Chapter 7
Dahil gusto ng batang magpabili ng makakain sa grocery store isang Sabado ay sinamahan na silang mag-yaya ni DaVon. Ito ang driver nila imbes na si Manong Tikboy.
Si DaVon ang tumutulak ng cart habang hawak niya ang bata sa kamay. Turo ito nang turo ng kahit na ano kahit junk foods. Hinayaan lang naman ito ng tiyuhin. Mukhang magiging spoiled ang bata. Parang hindi niya ma-take.
“Eating junk foods is not healthy, Lara,” mahinahong saway niya sa bata.
“I promise I won’t it eat everyday!” ngising anang alaga niya.
Napasulyap siya kay DaVon na ngumiti lang din at kumibit sa kanya. Wala na siyang nagawa. Pagkatapos ay pinili nito ang ilang cookies at chocolates. Nagpabili rin ito ng ice cream, yogurt, at gatas.
“Is this all?” tanong ni Cyrille kay Lara.
Tumango itong may ngiti sa kanya. Bumaling na lang siya sa binata na nagsimula nang itulak ang cart. Habang naglalakad ay patingin-tingin ito sa paligid na parang may hinahanap.
Tumuloy na sila sa cashier’s at saka agad na binayaran ng lalaki ang lahat ng iyon. Ipinasok na nito sa trunk ng kotse ang lahat ng pinamili at saka binuksan ang passenger seat kaya lumulan na sila roon ni Lara.
“Wait for me here. I need to buy some things,” ang saad ni DaVon na iniwan muna sila sa loob ng kotse.
Tumango lang sila ng bata at mabilis na itong umalis. Bumalik ito sa loob ng grocery store. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na itong may tatlong plastic bags na dala at inilagay sa backseat. Ngumiti sa kanya ang lalaki nang makapuwesto na ito sa driver’s seat.
Kumain muna sila sa restoran na tatlo bago umuwi. Dahil nakatulog ang pamangkin ay kaya binuhat na ito ng binata. Akma niyang kukunin ang mga plastic bags sa backseat nang pinigilan siya ng lalaki.
“Iwanan mo na ‘yan diyan,” anito. “Samahan mo na ako sa silid ni Lara,” dagdag ng binata.
Sinenyasan na nito ang dalawang katulong na sumalubong sa kanila para kunin ang lahat na nasa trunk ng kotse.
Tumalima na rin siya sa binata, sinundan ito papasok ng mansion. Pagkalapag nito sa tulog pa ring pamangkin sa kama ay naghabilin na ito sa kanyang huwag itong iwanan. Tumango lang siya at saka sinundan ng mga mata ang umalis na binata na hindi tuluyang ipininid ang pinto ng silid.
Umupo na lang siya sa may window seat. Mula roon ay napansin niya ang lalaki na kinuha ang binili nito kanina at saka pumasok itong muli sa mansion. Sumandal lang siya habang pinagmamasdan ang natutulog na bata. Dahil hindi pa rin ito nagigising ay nagpunta siya sa banyo para magsipilyo at bumalik din sa silid ni Lara pagkatapos.
Sa pagbabantay ay hindi niya napunang nakatulog na pala siya habang nakaupo sa may window seat. Nagising na lang siya nang dahil sa hagikhik ng bata. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at saka nakita niyang mula sa harap niyang nakadungaw na binata katabi ang pamangkin ay mabilis na umalis ang mga ito na parang kidlat.
Kinusot niya ang mga mata habang nagtawanan ang mag-tiyuhin na nakaupo na ngayon sa kama ng bata. Mukhang may itinago sa likuran ng mga ito.
“What’s going on?” tanong niya kay Lara.
Tinakpan nito ang bibig habang tawa pa rin ito nang tawa. Napansin na lang niyang may pintura ang kamay niya at nandilat ang mga mata. Tumili siyang nagpunta sa banyo at doon ay nakita niya sa salamin na may drawing ang mukha. Ginawang malaking ilong ang sa bandang ilong niya na may kulay pink na face paint, may halos pabilog na puti sa kanyang pisngi at papunta sa kanyang mga mata at noo. Sa madaling salita, mukha ng baboy ang iginuhit sa mukha niya at nagmukha nga siyang baboy sa mga sandaling ito.
Nanlaki ang mga mata niya at naramdaman ang pag-iinit ng mukha.
“I’m going to get you both for this!” inis na banta niya sa dalawa habang nagtawanan pa rin ang mag-tiyuhin.
Lumabas siya ng banyo at ang pinturang nasa mukha ay kiniskis ng kamay niya at hinabol ang dalawa para pahiran ang mga ito. Naiwan ang brush at face paint sa ibabaw ng kama. Binalikan niya ang face paint at muling hinabol ang mga ito. Gusto niyang bumawi sa dalawa kahit paano.
Nagtitili si Lara at kinarga na ito ni DaVon na mabilis na nanaog ng hagdanan para makaiwas sa kanya. Sinundan ni Cyrille ang mga ito. Napunta sila sa may sala at nagpatuloy sa paghahabulan. Panay pa rin ang tili ng naaaliw na bata. Paikot-ikot sila sa sala set habang nanonood ang ilang katulong, pati na sina Aling Maring at Mang Tikboy na halos mahawa na sa katatawa sa kapapanood sa kanila.
Hinihingal na si Cyrille pero mukhang ang tibay ng lalaki. Parang hindi man lang ito pinagpawisan sa habulan nila at karga-karga pa nito ang pamangkin.
‘Jusme! Ganyan ba siya kalakas?’
Tama nga naman dahil sa pagkakaalam niya ay palagi itong nag-eehersisyo kada umaga bago kumain at mag-shower. Hindi na nakapagtataka kung bakit ang ganda at ang tikas ng pangangatawan nito.
“Wow! Ang saya-saya n’yo, ah!” pansin ni Gabriel na pumasok sa bahay. Bigla itong napatawa nang makita ang hitsura ni Cyrille. Napahawak ito sa tiyan.
“Save us Uncle Gabriel!” tili ni Lara nang hinabol na naman ng dalaga ang dalawa.
Ipinasa ni DaVon si Lara kay Gabriel at ang mga ito na naman ang hinabol ni Cyrille hanggang sa hardin. Dahil na-distract si DaVon nang tumunog ang cellphone nito ay nahuli niya ito at napahiran ng face paint sa matangos nitong ilong. Natigilan ito at tinawanan ito ni Lara nang sobrang lakas.
Siya naman ngayon ang hinabol ng lalaki para agawin ang face paint. Hindi niya napansing napunta siya sa may swimming pool. Natisod siya sa sariling paa at bago pa man siya mahulog sa pool ay napahawak si DaVon sa kanyang kamay. Pero dahil sa momentum siguro nito ay hindi na ito nakatigil sa pagtakbo at hindi siya napigilang huwag mahulog sa pool. Ang ending, magkayakap silang nahulog sa tubig na naglikha ng isang malakas na splash.
Lalong napatili sa tuwa si Lara sa nakita nang masundan sila roon nina Gabriel. Natatakot nga si Cyrille na kabagan ang bata sa katatawa.
“Come, Lara. Let’s get some ice cream!” ani Gabriel.
“Yay! Ice cream! Ice cream!” Napapalakpak ang bata na tuwang-tuwa. “I want strawberry, Uncle Gabriel!”
Bumalik na ang mga ito sa dinaanan papunta sa kusina gamit ang daanan sa hardin. Nagpatianod lang din ang bata dahil ice cream na ang pinag-usapan.
Sila namang dalawa ni DaVon ay nagkatinginan nang makaahon na sila sa tubig. Bakat na bakat ang suot niyang T-shirt. Medyo nabura ang face paint sa mukha niya dahil sa tubig.
Napangiti sa kanya ang lalaki. “You looked cute even with a pig face, by the way,” tudyo nito.
Hinampas niya ito sa dibdib. Ito man ay bumakat din sa basang T-shirt ang may abs na tiyan at napansin niya ang malapad na dibdib nitong maskulado. The man really looked gorgeous! Iniwas na niya ang tingin at humakbang na sana pabalik sa loob nang sinaklit siya nito sa baywang at magkadikit ang basa nilang katawan.
Napagtanto niyang sa halos tatlong buwan na nilang pagsasama ay ngayon na muling magkadikit silang dalawa. Panay kasi ang bigay niya ng distansya sa kanila kung maaari at mukhang binigyan siya nito ng space and time gaya ng pakiusap niya noon. Pero mukhang hindi na siya pagbibigyan nito ngayon. At siya man ay parang gusto na itong pagbigyan ngayon.
“Cyrille…” anas nito.
“Kahit na anumang gawin kong pag-iwas o pagpigil ay hindi ko maipagkakaila ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Kahit na ayaw kong tumingin sa ‘yo, hinihila mo pa rin ang mga mata ko na parang magnet. At kahit na anong pigil kong isipin ka, panay pa rin ang takbo mo sa utak ko. Araw man o gabi. Malapit ka man o hindi.” Tumango siya nang marahan habang nakatitig sa mga mata nito. “Palagay ko ay… oo ang sagot ko sa ‘yo, DaVon.”
“Oh, Cyrille!” he groaned. Lumapad ang ngiti nito at saka inilapit na ang mukha sa kanya.
Ipinikit ng dalaga ang mga mata at marahan niyang naramdaman ang pagdantay ng mga labi nito sa labi niya. Parang may kung anong kasiyahang rumagasa sa kanyang puso nang hinalikan siya nito.
Marahang iginalaw ni DaVon ang mga labi at ibinuka ang labi niya. The tip of his tongue slowly licked the line of her lips, tracing them gently and teasingly. She gasped. With it, he invaded her mouth with his tongue, exploring it.
Napakapit tuloy siya sa basang shirt ng lalaki at lalong humigpit ang pagkayakap nito sa kanyang baywang. Ang isang kamay nito ay dumantay sa gilid ng kanyang balakang at hinimas iyon, pinisil-pisil. Suddenly, she felt something warm and damp gathering around her lower abdomen and down to her core.
Napaungol nang marahan ang dalaga sa kakaibang sensasyong ginising nito sa katawan niya. It was intense. And good. Very good, in fact.
“DaVon…”
Kapwa sila napahingal pagkatapos ng marubdob na halik na iyon. His nose touched hers. Napangiti sila sa isa’t isa at ginawaran siya ulit ng halik nito.
“Let’s get you out of your wet shirt,” himok ng binata. “Ayokong magkasipon ka.”