Chapter5: Bonding Interrupt
Elora Amore Point of View
" Ma, hindi mo na kami kailangang ihatid mo. Dumiritso ka na lang sa grocery para hindi ka na ma-late, " kanina pa kami nagtatalo ni mama. Gusto niya muna kami ihatid ni Klofie pauwi bago pumunta sa pinagtatrabahuan. Pero against kami ni Klofie. Hassle na kasi babalik pa siya rito.
" Pero kasi--"
" Ma, kaya naman namin ni Klofie na. Hindi na muna kailangang mag-alala pa. Kaya sige na pumunta ka na ro'n, " pagmamakaawa ko sa kaniya. Mas mapapalaki rin kasi ang gastos.
" Tama po si Elora, Ninang. Matanda na kami kaya na namin, " bumuntong hininga si mama. Walang nagawa kung hindi tumango at pumayag.
" Mag-iingat kayo. " pinasakay niya muna kami bago siya umalis.
" Sayang 'no? Hindi tayo natuloy, " may panghihinayang na usal ni Klofie habang nasa tricycle.
" Ayos lang 'yan, Klofie. May susunod pa naman. Tapos sa susunod, isasama natin sina Ninang Adel, " pertaining her mother. With that idea ay natuwa naman ako. The more the merrier. Napangisi naman si Klofie sa idea.
" Oo nga 'no. Mas masaya pa kung kasama sina mama. " tumango lang ako at hindi na kami nagsalita pa.
"Uuwi ka na agad? Ayaw mo munang tumambay sa bahay? " nasa tapat na ako ng bahay at akma ng papasok.
" Huwag na. Magkakasama rin naman tayo bukas sa eskwela. Dito na muna ako sa bahay at maglinis, " napasimangot naman siya. Gusto-gusto niya talagang tumatambay ako sa kanila.
" Sige na nga. Kung magbago man ang isip mo, punta ka lang sa bahay. " tumango na at kumaway sa kaniya.
Pagpasok ko sa bahay, kahit wala namang masiyadong kalat ay naglinis pa rin ako. Tinupi na ang mga natuyong sinampay. Bago ako nagluto ng hapunan ay nag-aral muna saglit.
Habang tinitikman ang niluluto na adobong talong ay may narinig akong katok mula sa labas. Binawasan ko ang kahoy para humina ang apoy at pinagbuksan ng pinto ang kung sino man na kumatok. Tiyak akong hindi ito si mama.
" Good evening po. Sino po sila? " isang babae na sa tingin ko ay mas matanda lang ng kaunti ni mama. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda ang pananamit nito at mukhang may pagkakamahalin. Hindi ko rin siya namukhaan dahil hindi ko siya kilala.
" Good evening. Dito ba nakatira si Serene Villacorta? " tumango naman ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
" Opo. Kaso wala pa siya rito at nasa trabaho pa po. Pero maya-maya uuwi na rin si mama. Tuloy po muna kayo, " hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Lumukot ang mukha niya, salubong ang kilay, at bahagyang nakaawang ang labi.
" Ayos lang ba nahintayin ko siya sa loob? " bumalik din ang dati niyang expression. Tumango ako at pinapasok siya. Pinaupo sa upuan naming kahoy.
" Ano pong gusto niyong inumin? Juice, tubig, o kape? " ngumiti lang siya.
" Ayos na ko sa juice, " nagpaalam naman ako. Binalikan saglit at niluto at muling tinikman. Pinatay na ang apoy ng masiguradong luto na talaga. Naghanap ako sa Tupperware at buti na lang may natitira pa kaming juice. Nag-iisang juice. Nagtimpla na at nagsalin sa baso. Ihahatid na sana ngunit may nakita akong tinapay.
" Meron pa pala nito. " kumuha ako ng palaman at nilagyan ito.
" Meryenda po muna kayo. " umupo ako sa katabing upuan. Tinitingnan kung anong magiging reaction niya. Para kasing hindi siya sanay na ganiyan lang ang meryenda. Pero maayos naman ang pagkain niya.
" By the way, nabanggit mo kanina na mama mo siya, hindi ba? " tumango naman ako. " Ilang taon ka na ba? "
" 13 po. 2nd year high school, " hindi ko alam pero pakiramdam ko ayaw niyang maniwala.
" Gaano na kayo katagal dito sa Isabela? "
tumitingin siya sa paligid. Hindi ko alam kung anong reaksyon sa bahay. Maliit lang naman kasi ang bahay kumpara yata sa tinitirhan niya.
" Kung hindi niyo po mamasamain, sino po ba kayo? Bakit niyo po kilala si mama? " kanina pa talaga 'yan gumugulo sa isipan ko. Hindi ko naman siya kilala.
" Kap-kakilala ako ng mama mo. Colleague ko siya, " simpleng sagot niya lang. Pero hindi niya pa rin binabanggit ang pangalan niya. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Halos kalahating oras din siya naghintay bago dumating si mama. " Ma. " sinalubong ko siya at kinuha ang bitbit nitong grocery.
" Akala ko tumambay ka kina Klofie. " hinalikan niya ko sa noo at sinara niya ang pinto.
" May ginawa kasi ako kanina kaya hindi na muna ako pumunta ro'n. By the way nga pala ma, may naghahanap sa'yo. " bumaling ang tingin sa babaeng nakaupo niya ngayon.
Nakita ko sa mukha ni mama na nagulat siya ng makita ang bisita. " Ayos ka lang ba, ma? " bigla kasi siyang namutla at pinagpawisan.
" B-Brielle, " utal na banggit ni mama sa kaniya. Tumayo ang babaeng nagngangalang Brielle at malawak na ngumiti kay mama.
" Hi, Serene. Its been a years. " lumapit siya kay mama at nakipag-beso. Si mama naman ay wala sa sarili. Bahagya pa siyang napaatras.
" What are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako? " there's something weird. Hinawakan ni mama ang kamay ko at naglakad kami banda sa may kusina.
" Kung wala kang matinong kailangan sa'kin, you are free to leave, " seryoso niyang pagtataboy sa bisita. Nakaturo pa sa pinto.
" Come down. I'm here because I have important to tell you, " napansin ko ang paghinahon ni mama.
" Pumasok ka muna sa kwarto, Amore. Kakausapin ko lang ang bisita namin, " mahinang tumango ako. Napansin ko naman ang pagsimangot ng bisita namin.
" Ano ba naman 'yan Serene. Huwag mong paalis 'yang anak mo. Hayaan mo siyang nandito lang habang nag-uusap tayo, " masamang tiningnan siya ni mama pero tumawa lang siya. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para tumingin siya sa akin.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti. " Papasok na po muna ako sa kwarto, " tumango si mama. Nakayukong naglakad ako sa kwarto. Malapit na sana ngunit agad na humarang ang babae. Malapit lang sa pwesto niya ang pinto ng kwarto namin kaya mabilis niya lang naharangan.
Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at pinaikot. " Dito ka muna at makinig sa pag-uusapan namin ng mama mo, " bahagya niya pa akong tinulak para maglakad.
" Pero po--"
" Walang pero, pero " napabuntong hininga na lang si mama sa kakulitan ni Ms. Brielle. Magkatabi kami ni mama habang katapad lang namin siya.
" Ang tagal ka naming hinanap pero masiyado kang magaling magtago, " may halong pagtatampo na usal nito. Napa-ikot naman ang mata ni mama.
" Buti na lang matiyaga ako kaya nahanap din kita, " masayang dagdag niya. Pumalakpak pa.
" Ano ba talagang sadya mo rito, Brielle? " prangkang tanong ni mama sa babae dahilan para maglaho ang ngiti nito.
" Wala lang. Gusto lang naman kitang dalawin. Ilang taon na ang lumipas simula ng huli tayong nagkita. Miss na miss na kita..... ate Serene. Oppss. " napahawak pa siya sa bibig na parang may nasabing mali.
Pero teka, ate Serene? Kapatid na siya ni mama o gumagalang lang dahil mas matanda si mama sa kaniya?
" Sa nakikita mo ay ayos lang ako. P'wede ka ng umalis at baka may lakad ka pa, " may halong pagtataboy ni mama sa kaniya. Maarteng hinawakan ni Ms. Brielle ang dibdin niya na para bang nasaktan siya sa ginawa ni mama.
" Ay oo nga pala. Buti na lang pinaalala mo, ate Serene. For now, aalis na ako. Dadalaw ako rito sa susunod. Bye! " tumayo na siya at maarteng kumaway.
Ako na ang tumayo at hinatid siya sa labas. " Mag-iingat ka pamangkin ko. " pinisil ang dalawa kong pisngi bago sumakay sa sasakyan niya na nakaparada sa tapat.
Ngayon ko lang napansin. Bumalik ako sa loob. " Kain na po tayo, ma. " Tumango siya. Ako na ang naghain at pinaupo na muna si mama.
" Ayos ka lang ba mama? " pansin ko na parang nanghihina siya pagkatapos umalis no'ng babae.
" Kanina pa ba siya rito? " matamlay ang mga mata na tanong niya.
" Mga kalahating oras po bago kayo dumating. " masaganang sinubo ko ang ulam at kanin. Halos patapos na ako pero si mama ay hindi pa nangangalahati sa pagkain niya.
" Anong sinabi niya sa'yo habang wala ako. " binaba ko ang kubyertos at uminom ng tubig.
" Wala naman. Tinanong ko lang siya kung sino siya. Sagot niya, colleague ka niya, " para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan at umayos na ang pagkain.
" Pero kung colleague kayo no'ng bisita natin, ma, bakit ate tawag niya sa'yo? " katatapos ko lang kumain. Hindi ko mapigilan na itanong 'yon. Curious talaga ako.
Natigil naman sa akmang pagsubo si mama at muntik ng mabitawan ang kutsara. " Huh? " parang hindi na proseso sa isip niya ang tanong ko.
" Bakit ka po niya tinatawag na ate kung mag-college lang naman kayo no'ng college? " binaba ni mama ang kutsara at mabilis na uminom ng kahoy.
" H-hindi ko alam. Trip niya lang 'yon. Huwag mo na lang pansinin. " iwas ang paningin sa'kin bago bumalik sa pagkain. Tipid na ngumiti lang ako at tumango.
Alam kong may mali. Pero ayoko ring pilitin ng pilitin si mama.
" Ma, una na ko sa kwarto. " tumango lang siya. Bago ako tuluyang umalis sa kusina ay muli ko siyang nilingon. Para siyang wala sa sariling kumakain.
Alam kong masama, alam kong hindi pa lubusan na kilala si Ms. Brielle. Pero sana, huwag na siyang bumisita rito ulit kung magiging ganiyan lang din si mama. Kung magiging matamlay lang din naman at malalim ang inisip.