Chapter 3
Si DaVon na ang nag-offer na magdala ng bag ng pamangkin imbes na ang yaya. Sinilip niya kung ano ang laman nito. Nakita niya ang mga gamit na kakailanganin mamaya ni Lara tulad ng face towel, ekstrang damit, alcohol, tissue, wet wipes, pulbo, cologne, at kung ano-ano pa. Naisip niyang kahit paano ay alam ng dalaga kung ano ang kailangan ng isang batang inaalagaan.
Nakasunod siya sa magkahawak-kamay na yaya at bata. Kahit paano ay masaya siyang makitang nakangiti ang bata. Isang linggo pa lang mula nang mangyari ang aksidente. Kaunting galos lang naman ang natamo nito dahil nasa backseat ito at naka-seatbelt nang bumangga ang kotseng minaneho ng kanyang pinsan sa isa pang sasakyan na may lasing na driver. Napuruhan ang mag-asawa kaya dead on arrival ang mga ito sa ospital.
Walang kinausap ang bata maliban sa kanya nang dumating siya nang mabalitaan ang nangyari. Saka na ito nagsalita sa mga pulis kung ano ang nangyari nang sinamahan niya ito para magkuwento. Malapit sa kanya ang pamangkin pero wala siyang ideya kung paano ang magpalaki ng bata kaya naman bago pa siya umalis ay nagpahanap na siya ng yaya sa magaling niyang pinsan.
‘Fine. Magaling na nga talaga si Gabriel.’ Type naman kasi niya ang babae. ‘Lintik! Mawawalan pa yata ng magandang yaya si Lara,’ dugtong ng isip niya na namimilyo.
Kailangan niya ng panibagong yaya ng bata. Gusto na niya kasing hindi lang yaya ang trabaho ng dalaga kundi gawin niyang girlfriend.
‘Trabaho talaga ang pagiging girlfriend, eh, ‘no, DaVon? Gago ka talaga!’ He chuckled softly. ‘Bakit naman hindi? Matrabaho ‘yon lalo na sa kama.’
Ewan ba niya. Ngayon lang naman siya nagiging pilyong mag-isip nang ganito. No woman had ever such an effect on him like Cyrille had on him. Bakit kaya?
Bigla siyang natigilan sa naisip. Gusto na niyang sipain ang sarili. Unang araw pa lang ng babae ay gusto na niyang maging girlfriend ito?
‘Ba’t hindi?’ katwiran ng isip niya. ‘May one night stand. May love at first sight. Hindi ba puwedeng may girlfriend at first day? Madadaan naman ‘yon sa usapan. Eh, kung magkasundo o papayag naman, ‘di ba?’ Mukha namang crush siya nito.
Alam na alam niya ang mga tingin ng isang babae. Kahit iba ito sa lahat ng nakilala at nakahalubilo niya ay hindi nito maipagkakaila ang bagay na iyon.
Napailing na lang siya sa isiping iyon. Tinutuya niya ang sarili. Umiral na naman ang pagkamahangin niya dahil sa kagandahang lalaki niya kasi. Medyo narcissistic lang pero totoo naman iyon. Iyon nga lang ay hindi pa siya nakasubok na manligaw ng babae. Sila ang naghahabol sa kanya. Hindi lang sa guwapo siya kundi dahil na rin sa mayaman siya.
So, ang tanong ay kung paano niya gagawin ito kung sakali man? Regalo? Bulaklak? Tsokolate? Would not it be too lame and obvious and even cliché? Or rather, was it not too early and speedy? Sasabihin pang ang presko niya. Hindi seryoso.
Why was he even thinking about this when Lara, his new responsibility, is in his hands? Kung tutuusin, he had too much on his plate right now. He sighed inwardly.
Nagpabili sa kanya ng ice cream ang pamangkin. Ayos lang iyon dahil sa kumain naman ito kahit kaunti kaninang pananghalian nang magising ito. Siya ang nagpakain dahil sa hinayaan niyang tulungan ni Cyrille na magluto at mag-ayos sa kusina dahil wala pa ang kusinera. Sa Lunes na raw ang balik. Samantalang ang mayordomo at pinsan ay panay pa rin ang linis sa buong paligid, sa labas at loob ng bahay, dahil sa orgy-party na ginawa ni Gabriel kagabi. Hindi naman kasi makaaayaw si Julian sa pinsan siyempre dahil amo rin ito sa pamamahay niya. Ito ang kanyang inaatasan sa lahat kapag wala siya sa Pilipinas at alam na iyon ng mayordomo at ng PA niya sa opisina. Malaki pa rin ang tiwala niya sa pinsan kaysa sa ibang tao kahit siraulo ito paminsan-minsan—er kadalasan pala.
Binilhan na rin siyempre ni DaVon ng ice cream ang magandang yaya ng pamangkin at pinagmasdan ang dalawa na umupo sa isang bench at kumakain. Nagkukuwentuhan ang mga ito at napapangiti ang bata. Bilib din naman siya sa babaeng ito. Parang nakuha na ang kiliti ng bata ngayon pa lang.
Umiral na naman ang pagkabastos sa isipan niya habang pinapanood na dinidilaan ng dalaga ang ice cream na kinakain.
‘Fuck!’ Naramdaman na lang kasi niya ang paninigas ng kanyang katawan—partikular ng kanyang harapan. Parang gustong kumawala. ‘No, no, no, DaVon. You must control yourself. You’re with your niece for fucking’s sake! It’s not like you’re a sex-starved maniac!’ Kinastigo niya ang sarili sa isipan.
Napa-inhale at exhale siya habang inilipat sa ibang bagay ang paningin.
Napatingin sa kanya ang magandang babae at napangiti nang matipid bago ibinaling muli ang pansin sa bata. Napataas tuloy ang isang sulok ng kanyang labi pero agad niyang binawi iyon. Kung wala lang sila sa public place at hindi kasama ang bata ay siguro kanina pa niya ito nilapitan, dinambahan, at hinalikan nang nakakabaliw hanggang sa kapwa sila hindi na makahinga. Teka lang, heto na naman siya, eh. Dapat tigilan na niya ito. Ang laswa na niya!
Ilang minuto pa ang lumipas pagkatapos maubos ang ice cream ay sinubukan na nila ang halos lahat ng family rides katulad ng Up, Up and Away na parang sa hot air balloon, Dodgem, Bump N’ Splash, Boulderville Kiddie Boats, at iba pa. Sa tingin niya ay nag-e-enjoy ang bata, pati na ang yaya. Dahil dito ay natutuwa naman siya. Hindi nga lang si junior niyang feeling frustrated.
‘Okay, that’s enough, DaVon!’ Pinagalitan na naman niya ang sarili.
Dinala niya ang mga ito sa isang restoran nang mabihisan ni Cyrille ang bata ng ekstrang damit dahil sa pawis. Tinted naman ang kanyang kotse kaya doon na ito pinagbihis. Lumabas lang siya para magkaroon ng privacy ang pamangkin at yaya.
Nakatulog ang bata bago pa man sila nakarating sa mansion. Nakakandong pa rin ito sa dalagang nakayakap sa bata. Tinulungan niya ito sa pamamagitan ng pagkalong kay Lara sa isang braso at inalalayan niya sa pag-ibis ng sasakyan ang yayang mukhang napagod din.
Pinasalamatan siya nito at agad na nagbawi ng kamay na parang napaso. Napangiti na lang siya sa sarili at sabay na silang pumasok sa loob ng malaking bahay. Mabango na ulit sa loob dahil malinis na. Pumanhik na sila sa hagdan papunta sa silid ng pamangkin. Inilapag na niya ang bata sa kama at tumuwid para harapin ang dalaga.
“Can you sleep with her? She might have another nightmare.”
‘At least hanggang sa ma-okay na ang pamangkin ko. Sa susunod ako naman ang tabihan mo sa pagtulog,’ dugtong ng isip niya habang nakatingin siya rito nang maigi. ‘Fuck off, DaVon! Malala ka na talaga.’
“Of course,” agad nitong sang-ayon. “Naisip ko rin ‘yon.”
‘Ang alin? Ang tumabi sa ‘kin na matulog?’ pilyong sabi ng isip niya.
“Thanks,” pormal lang na aniya. “I was planning to bring her to a doctor tomorrow. Sa isang psychiatrist para sa mga bata. I’d like you to stay with us during the session. May nursing background ka naman so I think you’ll be able to get what the doctor will say tomorrow kung ano ang dapat nating gawin para matulungang maka-move on si Lara sa nangyari.”
Tumango ito sa kanya. “Gagawin ko ang lahat para sa kanya.”
Nakita niya ang sinseridad sa kulay-tsokolateng mga mata nito. Para namang matutunaw ang puso niya nang ngumiti ito nang matamis.
“Parang kang bumalik sa pagiging teenager, DaVon, ah!’ kantiyaw ng isip niya.
Hindi niya napigilan ang sarili at umangat ang kanyang kamay para haplusin ang makinis na pisngi ng dalaga. Napayuko ito na parang napahiya kaya nagbawi na lang siya ng kamay. Hindi na niya itinuloy ang balak at saka umalis nang walang salita. Nalilito na siya sa pinaggagawa at naiisip niya dahil sa babaeng ito. Hindi na talaga maganda. Ano ba ang dapat niyang gawin? Fire her? Would he be peaceful then?
***
“Sweetie, we’re going to the doctor later.”
Nakita ni DaVon na lumabi ang bata at nilaru-laro ang pagkain nito. Magkasalo silang apat, kasama ang yaya nito, at pinsan niya, sa agahan. Magkatabi ang dalawang babae at nasa tapat ng mga ito ang pinsan niya samantalang siya ay nasa kabisera ng parihabang hapag-kainan.
Ang mesa ay gawa sa marmol at parang claw ng isang hayop ang mga paa nito. Gawa naman sa matibay na kahoy ang mga silyang may mahabang sandalan at manipis na kutson para mas komportableng upuan.
“Don’t worry, Lara. You don’t have to do anything if you don’t want to. Just listen to the doctor if you don’t want to talk,” marahang dagdag ni Cyrille. “So, it’s fine, right?”
Kahit nakausli ang nguso ng bata ay tumango lang ito sa dalaga. Parang gustong matawa ng binata dahil dito pero itinago na lang niya ang ngiti.
“You like your nanny, Lara, don’t you?” tanong niya kay Lara sa wikang Luxembourgish. Maliban sa Ingles ay may alam itong iba’t ibang lenggwahe lalo na’t iba-iba ang gamit sa bansa nila tulad ng German at French.
Napahagikhik ang bata na tumango. Parang sumasayaw ang blue-green nitong mga mata.
“Well, I like her, too,” dagdag niya pa rin sa wikang iyon nang nakangiti nang pilyo.
“She said she’s my friend, too!” saad nito.
“Then, it’s good. So, whenever I’m not around, I’ll know that you’re safe with your friend.”
Tumango ulit ang batang napangiti at napatingin ito nang makahulugan sa katabing yaya na walang kaalam-alam sa pinag-usapan nilang dalawa ng pamangkin. Nang mapasulyap siya kay Gabriel ay ngumisi naman ito. Kahit hindi kasi ito marunong magsalita niyon ay naintindihan nito ang lengguwahe. Nanunukso tuloy ang paningin nito sa kanya pero binigyan niya lang ito ng isang warning look kaya nag-aksyon itong nag-zip ng bibig habang napasulyap sa dalagang nakatungo sa pagkain nito.
“So, wala na ako sa bad side mo, pinsan?” tudyo ng pinsan niya. Nakaalis na ang mag-yaya para magbihis para sa lakad nila.
He scoffed at his cousin. “Huh! I can’t really say. Baka nga.”
“Buti naman. Siyanga pala, dahil Sunday bukas day off ng yaya ng bata, ano’ng gagawin mo?”
Kumibit siya. “Labas kami ni Lara at kasama ka. Sa ganoon, mapapalapit siya sa ‘yo. Mukhang madulas pa siya sa ‘yo. Ang pangit mo kasi!” biro niya rito.
Napatawa ito. “Buti ‘yan ang sinabi mo. Eh, kung sinabi mong guwapo ako, pagdududahan kita, eh!”
Akma niya itong sapakin kaya umatras na itong natatawa.
“Gago ka talaga!” Naiiling siya sa pinsan.
Sumeryoso ito. “Seryoso ka ba na gusto mo si Cyrille, ha?”
Ngumiti lang siya rito nang misteryoso at iniwan na ang pinsang bitin na bitin. Alam niyang nalilito ito at kukulitin siya nito maya’t maya.
Isang oras mahigit ang nakalipas ay nasa clinic na sila ni Dra. Jessa Montero. Ipinakilala niya ang bata sa doktorang nasa early thirties nito. Ito ang inirekomenda ng kanyang kakilala na magaling na doktor na may ganitong problema.
Habang sakay sila sa private jet noong isang gabi papunta rito sa Pilipinas ay ilang articles na rin ang naubos niyang basahin para malaman kung ano ang gagawin sa bata. Pero mukha ngang kailangan niya ng tulong ng isang propesyonal dahil Intrusion type ang symptom ng PTSD ng bata. She relives the accident over and over again through nightmares. Buti na lang at hindi ito nanaginip nang masama kagabi. Siguro ay dahil sa bastante itong kasama ang magandang yaya at maganda ang mood nito bago natulog dahil galing sila sa theme park.
Nakahawak ang kamay ng bata sa yaya nito habang nakikipag-usap sa doktor. Pasulyap-sulyap sa kanya ang psychiatrist nang may mapupungay ang mga mata.
‘Fuck! How is that her attention is on me now?’ puna niya sa isip.
Nang mapasulyap siya kay Cyrille ay nahuli niya ang titig nito sa doktora kaya hindi iyon lingid dito. Umakto na lang siyang inosente habang nakatitig sa pamangkin. Pero hindi niya gusto ang nangyayaring ito.
May mga activity na pinapagawa ang doktora sa bata at kasama nito ang yaya. Siya naman ay saglit na lumabas nang may tawag sa kanya mula sa isang tauhan niya sa Monaco kung saan may casino siya roon. Hindi pa man siya makapasok pabalik ng clinic ay nakangiting sumalubong sa kanya ang doktora.
Biglang nagsalubong ang mga kilay niya.
“Aren’t you supposed to be with my niece, Dr. Montero?” Umandar ang istriktong bersyon niya.
Napangiti nang parang napahiya. “Um… I was going to ask if… we can have dinner some time?”
Umigting ang kanyang panga dahil sa tanong nito. “May I know why we’re going to have dinner some time?” Lukot pa rin ang kanyang mukha pero mukhang hindi alintana ang kanyang mood o sadyang makapal lang talaga ang mukha nito para mai-date siya.
‘Couldn’t she read between the lines?’ Ironic kasi sa klase ng trabaho nito. O kaya naman ay naging bulag lang ito dahil sa sarili nitong intensyon? Ang tapang at ang kapal lang din, eh.
“Well, I wish to get to know you better so I’d know Lara’s guardian, among other things,” palusot nito.
Napatawa siya nang pagak sa sinabi nito. Gusto pa nitong bilugin ang ulo niya. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Sumiksik naman sa isip niya ang mukha ni Cyrille. Ewan ba niya.
“I’m sorry. Your dining with me doesn’t make sense. You can’t make a conclusion or even an observation just because we’ll have dinner. If you know some other doctors who can do your job better, I would appreciate your recommendation.”
Napatanga ang doktora sa sinabi niya. Parang bigla itong namutla at agad ding pinamulahan ng mukha. Mabilis itong tumalikod at saka bumalik sa loob ng clinic nito. Siya naman ay napasunod ng tingin bago pumasok sa loob. He could very well damn afford another doctor that would not pester him about dates! Naasar siya sa inakto nito. Wala naman siyang ibinigay na motibo rito.
Isa pa, iba ang gusto niya. And she is right there with his niece.
“Uncle DaVon, you look angry,” puna ni Lara nang papunta pa lang sila parking lot at naglalakad sa hallway ng pribadong ospital. Napagitnaan nila ni Cyrille na hawak ang magkabilang kamay nito habang naglalakad nang marahan para makasabay ang maliliit na hakbang ng bata.
Pilit siyang ngumiti sa pamangking babae. “Of course not, sweetie. I was just thinking that we’re going to look for another doctor.”
Napatingin sa kanya si Cyrille nang kuryuso ang mga mata pero hindi nagtanong. Kinindatan niya ito at nagbawi ito agad ng paningin. Ang bata naman ay naghihintay sa kanyang magpatuloy sa pagsasalita habang nakangiti. Nahuli kasi nito ang pagkindat niya sa yaya nito.
“I’ll tell you what,” aniyang tumigil sa paglalakad at umupo sa kanyang sakong na nakaharap sa bata. “If you’re honest with me, would you prefer to talk to me or to Cyrille if you ever feel like talking about the accident? You know that you’re safe now with us, right?”
Napatitig sa kanya ang batang sumeryoso ang mukha. Ilang saglit pa ay napatingin ito sa yaya nitong maganda. Sumulyap din siya sa dalagang nakatingin sa pamangkin at napabaling din sa kanya nang tila nalilito. Halatang hindi nga nito alam kung ano ang takbo ng kanyang isip. Right. She still had a lot to learn about him and his attitude being a Theisen.
Marahan niyang hinimas ang ulo ng batang naka-braid ang blonde na buhok, courtesy of course ng yaya nitong maganda.
“If I talk to you and Cyrille, I won’t have to see a doctor anymore?” paglilinaw ng bata.
Seryoso itong nakatingin sa kanya nang maigi. Tumango siya. Ayaw niya kasing ma-stress ang bata sa pabalik-balik na pagpunta sa ospital para sa bawat session. Naisip niyang siya na lang ang humingi ng payo sa isang doktor para malaman kung paano matulungan ang bata sa pag-cope ng PTSD nito para gumaling ito nang tuluyan.
“Okay. I think I like it better,” ngumiting anang Lara.
Parang gumaan ang loob niya at niyakap niya ang bata.
“Just know that I love you, sweetie and I’ll always be here for you. Cyrille will here for you, too. Okay?” Kinindatan na naman niya ang dalaga habang yakap-yakap ang bata at hinagod ang likod nito nang banayad.
Naramdaman niya ang pagtango ng bata. Tumayo na siyang karga ito na parang isang papel lang. Tuloy ay napatili ang bata dahil sa pagkabigla. Tumawa itong napakapit sa leeg niya habang sumabay sa paglalakad sa kanya ang yaya nito pabalik sa kotse.
“Let’s go somewhere first where you can play with other kids,” saad niya nang nasa kotse na sila at binabagtas ang daan patungo sa sinabi niyang lugar.
Nagpunta sila sa may Bonifacio Global City kung saan may isang indoor playground. Suot lang ang medyas ay sinamahan nila ang bata para maglaro roon. Naglaro ito sa slide at ball pool, pati na sa trampoline. Pinanood nila ni Cyrille ang pamangkin habang kalaro ang iba pang mga bata na halos kasing-edad nito.
“Bakit… nagbago ang isip mo?” tanong ni Cyrille sa kanya. Siyempre ay tinutukoy nito ang pagpunta sa doktor para sa ikabubuti ng bata.
Nakaupo sila sa sahig sa isang tabi habang nakatuon ang atensyon kay Lara na masayang nakikipaglaro sa kapwa nito mga bata. Napalingon si DaVon sa dalagang nasa pamangkin niya pa rin ang atensyon.
“She’s incompetent. Dapat balikan ko ‘yung nag-recommend sa kanya. Sinayang ang oras natin, not mention effort at pera.”
Napatingin si Cyrille sa kanya nang nakataas ang kilay. “Pera? Iniisip mo ba talaga ‘yon?” Parang hindi ito makapaniwala. Kulang na lang ay mapatawa ito sa sinabi niya.
Kumibit siya. “Hindi madali ang kumita ng pera. You should know that,” he pointed out meaningfully.
Napamaang ito sa kanya. Hindi ito nakapagsalita at napatitig siya sa labi nitong nakaawang. They looked so luscious and inviting. Para tuloy gusto niyang kabigin at halikan ito. Now na. Puwede ba?
Kung puwede lang sana, eh.
Hindi siya makapaniwala sa sariling ang lakas-lakas ng dating nito sa kanya. Kahit na sasabihin pang hindi ito ang dapat na maramdaman niya lalo na’t may responsibilidad siya sa pamangkin at hindi lang din ito malayo sa kanila ay hindi niya mapigilang huwag makadama nang ganito para kay Cyrille. It was driving him nuts!
Ewan ba talaga niya. Kung nabibighani man siya sa mga babae ay hindi iyon ganito kalakas na hatak sa kanya na ang sistema niya ay parang wala nang lohikal na paggana. Wala na ring pinipiling lugar at oras.
Inilihis na lang niya ang kanyang paningin at lumunok. Dapat kasing isipin niya lang ang kapakanan ni Lara sa mga sandaling ito na kailangan siya ng bata. Tuloy ay inatake siya ng konsensya para sa pamangking may trauma.