ng kuwintas ay gawa sa platinum. Kahit sa imahinasyon niya, hindi niya yata matukoy kung magkano ang alahas na iyon.
“And this is for you, sweetheart,” nakangiting pahayag ng lalaki.
Mula sa kumikinang na alahas ay napalipat ang mga mata niya nang marahan sa blue-gray nitong mga mata. Medyo napaawang ang kanyang mga labi dahil alam na alam niyang napakamahal talaga ng kuwintas na iyon sa unang tingin pa lang niya.
Magsasalita sana siya nang binigyan siya ng isang halik ng lalaki sa labi.
“I don’t want to hear you protest. I’m giving you something, so there’s no need for you say anything. I even want to give you everything I own in this world.”
Hindi na siya nakapagsalita kahit na isinuot na nito sa kanya ang kuwintas. Langhap na langhap niya ang mabangong binata at napapikit na lang siya ng mga mata habang kumakabog ang kanyang dibdib nang napakalakas.
“Don’t forget that this is our first day, officially,” pabulong na anito at saka hinalikan ang kanyang leeg. Mahilig talaga itong humalik doon, pansin niya lang.
Napasinghap siya dahil sa sensasyong hatid ng paglapat ng labi nito sa malambot na balat ng kanyang leeg. Sigurado siyang mataas ang BP niya kung kukunan man siya ngayon niyon. Pustahan, mahigit sa normal niyang one hundred twenty over one hundred yaon.
“Goodnight, sweetheart,” pabulong pa ring sabi nitong nakatitig nang husto sa kanyang mga mata, ang mukha ay malapit pa rin sa kanya.
“T-thank you and… g-goodnight,” tugon niya at parang hindi siya humihinga.
Ngumiti sa kanya ang lalaki at dahan-dahang tumuwid. Umaatras ito palabas ng kanyang silid hanggang sa dahan-dahan nitong isinara ang pinto.
Noon pa siya nakahinga nang maluwag nang wala na ang binata.
‘Oh-em-ji! Kami na nga ba talaga?’
Parang hindi siya makapaniwala. Nahimas niya tuloy ang infinity pendant necklace at saka hindi mapuknat ang pagkakangiti sa kanyang labi.
Padapa siyang humiga at paimpit na sumigaw sa unan. Ang mga paa niya ay sumisipa naman sa kama at ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa kanyang unan. Lalo niyang ibinaon ang mukha at patuloy ang pagsigaw nang paimpit dahil sa kilig at kasiyahang nadarama.
***
Day off ni Cyrille kaya ang nagbabantay kay Lara ay sina Julian at Aling Maring. May tinatapos na trabaho sina DaVon at Gabriel pero naunang umalis ng opisina ang binata at hinabilinan ang pinsan dahil alam niyang kaya na nito yaon. Pinapa-review niya ang quarterly reports ng mga managers sa bawat department ng kumpanya.
“So, I’m the only one who’s going to be stuck in the office and you’ll go on a date,” himutok ng pinsan.
“Just shut it! Alam ko namang may babae kang tatawagan mamaya pagkatapos ng trabaho. So, do you even bother telling me that with that fugly face of yours?”
Ngumisi ang pinsan at tinapunan siya ng scratch paper na ginawang bola. Sinalo naman niya ito at ibinalik sa pinsan. Tinamaan ito sa dibdib.
Dinaanan niya si Cyrille sa bahay nito at nagpunta muna silang simbahan bago tumulak sa Tagaytay para mag-zipline.
Napakapit nang mahigpit sa kanyang braso ang dalaga. Ipinikit nito ang mga mata habang ikinabit na sa kanila ang safety harness.
“Mas maganda ang nakadapa, sweetheart,” ang suyo niya sa dalaga. “Para kang lumilipad na si Superman.”
“Ayoko nga. Nakakatakot kaya! Okay na sa ‘kin ang nakaupo.”
Natapos na rin ang pagkabit sa kanila ng harness at hinintay silang magsabi na handa na sila bago pakakawalan ng staff. Inilapit niya ang bibig sa tainga ng dalaga.
“So, you prefer the sitting position instead of lying on your stomach?” makahulugang aniya nang pilyo.
“DaVon!” she hissed.
Napatawa siya at binalingan ang staff. Sinenyasan niya ito at nagsimula na silang gumalaw.
“Oh, my God!” sigaw ni Cyrille.
Nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mukha nito. Ipinikit nito ang mga mata habang ang hangin ay pinaglalaruan ang nakalugay nitong buhok. Hindi lang ito napakapit sa harness kundi ay pati na sa kanyang braso.
“Hey, open your eyes. You should look at the view,” himok niya sa babae. Hinalikan niya pa ito sa pisngi.
“Nakakatakot, DaVon!” sigaw nitong nakapikit pa rin.
“If you close your eyes like that, I might as well kiss you right now!” he threatened her.
Biglang nandilat ang mga mata nito. “Seryoso ka ba diyan?” Parang biglang nawala ang takot nito.
“Just look at the beautiful view, sweetheart,” bawi niya at itinuro ang papalubog na araw. Magkahalo ang kulay nitong rosas, pula, ginto, kahel, at iba pa na animo ay isang painting.
Sa baba ay nakikita nila ang landscapes ng mga burol, mga kakahuyan, ang bulkan ng Taal, at malaking lawa. Napabaling nga sa magandang tanawin ang mga mata ng dalaga at napasinghap ito. Lumapad ang ngiti nito dahil sa kagandahang nakita sa mga sandaling ito.
“Ang ganda! Sobra!”
“See? But you’re far more beautiful than this live painting of nature,” nakangiting sabi niya sa katipan. Hinawakan ng isang kamay niya ang kamay nitong nakahawak sa harness. Kumapit ito sa kamay niya at napatitig sa kanya nang nakangiti. Hinalikan niya ang likod-kamay nito. “I’m lucky to hold such a beautiful piece in my hand right now.”
***
Malakas ang ulan sa labas at kumikidlat. Nagisnan na lang ni Cyrille na umuungol ang batang nasa tabi niya. Nang kumulog nang sadyang kay lakas ay sumigaw na ang bata.
“Lara!” Ginigising niya ang alaga. Humahangos si Lara na napakapit sa kanyang leeg at umiiyak. Tumili na naman ito nang kumulog ulit.
Marahas na bumukas ang bahagyang nakabukas na pinto at pumasok ang tiyuhin ng bata na half-naked. Naka-pajama lang at topless ito. Dumalo ito kaagad sa kanila sa kama at niyakap ang bata.
“Shh… I’m here, sweetie. Cyrille and I are here,” pagpatahan nito sa batang humagulgol sa pag-iyak.
Basang-basa ang pisngi nito sa luha. Kumapit ito sa leeg ng tiyuhin at ibinaon ang mukha sa maskuladong dibdib nito.
Hinagod ng binata sa likod ang pamangkin. Ilang minuto rin iyon hanggang sa tumahan din ito.
Napasapo ng kanyang ulo si Cyrille habang nakamasid sa dalawa. Napailing siya habang yakap ang mga tuhod na nakaupo malapit sa headboard ng kama.
“Ginising ko siya dahil umuungol siya,” sabi niya sa lalaki.
“It’s not your fault,” mahinang sabi ng lalaki. Sinipat nito ang batang muling nakatulog. “It was raining hard when they had that accident. Siguro na-trigger din ng kulog na ‘yon kaya natatakot siya.”
Bumaba siya ng kama at saka kinuha ang headphone. Pinahiga nang marahan ng binata ang pamangkin at ikinabit niya ang aparato para may takip ang tainga nito. Panlaban sa kulog.
“If I have to, ipapa-soundproof ko ang kuwarto para hindi niya marinig ‘yon. But I don’t think it’s right. Hindi ba?” Nag-angat ng paningin ang lalaki sa kanya at nagkatitigan sila.
Tumango siya. “Hindi mo siya puwedeng protektahan nang ganoon. Dapat niyang mag-move on kahit nang paunti-unti.”
Humiga ang lalaki sa tabi ng bata at pinagmasdan ang pamangkin. “I was thinking if we could go on a vacation. Maybe a month. Just the three of us.”
“H-ha?” Napakurap-kurap siya.
Napangiti ito sa kanya nang nakakaloka. “May rest house ako sa Batangas. I think it’s an ideal place for her. Sa gano’n, mararamdaman niyang hindi ko siya pinapababayaan. Besides, we’ll get to know each other more. Ano sa tingin mo?”
Napatikom ng bibig ang dalaga.
‘Tama nga ba? Ewan ko. Baka. Siguro. Pero ba’t siya nagtatanong sa ‘kin nang ganito? Para naman ito sa pamangkin niya.’
Kaya naman ay kumibit lang siya ng balikat.
Inabot nito ang kanyang kamay at pinisil iyon nang banayad. Hayun na naman ang banayad na pagtakbo ng elektrisidad sa sistema niya. It tingled her entire body and the sensation settled right in her abdomen and further down below, to the centermost part of her being.
Napalunok tuloy siya at napangiti nang matipid sa lalaki.