Chapter 6

Napatawa nang marahan si DaVon.

“It wasn’t because of your job,” turan niya.

Muntik nang masamid ang dalagang umiinom ng tsokolate. Napangiti siya rito nang seksi, mapang-akit. Hindi ito makatingin sa kanya nang deretso.

“P-para saan ‘y-yon kung gano’n?” naitanong din nito.

“I like you. I’m courting you,” he stated. Hindi siya humingi ng permiso.

Nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa mukha niya. Biglang namumula ang pisngi nito.

“M-mali yata ang ginagawa mo…”

Napatawa na naman siya sa sinabi nito. “What? Why do you say that? Alam mo bang wala pa akong nililigawan?”

Napamaang ito sa sinabi mo. “A-are you telling me that I should be flattered?”

“Why not? Guwapo at mayaman ako, ‘di ba?” confident na aniya.

Lalo itong napamaang sa kanya. “H-hindi ‘yan ang punto ko.” Ilang saglit din ang katahimikang nangingibabaw sa pagitan nila at mukhang wala na itong masasabing iba pa.

“If not, then what’s your point?” He shrugged his wide shoulders carelessly.

Napalunok ang babaeng napatitig sa kanya. Nawalan naman ng maapuhap na salita. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at nakangiting hinawakan ito sa baba at saka siniil ng halik. Napasinghap ito sa ginawa niya. He thought it was better. Lalo siyang nagkaroon ng access sa malalambot nitong labi. She tasted so sweet… and chocolate-y. Napangiti siya habang iginalaw ang kanyang labi.

‘Fuck! I feel like I don’t want to end this!’

Idiniin pa niya ang paghalik sa dalaga at naramdaman niya ang paggalaw rin ng labi nito. Lalo siyang nasisiyahan sa pagtugon nito.

‘Huh! Akala mo, ha?’

He nibbled her lower lip at narinig niya ang mahina nitong pagdaing.

‘Oh, fuck! I love that sound!’

Kung aroused na siya kanina pa ay lalo na ngayon. Parang gusto na talagang kumawala ng alaga niya sa loob ng kanyang pajama.

Pero parang natauhan ang dalaga at marahan siyang itinulak sa dibdib. Napatigil na lang siya kaysa puwersahin niya ito. Baka masaktan niya lang. At hindi siya ang tipong ginagamit ang puwersa sa babae.

Her eyes looked hazy, reflecting his desire. Namumula pa rin ang pisngi nito at hindi makatingin sa kanya.

“S-sa tingin ko ay h-hindi ito tama,” mahinang anito.

Napangiti siya. Mabilis siyang nakaikot sa island table at ibinalanggo niya ito sa kinauupuan nito. Ang dalawang mga kamay niya ay nakatukod sa edge ng malamig na granite island table. Nakadungaw siya rito habang napilitan itong nakatingala sa kanya. Napilitang madikit ang likod nito sa gilid ng mesa.

“There’s nothing wrong with me liking you. If you like me, too, why hold it back?” His voice was low and hoarse. His eyes raked every fine feature of her face. He really admired every part of her. It was just so intense.

Inangat niya ang isang kamay at ang likod niyon ay marahang hinaplos ang makinis at malambot nitong pisngi.

Napalunok ang dalagang nakatingin sa kanyang mukha. Mukhang nagdadalawang-isip ito. Hindi bale. Tutulungan niya itong mag-iisang-isip na. Napangiti siyang lalong yumuko at sinakop na naman ng kanyang mga labi ang malambot nitong labi. May droga ba ang laway at labi nito? Nakakaadik lang din, eh.

Hindi siya nagkasya ay hinawakan niya ito sa leeg at lalong hinalikan nang malalim. Nanggigigil na siya. Hindi lang siya, ah. Pati na ang nasa loob ng kanyang pajama. Pero alam niyang hindi pa puwede ngayon. Unti-untiin niya lang ito. Hinay-hinay lang kumbaga. Later na ang paspasan. Natutuwa siya sa kaisipang ito. Pilyo nga rin naman kasi ang nasa isip niya. Paano ba? Eh, talagang gustong-gusto niya ang babae. Hindi puwedeng si Lara lang ang makikinabang dito.

‘Bagay lang, DaVon? Pakikinabangan talaga?’ sita ng isip niya. ‘Hindi naman. ‘Yung katawan at serbisyo niya. Haha!’ pilyong dagdag ng isip niya.

Pero ewan ba niya. Ang sarap sa pakiramdam niya sa puso sa ginagawa niyang ito sa dalaga. Para siyang malulunod.

He groaned slowly before he broke the kiss. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Nakapikit pa rin ito at hindi normal ang paghinga. Parang gusto na naman niyang halikan pero pinigil niya lang. Napangiti siya nang magdilat ito nang dahan-dahan.

“See? It isn’t so bad,” he murmured. His thumb traced her wet lips gently. They were indeed luscious and addictive.

Napatikom ito ng bibig at tumalikod sa kanya habang nakaupo pa rin. Hinalikan niya ito sa batok bago inabot ang tasa ng tsokolate at inubos na iyon.

***

Nakamasid kay Cyrille ang lalaki habang inuubos niya ang tsokolate. Parang gusto na niyang masamid dahil sa ginagawa nito. Hanggang sa paghugas niya ng mga tasa ay nakatitig pa rin ito sa kanya. Conscious na conscious na talaga siya rito. Gusto na niyang tumakbo patungo sa silid ni Lara. Pero bakit naman? He was not a threat. Besides, he was not like Mr. Ledesma. Parang kasing-laki ng universe ang deprensya ng mga ito. Hindi nga puwedeng paghambingin, eh.

Sumabay ito sa kanya na pumanhik sa itaas. ‘Ano na naman kaya ang nasa isip niya? Lord, ano ba ‘to? Tukso talaga ang lalaking ito. Kung kailan ko gustong patayin ang pagka-crush sa kanya dahil may ibang babae siya saka niya sasabihing liligawan niya ako? Ano po ba talaga, Lord? Payag ba ako? Paano na ang Charlotte na ‘yon?’

Hinaklit nito ang baywang niya bago pa siya makapasok sa silid ni Lara. She lost! Pero dapat hindi siya agad na sumuko sa labanan.

Hawak ng magkabilang kamay nito ang maliit niyang baywang at yumuko ito para bigyan siya ng isa pang halik.

“Good night, sweetheart,” anas nito.

Napalunok siya at tumango ritong parang nahipnotismo.

‘Ano na, Cy? tili ng isip niya.

Lumukso talaga ang puso niya sa pagtawag sa kanyang “sweetheart.” Ang lambing at ang sarap kasi pakinggan mula rito. Marahan na siya nitong pinapasok sa loob at isinara ang pinto nang nakangiti sa kanya.

‘Paano ko sisikilin ang damdamin ko para sa kanya gayong hinalikan na niya ako?’ Saglit siyang napapikit ng mga mata. ‘Feeling ko, ang easy to get ko na! Bakit ba kasi ang landi na ng puso ko? Hindi ko man lang siya itinulak o binara o pinigilan. Bakit ang lakas-lakas ng damdamin ko at hinayaang magpaalipin sa kanya?’ She felt tortured by her own feelings.

Marahan siyang tumabi sa batang tila mapayapa naman ang tulog. Natutuwa siya kahit paano. Sana tuloy-tuloy na itong maka-recover dahil sa nangyari sa mga magulang. Sisikapin niyang mawawala na ang PTSD ng alaga para naman masaya pa rin ang pagiging bata nito.

Ipinikit niya ang mga mata pero si DaVon ang nakikinita ng kanyang balintataw kaya naman ay pabiling-biling siya. Bakit naman kasi hindi, eh first kiss niya si DaVon?

Napatikom siya sa kanyang bibig. Ramdam pa rin niya ang masarap nitong halik. Hindi niya maipaliwanag kung gaano kasarap basta masarap! Parang ayaw na niyang tumigil magpahalik. Hindi niya akalain na masarap pala ang makipaghalikan sa isang lalaki. Pero ang sigurado siya ay masarap basta’t si DaVon ang kahalikan niya.

“Cyrille!”

Narinig na lang niyang tawag sa kanya ni Lara kinabukasan. Bahagya siyang niyugyog ng bata. Gising na pala ito kaya napabalikwas siya.

“Are you okay?” tanong niya sa alaga. Nag-aalala tuloy siya kung bakit siya nito ginising.

“Yeah. Let’s take a shower together.” Humahagikhik ito at lumundag-lundag sa kama kaya pati siya ay parang napalundag-lundag sa kinahihigaan.

Napamaang siya sa sinabi ng bata. “W-what?” Napakurap-kurap pa siya.

“Pretty please?” Nag-puppy eyes ito.

“Fine, if you really want it.”

Tumili ang bata nang pilit niya itong kargahin papuntang banyo kahit na mabigat. Nagkatawanan silang dalawa. Naligo sila nang may damit pa. Panay ang tili ni Lara dahil sa tuwa.

“What’s going on here? I woke because of someone screaming!”

Napanganga sila ng bata nang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwal doon si DaVon. Maang din itong nakatingin sa kanila na nasa ilalim ng shower. Binato ng bata ng sabon ang tiyuhin nito nang hindi ito makakilos at nakatunghay lang sa dalagang basang-basa.

“Uncle DaVon’s a perv!” sabay bungisngis ng bata.

Napamaang ang tiyuhing natamaan ng sabon sa tiyan. Napatawa itong napakamot ng ulo at napilitang isara ang pinto ng banyo. Sabay na naman silang napatawa ni Lara.

“Come on. Let’s finish up fast!” himok niya sa bata kasi naglalaro ito sa tubig at panay ang tili at tawa. Ang tinis pa naman kung makatili.

Binalutan na niya ng tuwalya si Lara pagkatapos at siya naman ay nakasuot ng roba. Paglabas nila ng banyo ay nakahiga sa kama ng bata ang binata nang kahit may unan ay nakaunan sa mga kamay nito. Napalingon ito sa kanila nang lumabas sila ng banyo at napangiti. Kumindat naman ito sa kanya habang sinundan silang pumasok ng walk-in closet para maghanap ng pampalit para sa bata. At siya naman ay mamaya papasok na rin sa kanyang silid para magbihis doon.

“Sorry for peeping, sweetie!” saad ng binata. “I didn’t know! I didn’t mean it.”

Bumungisngis ang bata. “It’s okay. But you should say sorry to Cyrille. She’s a big girl, you know?”

Napamaang siya sa narinig. Lalo na’t sumunod doon ang binata para magmasid sa kanila. Naka-panties at nakabihis na rin ng bagong damit ang bata.

“Should I?” pilyong anang lalaki na napatitig sa mukha ng dalaga.

Tumikhim naman siya. “You didn’t mean it. It’s fine,” mahinang sabi na lang niya. Pinamulahan naman siya ng mukha at para hindi makita ni Lara iyon o ni DaVon ay marahan na niyang hinila ang bata papuntang dresser para i-blow dry ang buhok nito habang sinusuklay iyon.

Napansin niyang naka-pajama pa rin ang lalaki. Para itong modelo sa ayos nito. Nakasandal si DaVon sa tapat na pader habang nakakuros ang mga braso at nakamasid sa kanila sa salamin ng dresser ng bata.

‘Bwisit! Ang guwapo niya kahit naka-pajama lang. Kailan kaya ito papangit? Parang ang labong mangyari, ah.’

Mga alas-siyete na iyon ng umaga. Hindi ba ito pupuntang opisina o ano?

“Have you slept well last night?” tanong nitong nakatingin sa kanya nang deretso sa salamin.

“Lara didn’t scream. You slept well, right, Lara?” aniya sa bata na tumango.

“It’s because I know you’re with me,” ngiting anito.

“How about you, Cyrille?” tanong sa kanya ng binata. Alam niyang siya ang tinanong nito kanina pa pero ang bata ang kanyang isinagot.

“Good. Salamat.”

“How about you, Uncle DaVon?” tanong ni Lara.

“Hmm… I quite had a nice dream. I dreamed of a girl, sweetie.” Kinindatan nito ang bata na tipong may conspiracy.

Nahuli niya talaga iyon. Bumungisngis pa ang bata.

“Ah, I know that girl!” Humagikhik pa rin ang alagang bata.

Parang may sekreto talaga ang dalawang ito kung mag-usap. Si Charlotte kaya ang pinag-usapan ng mga itong “girl of his dream”?

Lumapit sa kanila ang lalaki. “Sweetie, can you get your drawing materials in your closet?” anito at agad na tumalima ang bata. Napatingin sa kanya ang lalaki. “I dreamt about you last night,” bulong nitong hinalikan siya sa leeg nang napakasuyo at para siyang mangaligkig dahil sa ginawa nito.

‘Oh-em-ji!’ sigaw ng isip niya. Ngunit hindi naman siya nakakilos.

“I was kissing you like this,” anitong pinaharap siya rito at saka sinakop ang kanyang labi. Napakainit at napakasarap talaga ng halik nito.

Napahawak siya sa edge ng dresser at napatugon sa halik nito. Nanghihina na ang kanyang mga tuhod na parang jelly at parang hinalukay ang kanyang lamang-loob dahil sa kilig at sensasyong hatid nito.

‘Halukay ube na itetch! Jusme!’

“Good morning, sweetheart,” nanunuksong belated na bati nito sa kanya.

‘Hooo! Grabe! Kung maka-morning kiss ito, wagas! Parang mawalan ako ng ulirat.’

“G-good morning,” napilitang tugon niya sa mahinang boses at napatawa nang mahina ang lalaki. Parang nanghihina pa rin ang mga tuhod niya.

‘Kumusta naman ang sinasabi nitong panliligaw, Cy? Hahayaan mo na lang bang ganito ito? Santong paspasan na, eh. Hindi mo ba nahalata?’ kutya ng kanyang isip.

Subalit para siyang nawawalan ng kapangyarihan para pagsabihan ito. Hindi niya kasi alam kung saan lulugar—kung bilang yaya ng pamangkin nito o kaya ay bilang babaeng nililigawan nito. It was complicated. Isa pa, hindi niya napaghandaan ang paghalik nito sa kanya.

Nang dumantay na ang mga labi nito sa balat niya ay agad na nag-shut down ang sistema niya sa ibang mga bagay. Nawala siya sa tamang huwisyo. Tanging ito lang at ang halik nito ang rumehistro sa kanya. So, ano na?

“I… I think hindi mo dapat ginawa ‘yun,” mahinang sabi niya sa lalaki.

“But I wanted to,” mahinang pakli nitong nakatitig sa labi niya.

Napalunok siya at saka napaiwas ng paningin.

“Okay, I’m sorry for doing it but I’m not sorry for kissing you.”

‘Ano raw? Nakakalito ‘yon, ah!’

Ngumiti ito sa kanya. “Liligawan pa rin kita kahit ayaw mo.”

Napaangat siya ng tingin sa lalaki. “P-puwede bang bigyan mo pa ako ng panahon, DaVon?”

Ngumiti ito nang nakakaloka sa halip na sumagot sa kanya.

“I’ll see you both downstairs for breakfast, sweetie. Okay?” Nilakasan na nito ang boses para marinig ng bata. Pinisil pa nito ang baywang ni Cyrille bago lumayas para siguro mag-shower na rin at makapagbihis.

Napabuga ng hangin ang dalaga nang makaalis na ang lalaki. Ang lakas-lakas pa rin ng tahip ng kanyang dibdib. At ano raw? Siya ang napanaginipan nito kagabi? Parang nakalutang tuloy siya sa alapaap dahil dito.

‘T-teka. Dapat ba akong maniwala sa sinabi niya? Kuu!’

Binatukan niya ang sarili. Baka kasi mamaya ay binobola lang siya ng lalaking iyon. Pero kung makatingin ito sa kanya ay grabe lang. Parang mawawalan siya ng bait sa sobrang intense at kilig.

‘Kumusta naman ang panahon na hinihingi mo, Cy? Mukhang hindi na iyon kailangan, ah. Ipokrita ka talaga,’ tuya ng isip niya.