Chapter 1

Mga alas-siyete iyon ng umaga nang dumating ang magarang kotse ni Darius Von “DaVon” Theisen sa kanyang mansion sa may Greenhills.

“Don’t get out of the car, Manong Tikboy. At, please lang. Huwag n’yo ring palalabasin si Lara paggising niya hangga’t hindi ako babalik,” habilin niya sa medyo may edad na driver bago umibis ng sasakyan.

“Opo, Sir DaVon,” tugon ng may edad na lalaki at sinulyapan ang natutulog na pitong taong gulang na pamangkin niya.

His mansion was in a Greek Revival style. It had huge pillars. May mga iba’t ibang kulay na bato na siyang nagpapaganda nitong lalo maliban sa mga nakaukit na mga disenyo sa haligi at dingding.

Isa siya sa mga kilalang bilyonaryo na nakatira sa Pilipinas imbes na sa sarili niyang bansa niya, sa Luxembourg. May-ari siya ng mga casino sa Europa, maliban sa ibang mga negosyo na kanyang hinahawakan.

“It’s more fun in the Philippines!” Iyon ang sabi niya sa kanyang pinsan nang tinanong siya nito minsan.

Mas pinili niyang manirahan sa Pilipinas dahil sa gusto niya ang kultura, aside from being half-Filipino and half-Luxembourger.

Now his blue-gray eyes surveyed his property, at the spacious well-manicured lawn. Pero napasimangot siya dahil hindi iyon malinis kundi may mga nagkalat na mga kotse, bote ng beer at wine, mga disposable na baso at ilang styrofoam, at pati tissue and whatnots. He was annoyed! Para siyang biglang na-highblood sa nakikita.

Napalingon siya sa bukas pa ring gate habang nasa labas ng guardhouse ang security guard na nag-aabang ng kanyang utos. Sa halip ay mabilis siyang humakbang papasok sa bulwagan ng kanyang mansion. His nose flared and his blood started to boil, his thoughts in a riot.

‘Ano na naman ‘tong pinaggagawa ng magaling kong pinsan?’ inis na naisip niya. Itinulak niya papasok ang malaking tarangkahan habang nakasunod sa kanya ang mayordomong bakla na si Julian na galing sa hardin. Mukhang ito pa lang ang gising sa buong kabahayan maliban sa guard.

“What the fuck is this, Gabriel?” His baritone voice boomed all over the place. Umigting ang kanyang panga sa nakita.

Nagkalat ang mga babaeng halos hubad sa paligid. May ilan pang hubad na talaga at nakatulog lang sa sahig. May mga kalalakihan ding katabi ang mga ito o kaya naman ay nakadapa sa kanyang mamahaling mga sofa at o kaya ay nakatulog nang nakaupo sa may window seats. Mga bangag siguro ang mga ito noong nakaraang gabi. Lalong sumimangot ang guwapong mukha ng binata sa lahat ng nakita niyang ito.

May mga kababaihang umungol nang marinig ang kanyang boses. Nagising dahil doon. Napasinghap ang mga ito nang makita siya at ngali-ngaling bumangon. Ang iba ay nagpupungay ang mga matang nakatitig sa kanya kahit wala pang hilamos ang mga ito. He was disgusted.

Hindi niya na pinansin ang mga ito. Sa halip ay hinahanap ng mga mata niya ang pinsang rebelde at palaging gulo ang hanap o kaya naman ay kasiyahan. But what could he do? Pinsan niya. Hindi niya naman puwedeng i-fire bilang pinsan. Kahit na ganito ito ay inaasahan niya ito sa kumpanya niya kapag wala siya sa Pilipinas. Magaling itong magtrabaho kaya lang may mga kabulastugan din ito sa katawan.

“Gabriel!” sigaw na naman niya. Umiinit na talaga ang ulo niya.

Nakita niya mula sa second floor na dumungaw ang kanyang morenong pinsan na gusot ang buhok, half-naked, and wore a smirk on his face.

“Pinsan! Akala ko kagabi ka pa darating kaya nagpa-party ako!” magiliw na bungad nito sa kanya.

His jaw muscles twitched. He watched his cousin come down the huge stairs with only his boxers on.

“Are you crazy? It isn’t a party but an orgy from what I see!” galit niyang pakli sa pinsan na kumumpas sa paligid. Napatingin pa siya sa kanyang mamahaling sala set. His face darkened even more. Nilapitan niya ang sala set. “And whose juice is that in my thousands of dollars loveseat? That’s disgusting! Kung babae lang ‘yan malamang buntis na ‘yang loveseat ko! Get that out of my sight! Parang gusto kong sapakin ang may-ari niyan!”

Napatawa naman ang kanyang pinsan sa sinabi niya. Iyon na naman talaga ang tabas ng dila niya. He was straightforward as ever.

“O-opo, Sir DaVon,” mahinang salo ni Julian.

“Hindi ikaw ang kausap ko Julian kundi itong magaling kong pinsan!” baling niya sa baklang mayordomo na may kaedaran na rin.

“Okay, I’ll take care of it, pinsan,” ngising tugon ni Gabriel na parang walang kaabog-abog.

Bumaling siya sa mga babaeng gising na. “And you! All of you! Get the hell out of my property!” sigaw niya sa mga ito. “Kung hindi, babarilin ko kayo isa-isa!” galit na dugtong niya.

Ginising naman ni Gabriel ang mga kalalakihan at kahit atubili ang mga ito ay nang makita si DaVon na hindi maipinta ang mukha ay ngali-ngali na ring nagsialisan ang mga ito.

Napahilot si DaVon ng kanyang noo. Buti na lang ay tulog pa si Lara at baka makita pa ang scenario na ito. Hindi maganda para sa bata.

“Nasaan ba ang ibang mga katulong, Julian?” tanong niya.

“Ah, pinsan. Sinabi kong mag-day off sila ngayon,” sansala nito.

“You what?” sigaw na naman niya. “At may gana ka pang sabihan ang mga ‘yon gayong nagpa-party ka? What were you thinking? Si Julian at ako ang maglilinis ng buong kabahayan at lawn? Have you forgotten that I’m bringing my niece here?” Kinuwelyuhan niya ang pinsan. Tinutukoy niya rito si Lara na anak ng pinsan sa paternal side. Ito namang si Gabriel ay sa maternal side niya pinsan.

Napakamot ito ng batok at saka nagtaas ng kamay, aktong sumusuko sa kanya. “Sorry, pinsan. Nawala sa isipan ko.”

Marahas siyang bumuga ng hangin sabay tulak sa pinsan. Muntik na itong bumagsak nang paupo sa sahig kung hindi nakakapit sa likod ng isang sofa.

“And what about that nanny I asked you to hire?”

“Ah, hindi ko nakalimutan ‘yon, pinsan. Mamaya ay darating na ‘yon. Sinabi ko sa agency niya na maaga siyang papasok ngayon dito mismo.”

‘Baliw talaga ‘to! Paano niya naalala ‘yong yaya at hindi ang pamangkin ko?’

“Clean all this mess habang tulog pa si Lara. Right now! I mean it!” aniya sa pinsan na halos duruin ito.

Gusto na niyang mag-shower para maibsan ang stress dahil sa naratnan.

“Hi! Good morning!” Isang magandang boses ng babae ang nagsalita.

Napa-second look siya sa babaeng naka-cocktail dress, nakapusod ang mahabang buhok sa tuktok ng ulo nito, at may kaunting make-up. She looked… very pretty and fresh.

Napabaling siya sa kanyang pinsan. “Didn’t I tell your women to get the hell out of my property?” inis na aniya.

Mabilis na lumapit sa kanila ang babaeng hindi masyadong katangkaran kahit sa suot nitong high heels. Maputi, makinis, maganda ang kurba ng katawan, at mukhang matapang. He took note of that last quality. Ang nakapagtataka ay may dala itong parang overnight bag. Hinarap siya nito nang taas ang baba.

Kapwa sila nakatingin na magpinsan sa babae, pati na si Julian. Umarko ang kilay ng babae at naging linya ang mga labi nitong mapupula—hindi dahil sa lipstick kundi natural nitong kulay, obviously.

“Excuse me? Hindi ako babae ng lalaking… ‘to!” Sumimangot itong pinasadahan ng tingin ang naka-boxers lang na pinsan. Hindi naman nahiya ang isa kahit ganoon ang ayos nito. Katulad niya ay may six-pack abs din naman kasi na gusto nitong ibalandra sa tuwing may pagkakataon.

“So, who are you?” nakabusangot pa ring sita niya sa babae.

“I want to talk to Mr… um… Theisen? Ikaw yata ang amo ko,” anitong sabay abot sa kanya ng papeles.

Lalo siyang nagtataka. “Amo mo ‘ko? I don’t remember hiring you, Miss,” malamig niyang sabi. Pinasadahan na naman niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nito. Dapat natandaan niya kung empleyado niya ito. Sa seksi at ganda ba naman nito? He won’t definitely forget such a face! And well, body.

Iwinasiwas nitong muli ang papeles sa harap niya kaya tinanggap niya yaon dahil napagala ang mga mata niya sa kabuuan nito. Kahit na nakita niyang medyo naapektuhan ito sa pagtingin niya rito ay taas-noo pa itong nakipagtitigan sa kanya.

‘This little thing is cute… and spunky!’ he thought.

He was amused seeing her blush. He loved those chocolate-colored eyes as they flashed sharply at him. Was it a warning look? The corner of his lips lifted into a smirk. Nobody gave him that kind of look before. She sure is an interesting little thing!

Nakita niya ang tatak ng suking manpower agency sa uluhan ng papel at nandoon ang certificate nito at pati na ang ibang impormasyon tungkol sa dalaga. Napabuga siya ng hangin at napatinging muli sa pinsan nang nakakunot ang noo.

“Is this the nanny you hired?” aniya sa pinsan.

“Hindi ko alam, pinsan. Sinabi ko lang sa management ng agency na gusto ko ng marunong mag-Ingles, maganda, magaling magdala ng damit, sexy, bata, at—”

“Gago ka talaga!” Binatukan ng trenta y dos anyos na mestisong binata ang pinsang si Gabriel. “Nagpahanap ako sa ‘yo ng nanny at hindi girlfriend! Gago!”

Nang sulyapan niya ang babae ay napalunok ito. Mukhang nasa early twenties pa ito. Roughly twenty-two or twenty-one. Tiningnan niya ang impormasyon nito sa papeles at sinabi roong nasa twenty-three na pala ito. Nakatuntong ng college pero hindi naka-graduate.

“How long have you been a nanny?” tanong niya sa dalaga.

“A-a year.” Bahagya itong napaiwas ng paningin pagkasalita.

Napaisip tuloy siya. Ayos na ba sa kanya ang experience nito? Lara has gone through a lot. Namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente at ito lang ang natira at nabuhay pagkatapos niyon. Dahil wala naman ng ibang kapamilya ang bata kundi siya lang ay kung kaya napunta sa kanya ang guardianship nito. Iyon din ay ayon sa Last Will and Testament ng kanyang pinsan na ama ng bata. Hindi siya makapaniwalang nagpagawa na pala ang pinsan niya ng ganoong dokumento kahit na magkasing-edad lang sila. He was not prepared for this responsibility kaya naman ay inasahan niya sanang mas may edad na nanny ang magbabantay sa bata.

‘Damn my cousin!’ Naisip na lang niya na parang gustong kastiguhin ito.

“I-I can undergo a trial period if you want,” sabi ng babae nang hindi pa rin siya nagsalita at nakatitig lang dito. “I can do anything.” Napatingin ito sa paligid na mukhang nagtataka kung bakit parang ang kalat-kalat, eh ang ganda-ganda sana ng mansion niya. “I can clean the house. I can cook. I can…”

Napalunok siya. “I don’t need another maid. I have lots of them—just that somebody decided to give them a day off on this most important day!” he sarcastically said to his cousin. “I want a good and experienced nanny for Lara,” dugtong niyang binalingang muli ang magandang babae.

Napakurap-kurap ito ng mga mata. “May experience nga po ako bilang nanny. Nakita n’yo naman diyan ang past experience at recommendation ng agency ko.” Hirangan siya nito nang tatalikod na sana siya pagkadikit ng papeles sa dibdib ni Gabriel.

Ilang pulgada lang ang kanilang layo sa isa’t isa at nalalanghap niya ang kaaya-aya nitong amoy. She smelled of jasmine and roses. Hindi masakit sa ilong, hindi katulad ng mga mamahaling perfume na nalalanghap niya sa mga nakahalubilong mga babae sa kanyang elite circle.

“Just a month trial period. If you don’t like the way I take care of… your Lara, then… you can fire me,” pakiusap nito.

Their eyes held for a long time. Parang staring contest lang.

***

Parang nabunutan ng tinik si Cyrille Barrios. Natapos na rin ang kanyang kontrata sa pamilya Ledesma. Ingat na ingat siya roon sa malaking bahay ng mga ito dahil sa bastos at babaerong ama ng kanyang alagang bata. Ilang beses na siyang binosohan nito kapag nasa labas at naglalaro kasama ang alaga. Siyempre nababasa siya dahil naglalaro sa swimming pool ang anak nito at dumidikit ang kanyang T-shirt sa kanyang katawan. Minsan naman ay muntik na siya nitong mahalikan nang lumabas siya ng kuwarto ng alaga isang gabi para kumuha ng gatas. Ipinagtitimpla niya ang bata bago matulog. Buti na lang dumating ang isang kasambahay at nakatakas siya.

It was a hell of a year. It was like a disgusting game of cat and mouse. Nagreklamo siya sa agency pero dahil nakapirma siya ng kontrata ay hindi siya puwedeng umalis. Malaki ang babayaran nila para i-terminate ang kontrata na iyon.

Nagtiis siya. Inisip niyang para rin iyon sa mga kapatid niyang nag-aaral pa. Natutulog nga siyang may kutsilyo sa ilalim ng unan niya dahil kapag nagtangka talaga ang amo niya ay may pang-depensa siya sa sarili.

Kasalanan ba ang maging maganda at isang yaya? Hindi naman niya hiningi na ganito ang magiging buhay niya. Kaya lang ay wala siyang ibang trabahong nakuha sa agency kundi iyon. Buti pa nga ay naipasok siya noon kahit na wala siya sa age range na hinanap ng pamilya Ledesma. Nagbago kasi ang isip ng biyudo nang makita siya at kaya tinanggap siya. Iyon pala ay may plano ito. Buti na lang ay palagi siyang nakakatakas. Gusto pa raw ipa-extend ang kontrata niya dahil sa gusto siya ng bata kaya lang ay nagmakaawa siya sa management na kahit hindi yaya o maid na trabaho basta’t hindi na siya babalik sa bahay na iyon.

Over her dead gorgeous body!

Kaya nga naman bago pa natapos ang kontrata niya at nang may nangangailangan ng yaya na isang bilyonaryo ay nakiusap siyang siya na ang ipasok doon. Ayon sa requirements nito ay pasok naman siya.

Matalino siya kaya lang hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral dahil pinagpaaral niya ang dalawang kapatid niya ngayon na nasa high school at college. Ulila na kasi silang lubos kaya siya ang tumatayong breadwinner.

Saka na siya magtatapos ng pag-aaral kapag tapos na ang isa sa kanilang magkapatid para salitan naman. Magtatapos na ngayong taon si Corey, ang kapatid niyang lalaki, sa accountancy. Maghahanap ito ng trabaho habang magre-review bago kukuha ng board exam para maging CPA. Si Crystal na bunso nila ay nasa fourth year high school na rin.

Alam niyang kaunting tiis na lang at makapagtapos din siya ng nursing. Pangarap niya kasing maging doktor balang araw. Alam niyang mataas na pangarap niyang iyon, considering their financial constrictions, pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa at may awa naman ang Diyos.

Habang nagtatrabaho ay nagbabasa na siya ng mga medical books na kaya niyang bilhin o kaya ay nagbabasa siya online kapag tulog ang alaga niya kaya may mga natutunan din siya kahit paano.

“Bakit ito ang isusuot ko? Pulang cocktail dress?” aniya sa taga-management na si Trina. May maikling buhok hanggang balikat, bilugan ang mukha, morena, at matangkad.

“Nakita mo naman na ang requirements, ‘di ba? Ikaw ang nagmamakaawa sa ‘king ikaw na ang ipasok doon. So, for first impression, ito na ‘yon.”

“Hindi bar o cabaret ang pupuntahan ko, right? Hindi rin siguro sex slavery ‘yon doon.”

Napatawa ang may average looks na si Trina sa kanya. She was in her mid-thirties at matagal na itong nagtatrabaho sa manpower agency.

“I assure you, hindi. Suki na ng bilyonaryong ‘yon ang agency natin. So, we always give him what he wants. So far, wala kaming natatanggap na reklamo dahil mabuti siyang amo. Besides, who knows? Baka matitipuhan ka noon ay solved na ang problema mo.”

Napamaang siya pero naiiling pagkatapos. “Hindi po love life ang hanap ko kundi hanap-buhay. At saka, kung bilyonaryo ‘yan, malamang maraming babae iyan kahit na matanda na. Ayoko ngang magkaroon ng sugar daddy. Jusko!”

“Naku! Hindi pa matanda ang amo mo. Nakita ko na ‘yon ilang beses na. Maglalaway ka, promise!” Napahagikhik pa ito.

At heto siya ngayon. Pagkakita niya sa mansion ng magiging bagong amo niya ay napahanga siya. Napakalaki nito at ang ganda ng disenyo. Kulay-ginto ang pintura nito na siyang tila nagmamayabang na napakayaman ng may-ari. Pero napakayaman nga naman nito.

At ngayong nasa harap na nga niya si Mr. Theisen at nakikipagtitigan siya rito ay napagtanto niyang ‘di nga nagsinungaling sa kanya si Trina. Unang kita pa lang niya ay naisip na nga naman niyang super duper yummy nga ito.

His blue-gray eyes raked her face and settled on her lips. She felt something tingling all over her body like she was touched by him physically. It was crazy. It must just be her imagination, of course. He did not touch her for Pete’s sakes. Her senses were very much aware of this gorgeous person. Ito na nga yata ang pinakamagandang anak ni Adan na nakita niya sa balat ng lupa.

Her throat suddenly went dry and she was speechless.