Chapter3: Finding a New Job
Elora Amore Point of View
" Anong nangyari do'n at nagsisigaw na? " nagtatakang tanong ni Klofie ng makalapit ako sa kaniya.
" Aba malay ko sa kaniya. " kibit-balikat na alibi ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga alam 'no.
Naglakad na kami pauwi. " Walang pasok bukas, anong plano mo? Sa amin ka ulit? " madalas kasi akong nakatambay sa kanila tuwing sabado, tuwing linggo naman kami ni mama ang magkasama. Tuwing linggo lang siya walang pasok.... noon.
" Baka gano'n na nga. Pero depende kung walang pasok si mama, baka samahan ko pa siya. Pero kahit na pala may pasok siya makakasama ko pa rin. Panggabi naman pala trabaho niya. Alam mo naman. " tumango-tango na lang siya. She still cling her hand on me. Kumakanta-kanta pa, hindi alintana kung maistorbo ang ibang kasabayan namin.
" Sino 'yan? " napahinto pa sa paglalakad. Nagsalubong naman ang kilay ko habang sinusuri ang isang pigura ng babaeng nakatayo sa sira naming gate.
Nagkibit-balikat lang at bahagyang hinila siya para maglakad ulit. " Excuse me po. Sino po sila? "
Napapitlag naman sa bigla naming pagsulpot sa tabi. Hindi inaasahan ang presensya namin dahil sa pagkakatulala habang nakatitig sa bahay.
" Uhm.. " she clear her throat bago humarap sa amin. " Ano pong kailangan niyo? " mababang tanong ni Klofie sa kaniya ng hindi pa rin ito nagsasalita.
" Uhmm... ano. Wala naman. Sige, a-ano.. aalis na ako, " aligagang sagot niya na halos hindi namin maintindihan. Naglilikot ang tingin at hindi mapalagay ang kamay.
Mas lalo namang nagkasalubong ang kilay ko sa kinikilos niya. Hindi na niya pa hinayaang magsalita kami at aligagang umalis sa harap.
" Ang weird naman no'n. " komento niya. I bite ng cheek inside. " Uwi ka na lang sa inyo. " birong pagtataboy sa kaniya pagkatapos mawala sa paningin ko ang babae. Napasimangot naman siya.
" Hmp. Ikaw talagang babae ka. " nagmartsa na siya palabas. " ngunit huminto ng makalagpas sa gate at muling humarap. " Sa amin ka kaya muna tumambay habang wala pa si Ninang, " suggestion niya. Napa-isip naman ako.
" Huwag na 'no, " umasim at napanguso naman siya. " May gagawin pa ako. Kaya go. Uwi ka na. " marahas na tumalikod at nagpatuloy sa pagmartsa. Pumasok na ako sa loob at nagbihis.
Naisipan kong maglinis na lang ng bahay. Baka sakaling walang pasok si mama bukas edi wala na siyang masiyadong gagawin pa rito sa bahay. Nagluto ng hapunan. Nagtabi na rin para sa kaniya sakaling gutumin ito pagka-uwi. Kaunting review atsaka natulog na ng lumalim ang gabi. Tiniyak ko namang naka-lock ng mabuti ang bahay.
Naalimpungatan na naman ng dumating siya. This time, nakatalikod sa akin at may kausap sa phone.
" Sa tingin mo ba hindi ko sinubukan? No, I'm trying. I'm trying my best to find a descent job as soon as possible. Hindi ko rin naman gusto na roon magtrabaho kahit pansamantala man lang. Pero wala eii. Wala akong choice kung hindi roon muna. " napatigil sa paghahanap ng damit at humilig sa lagayan ng damit. Nakikinig sa kung ano mang sagot ng kausap niya. Wala siyang sinasabing pangalan kaya hindi rin matukoy kung sino ang kausap niya.
" Hindi puwedeng umalis ako roon habang wala pang nahahanap na ibang trabaho. Alam mo namang kailangan ko ng trabaho. " narinig ko pa ang munti niyang buntong hininga. Hindi niya alam na nagising ako. Nanatiling nakahiga habang nakatihaya, nakatitig sa kisame.
" Huwag kang mag-alala hindi ako aabot sa puntong 'yan. " narinig ko na lang ang pqgkasara ng pinto. Pinilit ko na lang na matulog ulit kaysa mag-isip pa sa bagay na 'yon. Mamaya malaman pa ni mama na nakikinig ako sa usapan nila.
" Ito na, paalis pa lang ng bahay. Hinihintay ko ring magising si Amore bago umalis. " nagising ako sa ingay ng kilos ni mama. Humihikab na bumangon ako. Bihis na bihis siya. Lumingon ng mapansin na gising na ako.
Bahagyang nilayo ang phone sa kaniya at lumapis sa akin. She kiss my forehead, " good morning, baby. "
" Good morning, ma. " pinasadahan ko ang suot niya. " Aalis si mama ngayon at may naghahanap daw na empleyado sa kabilang bayan. " agap niya ng mapansin ang tingin ko sa suot niya.
" Saan? Anong trabaho 'yan, mama? " binalik niya sa tenga ang phone. " Tawagan kita ulit mamaya. " sabay patay ng tawag. Umupo ng maayos sa tabi ko.
" Hindi ba may grocery store sa kabilang bayan? " tumango naman ng maalala. 'Yon ang bukod tanging grocery store na malaki-laki at malapit dito.
" Naghahanap sila ng dagdag na tindera ngayon. Kaya naisipan kong mag-apply. " mahinang hinaplos niya ang buhok.
" Kapag ba natanggap ka riyan ma, hindi ka na magtatrabaho sa bahay aliwan? " sa ideyang aalis na siya roon ay nagbigay ng sa akin. Hindi na naitago ang saya ng tumango siya.
" Kaya ipagdasal mo si mama na matanggap doon. "
" Oo naman. " napatawa sa mabilis kong sagot. " Kaya aalis na muna si mama para mag-apply doon. May pagkain na sa baba kaya kumain ka na rin. " tumango na lang habang pinapanood siya na muling ayusin ang sarili.
" Alis na ako. Kung wala kang magawa, doon ka muna kila Klofie, okay? "
" Opo, ma. Huwag ka ng mag-alala pa. " tuwing aalis siya at maiiwan akong mag-isa, laging ganiyan ang sinasabi niya. Para bang may mangyayaring masama sa akin kung mag-isa lang ko. Hinalikan ulit ang noo ko bago tuluyang umalis.
Bumangon naman at niligpit ang pinaghigaan. Kumuha ng damit at naligo bago kumain. Pinag-iisipan ko Kung anong magandang gawin ngayon pero wala akong maisip.
" Punta na lang ako kila Klofie. " napatango ako sa ideyang 'yon. Pumunta ako sa kwarto at kinuha ang phone at kunting pera.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ulit 'yong babae sa harap ng gate namin. Nagulat pa siya sa paglabas ko. Lalapitan na sana ngunit agad na naglakad paalis ito. Walang lingon-lingon.
" Ang wierd niya talaga. " bulong sa sarili at winaglit na lang sa isipin. " Tao po. "
" Ate Elora ikaw pala. Pasok ka na sa loob lang si ate. " si Karen, kapatid ni Klofie, ang nagbukas ng gate. Nakabihis pang-alis ito.
" Saan ka naman pupunta? May date ka 'no? " namula naman ang mukha niya sa pang-aasar ko. Mabilis na umiiling-iling.
" Hindi, ate 'no. May project lang kami ng mga kaklase ko. " napatawa na lang ako sa tunog defensive na sagot niya. Nagpaalam na siya at mabilis na umalis.
" Pasok ka na lang po sa loob. " bahagyang sigaw niya. Mas bata ng dalawang taon si Karen sa amin.
Naabutan ko si Klofie na nanood ng palabas. Focus na focus pa talaga at hindi man lang napansin ang presensiya ko. Dahan-dahan na naglakad sa pwesto niya at ginulat siya.
" Ay palaka. " tumatawang umupo ako sa tabi niya nang hampasin ako nito ng mahina.
" Siraulo ka, Elora. Nanggugulat pa talaga. Kita ng horror ang pinapanood ko. " sinamaan niya ako ng tingin. Inosente ko siyang tiningnan at ang palabas.
" Aba, nalay ko ba na horror pa 'yan. " totoo naman kasi. Hindi ko na napansin kung anong klaseng palabas ang pinapanood niya.
" Bakit ka nandito? May pasok ba si ninang? " kumuha ako ng chips na nasa kandungan nga.
" Wala pero nag-aapply siya ngayon sa malaking grocery sa kabilang bayan. " umasim naman ang mukha niya at nawala na ang atensyon sa pinapanood.
" Any layo no'n ah. " reklamo niya. Kung makareklamo 'to akala mo siya ang natatrabaho.
" Hindi naman masiyado. Isa pa, mas mabuti na 'yon kung matatanggap siya roon. Ibig sabihin, hindi niya na kailangan magpuyat pa. " napa-isip naman siya at muling bumalik ang tingin sa pinapanood.
" Elora, nandito ka pala. " binati ko si Tita Adel ng makalapit sa pwesto namin. " Opo, Ninang. Wala po kasi akong magawa sa bahay. "
" Nakita ko ngang dumaan si Serene sa tapat. Saan ang lakad no'n at bihis na bihis. " wala pa lang alam si Ninang.
" Mag-aapply po bilang tindera sa grocery store doon sa kabilang bayan. " napangiti naman siya.
" Mabuti naman kung gano'n. Magkakaroon na siya ng maayos na tulog. " hindi na ako nakasagot pa ng tumunog ang phone niya. Nagpaalam na siya sa amin.
" Grabe, ang lakas talaga ng kapit ni Ninang Serene sa taas. " sumang-ayon naman ako kasi tama siya.
" Akalain mo 'yon, magkakaroon na rin siya ng maayos na trabaho at hindi na sa bahay aliwan. Ibig sabihin din no'n, mananahimik na 'yong bibig ni Laila," napatawa naman ako ng makuha ang ibig niyang sabihin.
Siguro naman kung matatanggap si mama roon ay titigilan na niya ang pagkakalat ng balita na hostess siya.
" Sana nga gano'n. Kilala mo rin naman 'yon, ang bilis makahanap ng fake news sa buhay ko, " siya naman ang napatawa sa sinabi ko. Mas malakas pa nga ang tawa niya kaysa sa'kin. Totoo rin naman ang sinabi ko. Kaya talaga minsan, hindi ko maiwasan kung pagiging chismosa ba ang trabaho ng mama niya sa munisipyo kasi ang galing makakalap ng balita, mali-mali naman.
Kaya rin mas marami pa ang nakakaaway kaysa kaibigan eii. Nabibiktima ng maling balita niya na pinagkakalat nila mag-ina.
" Kaya nga gigil ako sa babaita na 'yon. Kapag talaga ako ginano'n niya, ha! Makikita niya hinahanap niya. Ang kapal niyang magkalat ng pekeng chismis. " sa tindi ng inis niya, natapon tuloy ang chips. Kaya ang ending, naglinis siya ng kalat.
" Hayaan mo na. Ganiyang klaseng tao, hindi na pinapatulan pa. May karma rin na darating sa kanila. Lahat ng ginawa nila sa iba, baka mangyari rin sa kanila. "