Chapter 4

‘Jusko!’

Bahagyang napatda si Cyrille nang lumapit si Lara sa kanila ni DaVon. Hindi niya kasi halos napansing nakatitig lang pala siya sa amo na hindi niya alam kung gaano na katagal.

Niyakap siya sa leeg ng alagang bata habang nakangiti ito. Nagbawi siya mula sa mapang-akit na mga mata ng lalaki na umiwas din ng paningin. Dama pa rin niya ang pagrigudon ng kanyang puso at hindi normal ang paghinga niya.

Ewan na lang niya kung ano ang susunod na eksena kung hindi pa lumapit si Lara. Umakto kasi itong kumilos para mas mapalapit sa kanya pero natigil din. Pero ano naman kaya ang plano nito sanang gawin kung hindi dumating si Lara? Ang halikan ba siya? Ayaw niyang mag-assume. Dapat hindi. Yaya lang siya.

Isa pa, hindi siya bulag. Napansin niya kanina kung paano makatingin ang doktora sa amo niya na parang ikinairita naman nito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ayaw na nitong ibalik sa klinika ang bata. Gusto nitong umiwas sa malanding doktora.

‘Ba’t ayaw niya sa doktorang ‘yon? Maganda naman at sexy. Maputi pa. Iyon nga lang parang ang putla dahil siguro sa gluta ang gamit na pampaputi,’ sa isip niya naman.

“Are you tired?” naitanong ni Cyrille sa bata. Dinukot niya ang panyong nasa bulsa ng suot niyang jeans at pinunasan ang pawis ng bata sa noo, leeg, at likod na rin. Kahit may aircon naman na nakabukas ay dahil sa naglilikot ito kaya naiinitan pa rin.

“I’m thirsty,” tugon ng bata.

“Let’s get out of here then,” saad ng lalaki at tinulungan silang dalawa na makatayo.

Ramdam na naman niya ang mainit nitong palad na parang nagbibigay sa kanya ng lakas. In fairness, he was always a gentleman and kind to her. Hindi lang sa bata. Kaya kahit dalawang araw pa lang niyang nakasama ito ay hindi niya maiwasang lalong mapahanga sa amo. Ewan na lang niya kung mababawasan iyon sa darating na mga araw. Sana naman para matigil na itong kagagahan niyang pagpantasya sa binata.

‘Sana hindi. Ipokrita!’ bulong ng isip niya. ‘Kinikilig ka na nga kapag hinahawakan ka sa kamay, eh. Paano na kung hindi lang sa kamay kundi sa…? Ayiee!’ Napakagat-labi tuloy siya sa isiping iyon.

Ewan ba niya at iyon ang naisip niya samantalang panay naman ang iwas niya kay Mr. Ledesma noon. Siguro ay dahil sa gurang na iyon, pangit, at mataba pa. Eh, si DaVon? Ang yummy-yummy kaya. Kahit hindi pa niya nakikitang nakahubad katulad ni Gabriel ay litaw naman talaga ang ka-macho-han kahit sa suot na T-shirt at jeans lang. Muscled ang biceps at hita. Paano na kaya ang tiyan at kwan?

Napamura siya sa isip at sinampal ang sarili para mag-isip nang ganito. Rated-R na talaga. May bata pa naman.

“You keep on smiling, Cyrille. Is something funny?”

‘Oh-em-ji! Naloka na! Pansin pa tuloy ni Lara!’

Namumula siya nang mapasulyap sa kanya si DaVon nang may panunukso at pang-aakit sa mga mata nitong kulay blue-gray. Parang gusto na niyang lamunin ng lupa.

“Um… I’m just glad you had a great time back there,” nasabi niya bago ikinabit ang seatbelt nilang dalawa ng bata samantalang pinaandar na ng lalaki ang sasakyan at nahuli na naman niya ang kindat nito sa kanya.

Nagrigudon na naman ang letseng puso niya.

‘Anebeyen! Palagi na lang! Two days pa lang ako, Diyos ko! Paano na ang isang buwang trial period ko nito? Bibigay na yata ako, eh! Oh-em-ji! Tulungan N’yo po ako!’ dalangin niya pa nang pipi.

***

Bilang selebrasyon na may bago siyang trabaho ay inilibre ni Cyrille ang mga kapatid sa isang fast food chain. Natuwa ang mga ito dahil bale bonding na rin nilang magkakapatid ito. Habang kumakain sila ay naki-tsismis si Trina sa kanya sa pamamagitan ng text kung ayos lang siya sa bago niyang amo. Sinagot naman niyang okay lang.

Kung hindi pa ako may asawang tao, baka nilandi ko na ‘yang si Mr. Theisen! Ang sarap kasi tingnan! ;)

Nakikinita pa niya ang hitsura nito na nakakagat-labi at nanggigigil. Napatawa tuloy siya sa text nito. Kahit paano ay naging magkaibigan na silang dalawa kahit sa age gap nila ng babae. Wala rin kasing arte sa katawan ito pero professional naman pagdating sa trabaho. Dito naman siya hanga kay Trina.

“Ate, kanina pa nakatingin sa ‘yo ‘yan, o. Ang guwapo-guwapo!” untag ni Crystal sa kanya nang pabulong.

Napunit ang mga mata niya mula sa kanyang cellphone. Kanina pa siya nakadutdot kasi sa aparato dahil kay Trina. Pagkatingin sa kapatid ay sinundan niya ang direksyong inginuso nang pasimple ni Crystal at laking gulat na lang niya nang sumalubong sa kanya ang mapupungay na mga matang iyon na parang makalaglag-panty at nakaka-turn on.

Agad na lumukso ang puso niya. Parang gustong lumabas sa lalamunan niya dahil sa sobrang kaba. Pinanuyuan pa siya ng kanyang esophagus.

‘Oh-em-ji! Nandito siya—este sila!’ sigaw ng utak niya.

Sa dinami-dami ba namang fast food chains o kaya restoran ay dito pa sila nagkita? Tadhana lang? Ganoon? Gusto niyang mapahagikhik pero hanggang awang lang ng mga labi ang kanyang nagawa. Lumapit pa sa kinaroroonan nila si Lara habang nakasunod ng tingin ang lalaki, kasama si Gabriel na mukhang busy sa sarili nitong cellphone.

“Cyrille!” Laking ngisi ng bata at agad na yumakap sa kanya kaya niyakap na rin niya ito.

“I-ito ‘yung bago mong alaga, Ate?” anang Crystal.

Napakurap-kurap ito ng mga mata. Alam niyang nagagandahan din ang kapatid sa bata habang nakatitig nang may matipid na ngiti ang kanyang kapatid na lalaki sa batang babae.

“Ang cute-cute niya, Ate! Parang marbles ang mga mata!” dagdag ng bunsong kapatid na babae.

Nakakatuwa ngang tingnan ang magagandang mata ng bata.

“Lara, this is my sister Crystal and my brother Corey.” Ipinakilala niya ang mga ito sa isa’t isa.

Biglang parang napahiya si Lara nang binati ng kanyang mga kapatid at itinago ang mukha sa dibdib niya. Pinaupo niya ito sa kanyang hita kahit medyo may kabigatan. Niyakap niya.

“Hello,” tugon ni Lara sa maliit na boses at matipid na ngiti. Patingin-tingin ito sa mga kapatid niyang halos kamukha niya. May pagkapahiya ito pero may kuryuso namang tiningnan ang dalawa.

“So, where have you been?” tanong ni Cyrille kahit gusto niyang itanong sana ay kung bakit napunta ang mga ito rito. May marami namang mamahaling restoran talaga kasi at sa tingin niya hindi ito ang klaseng lugar na pinupuntahan ng katulad ng isang Theisen.

“We actually went over to your house,” sansala ng magandang baritonong boses na iyon.

Napamaang siya pati na si Crystal sa matangkad na lalaking nakatayo sa tabi ng kanilang mesa. Napasandal naman ang kapatid niyang lalaki na tila tinatantiya ang amo niya. Hindi niya alam ang iniisip nito. Tahimik lang kasi kalimitan si Corey.

“P-pumunta kayo sa bahay?” Hindi siya makapaniwala. Sabagay, kumpleto ang impormasyon niya sa file niyang ibinigay rito. Pero bakit kaya?

“Yeah. Lara wanted to see you. But we saw you taking a taxi and we followed you here instead,” turan ng binata.

‘Ah, kaya pala.’

Napatingin si Cyrille sa bata na naglalambing sa kanya. Mukhang naa-attach na sa kanya si Lara kahit ilang araw pa lang silang nagkakilala. Kahit paano ay natutuwa naman siyang gusto siya ng bata. Ibig sabihin ay may trabaho siya. Baka hindi lang isang buwan. I-extend iyon ng tiyuhin nito malamang. Eh, ‘di bongga! Hindi niya kailangang matakot na maging tambay bago pa man may makitang ibang trabaho si Trina para sa kanya.

Napatingin siya kay Lara nang nakangiti.

“Ah, kaya pala kanina pa panay ang tingin n’yo sa Ate ko,” pahayag ni Crystal.

Nahihiya siyang napasulyap sa lalaking nakatunghay pa rin sa kanya, pagkatapos ipakilala ang mga kapatid.

‘Ay, baka naman si Lara ang tinitingnan, Cy. Nakakandong sa ‘yo, eh. Huwag masyadong assuming.’

“Sweetie, come on. Let’s give them some time to be together, okay?” marahang anang lalaki sa pamangkin nito.

Kinuha na nito ang bata mula sa kanya. Dahil doon ay hindi nito sinadyang dumantay ang braso sa ilalim ng kanyang dibdib na siyang dahilang naging estatuwa siya sandali.

“Sorry,” mahinang sabi ng lalaki pero mahalay naman ang tinging ibinigay sa kanya.

‘Peste! T-teka lang. Sinadya niya ba ‘yon?’ angal ng isipan niya. Pero hindi na lang niya ito pinatulan. Baka naman hindi naman talaga sinadya. ‘Eh, paano kung sinadya? Maano naman? Gusto mo naman. Aminin mo na. Gusto mong magpahalay! Oh-em-ji!’

Bigla tuloy siyang pinamulahan ng mukha. Kamatis na yata ang kapulahan niya ngayon. Ang harot niya naman kasing mag-isip. Ewan ba niya. Simula nang makilala niya ito ay ganitong mga bagay-bagay na ang pumapasok sa utak niya. Virgin pa man din siya.

‘Jusko!’ dagdag ng isip niya.

Kumaway na lang siyang nakangiti sa batang kumaway sa kanya. Malungkot itong nakatingin sa kanya. Bumalik na ang mag-tiyuhin sa mesa ng mga ito sa may hindi kalayuan. Kahit paano ay naaawa siya kay Lara. Biglang bumigat ang kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit pero agad ding nahulog ang loob niya para rito. Siguro ay dahil alam niya ang pinagdaanan ng bata. Hindi nga naman madali iyon para sa isang may murang edad na makaranas ng ganoon.

Bumaling na siya sa mga kapatid na nakatitig na ngayon sa kanyang mukha.

“A-ano?” nautal na aniya sa dalawa.

Ngumisi si Crystal habang walang imik si Corey. Palagi naman talaga itong walang imik. Hindi masyadong masalita ang kapatid niyang lalaki. Kaya siguro maraming babaeng may gusto rito sa kanilang barangay at sa university dahil bukod sa guwapo ang kapatid niya ay tahimik ito. Misteryoso kumbaga. May mga babaeng gusto ang tahimik at misteryoso na lalaki. Para silang nahihila para alamin kung ano ang misteryong bumabalot dito.

“May crush ka sa amo mo, Ate, ano?” tudyo ng bunso nila. Nagtaas-baba pa ang mga kilay nito.

“Eh… paanong hindi? Guwapo naman kasi at macho pa!” Hindi niya mapigilang umamin. Napangiti pa siya na halos kiligin na.

Medyo umasim ang mukha ni Corey sa narinig pero hindi ito nagsalita. Sa halip ay sinimsim nito ang soft drink.

“’Di ba, Kuya?” baling ng bunso sa kapatid nila.

“Normal lang ang crush, Crystal. Para kang baliw diyan!” matabang na tugon ni Corey.

Napatawa na lang siya nang magbanatan ang dalawa.

“Eh, paano kung may crush din sa ‘yo ‘yung amo mong ubod ng yaman at guwapo, Ate, ha?” Parang kinikilig ang kapatid para sa kanya. Napasulyap pa ito sa direksyon ng mesa ng mga ito.

‘Loka ‘to, ah!’ Para siyang matilihan.

“Huwag mo ngang tingnan! Baka malamang pinag-uusapan natin,” aniyang pinandilatan ang kapatid na napabungisngis.

“Paano nga, Ate?” kulit nito.

“Ewan ko sa ‘yo!” aniya na kinikilig namang napaisip. Eh, ‘di ang ganda-ganda na niya kapag may crush ito sa kanya!

‘Pero hindi puwede talaga. Trabaho ang dapat atupagin ko kasi hanggang sa makapagtapos kayo,’ ang isiniksik niya sa isipan.

***

Nakatitig pa rin ang mag-tiyuhing DaVon at Lara kay Cyrille na nakasuot ng maong shorts at sleeveless tank top. Litaw na litaw ang ganda nito at kaseksihan, pati ang kakinisan. Napansin ni DaVon ang ilang tingin ng mga kalalakihang customers sa dalagang parang hindi alintana ang mga iyon. Tuloy gusto niyang itago ang babae para siya lang ang tumingin dito.

Nang mapagtanto niya ang kanyang iniisip ay natigilan na naman siya. Nababaliw na yata siya. Never siyang nakaramdam ng ganito sa isang babae na gusto niyang itago para lang huwag matunghayan ng ibang kalalakihan.

He always admired women looking sexy. Kaya unang kita pa lang niya sa dalaga sa cocktail dress nitong pula ay nabihag na nito ang kanyang atensyon kahit na napagkamalan pa niyang isa ito sa mga bisita ni Gabriel. Iyon pala ay hindi. Dahil sa kabaliwan ng pinsan tuloy ay iyon ang isinuot ng babae sa unang araw nito. But damn! It gave a very long-lasting impression on him. Hindi pa rin niya maalis-alis iyon sa isip kada gabi bago siya matulog. Ultimo sa suot nitong jumper shorts kahapon, eh ang sarap nang hubaran. Ngayon naman ay naka-shorts ito.

‘Ano ba, DaVon? Namamanyak ka na talaga sa yaya ng pamangkin mo!’ susog ng isip niya. ‘Get your shit together, please! Fuck!’

“So, what do you think of Lara’s nanny?” untag ni Gabriel sa kanya. Mukhang tapos na ito sa pagte-text sa mga chicks nito. “Ang galing kong pumili, ano?” Tumaas-baba ang mga kilay nito at nakangisi pa.

Nilingon niya ang pinsang nanunudyo ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Humingi ka kaya ng bagong yaya sa agency niya. Parang gusto ko na kasing asawahin,” sabay tawa niya.

Tumawa rin nang malakas ang pinsan niya. Naagaw tuloy nila ang atensyon ng ibang customers at pati na kay Lara na nalilitong nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi kasi nito maintindihan ang wikang Filipino.

“Grabe! Lakas pala ng tama niyan sa ‘yo.”

He chuckled. “Kasalanan mo ‘to, eh. Gago ka!”

“What are you talking about?” inosenteng tanong ni Lara nang pabaling-baling sa kanilang magpinsan.

‘Damn! Pang-mature ang topic, sweetie,’ sa isip niya.

Binuhat ni Gabriel ang bata para ikandong. “Come here, Lara. If I tell you something like a secret, will you keep it?” anito sa bata.

Napakiling pa ng ulo si Lara na hindi naman umimik. Nakatitig lang ang pamangkin dito.

Binatukan niya ang pinsan. “Dinadamay mo pa si Lara sa kalokohan mo, eh.”

Ayaw niyang may sasabihin si Gabriel. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng bata kapag narinig ang tungkol sa girlfriend o pag-aasawa. Attached pa naman ito sa yaya. Baka hindi pa maintindihan. Ayaw niyang masaktan o mag-aalala ang pamangkin at baka hindi gagaling sa trauma nito.

“Come here, sweetie,” aniyang inagaw ang bata mula sa pinsan at pinakandong sa kanya. “Uncle Gabriel is just joking. There’s no secret.”

“What is it about? I heard you mentioned my nanny,” giit nito.

Nagkatinginan silang magpinsan. Umismid sa kanya si Gabriel. Kulang na lang ay belatan siya. Gusto niyang sapakin ulit ang pinsan gamit ang kamao niya. Pahamak kasi. Paano na niya ito ipaliliwanag ngayon sa bata tungkol doon?

“We were just talking about… Cyrille’s job… as your nanny.”

“I like her as my nanny and she’s also my friend,” muling giit nito katulad ng sinabi nito dati pa. Ngumuso pa ito.

“Sure. Sure. She is. And you know I like her, too.”

“I don’t like another nanny. Only her.” Umiling at lumabi pa ito.

‘Damn! Meaning, hindi ko na puwedeng asawahin si Cyrille kung sakali? Naloko na. Paano na ako? Ah, gagawan ng paraan siyempre, DaVon! Malamang meron pang paraan. Gamitin mo ang ulo mo.’

Dapat na nga rin sigurong sabihin na niya ang totoo kay Lara. Dahil kapag oras na para magkaroon ng progress sila ni Cyrille, eh ‘di go na lang siya nang go. Puwedeng-puwede na siyang… He held that thought. It was going nowhere but to making love with Cyrille. Damn his passionate soul!

“Well… I told you that I also like your nanny, right?”

“Aha,” anang bata.

Seryoso ang blue-green eyes nitong nakatitig nang husto sa mukha niya. At talagang dito nila pinag-uusapan ang ganitong bagay, ano? Sa public place pa. Eh, anong magagawa niya? Sinimulan kasi ng gago niyang pinsan. Kahit kailan talaga ito, eh. Pahamak. Palagi siyang napapasubo.

“Well, what if I court her and then she likes me, too? That means she’s no longer your nanny.”

Lumabi ang bata na parang gusto nang maiyak. Nanubig ang mga mata kaya agad siyang nagpaliwanag bago pa man ito tuluyang maiyak.

“No, don’t cry. It will also mean that if… I decided to marry her, she’ll be your Aunt. Isn’t it great? That means we’ll always be together.”

‘What? I really thought of marriage?’ Parang hindi rin siya makapaniwala sa kanyang sarili. He never thought he would ever marry one day. It was simply because no woman had ever made him think of it. Hindi dumating sa puntong iyon, bukod sa pakikipagromansa lang sa kama. Pero kay Cyrille, iba na sa simula pa lang.

Kumurap-kurap ang pamangkin. “You mean you love her, Uncle DaVon?” inosenteng tanong nito na nagniningning ang mga mata.

Nabigla siya sa tanong nito. Love? Love na ba kaagad? Like lang ang sinabi niya, hindi ba? Nakatitig sa kanya ang bata at hindi niya namalayang napatango siya rito at yumakap na ito sa kanya.

Parang may kung anong sumundot sa kanyang puso dahil dito. Nakamaang lang siyang nakatitig kay Gabriel na napatawa nang marahan. Nang mapang-uyam.

***

Kantiyaw na naman ang inabot ni DaVon sa pinsan niya nang dumating na sila sa mansion. Nasa sariling kuwarto na si Lara kasama ang isang maid para patulugin ito. Pagkatapos ng kanilang pagkain sa may fast food chain at nagpaalam sa kanila si Cyrille kasama ang mga kapatid nito ay umalis din sila para mag-mall. Kaya naman ay napagod ang bata.

“Ano ngayon? Eh, ‘di pa-secret-secret pa kayong dalawa ngayon ni Lara?” ani Gabriel sa kanya habang nasa sala sila at nag-iinuman ng beer.

“Bunganga mo, Gabriel. Malilintikan ka na talaga sa ‘kin!” Itinapon niya ang isang throw pillow sa pinsang natamaan sa mukha dahil hindi iyon inasahan at umiinom ito. Nasamid tuloy kaya pinagtawanan niya.

“Siya, siya. I-sekreto ko na rin, pinsan kong Kamahalan,” pang-aasar nito. “Pero alam kong sisimulan mo na ang mga da moves mo roon. Ikaw pa?” Tumawa na naman ito at sumabay na rin siya.

Kilalang-kilala rin naman na siya nito kapag babae na ang pinag-uusapan. Pero ibang da moves ang gagawin niya para kay Cyrille dahil wala naman siyang intensyong isali ito sa listahan ng mga babaeng dumaan sa buhay, sa kamay, at sa junior niya. Balot si junior palagi. Pero kay Cyrille, sigurado siyang ayaw niyang balutin ito. He would definitely take her raw and wild!

Nae-excite na naman siya nang maisip ito. Grabe lang. Parang may galit na cobra sa ilalim ng jeans niya. Shet, namamanyak na nga siguro siya dahil kay Cyrille.

Gusto na nga niyang suminag na ang araw at nang makita na naman niya ang dalaga. Babalik na kasi iyon dito bukas ng umaga. Kahit paano ay gusto niyang nakikita ito palagi. Sa araw-araw. Ngayon pa lang ay napagtanto niyang hindi talaga siya magsasawa sa kakatingin sa mukha ng babae.

He took a deep breath and let it go slowly.

He realized that his feelings for her were really serious. Everything about her was driving him crazy. If he would not let it out, he might just go nuts! If not, he would blow up. Either way, though, he would blow up like fireworks. That was for sure.

Napaisip siya kung ano ang susunod na gagawing hakbang. He might just as well start his seduction campaign to get her.