Chapter 2
Langhap na langhap ni Cyrille ang pabango ng lalaki. Halatang mamahalin. Walang debate roon. Ang sarap sa ilong.
‘Ang tangkad naman niya,’ sa isip niya.
Kaya naman ay napatingala siya sa lalaki. Nasa lampas yata ito nang six feet. Dambuhala talaga at ang macho. Parang inukit ang mga kilay nito na hindi masyadong kakapalan. Sa tingin niya ay magandang haplusin iyon ng kanyang daliri.
‘Hay! Ang guwapo din niya,’ dagdag ng isip niya.
Matangos ang perpektong ilong dahil nga mestiso. Mala-rosas ang mga labi na parang palaging nanghahalina. Ang sarap yatang halikan ng mga iyon. Pero napapilig siya sa kanyang naisip.
‘Bakit ba kasi ako napaisip ng ganito? Amo ko siya. Dapat hindi ko pagpantasyahan. Malamang may asawa na dahil may batang paaalagaan.’ Isa pa, mukha pa namang istrikto ito. If her guess was right. Hindi niya kasi naitanong kay Trina kung merong asawa ang amo niya. She just assumed he was in middle age and so happily married, despite of what Trina said to her.
Gusto niyang sapuin ang dibdib dahil sa biglang pagkabog nito. Feeling niya ay lalabas ito anumang oras dahil sa lakas. Napadako naman ang tingin ng lalaki sa kanyang cleavage na sumilip mula sa sweetheart neckline ng suot niyang damit.
Nagsisisi talaga siya kung bakit nagpapadala siya sinabi ni Trina na ito ang isuot para ma-impress sa kanya ang amo. Hindi ba siya nag-iisip? Yaya nagko-cocktail dress? Boba lang siya. Ano na ngayon? Hindi siya mukhang credible bilang yaya dahil dito. Mukhang ayaw siyang tanggapin ng lalaki kahit sa alok niya. Oo, meron nga siyang impresyon para rito.
Bad impression.
‘Great!’ anang isip niya nang sarkastika. Pero nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa magagandang blue-gray eyes nito. They flickered as they raked her face up and down. Nag-iinit na ang pisngi niya pero panay ang dasal sa isip na kahit trial ay susubukan siya nito.
“Fine. One month trial period,” anitong seryoso.
Napangiti siya rito nang matamis dahil sa saya. “You’ll not regret it. I promise you that, Mr. Theisen!”
“Just call me DaVon. This is Julian, ang mayordomo ko rito, and my troublemaker cousin Gabriel.”
Iniwas niya ang paningin sa lalaking moreno na naka-boxer shorts lang. Wala ba itong kahihiyan sa katawan?
“I’m Cyrille,” sabi niya sa mestiso.
“I know. I read your personal info,” salo ng lalaki.
‘Tch! mukhang istrikto at antipatiko!’ komento ng isip niya.
Binalingan nito ang dalawang lalaki—este one and a half lang pala. Napansin niyang bakla pala ang morenong Julian na ito.
“We have to clean up the place ASAP, Gabriel! Tawagan mo na ang mga maids at pabalikin mo na. Sabihin mong bukas na sila mag-day off. Kung hindi sila babalik ngayon din, wala na silang trabahong babalikan. Naintindihan mo?”
“Yes, pinsan!” sumaludong sabi ni Gabriel na nakangisi pa.
‘May saltik yata ‘to sa ulo, eh,’ naisip niyang napasulyap sa lalaking kumaripas na sa pagtakbo papanhik sa itaas. Siguro ay tatawagin na nga nitong muli ang mga maids na pina-day off.
“I’ll just check on Lara. Baka nagising na. You come with me,” sabi ng lalaki sa kanyang nagpatiuna nang naglakad palabas.
“Opo!” aniyang sumunod.
Muntik na siyang bumangga sa katawan nito nang bigla itong tumigil sa paglalakad para harapin siya.
‘Ang bango talaga! Cy, kumusta na ang hindi ka naghahanap ng love life? Beware sa bango-bango ng amo, ha?’ anang isip niya. Sa isip ay kinastigo na niya ang sarili.
“Just DaVon. No ‘Sir,’ no ‘po’ or ‘opo.’ Got it?”
“O-okay. DaVon,” mahinang sabi niya.
Ang intense talaga ng mga mata nito kapag tumitig sa kanya, eh. Sobra na naman ang pagtahip ng kanyang dibdib. Magha-hyperventilate yata siya kapag palaging ganito. Praktisin na kaya niya ang maging immune dito?
Lalakad na naman sana ito nang may naaalala at humarap na naman sa kanya.
“Don’t dress like that next time—unless the occasion calls for it. Will you?”
Napalunok siyang tumango. Pinamulahan siya ng pisngi. Si Trina kasi, eh. Napakagat-labi siya nang tumalikod na ito para lumabas. Bitbit pa rin niya ang kanyang overnight bag kung nasaan ang kanyang mga gamit at damit nakalagay.
“M-may uniform ba ako?” tanong niya sa lalaki. Dati kasi wala naman siyang uniform kaya palagi lang siyang naka-jeans at T-shirt.
“No. Gusto mong bigyan kita ng uniform?” anito na nagpatuloy sa paglalakad. Siya naman ay habol nang habol dahil sa malalaki ang hakbang nito. Ang hahaba kasi ng legs—muscular legs—dahil sa tangkad nito.
“Ah, okay na ako nang walang uniform,” maagap niyang sabi. Patuloy pa rin ang paghahabol sa lalaki.
“Great.” Napasulyap ito sa kanyang muli at nahuli niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito.
‘Ano raw? Great?’ Kahit paano ay napangiti siya sa sarili pero itinago niya lang iyon. Ayaw nga rin naman niya ng uniform dahil feeling niya magmumukha siyang lusyang. Ayaw niyang magmukhang lusyang dahil bata pa naman siya. Isa pa, ayaw rin naman kasi niya ang uniform dahil baka ang ikli ang ibibigay nito. Mahirap na. Feeling na nga niyang nakahubad siya sa suot niyang ito ngayon, eh.
Sinilip ng lalaki ang batang nasa loob ng kotse. Tulog pa ito. May blonde na buhok ang bata na naka-pigtails. Ang gandang bata lalo na sa suot nitong berdeng bestida. Parang prinsesang natutulog. Naisip niyang baka dahil guwapo ang ama kaya ito maganda. Napaisip tuloy siya kung nasaan ang asawa ng lalaking ito. Napadako ang kanyang mga mata sa kamay ng lalaki. Maganda ang porma ng mga daliri nito. Mayaman talaga. Pero walang singsing. Isang mamahaling wristwatch lang meron ito.
‘Hiwalay kaya ‘to sa asawa o may pinaanakan lang? May chance na siguro ako!’ Pinilig niya ang ulo. Bakit kasi siya napapaisip na naman ng ganito? Never pa siyang nahuhumaling sa isang lalaki at ganito katindi pa sa unang araw lang. No, scratch that. Unang oras pa lang sa trabaho.
‘Siguro umpisa na ‘to?’ pilyang dugtong ng isip niya. ‘Teka lang, Cy! Trabaho ang atupagin mo at hindi ang paglalandi! Please lang!’ saway naman ng isa pang bahagi ng isip niya.
Pasimple niyang binatukan ang sarili. Unang kita pa lang niya sa lalaki ay ito na ang kagagahang pumasok sa kukote niya? Paano na siya makakatagal nang isang buwan? Hindi nga nagkakamali si Trina sa sinabi nito sa kanya. Pero dapat lang niyang alalahanin ang mga kapatid niya.
Tama. Ito ang tama.
Nakita niyang binuhat nang marahan ng lalaki ang bata. Sumunod na lang siya rito patungo sa isang silid sa pangatlong palapag ng mansion. Parang hiningal pa siya dahil bitbit niya ang medyo kabigatan niyang overnight bag. May elevator naman, napansin niya pero mukhang hindi mahilig ang lalaki roon kundi ang hagdan ang ginamit. Napansin niyang apat na palapag ang mansion at may rooftop pa ito sa itaas.
Napansin naman niya ang isang hagdan sa labas papunta sa itaas. Mamaya ay magto-tour siya sa mansion. Kung malaki ang mansion ng mga Ledesma ay doble naman ang laki ng mansion na ito. At mas gusto niya ang disenyo. Mas maaliwalas at mas maganda ang nararamdaman niyang enerhiya hindi katulad ng sa dati niyang amo.
“I want her close to my quarters and so she can feel safe,” saad sa kanya ng lalaki pagkalapag ng bata sa malaking kama.
Napasadahan niya ng tingin ang malaking silid na iyon na sadyang may mga dekorasyon para sa isang kuwarto ng bata. May mga stuffed toys sa isang shelf sa isang dingding, may walk-in closet sa tabi niyon, may window seat na may throw pillows na ang punda ay Snoopy, at may living room area sa tapat ng kama. Mukhang may sariling banyo rin ito malapit sa may dresser na kulay pink.
‘Meaning nandito lang sa tabi-tabi ang kuwarto niya?’ anang isip niyang na-distract na naman.
“I’ll show you your room,” sabi ng lalaki.
‘Ay, akala ko ang room niya. Sayang.’
Iniwan nitong nakabukas ang pinto ng silid ng bata at sumunod na siya. Nasa tabi lang ng malaking silid na iyon ang magiging kuwarto niya. Maganda iyon na may Turkish design. Makulay. Magkahalo ang mga bright colors na asul, kahel, at pula.
“Thank you. Gusto ko ang kuwartong ‘to,” sabi niyang nakangiti.
Tumango itong nakatitig sa mukha niya habang napatingin siya sa paligid. Hindi niya napunang hinagod na naman siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
“If ever I offer you another job, would you take it?” saad nito at napapitlag siya.
“What kind of job?” nagdududang tanong niya.
He chuckled. “You don’t trust men, do you?”
Napakurap-kurap siya ng mga mata. “I-it’s not like that.” Umiling din siya pagkasalita.
Tumango itong may kaunting ismid sa labi.
‘Hay! Ang ganda talaga ng mga labi niya.’
“Anyway, just do your best with my Lara. She really needs someone at this point.”
Tumango siya habang magkahinang ang kanilang paningin.
Kapwa sila natigilan nang may narinig na sigaw. Nabitawan niya ang bag at saka sumunod siyang tumakbo sa binata pabalik sa kuwarto ng bata. Nakita nilang humahangos ang umiiyak na si Lara. Agad itong tumakbo at sinalubong si DaVon para yumakap dito.
Inapuhap ng lalaki ang likod ng kinargang bata.
“Shh! It’s fine, sweetie. It’s fine. It’s fine. I’m here.”
Dumating naman sina Julian at Gabriel na humahangos. Sinilip ng mga ito ang batang nakapikit na naman ng mga mata at nakayakap nang mahigpit kay DaVon. Ayaw nitong pakawalan ang lalaki. Ang maliliit nitong kamay ay nilamukos ang suot ng bilyonaryo.
“Anong nangyari diyan, pinsan?” alalang tanong ni Gabriel na naka-jeans at T-shirt na ngayon pero pinagpapawisan. Siguro dahil sa paglilinis sa bulwagan ng mansion. Medyo nalinisan na ito nang makabalik sila ni DaVon kanina.
“Another nightmare. Madalas daw siyang managinip ng tungkol sa aksidente nang mamatay ang mga magulang niya,” marahang tugon ni DaVon.
‘Ey! Hindi pala niya anak ang batang ‘to? Kanino kaya?’ napagtanto niya. ‘Mukhang may PTSD ang batang ‘to.’ Mapapasubo talaga siya nang husto rito. Kailangan niyang aralin ang tungkol dito. Hindi basta-basta mag-aalaga ng batang may trauma.
Nakita niyang napakamot ng ulo si Gabriel. “Mukhang mahihirapan ka nga diyan sa pamangkin mo, pinsan.”
“Just get out of here. Bumalik na ba ‘yung mga maids?” bugnot na anang DaVon sa pinsan nito.
“Dalawa pa lang ang nakabalik, pinsan. ‘Yung iba kasi ay umuwi sa probinsya.”
Humakbang si DaVon at binatukan ang pinsan nito, gamit pa ang kamao. “Kung hindi mo kasi binigyan ng day off, eh! Sige, sabihin mo sa mga ‘yon na umuwi sa probinsya nila na sa Lunes na bumalik.”
“Wala bang day off dito?” pabulong na tanong niya sa mayordomo nang ibinalik ng lalaki sa higaan ang bata.
Napakunot-noo itong napatingin sa kanya. “Meron naman at may isang linggong bakasyon kada taon. May bayad pa iyon.”
Napatango-tango siya. Napasulyap siya sa among hinaplos sa buhok ang pamangkin nito. Naramdaman niyang umalis na rin ang mayordomo pagkaalis ni Gabriel.
Marahan siyang napabuga ng hangin nang nakamasid sa mukha ni Lara.
***
Nakapagbihis na si Cyrille ng maong jeans at T-shirt. Napansin niyang may naghakot ng mga furniture sa baba at saka mga bago naman ang ipinalit doon. Halatang mamahalin ang mga iyon unang tingin pa lang niya. Pagkatapos ay nagpunta na siya sa silid ng bata para silipin ito. Napansin niyang nakaupo ito sa may window seat. Mukhang may tiningnan ang bagong alaga.
“Hey,” malumanay niyang bati sa bata. “Lara, right?”
Napatingin sa kanya ang kulay blue-green nitong mga mata. Ang ganda-ganda ng mga ito at pati maalong pilik-mata na blonde din. Nakatingin ito sa kanya nang kuryuso. Hindi nagsalita.
“I’m Cyrille. Your nanny.”
Lumiko ang nguso ng bata nang marinig ang salitang “nanny.” Mukhang hindi nito gusto ang tunog niyon.
“Or… you can call me your friend,” mabilis niyang dagdag at nakangiti.
Pinakatitigan siya nang husto ng bata. Napatingin ito sa kanyang suot. Naalala niya tuloy ang mapanghagod na tingin ni DaVon sa kanya kanina. Mukhang nasa dugo ng mga ito ang humagod ng tingin nang ganito. Parang mini-memorya ang bawat detalye ng pagkatao niya mula buhok hanggang paa.
Napatitig ito sa kanyang T-shirt. May printa yaon ng “Crush Kita” at may mukha ng stick girl na may namumulang pisngi. Napangiti nang unti-unti ang bata. Itinuro nito ang cute na stick girl na drawing na printa ng kanyang T-shirt.
Napangiti rin siya. Alanganin siyang nag-translate sa ibig sabihin niyon. Bata pa kasi ang kausap niya. Pero mukhang gusto nitong malaman kung ano iyon. Baka hindi naman iyon bibigyan ng malisya kung ano iyon. Bata pa naman ito, eh. Ito ang T-shirt na bigay sa kanya ni Crystal nang mag-birthday siya last June.
“It means… ‘You’re My Crush’.”
“Who’s your crush? My Uncle DaVon?” deretsahang tanong nito sa mahinang boses pero puno ng kuryusidad.
Napamaang siya sa tanong na iyon. Hindi niya inasahan. Napabuka siya ng bibig para magsalita pero hindi siya agad makahuma. Narinig na lang niyang may napatawa nang marahan sa likuran niya. Paglingon niya ay walang iba kundi ang tiyuhin ng bata. Nakapagbihis na rin ito ng casual—jeans, T-shirt na kulay-asul, at tsinelas na pambahay. Kahit ganito ang suot ng amo ay kitang-kita pa rin ang pagiging mayaman nito at parang modelo kung maka-project but unconsciously. Natural lang nito iyon. Walang ka-effort-effort. Yup. At naiinis siya sa sarili dahil napapahanga na naman siya sa lalaki.
“Am I your crush, Cyrille?” tukso sa kanya ng lalaki. Mukhang ginawa pa siya nitong joke sa harap ng pamangkin.
“How do you know about crush, anyway?” pakli niya sa bata at hindi pinatulan ang tiyuhin nitong nanunukso ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi niya akalaing may ganitong side pala ito. Ang sungit-sungit pa naman nito kanina. Subalit naisip niyang baka ganito ang amo kapag si Lara ang kasama.
Kumibit ang bata. “I just know,” matipid na anito at napatinging muli sa labas ng bintana.
“Sweetie, if you’re not tired, do you want to go out?” tanong ng tiyuhin nito.
“Go out where?” tanong nitong napasulyap sa tiyuhin. She seemed anxious and not in the mood.
“Anywhere you want.” Lumuhod ang binata sa harap ng batang babae.
Napababa ng tingin ang pamangkin nito. Mukhang nag-iisip nang malalim pero bakas ang lungkot sa mga mata nito. Ang isang kamay nito ay naglilikot sa isang bahagi ng throw pillow na nasa tabi nito. Ang maliliit na daliri ay marahang hinimas-himas ang mukha ni Snoopy na siyang printa ng punda.
“How about the theme park?” suhestiyon ng tiyuhin nito.
“Okay,” mahinang sang-ayon nito.
“Let’s change your dress, okay? Cyrille will help you with it,” anang binata na sinulyapan ang dalagang nakangiting tumango.
Marahang tumayo si Lara mula sa window seat at nagtungo sa banyo. Bago ito masundan ng dalaga ay hinawakan siya ng lalaki sa braso.
“Don’t ask her anything about her parents. At least not yet. Do you understand?” mahinang habilin nito. Seryoso itong nakatitig sa mga mata niya.
Napalunok at tumango siya. “I know. Naiintindihan ko ang kalagayan niya.”
Hinagod nito ng tingin ang mukha niya. Hayun na naman siya. Ramdam niya ang paggapang ng init sa pisngi niya kaya mabilis siyang tumalikod para maghanap ng maisusuot ni Lara sa loob ng closet nito. Marami pala itong damit at sapatos doon. Medyo nahihirapan pa siya kung ano ang ipasusuot sa bata. Baka naman kasi ay ayaw isuot nito.
“They’re all new, in case you’re wondering,” pahayag ng lalaki.
Tumango na lang siya at kumuha ng isang kulay puting bestida na cotton at may printa ng bulaklak na maliliit. Mas maigi na ito para komportable para sa bata dahil sa mainit na panahon.
Paglingon niya ay wala na roon ang amo. Napabuga na lang siya ng hangin bago kumuha ng malinis na tuwalya at underwear ng bata. Tinulungan niya itong maligo sa bathtub. May mga kuwento siya tungkol sa kanyang kapatid na hindi pa nakaranas maligo sa bathtub kundi sa balde at tabo lang. Kahit paano ay kuryuso ito at nagtatanong. Ipinaliwanag naman niya kung ano ang mga iyon.
Pagkabihis ng bata ay siya naman ang nagbihis dahil sa nabasa niyang kasuotan. Jumper shorts at T-shirt na lang ang isinuot niya para mas komportable siya sa pamamasyal nila. Akala niya ay kasama nila si Manong Tikboy na driver ng amo pero ang lalaki ang nagmamaneho para sa kanila. Nasa front passenger seat siya at nakakandong si Lara sa kanya. Kapwa sila naka-strap-in sa seatbelt pero siniguro niyang komportable ang bata.
“You both look cute,” saad ng lalaki na napasulyap sa kanila habang nagmamaneho.
Napaiwas naman siya ng tingin mula rito. Ayaw niyang isipin iyon. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan kahit gusto niya.
‘Huwag kang umasa at magpaapekto, Cy. At lalong ‘wag na ‘wag ka ring lumandi. Jusme!’