Chapter6: Suwerte
Elora Amore Point of View
Ilang weeks na ang nakalipas, lagi ko rin napapansin ang babae na si Ms. Brielle sa tapat ng bahay namin.
Kapag nakikita niya ako, nginingitiin lang tapos aalis na. Gano'n ang naging routine niya. Tuwing si mama naman ang nakakakita sa kaniya, bibigyan lang ng sandaling tingin pagkatapos ay hindi na papansinin.
Katulad ngayon, kalalabas lang namin ng bahay. Papasok ako sa school habang si mama sa trabaho. Masiyado pang maaga pero na sa tapat na ng bahay si Ms. Brielle.
Lumawak ang ngiti niya ng makita kami. I look at mama ngunit parang walang Ms. Brielle sa tapat. Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.
"May pera pa po ako mama," tanggi ko ng bibigyan niya ako ng pera. Araw-araw niya akong binibigyan ng pera. Hindi ko naman masiyadong nagagastos kaya malaki-laki pa ang naiwan sa akin.
"Ipunin mo na lang 'yan. Itong ibibigay ko sa'yo ay baon mo. Kaya tanggapin mo na." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang pera.
Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ito. Iipunin ko na lang ito. "Hindi mo po ba siya kakausapin?" Tukoy ko kay Ms. Brielle na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. Ewan ko ba sa tricycle ngayon at ang tagal dumaan dito sa tapat namin.
She give a short glance to Ms. Brielle then shrug. "Hindi ba sasabay si Klofie sa'yo?" Pag-iiba niya sa usapan. Tipid na ngumiti ako at umiling.
"Pag-uwi na raw," hanggang dumating ang tricycle at sumakay kami, nanatiling nakatayo pa rin si Ms. Brielle do'n. Pinanood ang pag-alis namin.
"Huwag mo na siyang intindihan pa," tumingin ako sa kaniya at tumango.
"Baka matagalan ako sa pag-uwi mamaya. Matulog ka ng maaga at huwag mo na akong hintayin." Hinatid niya muna ako sa school. Inabot niya ang bag ko.
"Saan ka po mamaya, mama?" Madalas siyang umuwi agad tuwing tapos na ang trabaho niya. Kung may lakad man, hindi masiyadong nagtatagal at sabay kaming natutulog.
"Nag-aya lang ang kasamahan ko sa trabaho. Mahirap na tanggihan ulit. Ang kulit kasi," pabirong umismid pa siya nang maalala ang kasamahan na tinutukoy niya.
"Okay po. Mauna na ako mama." Kumaway ako sa kaniya. Pumasok na ako sa loob. Hindi kami magkasabay ni Klofie dahil maaga siyang umalis at dinaanan ang ka-grupo niya sa activity nila.
"Mag-isa ka yata ngayon. Where's Klofie? 'Yong kaibigan mong impakta," biglang nasira ang araw ko sa tunay na impaktang sumalubong. Hindi pa ako nakakapasok sa room, nakaharang na agad si Laila sa akin.
I tried to ignore her but, "hey, I'm still talking to you?" Here we go again. Ang hilig niya talagang magsimula ng gulo.
"Bakit mo ba hinahanap si Klofie?" I don't want to be mean. Hindi 'yon ang turo sa'kin. Pero itong si Laila, nakakawala ng pasensiya.
"Sa pagkakaalala ko, wala siyang utang sa'yo o ano. So, anong kailangan mo sa kaniya?" Hindi siya nakapagsalita sa binato kong salita sa kaniya.
Matamis na ngumiti ako sa kaniya at nilampasan sila. Kinuha ang libro at nagbasa na lang. Hindi na inabala ang pagrereklamo niya sa tabi.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" Nakabusangot na mukha ni Klofie ang sumalubong sa'kin pagkalabas niya ng room nila. Nauna ang dismissal namin kaya hinintay ko siya.
"Nagpuyat pa kami para sa activity namin tapos bukas pa pala ipa-pass," lukot ang mukha na kinawit niya ang kamay sa braso ko.
"Ano ka ba, maganda nga 'yon. At least ngayon, wala ka ng gagawin pa. Edi, free ka," pampalubag kalooban. Totoo naman. Nagpuyat man sila kahapon pero ngayon ay free na sila.
"Pero kasi," hindi na tinuloy pa ang sasabihin niya ng ma-realize ang punto ko. "Tama ka rin naman," napatawa ako sa sagot niya.
"Nga pala, hinanap ka ni Laila kanina. Ewan ko ba kung bakit," napa-ismid siya ng marinig ang pangalan ni Laila.
"Anong kailangan ng impakta sa akin," napatawa ako ng maalala ang tawag ni Laila sa kaniya. Bumitaw siya at naunang naglakad. Nakapa-maywang na huminto sa harap ko.
"Ano pang sinabi niya? Kilala ko ang impakta na 'yon. Isa pa, hindi ka tatawa kung wala siyang ibang sinabi," kilalang-kilala niya na talaga. Kung waring nag-iisip ako. Pabirong hinampas niya naman ako bago muling nilagay ang kamay sa braso ko.
"Impakta rin ang tawag niya sa'yo," mabilis naman siyang nagreklamo sa narinig. Mas lalo akong napatawa sa kaniya.
"Huh! Ang kapal niya namang tawagin akong impakta. Siya kaya ang impakta sa aming dalawa. Ang kapal niya talaga," salubong ang kilay niya at nanggigil ang boses niya.
Kapag si Laila na talaga ang usapan, ang bilis niyang manggigil. Ewan ko ba kung bakit. "Hayaan mo na 'yon. Wala lang 'yong magawa," pero may binulong siya na hindi ko na narinig pa kung ano.
"Nandiyan na naman siya," tukoy niya kay Ms. Brielle. Mula rito ay makikita na ang figure niya.
"Lagi naman siyang nandiyan. Para ngang hindi siya umaalis diyan," nagpatuloy kami sa paglalakad. Kumaway na ako sa kaniya at akmang papasok na sana sa loob.
"Bakit po ba kayo laging nandito?" Agarang tanong ko sa kaniya nang makalapit. Curious na curious na talaga ako. Hindi ako sanay sa presensiya niya at minsan ay naiilang ako.
"Naiilang ka na ba sa presensiya ko?" Ako lang ba o lumungkot talaga ang boses niya. Nakaramdam naman ako ng kirot sa boses niya nang makita ang malungkot niyang mukha.
"Opo," totoong sagot ko. "Kung may kailangan po kayo, bakit hindi niyo na lang po direktang sabihin," ngumiti siya ng tipid. Nakahawak ako sa dalawang strap ng bag ko.
"Don't worry. This will be the last time na makikita mo ako. Uuwi na rin kasi ako at may mahalaga pa akong gagawin pagbalik," nakahinga ako ng malalim sa narinig. At least my mother mood will be back again without her presence.
"Take care po," nagpaalam na ako at pumasok sa loob. Just like the usual routine. Nagluto na ako ng pang-hapunan.
Ipagtatabi ko na lang si mama ng pagkain. In case na magutom siya pag-uwi.
"Hindi ko alam Agatha. Wala na rin akong mapagtatanungan pa dahil mamaya lang babalik na sa Manila si Brielle," patulog na sana ako pabalik ng marinig ang boses ni mama na papasok sa kuwarto.
Nagising ako dahil naiihi. Pasado alas dose na ng umuwi siya. "Hindi mo naman ako masisisi Agatha. Nagulat ako sa presensiya ni Brielle. Natakot na rin sa puwedeng niyang gawin. Hindi pa ako handa, Agatha. Hindi pa," ayaw ko sanang makinig sa usapan nila pero nac-curious ako sa usapan nila.
"One day. One day, magiging handa rin ako. At ako na mismo ang kusang babalik sa kanila. Paninindigan ko na ang magiging desisyon ko," mabilis akong napapikit ng bumaling ang tingin ni mama sa akin.
"I gonna hang up this call. Baka magising pa si Amore," narinig ko na lang pagsara ng pinto. Bumuntong hininga bago natulog ulit.
Wala na si mama sa tabi ko pagkagising ko. Humihikab na bumangon ako. Kinuha ang uniform at lumabas.
"Good morning ma," bati sa kaniyang pagpasok sa kusina. Binati niya rin ako pabalik at bumalik ang atensiyon sa niluluto niya. Tumuloy na sa banyo at naligo.
"Anong oras po kayo nakauwi kagabi?" Nakaupo na habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya na ako hinayaan pa na tumulong sa kaniya.
"Hating-gabi na rin. Matagal nila akong pinaalis. Sinulit nila ang pagsama ko," napatawa pa siya habang naghahain. Napatawa naman ako.
I'm right. Bumalik ang mood niya pagkaalis ni Ms. Brielle. I don't know kung bakit ang lakas ng epekto ni Ms. Brielle sa kaniya. For unknown reason, pumasok sa isip ko na baka kamag-anak niya si Ms. Brielle kaya gano'n. Pero bakit? Lumayas ba si mama?
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo." Napalingon ako kay mama nang tapikin niya ko. Hindi ko man lang namalayan na may pagkain na pala ako sa harap.
"May iniisip lang po." Tumango na lang siya at umupo na. Masaya lang kaming nagk-kuwentuhan.
"Hindi na kita mahahatid ngayon at matatagalan ako." Tinulungan ko siyang magligpit. Tumango ako at nginitian siya.
"Ayos lang po ba na ma-late ka pagpasok mama?" Balita ko kasi na may pagka-strict ang may-ari ng grocery store. Unang pinaka-ayaw niya ang late.
"Oo naman. Nagpaalam naman ako sa kaniya kahapon," nakangiting sagot niya ngunit hindi umabot sa mata niya. Parang taliwas ang sinasabi niya. Binura ko na lang 'yon sa isipan.
Kinuha ang bag at nagpaalam. "Mauna na po ako, ma." Binigyan niya ulit ako ng pera. Kahit ayokong tanggapin ay tinanggap ko pa rin. Ipipilit niya rin naman sa'kin 'yon.
"Mag-iingat ka sa daan. Magsabay kayo ni Klofie." Niyakap at hinalikan niya ko.
Maya-maya rin ay dumating na si Klofie. "Good morning, Ninang, Elora," energetic na bati sa amin. Mama did the same thing. "Mag-iingat kayo," siya na ang nagpara ng tricycle. Kumaway ulit kami bago siya pumasok.
"Ang sweet talaga ni Ninang. Sana ganiyan din si mama," napatawa naman ako sa sinabi niya. Para siyang bata. Gusto niya rin na nasa kaniya lang ang atensiyon ni Ninang Adel. Which is impossible to happen dahil may kapatid siya.
"Ano ka ba. Sweet din naman si Ninang sa'yo," totoo 'yon. Pero ang definition niya kasi sa sweet ay laging nabibigyan ng atensiyon.
"Pero iba pa rin sa'yo. Katulad kanina, hinatid ka pa talaga ni Ninang. Siya na mismo ang nagpara ng tricycle para sa'yo. Pero si mama, kahit man lang sa pinto hindi ako mahatid," busangot na busangot ang mukha niya habang nagsasalita. May my gesture pang ginagawa. Masiyado talagang dinibdib.
"Magkaiba naman kasi tayo Klofie," nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko at ayaw tanggapin na magkaiba talaga kami.
"Same lang tayo. Pareho tayong anak. Pero bakit iba ang trato ni Ninang sa'yo at sa trato ni mama sa akin? Anak niya rin naman ako," mahinang hinampas ko siya sa braso. Nakasimangot na hinimas niya ang braso at mas lalong lumungkot ang mukha.
"Hindi nga. Paano tayo magkatulad kung nag-iisang anak ako habang ikaw ay may mga kapatid?" Tila napaisip siya sa sinabi ko at wala sa huwisyong napatango.
"Mahihirapan na si Ninang na ihatid ka hanggang sa labas ng pinto dahil inaasikaso niya pa ang mga kapatid mo." Nagbayad na kami at bumaba.
"Pero dati naman di'ba no'ng wala ka pang kapatid, lagi ka naman nilang hinahatid. Sinusundo pa nga kung minsan. Kaya huwag ka ng magselos pa. Mag-iiba talaga ang trato ni Ninang sa'yo dahil may kapatid ka na. Pero mahal na mahal ka naman niya." Niyakap niya ako sa bigla. Muntik pang matumba dahil hindi inaasahan ang kilos niya.
"Oo nga 'no. Ngayon ko lang naisip 'yon. At dahil diyan libre kita ng snacks mamaya," natuwa naman ako sa narinig sa kaniya. Libre na 'yon. Makakatipid naman ako.
"Promise 'yan?" Mabilis na tumango siya. "Okay ka na ba? Naliwanagan ka na ba?"
Napangiti naman ako sa sagot. At least na-realize na niya. Habang sumasagot siya ay malawak ang naging ngiti niya.
"Oo naman. Salamat sa'yo. Muntik ko ng makalimutan na may kapatid nga pala ako. Mas masuwerte pa nga ako sa'yo kasi may kapatid ako. May makakasama ako tuwing wala si mama."