Chapter 4: New Job

Elora Amore Point of View

" Kumusta ang lakad mo, ma? Natanggap ka po ba? " sinundo niya ako kanina kila Klofie ng hindi niya ako naabutan sa bahay.

" Si mama pa ba? " sabay na tumawa kami sa sagot niya. Ibig sabihin lang no'n tanggap siya.

" Naks naman. Edi, hindi ka na papasok do'n mamaya? " mas lumawak ang ngiti ko sa naging tugon niya.

" Nagpaalam na nga ako kanina bago umuwi. Masyado mo sigurong ginalingan sa pagdadasal kaya natanggap ako. " tumatawang aniya. Napanguso naman ako at umiling sa kaniya.

" Mali ka mama. Natanggap ka kasi masiyado mong ginalingan. " ginulo niya na lang ang buhok ko.

" Gusto mong mamasyal tayo bukas? " aya niya sa'kin. Kunwaring pinag-isipan ko naman. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa.

" Saan po? " excited na tanong ko. Hindi niya na napigilan pa at napalakas ang tawa.

" Kahit saan basta lang mamamasyal tayo. "

--

Excited akong nagbihis dahil mamamasyal kami ngayon ni mama. " Amore hindi ka pa ba tapos diyan? " sigaw ni mama sa labas. Nauna siyang natapos.

" Patapos na po ma, " huling nilagay ang plain headband at lumabas na.

" Ang ganda naman ng anak ko. " natatawa na lang ako sa biro ni mama. I'm wearing a navy blue dress with flat sandals. She's wearing a blue jeans and plain white shirt.

" Mana sa'yo kasi. " nilagay ko ang kamay sa braso niya at naghintay ng masasakyan. Malayo-layo rin kasi ang kabilang bayan.

" Ay taray. Saan punta niyo Elora? " head to foot pa akong tiningnan ni Klofie sabay tingin ng pang-aasar. Mukhang galing pa siyang tindahan dahil may bitbit na mga sabon.

" Mamamasya kami ni mama. " pumalakpak naman siya sa narinig. Akala ko mo good news para sa kaniya. " Ay bet. Pwede sumama? Payag ka na Ninang, " nagpa-cute pa nga. Natatawang tumugon naman si mama.

" Ikaw talagang bata ka. Magpaalam ka muna kay Adel at baka hanapin ka. Mukha pa namang inutusan ka. "

" Kapag pinayagan ba ako Ninang, pwede na akong sumama? " natuwa naman siya ng tumango si mama. Mabilis siyang umuwi sa kanila at nagpaalam.

" Hihintayin pa ba natin 'yon, ma? " birong tanong ko. Pwede naman kasing hindi na.

" Hintayin na natin. Baka magwala pa 'yon, " sabay niya sa biro. Madalas talaga naming pagtripan mag-ina si Klofie dahil sa sobrang pagiging kikay nito at bubbly.

" Seryoso pala talaga at hinintay niyo ko, " sabay kaming lumingon ni mama kay Klofie. Aba't ang bilis makapagpalit ng babaita. She's now wearing white dress, her favorite dress, with plain sandal.

" Bakit ayaw mo ba? Aalis na lang kami, " pang-aasar ko rito. Napasimangot naman siya at mabilis na lumapit sa amin. She even cling her hand to mama arm.

" Hindi na kayo mabiro, " may huminto ng tricycle. Sumakay na kami at pinagkasiya ang sarili.

" Saan ba tayo pupunta, Ninang? " ini-enjoy ko lang ang sarili sa pagtitingin sa dinaanan namin.

" Sa kabilang bayan lang. Balita ko kasi ay may perya ngayon, " mabilis naman akong lumingon kay mama sa narinig. Akala ko next week pa ang perya do'n.

" Bukas na pala ngayon, mama? Akala ko ba baka sa susunod na linggo pa. "

" Ewan. Bigla raw nagbago kaya gano'n, " thinking na sa perya kami pupunta makes me more excited. Minsan lang akong makapunta ro'n. Pangatlong beses pa lang. Hindi katulad ni Klofie na halos walang palya bawat taon.

" Wow! Parang nadagdagan 'yong mga rides nila, " manghang sabi ni Klofie. Nakangangang nakatingin naman ako sa kaniya.

" Paanong nadagdagan na? "

Tinuro niya 'yong parang sasakyan na rides. " Wala 'yan last year. Hindi ko 'yan nakita kaya hindi pa ako nakakasakay diyan. "

" Sakay tayo diyan? " pag-aaya ko. Gusto kong subukan. Minsan lang naman ito. " Gusto niyo ngayon na? " nagpintig naman ang tenga ko sa narinig at nagningning ang mata.

" Puwede mama? " paninigurado ko. Mamaya pala binibiro niya lang.

" Oo naman. Lahat ng gusto mong rides, sasakyan natin, " mas lalong lumawak ang ngiti ko sa narinig. Susulitin ko ang araw na 'to. Sa mga naunang punta kasi namin ay dalawang rides lang ang sinakyan namin dahil 'yon lang ang nasa budget.

Sinamahan namin si mama na pumila sa bilihan ng tickets kahit gusto niya siya na lang. " Sama na kami, ma. Para naman automatic na papasok na lang kami kapag meron na. "

Walang nagawa si mama kung hindi hayaan kami na nasa gilid niya. Habang naghihintay na kami ay nililibot ko naman ang tingin. Napahinto ako ng makita ang bilihan ng mga iba't ibang gamit. May nakita rin akong magandang design ng headband. Magpapabili ako no'n mamaya.

Hindi masiyadong mabilis ang takbo ng sinakyan na rides pero feel na feel mo hangin. We try different rides na gusto naming sakyan.

" Ma, kain na muna tayo, " nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Tumingin pa ako kay mama habang nakahawak sa tiyan.

" Oo nga naman Ninang. Gutom na rin ako, " sus nakarinig lang ng salitang kain eii bigla na agad ginutom.

" Do'n tayo kakain. Balita ko masarap daw pagkain do'n, " turo niya sa isang stall na nakahilera. Parang may food court din dito kaya hindi mo na kailangan na masiyadong maglibot para lang makabili.

" Anong gusto niyong kainin? " nagtitingin naman ako sa parang menu nila na nakalagay sa may dingding sa loob ng stall.

" Large burger and avocado shake na lang, ma, " sunod namin tiningnan si Klofie na namimili pa rin. " Gusto ko niyan, Ninang. 'Yang footlong, french fries, and mango shake. " umorder na rin si mama.

Hindi rin naman nagtagal ay nakuha na namin ang order. Naghanap kami ng mauupuan na hindi masiyadong matatamaan ng araw.

" Pagkatapos nito saan niyo gusto sunod na pumunta? " pumasok naman sa isip ko ang tindahan na may headband.

" May nakita akong bilihan do'n mama. May headband po silang display. Bili mo ko no'n, " matagal-tagal na rin kasi 'tong headband na gamit ko.

" Puntahan natin 'yon pagkatapos kumain. Ilan ba gusto mo? "

" Isa lang po, " ayaw kong masiyado siyang gumastos dahil sa'kin. Sapat na 'tong naka-bonding ko siya.

" Ikaw Klofie, may gusto ka bang puntahan o bilhin man lang? " parang malalim ang iniisip ni Klofie.

" Actually, meron Ninang. Gusto kong bumili ng bagong phone case. May nakita ako no'n dito. "

" Puntahan natin mamaya para makabili ka, " kumunot ang noo ko ng sumimangot siya. Ano namang problema nito?

" Anong mukha 'yan? " mukha naman kasi siyang timang. " Baka kasi pagalitan ako ni mama. Bago pa lang 'tong case ng phone ko, " hindi ko na napigilan pa at napatawa ng malakas. Mas lalo siyang sumimangot sa reaksyon.

" Huwag ka na lang muna bumili. Hanap na lang tayo ng iba mo pang mapipili, " suggest ko ng humupa na sa pagtawa. Paano ba naman tinapik ako ni mama at nag-sign na huwag tawanan pa ang kaibigan.

" Pero kasi ang ganda no'n. Sayang naman, " nanghihinayang ang boses nito. Slow motion na nginunguya ang fries at nakatingin sa baba.

" Kung wala ka na talagang ibang mahanap pa, bilhin mo na lang. Sabihin mo agad kay Adel para hindi na magalit pa, " suggest ni mama. Pampalubag loob sa kaniya. Nag-angat ng tingin at bahagyang ngumiti.

" Buti pa nga siguro ninang. Kasi kung nakabili na ako, wala na rin namang magagawa pa si mama, " kung kanino parang nabagsakan ng lupa ngayon bigla-bigla na lang tumatawa dahil sa ideya. Baka nabaliw na siya.

" Siraulo. Ang sama ng naisip mo, " pero ang gaga inismiran lang ako at muling nag-focus sa pagkain, may kasamang malaking ngiti sa labi.

" Saan tayo una pupunta? " sabay kaming nagtaas ng kamay ni Klofie.

" Do'n tayo sa bilihan na gusto ko mauna, ma. "

" Hindi, dapat do'n muna sa akin. "

" Mali ka. Sa'kin muna para makapili ka pa ng iba, " nagsimula na naman kaming nagtalo.

" Bato bato pick na lang kayo para patas. " sinunod namin ang sinabi namin ni mama. Inasar ko naman si Klofie dahil talo siya.

" Sabi sa'yo eii. Do'n tayo sa gusto ko mauna, " ginaya niya lang ang sinabi ko. Bandang huli sabay din tumawa sa kalokohan. Ganito kami minsan.

" Tara na? " masayang tumango naman kami. Maglalakad na sana papunta ro'n ngunit napahinto rin ng may tumawag sa phone ni mama.

Tumingin si mama sa amin. Tumango naman ako para sagutin niya ang tawag. " Saglit lang 'to. "

Bahagyang lumayo si mama. Muling bumalik naman kami sa pagkakaupo. " Sunod nito, saan tayo next pupunta? "

" Hindi ko pa alam. Wala naman akong masiyadong alam na puntahan dito kumpara sa'yo, " nag-peace sign naman siya ng mapagtanto.

" Oo nga 'no. Kapag wala na tayong pupuntahan pa at may oras pa, ipapasyal ko na rin kayo sa alam kong pwedeng puntahan, " bahagyang birong umismid pa ako. Bakit kapag siya ang nagsabi niyan nagtutunog mayabang? Charot-charot lang. Mamaya baka batukan pa ako nito.

" Asahan ko 'yan Klofie Shane Astro, ah? " mabilis naman siyang tumango. Hindi pa nga nangyayari nae-excite na naman ako.

Umupo sa tabi ko si mama pagkabalik niya. Pero pansin ko na agad ang buntong hininga niya at tila malungkot.

" Sino 'yong tumawag ma? " may halong lungkot na tiningnan niya ako sa mata.

" 'Yong may-ari ng grocery store na pinagtatrabahuan ko, " parang may alam na ako kung bakit ganiyan ang mukha niya.

" Pinapapunta po kayo? " nakangiting tanong ko. Tumango naman siya.

" Dapat pala bumalik na tayo para makapunta ka na roon, " ako pa ang unang tumayo. Tumingin ako kay Klofie, ngumiti siya at tumayo rin.

" I'm sorry, Amore, Klofie. Hindi natin matutuloy ang pamamamasyal ngayon. "

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

" Ano ka ba mama. Naiintindihan ka namin. Hindi ba Klofie? " mabilis naman na tumango si Klofie.

" Totoo 'yon Ninang. Kaya umuwi na tayo para makarating ka na roon. "

Napangiti naman si mama at tumayo na rin.

" Isa pa mama, marami pang araw at pagkakataon. Pwede naman sa susunod na ulit tayo mamasyal. "