Chapter 5
Nasorpresa si Cyrille na may hamper basket sa mismong gitna ng kanyang kama sa loob ng silid niya sa mansion ng amo. Ito ang naratnan niya nang pumasok siya roon para magpalit ng T-shirt. Pinagpawisan kasi siya kahit maaga pa. Bale dalawang sakay ng jeep ang layo nito mula sa kanilang tinitirhan.
“Cyrille!” tili ni Lara. Yumakap sa kanyang baywang ang batang natutuwang makita siya.
“Hey! How was your sleep?” kaswal na usisa niya sa bata na hinagod ang buhok nitong nakalugay. Mamaya ay ibe-braid niya ito.
“Good. I didn’t have a nightmare,” nakangiting anito na parang nagmamalaki sa kanya.
“That’s great!” Natutuwa naman siya sa balita.
Napadako ang mga mata nito sa hamper na nasa ibabaw ng kama niya.
“Oh, that’s from Uncle DaVon!”
Napamaang siya. “Really? I didn’t see him when I arrived.”
“He told me he has an emergency at the office. He and Uncle Gabriel went out early. Julian took care of me. But you’re now here to take care of me.” Ngumiti ito sa kanya nang matamis pagkakuwento.
“Of course!” aniya sa bata. “But let me change first.”
Napaisip pa siya kung bakit binigyan siya ng hamper ng kanyang amo. Gusto man niyang bigyan ito ng kahulugan ay sinaway niya ang sarili na huwag maging assuming. Baka naman parang thank you gesture lang ito dahil maayos ang relasyon niya sa bata. Kumbaga, sa trabaho lang ang ibig sabihin niyon kaya huwag na siyang assuming at magpantasya na personal iyon! Again, hindi siya naghahanap ng love life kundi pera para sa mga kapatid niya. Ang kulit talaga ng puso niya, ah.
“How about we go make some cookies?” aniya sa bata.
“Ohh… I love cookies!” bulalas ng batang nakangiti at nagniningning ang mga mata. Napapalakpak itong napapalundag.
Lalo lang itong naging cute sa paningin niya. Hinawakan na niya ito sa kamay.
In-invade nila ang kusina ni Aling Maring, ang tagaluto sa mansion. Balita niya ay kasing-galing ito ng professional chef kung magluto, ayon sa kuwento ni Julian. Dahil kilala na ito ng bata ay wala itong kiyeme sa may edad na babae. Nalaman niyang nakapagbisita na pala ang pamilya ni Lara dito sa mansion nang dalawang beses.
“Mukhang hindi na mapapadalas ang pag-uwi nito ni Sir DaVon sa hating-gabi o kaya’y madaling-araw. Medyo workaholic kasi ‘yon kung hindi nambabae,” hagikhik na tsismis ni Aling Maring. “Ito namang si Sir Gabriel, puro pambabae at party rin. Nagpa-party nang bongga noong bago umuwi rito si Sir DaVon kasama ang batang ‘yan. Binigyan kaming lahat ng day off maliban kay Julian para ‘di namin makitang nakipag-orgy,” pabulong na sabi nito sa huling pangungusap.
‘May gano’n talaga?’
Laglag ang panga niya sa narinig. Kaya pala ang daming kalat noon nang dumating siya at napagkamalan siya ni DaVon na babae ni Gabriel at kung bakit naka-boxer shorts lang ang huli nang una niya itong makita. Iyon pala. Now she knows. Napailing na lang siyang nakangiwi.
Napasulyap siya sa batang busy kasama si Julian na hinulma ng cookie mold cutters ang kanyang minasa na dough. Natutuwa ang alaga sa ginagawa nito habang siya ay kinukuha ang mga na-mold na ni Lara para ilatag sa tray.
“Wala bang girlfriend si… sina Gabriel at DaVon?” pasimpleng tanong niya sa tagaluto. Medyo mahina pa rin ang boses para hindi marinig ng bata.
“Si Sir Gabriel, playboy ‘yun kaya walang girlfriend. Si Sir DaVon naman, meron yata noong dati. Ewan ko. Basta may babae ‘yon na pangalan ay Charlotte. Taga… sa kanilang bansa rin,” sabay nguso nito sa bata nang pasimple lang. “Pumupunta-punta ‘yon dito paminsan-minsan. Siguro kapag nagbabakasyon ‘yon dito sa Pilipinas.”
Napa-ah siya. “Eh, anong negosyo ng amo natin?” kaswal niya pa ring tanong. Sana ay huwag lang nitong bigyang kahulugan ang mga katanungan niya. Pero so far, mukhang hindi naman.
“Naku! Marami. Casino, textiles ba ‘yun? Tapos may mga barko pa ‘yan at kung anu-anong hindi ko na matandaan.”
‘Ang yaman-yaman nga. At ‘wag ka nang umasa pa, Cy. May babae na siyang nagngangalang Charlotte. So, wala na. Dapat patayin mo na ang pagka-crush mo roon kay DaVon. Huwag nang mag-ilusyon! Hahay!’ malungkot na anang isip niya.
“Dahil sa dami naman niyang negosyo may marami rin siyang charity. Kaya noon kahit weekends ay halos hindi mo na makikita ang amo nating ‘yon. Pero dahil sa batang ‘yan, sigurado akong magbabago na ang takbo ng buhay ni Sir DaVon. Mahal niya ang pamangkin niyang ‘yan, eh. Nag-iisang anak ng nag-iisang pinsan niya sa ama. Parang magkapatid ang dalawang ‘yon. Sobrang malapit sa isa’t isa. Nalungkot nga ako nang mabalitaang maagang kinuha ni Lord, eh.” Napabuntong-hininga ito. Nailing din ito dahil sa sinapit ng pinsan ng amo.
Baka mabait ang taong iyon kaya ganito na lang din ang panghihinayang ng may edad babae na mataba. Isa pa, madalas namang kinukuha ni Lord ang mga mababait na tao. Katulad na lang ng mga magulang nila.
Inilagay na niya sa oven ang mga tray at si Aling Maring ang nag-set ng timer. Hindi pa niya kasi kabisado ang mag-operate niyon kaya tinuruan na rin siya nito.
Pagkatapos nilang maglinis ay hinintay nila ang cookies na maluto. Pagkatapos ay tumambay na silang mag-yaya sa living room at nanonood ng cartoons.
***
Nasa opisina si DaVon at nakatanga siya sa kanyang monitor. Kahit may meeting siya sa conference room ay wala roon ang atensyon niya kundi nasa mga taong nakikita niya sa monitor na busy sa kusina.
Oo, may sekretong mga CCTVs siya sa labas at loob ng mansion maliban siyempre sa mga kuwarto at CR para may privacy.
Kanina pa niya pinagmamasdan si Cyrille kasama sina Lara, Aling Maring, at Julian. Gumagawa ang mga ito ng cookies. Alam pa naman niyang tsismosa ang tagaluto sa mansion.
‘Ano kaya ang tsismis ng dambuhalang balyenang ‘to kay Cyrille?’
Mukhang seryoso pang nakikinig ang babae habang pasulyap-sulyap sa inaalagaang bata na busy sa kaka-mold ng cookies. Mayamaya ay nakita niyang tsinek ng babae ang likod ng bata kung pinagpawisan at kapagdaka’y pinapahiran iyon pati na ang mukha at leeg. Kahit may aircon naman ay parang hindi pa rin iyon sapat sa batang sanay sa malamig na bansa.
“Sir DaVon?” untag ng PA niyang si April. May suot itong salamin sa mata at plus size ang katawan.
Napatingin siya rito nang may pagkairita sa mukha. “Yes?”
“The presentation is over.”
Pinasadahan niya ng tingin ang slides na nasa harap niyang naka-projector. Iniwasan niyang tumingin sa kanyang pinsang may panunudyo sa mga labi at mga matang nakatingin sa kanya. Mukhang alam na nito kung nasaan ang atensyon niya.
“Just talk to Gabriel. Transfer to another conference room. Leave me alone!”
‘So, why did you even bother coming to the meeting? Doon ka na lang kaya sa opisina mo para manood niyan?’ punto ng isip niya. ‘Ako ang may-ari ng kumpanya. May aangal ba?’
Napatingin siya sa mga naroroon. Inisa-isa niyang tiningnan kaya nagmamadaling tumayo ang mga ito para makaalis na at mag-transfer ng conference room maliban sa pinsan.
“Pinsan, baka naman masisiraan ka na riyan, ah,” biro nito. “Umuwi ka na lang kaya para ‘di mo ma-miss?”
“Shut up! Get out of my face!”
“Seriously, pinsan. Totohanan na ba ‘yang sa ‘yo kay Cyrille, ha?”
Binato niya ito ng folder. Natatawa itong tumayo at naiiling na iniwan na siya. Mag-isa na lang siya sa conference room at ibinalik ang paningin sa monitor.
Mga isang oras ang nakalipas ay nasa gazebo sa may hardin na ang bata at ang yaya nito. Kumakain ng cookies na pinaresan ng fresh orange juice. Sa tingin niya ay masaya si Lara na kasama ang yaya. Mayamaya ay naglalaro na ang dalawa. Inagaw ng bata ang hose ng hardinero para ito ang magdidilig. Napangiti siya nang mapakamot na lang sa ulo ang may edad na hardinero. Pina-snack ito ng dalaga at sa kapilyahan naman ni Lara ay ang yaya ang binasa nito ng tubig.
Kitang-kita tuloy ni DaVon ang pagdikit ng tela sa katawan nito. Humulma talaga iyon sa dibdib, tiyan, at baywang nito. Niyakap nito ang bata para matigil at pinatay ang tubig. Ginulo nito ang buhok ng bata at saka hinawakan para pumasok sa loob ng bahay para makapagbihis.
Napakagat-labi siya. Tinayuan na naman kasi siya dahil sa nakita. Napaungol tuloy siya nang mahina, napahilot ng sentido, at humugot siya ng isang malalim na hininga. Bakit ba kasi grabe na lang ang pagnanasa niya sa babaeng ito? Hindi naman niya talaga ito nararamdaman pa sa ibang mga babae noon. Napaisip tuloy siya nang malalim kung ano ang dapat niyang susunod na gagawin.
***
Napasulyap si DaVon sa batang nakatulog sa lounger sa may swimming pool isang hapon ng Sabado. Nasa tabing lounger naman nakaupo si Cyrille at pinapaypayan ang bata. Napangiti siya sa natagpuang eksenang ito. Kagagaling niya lang sa isang client meeting sa isang golf club.
Nilapitan niya ang dalawa at saka inaagaw ang pamaypay at tumabi sa dalaga.
“Ako na. Baka nangangawit ka na,” wika niya.
Nagkadaiti ang kanilang hita. Sa kabila ng suot niyang jeans at shorts nito ay ramdam niya ang init.
“Pahingi ng juice,” pakiusap niya sa babae.
Inabot nito ang isang pitcher at saka sinalinan ang isang malinis na baso. Iniabot nito sa kanya pero umiling siya.
“Painumin mo ako,” utos niya.
Nandilat ang mga mata ng babae.
“Busy ako sa pagpapaypay, o,” dugtong niya
“Eh, may isa ka pang kamay,” punto nito.
Umiling siya. “Nangalay ‘to sa kalalaro ng golf, eh,” palusot niya at iniikot-ikot ang kanang pulsuhan as if namang na-stress sa paghawak ng club.
Wala itong nagawa kundi ang sundin ang utos niya. Para siyang batang pinapainom nito ngayon pero wala siyang pakialam. Nakatitig lang siya sa mukha nito habang umiinom. Napatingin ito sa kanyang leeg habang lumulunok siya ng likido.
‘Fuck! I feel even more thirsty.’
Napalunok ang babae at saka nagbawi ng paningin at kamay na may hawak ng baso. Ngali-ngali itong umusog palayo sa kanya pagkalapag ng baso sa mesa.
“Pakipahiran naman ang lips ko, o.”
Napaigkas ito ng ulo para tingnan siya. Pinatulis niya pa ang nguso. Kinuha nito ang isang table napkin at ibinigay sa kanya.
“A-ayokong punasan ‘yan. Ikaw na,” sabi nito. Hindi tumingin sa kanya at sabay lagay ng napkin sa kamay niya.
Hinuli niya ang kamay nito at napaawang ang labi ng babae.
“Nandidiri ka ba sa ‘kin?”
“H-huh? B-bakit mo naman naitanong ‘yan?” anitong nalilito.
Napangiti siya nang unti-unti. “Why are you afraid to touch me?”
“H-hindi, ah! H-hindi lang kasi dapat,” utal-utal na tugon nito.
Pinunasan na lang niya ang sariling bibig at napangisi sa sarili. “Ano sa tingin mo ang dapat, Cyrille?”
Nagkabanggaan ang kanilang paningin. Napasinghap ito at parang hindi makaimik.
“What if I give you the right and privilege to touch me, will you do it?” His voice dropped low and became husky. His eyes held hers, never letting go.
Napalunok ito at parang hindi nakahinga. Inabot niya ang buhok na umeskapo sa ponytail at inipit nang marahan sa likod ng tainga nito. Sinadya niyang dumaiti ang mga daliri sa tainga at leeg nito. He could see the pulse on her neck, beating so fast. Right now, he wanted to feel that pulse, run his tongue over it, and give her a hickey, to mark her that she is his. But he held on, controlling himself.
“I don’t want you to be afraid of me, Cyrille. I just want you to know how I feel about you.”
Hindi pa rin ito makatinag.
“I want you by my side. I want to feel you beside me. I want to touch you, every inch of you. If you’d only let me. Can I?”
She seemed speechless. At bago pa makasagot ang babae ay nagising na si Lara. The spell was broken. Unfortunately.
***
“Jusko!” bulalas ni Cyrille.
Napasinghap at sabay sapo sa kanyang dibdib ang dalaga nang bigla niyang nakasalubong ang bulto ni DaVon sa may hagdanan isang gabi. Hindi niya akalaing makikita ito nang pababa siya ng hagdanan habang ito naman ay papanhik.
Medyo malamlam ang mga ilaw sa paligid dahil hating-gabi na. Ganito sa mansion kapag tulog na ang mga tao. May mapanglaw na ilaw na nakabukas imbes yaong nakakasilaw talaga.
Nauuhaw lang siya at nagke-crave siyang bigla na uminom ng hot chocolate bago bumalik sa silid ng alagang bata.
“Sorry to startle you,” saad ng lalaki. Pormal ang suot nitong slacks at three-piece suit. Kararating lang galing sa opisina.
‘O kaya sa babae nito?’ susog ng isipan niya.
Umahon ang pagseselos sa kanyang dibdib pero… Eh, pakialam ba niya? Wala namang asawa ang amo kaya may karapatan itong mag-enjoy sa buhay. Kung iyon ang kaligayahan nito, sa kandungan ng mga babae, bakit hindi? Mayaman at guwapo ito. At single! Iyon ang importante. Masama ang mambabae kapag may asawa na. At hindi siya asawa kaya wala siyang karapatan para magselos!
‘Kaya tumigil ka na, Cy. Parang awa mo na! Kitilin mo na ‘yan bago pa lalong lumalim.’
“Bababa ka ba?” tanong ni DaVon sa kanya.
Nauntag siya sa kanyang pagdidili-dili.
‘Obviously!’ gustong isigaw ng isip niya. ‘Sa tingin mo, uupo ako at tutunganga mga bandang dito talaga?’
“Iinom lang ng hot chocolate,” turan niya nang marahan. Ngunit ang puso niya ay nag-iibayo.
“Can you fix me a cup, too? I’ll be right down after I take a quick shower and change my clothes,” anito sa kanya nang may paglalambing sa boses at nilagpasan na siya. Hindi man lang hinintay na um-oo siya.
Nalanghap niya ang pabango nito. Ang bango pa rin nito kahit sa ganitong oras. Napatanga pa siyang sandali bago napasunod ng tingin sa lalaki na parang anino na lang sa tingin niya. Tinapik-tapik niya ang kanyang dibdib at bumuga ng hangin. Lumukso na naman kasi ang lintik niyang puso.
‘Ano raw? Magsho-shower siya at makiinom na rin ng hot chocolate?’
Tumodo na naman ang kaba ng pobreng puso niya. Napapilig siya ng ulo nang biglang ma-imagine ang hubad nitong katawan habang nagsho-shower. Ang ganda siguro nitong tingnan.
‘Jusme! Hayan ka na naman, Cy. Patayin na nga kasi ang paghanga at pantasya, eh! Kaloka ka na!’
Humugot siya ng hininga habang maingat na bumaba ng hagdanan. Medyo mataas-taas din iyon kung saka-sakaling bumagsak man siya. Pitstop niya lang ang second floor kung sakali dahil medyo malapad dahil papunta naman sa hallway niyon bago baitang na naman.
Pagdating niya ng kusina ay nag-init siya ng tubig sa may kalan dahil nakalimutan sigurong palitan ang tubig sa thermos. O baka dahil hindi lang ito masyadong ginagamit kaya ganoon. Mahilig lang kasi sa coffee maker ang mga tao rito, napansin niya. Hindi naman siya mahilig sa kape kundi chocolate lang.
Nakaupo siya sa mahabang stool sa may island table na gawa ng granite. Nakatambol-tambol ang kanyang mga daliri habang naghihintay. Ang kanang siko niya ay nakatukod sa counter at nasa pisngi ang kanyang palad.
Nai-imagine na naman niya ang among nagsho-shower, kung paano humahaplos ang tubig sa hubad na matikas nitong katawan, kung paano in-apply ang shower gel o sabon sa maskulado nitong katawan… Siguro ang sarap pagmasdan kapag hubad iyon. Hayun na naman siya. Masusunog na yata sa impyerno ang kaluluwa niya dahil sa imahinasyon niyang walang pakundangan. Bakit ba kasi ganito na lang ang nadarama niya para sa amo? Hindi talaga siya aware sa mga kalalakihan maliban na lang dito.
Napakagat-labi pa siya habang nagde-daydream sa binata. Bigla na lang siyang napaigtad nang nag-whistle ang takore. Napamura siya sa sarili.
Mabilis na siyang gumalaw para patayin ang apoy sa kalan at nang makapagtimpla na ng tsokolate. Kumuha na siya ng dalawang tasa at nagsalin ng mainit na tubig mula sa takore. Nagtimpla na siya nang muntik na siyang napalundag nang marinig ang baritonong boses ng lalaki.
“Thanks for this,” saad nito.
Napakapa na naman siya sa kanyang dibdib at narinig niyang tumawa ito nang mahina. Sa sulok ng kanyang mata ay umupo ito sa kinauupuan niyang stool kanina.
Ibinigay na niya ang tasa ng tsokolate sa lalaki at saka umupo na rin siya sa tapat nito. Mabuti na iyon para may nakaharang sa pagitan nilang dalawa. Pero tama nga ba? Titig na titig ito sa kanya. Nakapanghihina ng tuhod ang blue-gray eyes nitong tila humahaplos sa kanya. Titig lang iyan, ah. Para na siyang mababaliw sa kaiisip at kapapantasya rito. Paano na kaya kung…?
‘Oh-em-ji! Hindi ko yata kaya, Lord!’ Napababa na lang siya ng tingin sa kanyang tasa. ‘At ang bango-bango na naman niya. Hahay! Ano ba ang maipipintas ko sa kanya para matigil na ang pesteng damdaming paghanga sa kanya, ha?’
“How’s Lara?” marahang tanong ng binata bago hinawakan ang tasa.
“Okay naman. Hindi mo ba talaga siya dadalhin sa ibang doktor?”
“Nag-ask na ako ng advice tungkol sa kanya.”
Napataas siya ng kilay. “So, anong maitutulong ko? Ako ang palaging nasa tabi niya siyempre.”
“Just do what you do. Play with her. By the way, I think she likes to draw. You can do that with her, too. May mga gamit na siya sa walk-in closet niya. At kung may kailangan pang iba, kung may maisip ka, then you can just tell me and I’ll provide it.”
Tumango siya. “Hindi ba magandang kausapin siya tungkol sa mga magulang niya? Iyon ang trigger. ‘Di ba dapat doon ang treatment na dapat gawin?”
“If you think it’s the right time, then I’ll let you do whatever you want.”
‘Ano raw?’ Pinagbawalan kasi siya nito noong una pero ngayon ay ayos na para rito?
“Advice din ba ‘yan ng doktor na kinausap mo?” nanantiyang usisa niya.
Tumango ito. Humigop ng tsokolate. Bumalik naman sa pang-aakit ang mga titig nito sa kanyang mukha.
Ibinaon na lang niya ang mukha sa tasa at hinigop ang sariling tsokolate para may excuse siyang mapaiwas ng tingin. Bakit ba kasi ganito ito kung makatingin sa kanya, eh? Parang may kahulugan kasi at ayaw niyang bigyan iyon ng kahulugan. Para na kasi siyang sunggaban ng halik. Ngunit ayaw niyang gatungan ang paghanga at pantasya niya. Hindi nga kasi puwede. Hindi dapat. Paano na ang trabaho niya? Gusto niya si Lara.
Sa kabila ng mga sinabi nito sa kanya sa may pool noong nakaraang Sabado, she still wanted to hold back. She thought it was not right. May Charlotte na ito.
“Did you like the hamper I gave you the other day?”
“A-ah. Oo. Salamat nga pala roon. Huwag ka nang mag-abala. ‘Tsaka, malaki rin naman ang sahod ko. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko rito.” Nagpatay-malisya na lang siya kahit na hindi yaon unang pagkakataon na binigyan siya ng hamper.